Chapter Forty-Two - Rendezvous
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
****************************
Parang gusto ko nang maniwala kay Brian na mainam ang pagkakaroon ng peridot. Kasi naging tahimik at blissful ang sumunod na tatlong linggo. Katunayan, sobrang saya namin no'ng New Year's Eve. Sabay naming sinalubong yon kasama ang mga malalapit kong kaibigan. Nakipag-usap pa si Macky sa kanya nang matagal-tagal. Tsaka naging mabait din sina David at Ricardo sa kanya. Sa loob ng tatlong linggo ay wala akong narinig tungkol kay Mayu. Parang bigla itong nawala sa eksena.
"You look so gorgeous recently, sweetie," bati sa akin ni Rhea nang makasabay niya ako sa pagpasok sa city hall.
Napangiti ako sa kanya. "You too," sabi ko. Walang halong bola yon. Napansin kong gumanda ang aura niya. Nakabuti ang dalawang linggo niyang bakasyon sa kanila sa US.
"Well, I've realized that there's more to life than boys," at tumawa ito. "Oh, by the way, I brought you something from home." May kinuha ito sa bag at inabot sa akin. Isang acrylic fridge magnet, keychain, at Mrs. Fields cookies.
"Oh. Thanks, Rei."
"Where's Brian?" tanong nito. Nagtaka kung bakit hindi kami magkasabay ngayon.
"He went ahead because he had some work to do. Mark asked him to help fix our home page. So he came a lot earlier," paliwanag ko.
"I see. I heard things are going well with you both," sabi nito na may halong panunukso. "At last, ne? I told you so. You just have to trust him."
"Yeah, I know. Thanks for your advice."
Nauna na ako sa fifth floor kung saan kami magmi-miting dahil dumeretso pa sa ninth floor si Rhea. Idadaan daw muna niya ang omiyage (souvenir) kay Fujita-sensei.
Malapit na ako sa silid kung saan kami palagi nagmimiting nang matanaw ko sa di kalayuan sina Brian at Macky na parang mainit na nagdidiskusyon. Nasa dulo sila ng hallway. Mukhang galit na galit na ang kaibigan ko dahil tinutulak-tulak na niya sa dibdib si Brian. Ang boyfriend ko nama'y parang sobrang nagpapaliwanag. Ayaw ko sanang makialam pero mukhang susuntukin na talaga ni Macky si Brian.
"Hey, guys. What's up?" bati ko sa kanila. Nasa mukha ko na rin ang labis na pag-aalala.
Nabigla sila pareho. Kaagad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Macky. Naging malambot. Nilapitan niya ako at niyakap. Tsaka walang sabi-sabing umalis. Naiwan kami ni Brian. Niyakap din niya ako nang mahigpit at hinalikan sa ulo. Tiningala ko siya. Tinanong kung anong nangyari at bakit galit sa kanya si Macky? Hindi naman gano'n yon. Noon ko nga lang nakitang sobrang nagalit.
"It's nothing," tanging sagot ni Brian. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa meeting room. Dumeretso siya sa chugakkō (junior high school) group samantalang ako nama'y sa shogakkō (elementary).
"Hey darling," bati sa akin ni Ricardo at humalik pa sa pisngi ko. Sobra naman itong sweet sa akin ngayon.
"Hey Alex," si David naman. Umakbay pa sa akin.
Kumunot ang noo ko sa dalawa. Bakit ang OA nila ngayon? Mabait sila sa akin, alam ko. Pero hindi naman sila gano'n ka-sweet sa akin dahil linggo-linggo naman kaming nagkikita.
Nang sulyapan ko naman si Macky, mukhang galit pa rin ito. Katunayan, nahahagip ng tingin ko ang mga pagkagat-kagat niya ng labi. Halatang may kinikimkim pa rin. Nagtaka ako. Bakit kaya? Mukha namang okay sila ni Brian noong New Year's Eve.
Pumagitna na si Mark Dale sa harap. Mag-uumpisa na ang meeting pero wala pa rin si Rhea. Nakapagbigay na ng instructions sa amin si Mark nang pumasok ang kaibigan ko. Nang dumaan ito sa gilid ko, humawak siya sa balikat ko bago dumeretso sa bakanteng upuan sa tabi ni Liz.
Pagkatapos magsalita ni Mark, naggrupu-grupo na kami. As usual, sila David at Ricardo pa rin ang mga kasama ko. Tinapos namin agad ang nakatoka sa aming worksheets kaya nagtsika-tsika na lang kami pagkatapos. May nase-sense ako sa dalawa. Parang may gustong sabihin sa akin pero parang nag-aalangan. Nang usisain ko naman, tumanggi. Wala raw. Naisip ko tuloy, related kaya yon sa ikinagagalit ni Macky?
Nang mag-break time, dumaan sa amin si Brian at niyaya akong bumaba. Tumitig sa kanya sina David at Ricardo na parang naiinis. Pero di naman nagsalita ang dalawa.
"Let's go guys," yaya ko rin sa kanila.
"You go ahead, darling," sagot naman ni Ricardo. Gano'n din halos ang pakli ni David. Pambihira naman ang dalawang to, oo. Akala ko pa naman okay na sila ni Brian.
"Your friends are kinda mad at me again," komento ni Brian nang dalawa na lang kami.
"Yeah. Why?" nagtataka kong tanong.
Nagkibit-balikat siya. "I don't know."
Nadaanan namin si Macky sa labas ng cafeteria. Ang sama ng tingin nito kay Brian. Lalapitan ko sana pero hinawakan naman ako ni Brian sa kamay at halos hinila na sa loob ng cafe.
"What's wrong with you and Macky again?" deretso kong tanong.
"I don't know what's wrong with him," sagot naman ni Brian bago kumagat sa sandwich. "I think your friends are just too suspicious."
Napakunot-noo na ako at medyo kinabahan na rin. Kilala ko ang tatlong yon. Hindi naman yon gano'n.
"Suspicious? About what?" tanong ko uli nang nagtataka.
"Nothing, babe. Nothing to worry about. Just remember, I'm loyal to you. Always has been and always will be," masuyo nitong sagot sabay hawak sa kamay kong nasa mesa.
Lalo akong nagtaka. Nakakaimbyerna. Walang may gustong magsalita at mag-esplika sa akin. Alam kong may nangyayari na di ko alam.
No'n naman pumasok sa cafe si Rhea. Narinig ko agad ang halakhak nito kaya kinawayan ko. Kausap pa nito si Liam. Kumaway din siya at sinenyasan akong bibili lang daw ng pagkain at pupunta na sa amin. Mayamaya pa nga ay lumapit na ito sa amin.
Nilingon siya ni Brian at bumati, "Hi, Rei. Looking good," at humalik ito sa pisngi ni Rhea.
"Thanks Bry," sagot ni Rhea sa eksaheradang sweet na boses. "I have some omiyage (souvenir) for you in my bag. I will just give it to you later."
"Oh, that's sweet," nakangiti namang sagot ni Brian.
Nakita kong bigla na lang kumaway si Rhea at may sinisenyasan siyang lumapit. Paglingon ko, si Liam. Parang atubili itong pumunta sa amin. Medyo nag-aalangan siguro dahil nando'n din si Brian. Kaya kinawayan ko rin siya. Saka lang siya lumapit. Nakita kong medyo umasim ang mukha ng boyfriend ko pero ikinubli din naman agad. Hinawakan ko siya sa kamay para huwag na siyang magselos.
"Hi Alex, Bry," bati ni Liam sa amin. Tango naman ang bati niya kay Rhea.
Naupo si Liam sa tabi ko. Nasa gitna nila ako ni Brian. Na-sense ko agad na may tensyon sa pagitan ng dalawa. Buti na lang nandun si Rhea na neutralizer. Nahahawa kami sa mga tawa nito kaya parang nag-evaporate din ang tensyon sa dalawang lalaki. Mayamaya pa'y parang nag-uusap na rin ang dalawa. Sumasagut-sagot sa mga kuwento ni Rhea.
Nang pumasok sina David at Ricardo sa cafe, kinawayan ko rin ang mga ito at sinenyasan na mag-join din sa table namin. Ngumiti lang sila sa akin at sumenyas na sasamahan nila si Macky sa labas. May nililihim sa akin ang tatlo, alam ko. Mamaya, uusisain ko na ang mga yon.
Matapos ang twenty minutes, sabay-sabay kaming apat na umakyat. Wala na ang mga kaibigan ko sa labas. Si Rhea pa rin ang nagdo-dominate ng usapan. Nagkuwento ito tungkol sa naging bakasyon sa Maryland. Minsan niloloko siya ng dalawa. Lalo na nung nagkuwento tungkol sa mga naka-date habang bakasyon. Nakitawa lang ako.
Pagdating namin sa meeting room, magkahawak-kamay pa rin kami ni Brian. Nakita kong napalingon sa amin si Liz at mga alipores nito. Bigla silang natahimik. May kutob akong ako na naman ang pinag-uusapan ng mga bruha. Bumati sila kay Brian. May extra sweetness pa ang payatot. Bumati din sila kay Liam at Rhea. Ako lang ang dinedma. Mga bruha.
Pagkatapos ng meeting, tinawag ni Mark si Brian at nagpatulong na naman.
"It's okay if you'll go ahead, babe," sabi nito sa akin nang mapadaan sa tabi ko. "I might stay until seven. I will just drop by at your house later."
"Okay. Are we going to have dinner together?" tanong ko.
"Yeah," sagot nito agad at sumunod na kay Mark.
"Do you really love him?" walang kaabog-abog na tanong agad ni Ricardo nang wala na si Brian. Napatingin ako sa kanya at napatawa pa nang mahina. Anong klaseng tanong naman yon?
"Of course," sagot ko.
"Do you trust him?" si David naman.
"Yeah," sagot ko naman dito. "What's up, guys? Is there something I need to know?" Kinakabahan na ako nang mga oras na yon.
"Why don't you ask Brian?" si Ricardo uli.
Nainis na ako sa kanila. Pero hindi ko pa rin napilit. Gusto ko na ngang pagbabatukan, e. Nagtimpi lang ako. Ayaw ko kasing parang binibitin ako.
"Just always remember, you can count on us. We will always be here for you. And we love you," sabi naman ni David at niyakap ako.
Sinimangutan ko siya. Pati si Ricardo. Nang dumaan sa amin si Macky, pati ito ay sinamaan ko ng tingin. Ginulo lang ang buhok ko.
"Do you wanna drop by Soja Bar with us?" anyaya ni Macky sa akin.
"No. I don't want to get drunk again," sagot ko naman.
Natawa ito. Huwag daw akong mag-alala dahil nandoon naman daw silang tatlo para bantayan ako. Hindi raw nila hahayaang malasing na naman ako. Pero hindi pa rin ako sumama. Hinintay ko si Rhea.
Halos ako na lang ang natira sa room nang bumalik si Rhea mula sa ninth floor. Grabe ang pasasalamat nito at hinintay ko siya.
"Brian is still there with Mark. I guess they will be working late again tonight," ang sabi sa akin.
"Yeah. He said, I'll go ahead."
Tumingin ito sa akin na parang may gustong sabihin pero parang nag-aalala.
"What?" tanong ko.
Tatanggi pa sana ito pero napilit ko rin. Binuksan nito ang laptop at nag-log in sa Facebook page niya. May pinakita siya sa aking mga larawan. Tinag daw sa kanya ng isang gurong Haponesa na kakilala niya. Namutla ako nang makita ang mga larawan. Si Mayu ang nag-upload ng mga pictures. Pinamagatan ang buong album ng Kyoto rendezvous. Tiningnan ko ang mga dates. Tumugma sa araw ng pagpunta ni Brian sa Kyoto para sa job interview at teaching demo.
Kinlik ko ang unang larawan. Kuha yon sa Kinkakuji (Temple of the Golden Pavilion). Nakahilig sa balikat ni Brian si Mayu. Naka-skirt ito ng maikli, nakasweater ng hapit na hapit sa katawan at naka-boots ng hanggang tuhod. Si Brian nama'y naka-long sleeves at tie. Naka-hang sa braso ang jacket. Ang caption sa baba ay, "me and my special friend". Ang sumunod na picture naman ay nasa Kitano-Tenmangu shrine. Si Brian ang nasa harap ng larawan at nasa likuran niya si Mayu. Nakapulupot sa bewang niya ang mga braso ng dalaga. Ang caption sa baba ay, "having fun with my sexy guy". Marami pa silang pictures together. Karamihan, nakatayo lang naman si Brian habang nagwa-wacky at kung anu-anong pose sa tabi niya ang bruha. Pero ang nagpa-init ng ulo ko ay ang picture nila sa restaurant habang nagto-toast ng wine. Magkalapit ang kanilang mukha. Naka-peace sign sila pareho. Ang caption dito ni Mayu ay, "toast to happiness with my one and only".
"So this is what the boys are so mad about," mahina kong sabi.
Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko. Buong akala ko nagpunta siya ng Kyoto para sa job interview. Yon pala nakipaglandian lang siya sa babaeng yon.
"If I were you, I would ask Brian first. Pictures can be deceiving. Plus, look at your boyfriend. He was not doing anything. He was merely standing beside that bitch."
"I'm sure he would deny it," sagot ko naman habang pinapahiran ang luha sa pisngi ko.
"Let him explain. You deserve an explanation. You can't just throw away what you guys have for some damned pictures uploaded by a delusional woman," may halong pangangaral na ang sagot ni Rhea. "I'm pretty sure, Brian doesn't know about this. And I'm pretty sure that this album was uploaded for you."
Uploaded for me?
"Yeah. I think she made this album just for you. You see, she tagged the right people because she knew that they will forward it to me. She also knew that if I have these pictures, I'm going to show it to you," pagpapaliwanag ni Rhea.
Napaisip ako. Oo nga no. Di malayong mangyari. Pinahiran ko na ang mga luha ko at kinontrol ang sarili. Galit na galit na ako ngayon kay Mayu. Makikita niya. Akala niya kaya niya kaming buwagin sa mga pictures na yon, ha. Ipapakita ko na hindi ako basta-basta makukuha sa gano'n. Tama si Rhea. Dapat kay Brian ako maniwala.
Umuwi kami ni Rhea na yon ang pinag-uusapan namin. Sinasabihan niya ako na dapat huwag magpadalus-dalos. Pag-usapan daw naming maigi ni Brian ang lahat.
Ganun nga ang ginawa ko. Nang dumating si Brian nang mga bandang alas siyete y medya, naghapunan muna kami bago ko binuksan ang tungkol do'n.
"I was in Kyoto for a job interview," seryoso niyang sagot.
"But what's with the pictures?" tanong ko uli. Pilit na kinokontrol ang emosyon.
"She happened to be there. She attended a seminar or something. So we met for lunch and we toured the city because I had some spare time."
"Why does she refer to you as her one and only?" tanong ko sa mahinang boses. Hindi pa rin ako kontento sa paliwanag niya.
"She might be joking, who knows? Even if she's serious about it, I don't feel the same way about her. So there's no need for you to get jealous. I'm all yours."
Do I have to trust him again? Naalala ko ang sinabi ni Rhea. Baka pakana lang 'to ni Mayu para magkalabuan kami. Well, manigas siya dahil hindi ko igi-give up nang ganun-ganon lang ang boyfriend ko.
"I hope you are not saying that just to give me false hopes," sagot ko naman.
Napabuntong-hininga ito at binigyan ako ng here-we-go-again look. "I'm not going to hurt you, okay? I am giving you my word."
"Okay," tumango ako. At naniwala na naman ako sa kanya kahit na something inside of me is telling me otherwise.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top