Chapter Forty-Three - Facebook Status

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********************************

Marahil naging sobrang daring at gutsy si Mayu sa mga advances niya kay Brian dahil wala rin akong ginawa bilang girlfriend. Iniisip niya siguro na kaya niya akong patiklupin. Kailangan ko rin sigurong ipakita na ipaglalaban ko si Brian. Kaya napagdesisyunan kong kailangan ko itong makausap. Ang problema nga lang, wala akong cell phone number niya. Nahiya naman akong manghingi kay Brian. Baka kung ano pang isipin. Naisip ko si Rhea. 

"What are you up to, sweetie?" tanong agad ni Rhea. 

"I just want to talk to her," paliwanag ko. Mali ba ang gagawin ko? Pipigilan ba ako ni Rhea? 

"That's the best thing I've heard from you in a long time! I'm with you a hundred percent on that," eksaherada nitong sagot nang marinig ang plano ko. "But I don't have her number." 

Pambihira naman itong babaeng to. Nag-mega-react wala naman palang number.  

"But don't despair. That can be easily remedied. I'll ask her friends. I'm sure Liam and Andrew have her number. They often hang out together," sabi niya uli. 

Nagpaalam siya agad sa akin. After five minutes, tumawag siya uli. Meron na siyang number ng bruha. Courtesy of Liam.  

"Thanks, Rei. You're heaven-sent."

"You're welcome, sweetie. And good luck. Update me about it." 

Huminga ako nang malalim nang ilang beses bago ko pinindot ang mga numero ng cell phone niya. Naghintay ako ng eight rings bago ko narinig ang malamyos niyang boses. Ang arte naman. Sino kaya ang iniisip niyang tumawag? 

"H-Hello. This is Alex, Brian's girlfriend," pagpapakilala ko agad. Medyo may diin sa 'Brian's girlfriend.' Walang reaksyon. "There are some things I want to talk to you about," deretsahan kong sabi. Pilit kong pinapatatag ang boses kahit na medyo kabado. Hindi kasi ako likas na confrontational.  

Biglang tumahimik na parang naputol ang linya. Binabaan kaya ako ng telepono? 

"Hello? Are you still there?" paniniguro ko. 

"Yeah," sagot naman niya agad. Pero sinabi yon na parang nayayamot.

"Are you free this afternoon? Can we meet for coffee?" sunud-sunod kong tanong. 

"Warui kedo, jikan ga nai. (I'm sorry but I've got no time)," sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko kasi siya naintindihan. Ang alam ko lang jikan is time. 

"I'm sorry, but I don't understand," sagot ko. Hinintay kong iesplika niya sa akin sa English ang sinabi pero sa halip ay sinagot ako ng: 

"It's not my problem anymore," at binaba ang telepono. 

Biglang kumulo ang dugo ko. Sinusubukan talaga ako ng babaeng to! Tinawagan ko uli. Hindi na siya sumagot. Tinext ko siya at inulit ang paanyaya pero dinedma din ako. Exasperated and frustrated, initsa ko sa kama ang cell phone. 

Kinagabihan, nang magkita kami ni Brian sa Trattoria para mag-dinner, binanggit ko yon sa kanya. Baka maunahan pa ako ng bruha at kung anu-ano pang kuwento ang ihahabi niya sa nobyo ko. Mahirap na. Mabuti nang malaman ni Brian agad ang bersyon ko. 

"Yeah. She mentioned it to me," kaswal na sagot ni Brian sa akin habang hinihiwa niya for me ang steak na inorder ko. 

Napatanga ako. Naunahan na naman ako ng bruha? Nanggalaiti na naman ako sa galit. Pilit ko lang tinitimpi. Nabwisit din ako sa reaksyon ni Brian. Yong parang wala lang sa kanya ang lahat samantalang heto ako at parang sasabog na. 

"Wow. She really knows how to make use of her time," sarkastiko kong komento.

Napaangat siya ng mukha sa komento ko. Tinitigan din ako. Hindi ko alam kung naiinis ito or what. Pero hindi siya ngumingiti. Pero mukhang hindi naman galit. 

"Why do you want to talk to her?" tanong lang nito. 

Hindi ko siya sinagot ng deretsahan. "If you saw a picture of me and Liam together in Hiroshima Peace Park, how would you feel?" 

"It depends," walang kagatul-gatol na sagot niya habang dumadampot ng kapirasong steak sa plato ko. Binigyan naman niya ako ng hiniwang chicken mula sa plato niya. 

"Let's say Liam is hugging me from behind. How would you feel?" hamon ko sa kanya. 

Natigil siya sa pagsubo. Binaba niya ang tinidor na may nakatusok na karne at mukhang nayayamot na tinitigan ako. 

"What are you trying to point out?" parang naiinis niyang tanong. Feeling ko, hindi niya lang ma-imagine ang eksenang yon.  

"Wouldn't you be mad at me and Liam?" giit ko pa rin kahit alam ko na ang sagot. For sure, manggagalaiti ito. 

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip iba ang sinabi niya. 

"Mayu is childish. You shouldn't take her seriously. She's just joking most of the time. She's not a threat to our relationship, believe me. I already talked to her about the pictures. She said she's going to delete them soon. Don't give them too much thought. They mean nothing to me." 

Chidish? Joking? Nagpapatawa siguro 'to. Napaka-naive niya kung gano'n when it comes to women. O baka insensitive lang siya talaga. Nakakainis! 

"That's why I deleted my FB account. It's giving you a lot of stress when there's nothing to worry about in the first place. That's one of the drawbacks of SNS," dugtong pa nito. 

Hindi ko na pinansin ang iba pa niyang sinabi. Nakatutok ang atensyon ko sa narinig kong nagbibiro lang daw ang bruha. 

"So you mean, she was just joking when she said, "toast to happiness with my one and only"?" tanong ko uli. Feeling ko nakukulitan na siya sa akin. Pero gusto ko lang linawin ito. 

"Yeah," sagot nito agad. "And even if she's not, it was her words not mine. She's not my one and only. YOU are. So you should not feel threatened," sabi niya habang titig na titig sa akin. Kinuha niya pa ang kamay kong nakapatong sa mesa at hinagkan.

Nang marinig ko yon, aminado akong napakilig niya ako. Pilit kong nilalabanan ang kiliti na nararamdaman, pero wala na. Nang halikan niya ang kamay ko, tumambling na naman ang malandi kong puso.

"Can we move on now?" 

"Are you mad at me that I called her up?" tanong ko, kunwari hindi pinansin ang pagpapa-cute niya. 

"No. Why would I be? If the situation is reversed, and it was you and Liam on those pictures, I don't think I would just call him on the phone," at tumawa pa ito nang mahina. "I apologize if I was insensitive and I have hurt you. My conscience is clear that's why I'm not bothered even by suggestive photos of Mayu and me together. Plus, I know what the real thing is. And it's not something between Mayu and me but between us --- YOU and me." 

Tuluyan nang naglaho ang galit ko sa narinig. Gumaan uli ang pakiramdam ko.

Feeling ko nasobrahan ako sa kabusugan at siguro dala na rin ng stressful topic namin habang kumakain, nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan nang pauwi na kami ng bahay. Parang hinahalukay ang sikmura ko. Kaya pagkahinto na pagkahinto ng kotse sa harap ng building namin, tumakbo agad ako paakyat ng apartment ko. Hindi ko na nahintay na pagbuksan ako ni Brian ng pinto. Nagsuka agad ako sa CR. Mayamaya pa, naramdaman kong may humahagud-hagod na ng likuran ko. Hinawakan niya pa ang buhok ko para hindi mag-shoot sa toilet bowl. 

"G-go," sabi ko pa sa pagitan ng pagsuka. 

"What? No. You need me here." 

"I'm so y-yucky right now," protesta ko pa. 

"Shhh. Stop that. I don't mind," at pinagpatuloy niya ang paghagod sa likod ko. 

Nang humupa na ang pagsusuka ko, tinulungan niya akong tumayo at umalalay siya hanggang makarating kami sa kuwarto. Pinahiga niya ako sa kama at lumabas. Pagbalik niya, may dala-dala na itong tubig. Pagkainom ko, nilapag niya sa study table ang wala nang lamang baso at tinabihan ako sa kama. Hinagud-hagod niya ang pisngi ko at sinuklay ng mga daliri ang nagulo kong buhok. Nakaunan na ako sa bisig niya. 

"I think you're so stressed out, babe. So you had indigestion," masuyo nitong sabi. 

"It's your fault," sabi ko na nanghihina pa rin. 

Tumawa ito nang mahina. Nag-apologize uli saka hinagkan ako sa noo. Nilambing-lambing pa ako. 

"You said you have an early morning assignment tomorrow? You may leave now. I'll be okay," sabi ko nang tingalain siya. Klase niya kasi ang napili ng Board of Education (BOE) na gawing model class para sa junior high school English class kaya alam kong marami pa siyang gagawin na preparasyon. Lahat kasi ng mga English teachers sa middle school sa buong Muromachi ay mag-o-observe sa klase niya. 

"I'll stay here for the night just in case you'll feel like throwing up again." 

"No, you may go. I know you still have a lot of things to do," tanggi ko naman. 

"Don't be stubborn. I'll stay here for the night," matatag niyang sabi. Hindi ko nga siya napaalis. 

Namimigat na ang talukap ng mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na ringtone. Nakita ko siyang dumukot sa bulsa. Tapos tiningnan ang screen ng cell phone. Tapos binalik uli sa bulsa habang patuloy na nagri-ring. 

"Who was that? Why didn't you answer your phone?" takang tanong ko, half-awake, half-asleep. Pinipilit ko na lamang idilat ang mga mata ko. 

Hinalikan niya ako sa noo. "It's okay. I don't want you to get mad," sagot niyang ngumingisi. Nawala bigla ang antok ko sa narinig. 

"Oh. Why does she keep on calling you?" naiirita kong tanong. 

"Sshh, sleep. Forget her," ang sabi pa. 

Wala na akong lakas makipagtalo pa sa kanya kaya inirapan ko siya at sinabunutan ko nang ilang beses ang bruha sa isipan ko. 

Bumuti-buti na ang pakiramdam ko pagkaumaga. Nanghihina pa rin ako nang konti pero hindi na humihilab ang tiyan ko. Kaya naigawa ko pa ng kape at naipagluto ko ng fried egg and toasted bread si Brian bago ito umalis. Ako nama'y naghanda na rin sa pagpasok sa eskwelahan. 

Maaga akong nakarating sa school. Kahit one hour earlier ako dumating, naroon na halos ang lahat ng guro. Ang iba'y nagkakape habang naghahanda para sa klase. Ang iba nama'y nagtsitsismisan habang nagla-laminate ng flash cards. May nakuha naman ako kahit konti sa pinag-usapan. Ang alam ko, ninshin is pregnant. At paulit-ulit ko yong naririnig sa isa sa mga may edad nang guro. Sino kaya ang pinagtsitsismisan nilang buntis? Basi sa ekspresyon, nila pakiramdam ko, hindi ito married. Napailing-iling ako. Tsismosa rin pala sila. 

Nang mag-uwian, dinaanan ako ni Rhea sa school. Magkalapit lang kasi ang  tinuturuan namin.

"Hey sweetie," bati niya agad sa akin. Pilit pinapasigla lang ang boses at parang may iniisip. 

"Hey Rei. Are you okay?" tanong ko agad. 

Parang naalimpungatan pa ito. "Y-yeah."

Strange. Parang nawala ang sigla ng babaeng ito. Na-miss ko tuloy ang ala-Whoopi Goldberg nitong halakhak. 

"I wanna eat ice cream," bigla na lang ay sinabi nito habang nagbibisekleta kami pauwi. "Why don't we drop by Baskin and Robbins?" 

Inimagine ko kaagad ang nuts to you flavor nila. At naglaway na ako. Yon ang paborito ko, e. 

"Okay, let's go," sang-ayon ko agad. E ano kung kasagsagan ng winter? May heater naman sa loob ng Baskin and Robbins. 

Mabilis naman naming narating ang B & R. Pumila pa kami dahil maraming bumibili. Bilib din ako sa mga Hapon. Walang winter-winter pag gusto nilang kumain ng ice cream. Parang mga baliw din tulad namin ni Rhea. 

Napansin kong parang may kakaiba sa kaibigan ko. Parang hindi ito ang old self niya. Kahit tumatawa at kuwento ng kuwento, may na-sense akong something is not right with her. Ano kaya ang problema ng babaeng ito? Hindi na ako nakatiis kaya natanong ko siya kung may problema ba. 

Umiling siya agad. "I'm okay, sweetie." 

Kahit ang pagsabi ng "I'm okay" parang kulang sa sigla. Pero di ko na lang masyadong inurirat. Baka ayaw pa niyang sabihin sa akin. 

"Do you have plans tonight?" tanong nito sa akin nang bigla akong natahimik. 

"None," kaagad kong sagot. 

"Aren't you and Brian going to have dinner together?" 

"He is busy today. His school is giving him a treat after his class observation. They will have dinner and stuff," paliwanag ko. 

"Why didn't he ask you to go with him then?" tanong pa uli ni Rhea. 

"He did. But I refused. They're going to a Japanese restaurant. And you know I don't really like to eat raw food. I'm sure I will not enjoy it. And it would be embarassing for Brian to keep on explaining things to them." 

Napatangu-tango siya. Nang pauwi na kami, tinanong ako kung okay lang daw na sumama siya sa akin sa bahay. Dahil alam kong may pinagdadaanan, pumayag ako. 

Kumikislap ang answering machine ng phone ko nang dumating kami sa apartment. May message ako galing kay Ricardo. Nag-iimbita na mag-dinner kaming apat nang gabing yon sa bahay niya. Tinawagan ko agad siya at sinabing di ako pupwede. Sinabi kong nasa bahay si Rhea. 

"Oh, you're with Rhea?" Parang sobrang natuwa si Ricardo. Ang weird din niya. "That's great! Okay, have fun ne?" at nagpaalam na ito. 

Mayamaya, phone naman ni Rhea ang nag-ring. Base sa sagot nito, nahulaan ko agad ang caller. Si Ricardo. Kausap ko na siya kanina ba't di pa ni-request si Rhea kung gusto pala nitong makausap ang babae? May pagkabaliw din itong Mehikanong ito. 

Iniwan ko si Rhea sa living room para kumuha ng maiinom namin sa kitchen. Pagbalik ko, tapos na itong makipag-usap kay Ricardo at nanonood na ng TV. Ako nama'y nagbukas na ng laptop. 

"Why don't you just watch TV with me, girl?" 

Sinulyapan ko lang siya saka nagpatuloy sa ginagawa. 

"My family will skype me in an hour. I just want to check emails and my FB messages before they call," sagot ko naman. 

Parang magpo-protesta pa sana ito, pero di na tinuloy. Kaya sinulyapan ko siya at tiningnan na parang nawi-wirduhan ako sa kanya. 

Dahil hindi ako nagla-log off sa FB, pagbukas ko ng laptop ko at i-click ang URL ng FB sa dropdown button ng list of frequently-visited websites, dumeretso agad ito sa Home. Nakita ko agad ang recent activity ni Liam dahil isa siya sa mga FB friends ko. May kino-congratulate ito. Nang i-click ko ang mukhang parihabang box na photo sa baba na naka-tag kay Liam, tumambad ang FB page ni Mayu. Awtomatikong nakaramdam ako ng kaba, lalo pa't familiar sa akin ang box na yon. Something tells me na hwag nang i-click ang arrow for the next picture pero di ko mapigilan ang curiosity. Kinlik ko pa rin at tumambad sa paningin ko ang pregnancy test stick na may dalawang vertical lines. Anang caption, "It's positive and I love it!" Ganun din ang nakalagay sa FB status niya. 

Namutla agad ako at halos panawan ng ulirat. Buntis si Mayu!

"That's why I don't want you to open your FB," naiiyak nitong sabi habang hinahagud-hagod ang likuran ko. "I'm so sorry." 

Noon ko napagtanto na Rhea was acting weird hindi dahil may problema ito kundi dahil alam niyang sooner or later malalaman ko ang kalagayan ni Mayu. 

"That's the reason why the boys were angry. I think they already knew last week. That's why Macky confronted Brian before our general meeting. And he said, Brian denied it." 

Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kahit i-deny pa niya, wala akong pakialam. Dapat sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit kinompronta siya ni Macky. Sana naihanda ko ang sarili ko kahit papano. 

Base sa mga pinagpo-posts ni Mayu sa FB page niya, wala nang ibang mapagsususpetsahan kung sino ang nakabuntis sa kanya dahil halos pictures nila ni Brian ang nakabalandra doon. Hindi pa rin nade-delete. 

Kahit alam kong nasa dinner party ito with his colleagues from his school, tinext ko siya. Sabi ko, "You said you wouldn't hurt me, but you lied!" 

Ni wala pang twenty minutes, narinig ko ang pagdating ng kotse niya. At mayamaya'y may nag-buzzer. Pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Kahit alam kong siya yon, dinedma ko lang. Iyak ako ng iyak. Yong may kasamang hagulgol. Si Rhea ang dali-daling tumayo at nagbukas ng pintuan. 

"Hey," ang tanging narinig ko mula sa kanya. Binato ko siya ng throw pillow. Hindi siya umilag. Di rin umatras. Lumapit pa rin sa akin at niyakap niya ako. Pinagbabayo ko ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan ko, pero di siya bumitaw. 

"Okay. I'm leaving you, two for now. Bry, please take care of her," narinig kong paalam ni Rhea pero masyado na akong nanghihina para makapagpaalam man lang sa kanya. 

Narinig kong napamura si Brian nang makita ang nakabukas sa laptop ko. Pagkatapos ay binitawan ako at may tinawagan. Narinig ko na lang itong may kinakausap sa Japanese at mukhang galit na galit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top