Chapter Four - Dinner

A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro.  Just check my store named: Gretisbored.

For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.

*******************************

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ang sinabi ni Liam. Nagselos daw ako sa kanya at sa magandang sales lady ng Aeon kung kaya lumayas ako nang walang paalam. Sa inis, pinrangka ko siya.  Sinabihan kong papano ako magseselos kung may iba akong napupusuan? Pagkatapos nun, nagpaalam na ako agad at binaba ang telepono. 

Nakadalawang hakbang palang ako palayo nang nag-ring na naman ito. Sira-ulong Liam! Kung kanina ay mukhang na-guilty ako sa mga sinabi, ngayo'y bwisit na bwisit na ako sa pangungulit niya. 

"What?!" Galit kong tanong agad sa kanya. 

"Hey, is that how you were taught to answer a call?" ang tanong ng isang malumanay na boses sa kabilang linya. Tama ba ang narinig ko? Namula ang aking pisngi. Si Brian pala! 

"Oh, I'm sorry. I really am,"  paghingi ko ng paumanhin. Mababa na ang boses ko. "I thought you were someone else."

 "Who did you think I was?" interesadong tanong ng lalaki. 

 "Never mind," sagot ko na lang.

 "Oh, did I just sense a lover's quarrel?"

Gusto kong barahin ito na 'it's none of his business' pero pinigilan ko ang sarili. Sa halip, minabuti kong di ito sagutin kaysa humaba pa ang usapan.

"Am I right?" Nangulit. 

"No. I was just in a bad mood. I haven't found anything I like in the store today. I was planning to buy a bed, you know," sagot ko.

"Oh. Too bad. But come to think of it, sleeping in a nice futon (mattress) is a lot better than sleeping in a bed. Believe me. It's more exciting and liberating to do it on the floor with just a futon...if you know what I mean." 

Nainis ako sa ibig niyang sabihin. Kaya, sinagot ko siya ng, "Look Brian, if you called to insult me, I'm busy. I have to go." 

"I'm sorry. Actually, I called to ask you if you are free this Sunday. My friend and I are going to Hiroshima for sightseeing. I just thought you might want to go with us." 

Iniimbita ako ni Brian mamasyal? Himala! 

"Are you inviting me to go with you and your friend?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. Gusto ko lang kompirmahin kung tama ang pagkakarinig ko. 

"Yeah, I am. Are you in?" 

"What about your fiancée?" paninigurado ko. Okay lang ba yon kay Maiko?

"She's going with us, too. I just thought that my friend, Greg, would love to have a female companion as well," sagot nito. Nalungkot ako. Akala ko pa naman gusto niya lang akong isama. Hindi ko naman ipinahalata ang pagkadismaya ko. 

"I'll think about it," sabi ko na lang. 

"Could you tell me now so I can invite other girls in the program in case you're not interested? I need to call Greg about it tonight so we can finalize the plan."

"Are you always this impatient?" naaasar kong tanong. "All right. If you want a straight answer...it's no. I have already made some plans for Sunday," pagsisinungaling ko na lang. Ano siya sinuswerte? Akala niya manika akong de-susi? Na pag sinabing sumayaw, sayaw agad? 

"Fine. Thanks, anyway," at binaba agad nito ang telepono.

Nagsisi tuloy ako kung bakit di tinanggap agad ang paanyaya niya. Gusto ko pa sanang marinig ang boses niya.  Hay, nakakaasar! Ang arte ko kasi! 

************************************

Nagsa-shopping ako sa Aeon Mall nang tumunog ang keitai (cell phone) ko. Meron akong c-mail o text message na galing sa di kilalang number. Binasa ko ang mensahe. At ganun na lamang ang tuwang nadarama ko nang makita ang pangalang naka-sign sa ilalim ng text. Brian Thorpe.

Ang sabi: "Got your contact from Macky. Need to see you ASAP. Free tonite? Meet me at Soja Bar."

Sinagot ko ang c-mail niya. "What time do you want us to meet? I'm free at 7." Ise-send ko na sana ang message nang maalala na nagsinungaling nga pala ako sa kanya na busy ngayong araw kung kaya di ako nakasama sa trip sa Hiroshima.

Binura ko ang ang "I'm free at 7." Nag-isip ako ng isasagot habang pinapalipas ang oras. After twenty minutes, ito ang isinagot ko: "I'll be done after 8:30. But not sure if there are still buses that go to the city at that time. Why do you want to see me?" 

Di pa nakaisang minuto, may sagot na siya. "Let's talk about it over dinner. Okay, I'll pick you up at 8:40. Be ready by then. I don't like to wait." 

Aba, sampung minuto lang ang binigay na palugit sa akin? Pano kung wala ako sa bahay? Pano kung meron pala akong arubaito (part-time job) na hanggang alas otso y medya? 

"Make it nine...." sagot ko na lang dito. Inasam-asam ko ang sarcasm na isasagot niya sa akin pero wala akong natanggap na reply. Nakauwi na ako't lahat, wala pa rin. Napasimangot na naman ako.  Bwisit siya talaga!   

Eksaktong alas otso kuwarenta tumunog ang buzzer ko. Sinabi ko nang alas nuwebe a! Talagang sinunod ang gusto niya. Pwes maghintay ka dyan! 

Buti na lang at nakabihis na ako nang mga oras na yon. Sinipat ko muna ang repleksyon sa full-length mirror. Umikot-ikot pa ako at nag-pose. Pano ko kaya sya batiin? "Hello. Nice to see you again." Masyado namang walang kalatoy-latoy. "Hi. Good to see you." Wala ding charm. Pano kaya? "Hey, you!" at ngumiti ako nang ubod tamis?

Napalundag ako nang marinig ang sunud-sunod na tunog ng buzzer. Parang sobrang impatient na ang bisita ko. Napatakbo ako sa pintuan.

"What took you so____?"

"You're so goddamn impatient! I said nine o'clock!" Natigilan ako nang ma-realize na sa kadami-dami kong pinraktis na greetings, nauwi rin sa pagtataray.

Hinagod niya ako ng tingin. Kitang-kita ko ang nabuhay na pagnanasa sa mga mata niya. Titig na titig siya sa aking dibdib. Litaw kasi ang cleavage ko sa suot na pulang blusa na hapit na hapit sa katawan. Mahaba at maluwang ang manggas nito at animo mga pakpak kung itaas ko ang aking mga braso. Siguro, hindi ito sanay sa malalaki ang hinaharap dahil nakita kong flat-chested ang nobya niya.  Matapos magpakasawa ang mga mata niya sa aking dibdib bumaba ang mga mata niya sa makikinis kong hita na litaw din dahil sa suot kong itim na mini-skirt. Tinernuhan ko ito ng itim ding leather boots na hanggang tuhod. 

Napahalukipkip ako tsaka may pagka-conceited na tinanong ko ng, "Satisfied?" Nakataas pa ang isa kong kilay. 

"I was just thinking of having a light meal at Soja Bar...with you," kalmadong pahayag nito. Balik sa dating Brian. Yong antipatikong Brian.  

"Yeah, I know," sagot ko naman kahit medyo disappointed. I was hoping kasi na he would change his mind. Hindi rin pala. 

"But you're so dressy for just a ...," at napakamot na ito sa ulo. "Don't you have anything more casual? The one that would be appropriate for Soja Bar?"  

Aba, ang kumag! Iniinsulto ba niya ako? 

"When we get to Soja Bar you'll find out that I am just as casually dressed as any Japanese girls who frequent that bar. This is even more simple," inis kong sagot. Naiinsulto na kasi ako. Akala ko pa naman na-impress ko siya. 

"I know. But you're not Japanese." 

"What is that supposed to mean?" naningkit na ang aking mga mata sa inis. 

Napataas na lang siya ng kamay na animo'y sumusuko nang makita niya na medyo napikon na ako sa kanya. "Never mind. Let's go," at nauna na itong bumaba. 

Di muna ako nakakilos agad. Iniisip ko pa kung susunod dito o ipagpaliban na lang ang paglabas namin. Sumama ang loob ko sa huli nitong komento. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Wala akong karapatan na magbihis nang ganoon ka bongga dahil hindi ako Haponesa? O hindi bagay ang suot ko sa akin dahil di ako Haponesa? Napaka-rascist talaga ng hayop na lalaking yon! 

Binusinahan ako ng loko-loko. Tatlong malalakas na busina. Nun lang natigil ang aking pagmumuni-muni. Galit akong bumaba ng hagdan.

"Hey! Are you nuts? You're going to make my neighbors hate me," reklamo ko at tinadyakan ang side door ng driver's seat. 

Natawa siya. Nun ko lang ito narinig na tumawa na ako ang dahilan. Lagi kasi itong nakasimangot o aburido kung kausap ako. 

"I saw your panties, crazy girl. Get in before your neighbors come out and interrogate the crazy gaijins," sabi niya sa akin nang nakangisi.

Pinamulahan ako sa sinabi niyang nakitaan niya ako. Binibiro lang ba ako nito?

"Yeah. The sexy, black one I saw you holding in that lingerie shop. Nice choice," sagot nito sa katanungang naglalaro sa aking isipan. 

Nag-blush ako. Nakitaan nga niya ako! 

Nang buksan niya ang passenger seat sa tabi niya, di na ako nag-isip pa. Sumakay na lang ako ng kotse at di na umimik pa. Iniisip siguro ng lalaking ito na hinihintay kong may mangyari sa amin ngayong gabi kung kaya seksing undies ang suot ko. Nakakahiya. Nag-blush na naman ako. 

"There's no need to be embarrassed about it. It was meant as a compliment," sabi uli niya. Parang nabasa ang laman ng aking isipan. Ano ba to, psychic? Mind-reader? Hindi pa rin ako umimik. 

"When I said it was a nice choice, I mean it. In fact, I even like it," at sinulyapan niya ako. Pwede ba, tigilan mo na ako? Lalo lamang akong nagiging uncomfortable. Hindi ko namalayang napasimangot pala ako. 

Natawa na naman siya sa reaksyon ko. Enjoy na enjoy yatang pagmasdan akong parang di mapalagay. Nakakairita talaga siya. 

"I shouldn't have agreed to go out with you tonight," naaasar na sagot ko habang kagat ang ilalim na labi. Pinipigil ko ang sariling magmura. Feeling ko kasi pinagtatawanan niya ako. Baka nabisto na attracted ako sa kanya? 

"This is not really a date. Soon you'll find out."

Pinamulahan na naman ako. Baka isipin nga nito na masyado akong assuming. Nanlumo ako. Para akong sinampal sa narinig.  

Mayamaya pa, napansin kong iba na ang tinatahak naming landas. Hindi na yon papunta sa  Soja Bar. Papalabas na ata kami ng Muromachi. Napatingin ako sa kanya sabay sabi na iba na yata ang dinadaanan namin. 

"We're going to a nice restaurant since you are dressed for it," sagot niya sa akin. 

"I said, I'm okay with Soja Bar. I'm not picky," sabi ko naman. Ayaw ko kasing isipin nito na masyado akong nag-assume. 

Di niya ako pinansin. Sige lang ito sa pagmamaneho. Makaraan pa ang ilang sandali, lumiko na ang kotse at pumarada sa parking lot ng Hotel Granvia. Kinabahan ako. Ano ang gagawin namin dito? 

"Relax. You can trust me," ang sabi nito sa akin nang makita ang aking kalituhan. Nakangiti siya. Lalong kumabog ang dibdib ko sa excitement nang makita kung gaano siya ka-guwapo ngayong nakangiti na. Ang swerte talaga ni Maiko. 

Dinala niya ako sa sky lounge ng hotel kung saan naroroon ang mga eleganteng restawran. Kahit na naka-casual pants at polo shirt lang siya ay mukha pa ring kagalang-galang. Kaya bumagay din ang get-up sa pinuntahan naming kainan. 

Magiliw kaming binati ng waiters at waitresses sa pinasukan naming French restaurant. Marunong ng Ingles ang head waiter na siyang nag-istima sa amin. Walang masyadong tao sa loob ng restawran kaya di na namin kailangan pang maghintay. Pinapasok na agad kami. 

Kitang-kita ko ang buong siyudad mula sa kinauupuan namin. Glass kasi ang dingding at nakapuwesto pa kami malapit dito. Ngunit wala namang masyadong espesyal sa nakikita ko sa paligid dahil puro neon lights lang naman at buildings ang naroroon. 

Nag-order ng white wine si Brian. 

"Oh, I forgot to ask you which one you prefer. Do you want me to ask them for a red wine, too?" ang sabi nito sa akin.

"No. I don't like red wine. White is just fine." Natuwa ako nang lihim nang malamang parehas ang gusto naming wine. Good start. Ayan ka na naman, Alexandra e. 

"That's good. I don't like red wine either. Maiko learned to drink white wine when we started dating," proud na sabi nito. 

Ano pa nga ba ang mai-expect mo sa Haponesa? 

"You might be wondering why we're here. You see, I found some very important details about you today. Do you still remember Gary?" 

"Yeah. Of course. He was one of the panel members who interviewed me." 

"Yeah. He told me that your mother was from Ilocos. You mentioned it to him during the welcoming party," pagpapaliwanag nito nang makita siguro akong medyo nalilito. 

Pilit kong inisip ang pakikipag-usap sa Gary na yon pero di ko masyadong maalala talaga. Ganun siguro ako ka-bored nun.

"Yeah, my mom was from Vigan. What's that got to do with our meeting tonight?" naiintriga kong tanong. Tinitigan ko siya. 

"My mom is from Vigan, too. The same village as your mom's," malungkot niyang sagot. Nakatingin sa malayo. Nilalaro ng isang daliri ang hawakan ng wine glass. 

Hindi ako nakapagsalita sa narinig. Napaawang ang aking mga labi. May dugong Pilipino ang lalaking ito? Wala sa hitsura, a. Blond kasi ang buhok nito na medyo mahaba nang konti. Asul na asul pa ang mga mata na tulad ng pagkaasul ng langit kung maganda ang panahon. Matangos ang ilong nito na katulad ng typical Caucasian at maputi ang balat. Kahit saang anggulo tingnan, hindi mo mapagkakamalang may halong ibang lahi. 

"My Dad is British. He met my mom when he went to the Philippines for a vacation one time. Mom is of Filipino-Spanish descent," pagpapaliwanag niya dahil parang hindi ako makapaniwala. "I grew up in a single-parent household. My mom left us when I was barely a year old. I never get to know her," dugtong pa niya. 

Malungkot na malungkot ang mukha niya. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. Naantig ang aking damdamin sa kuwento.  Ini-imagine ko ang baby na Brian na iniwan ng ina. 

"I'm sorry to hear that. But if its any consolation, I lost my mom when I was six. She died in childbirth. My little brother also died with her," kaswal kong kuwento. Gusto kong ipahiwatig na mas malala ang nangyayari sa iba kaya huwag siyang masyadong malungkot. 

"Oh. That's sad. You lost two. At least in my case, I might find her someday. Who knows," at nagkibit-balikat ito na parang hindi masyadong umaasa na magkatotoo nga yon. Pakiwari ko'y nangungulila ito sa ina. 

Parang nakakapanibagong makitang malungkot si Brian. Hindi bagay. Lalo na't parang batang paslit ito. Too vulnerable.

"Do you really want to see her again someday?" naku-curious kong tanong. Karamihan kasi sa mga anak na sa ganoong sitwasyon ay hindi na nagnanais pang makita ang magulang na naging dahilan ng pagkawasak ng kanilang tahanan. 

"I don't know. Maybe," at nagkibit-balikat ulit. Nagpatuloy ito sa pagtungga ng wine. Letse, mukhang mapaparami ata ito ng inom. Pano kami makakauwi? Napakaistrikto pa naman ng mga Hapon when it comes to driving under the influence of alcohol. 

Nabatid kong nananabik siya sa ina. Di naman niya siguro ako ora-oradang imbitahin na mag-dinner para sa hindi importanteng dahilan. Nakaramdam ako ng lungkot. Nag-ilusyon lang pala talaga ako kanina.

"Dad said that Mom's family was very poor. Her Dad, my grandfather, lost his business to gambling. He was addicted to, what do you call that, cockfighting?" nangiti ito saglit sa huling tinuran. Naisip siguro ang double-meaning.  Tumango ako. 

"Maybe some people you know or your relatives from your mom's side knew Mom's family. I'd like to know my roots. I'm getting married soon and it would be great if I can get to know the other half of me. Can you help me?" seryosong pahayag pa niya. 

Hayun, lumabas din ang totoo. Gusto ngang makita ang ina. Nalungkot ako nang marinig ang pagpapahayag nito ng planong pagpapakasal. Hindi nga pala nagbago ang isip niya. Kala ko pa naman may pag-asa na ako kanina. Hay, dream on, Alexandra

Nagkuwento pa ako nang nagkuwento tungkol sa Vigan. Andami niyang tanong. Pilit ko namang inaalala ang hometown ng mommy ko. Hindi ko sukat akalain na ang lugar na taken for granted ko lang ay siyang maging daan para mapalapit ako sa kanya.  May naisip ako. Tama. May panahon pa. Get a hold of yourself, Alex. Engaged na yan, for God's sake.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top