Chapter Forty-Seven - Confession
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
*****************************
Narinig kong nag-file din ng resignation niya si Mayu sa eskwelahang pinagtatrabahuhan. May haka-haka na lilipat daw ito ng Kyoto. Noong una, medyo kinabahan ako dahil naisip kong susundan nito si Brian doon. Pero naisip ko din, ngayon pa ba ako kakabahan? Suut-suot ko na ang pruweba na hindi ako iiwan ni Brian. Bahala na siyang sumunod. Basta ang alam ko, Brian is mine. At hinding-hindi ko na isusuko ang nobyo ko.
Si Rhea ang unang nakaalam tungkol sa marriage proposal. Dumaan kasi siya sa bahay kinaumagahan para magsoli ng lunch box at nakita niya ang singsing.
"Wow! I'm happy for you, sweetie," naibulalas nito. Tinaas pa niya ang kamay ko na may singsing at niyakap niya ako.
"Thanks, Rei."
"So when are you guys getting married?" excited niyang tanong.
"No plans, yet. That's up to Brian," sabi ko.
"Am I invited?" may himig pagbibiro na tanong nito sa akin.
"Of course," nakangiti kong sagot.
Inisip ko na sana magdesisyon na si Brian sa lalong madaling panahon bago pa man maging halata ang tiyan ko. Nakakahiya naman kasi kung mabulgar sa buong program tapos di pa kami kasal. Kasi baka isipin nila na kaya lang ako pakakasalan ni Brian ay dahil nabuntis niya ako.
"Will it be in the Philippines? I haven't been there, yet. It would be nice to go there for your wedding," patuloy pa ni Rhea.
Nag-flash kaagad sa imahinasyon ko ang eksena sa simbahan apat na taon na ang nakararaan. Hindi ko alam kung kaya kong magkaroon uli ng church wedding. Masyado akong na-trauma. Pero isa lang ang sigurado ko. Hinding-hindi ko na gugustuhin pang makasal doon sa church namin sa Cebu. Masyadong maraming painful memories. Kung ikakasal man ako uli sa simbahan, gusto kong sa Jaro Cathedral na para malayo sa alaala ng kahapon.
Napangiti ako nang maalala ang una kong pagpasok sa cathedral. Kasama ko noon si Brian. Siya at ang dalawa niyang kapatid. Naupo siya sa tabi ko habang nakaluhod kaming tatlo at nananalangin. Pagkatapos, nakipahid din siya sa mga imahe ng mga santo nang i-esplika ni Kelly ang dahilan kung bakit namin ginagawa yon. May hiniling din daw siya. Ngayon ko lang din naisip, parehas kaya kami ng hiningi sa mga santo?
"Thinking about the wedding now?" untag sa akin ni Rhea, nakangisi ito. Nang makita ang parang naalimupungatan kong ekspresyon sa mukha ay napahagikhik ito. "You look startled, sweetie. I'm pretty sure you were daydreaming about your wedding."
Napangiti na lang ako. Hindi naman siya nagtagal sa bahay dahil may pupuntahan daw siya.
Nang makaalis si Rhea, naligo ako at nagbihis. Kailangan ko kasing pumunta sa supermarket para mamili ng lulutin ko for dinner.
Katatapos ko lang mamili ng ingredients at pauwi na ng bahay nang masulyapan ko ang kotse ni Mayu sa di kalayuan. Nasa parking lot ng Italian restaurant sa corner ng neighborhood namin. Nandito pala ang bruha. Sino naman kaya ang kasama niya? Kinabahan ako. Pero malayong mangyari ang nasa isipan ko dahil alam kong may football practice ang team nila Brian ngayong Linggo.
Saktong pagtawid ko, lumabas ng restaurant ang wicked witch. May kasama nga itong lalaki pero Hapon. Nakahinga ako nang maluwag. Natigilan sandali ang babae nang makita ako. Nang makabawi ay kaagad akong inismiran. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy na sa paglakad.
Saktong pagdating ko ng bahay tumunog naman ang home phone ko. Binaba ko lang sa sahig ang mga pinamili at sinagot ang telepono.
"Hey Liam," bati ko nang makilala ang boses niya.
"Brian and I met at Aeon a while ago. He brought his team there to have lunch. He asked me again. When are you going to tell him?" may himig pagka-aburido na sagot niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako. Nakakainis naman si Brian, o.
"I'll tell him soon," sabi ko na lang.
"When? Because I don't think I can keep it from him any longer. When he asks me again next time, I think I will give in."
"All right! I'll tell him tonight," sagot ko na naiinis.
"Oh, that would be great, sweetie. Don't worry. Like any other man, he would be thrilled. That's for sure."
Naghahanap lang naman ako ng tiempo. Siniguro ko lang naman na pakakasalan niya ako hindi dahil sa may responsibilidad siya sa akin kundi dahil mahal niya ako. Katunayan noong gabing nag-propose siya naisip ko nang ipagtapat din yon sa kanya, kaso lang mas nauna naming pinag-usapan ang tungkol sa dad niya. Masyado kasi akong bothered na hindi boto sa akin ang kanyang ama. Gusto ko lang makasiguro na kahit hindi ako gusto ni Phil, pakakasalan pa rin niya ako. Doon umikot ang usapan namin.
Katatapos lang naming mag-usap ni Liam nang makatanggap ako ng text message mula kay Brian. Pinapabihis ako. May pupuntahan daw kami. Dadaanan daw niya ako sa bahay in an hour. Saan naman kami pupunta? Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Alas tres y medya na pala ng hapon. Kahit medyo tinatamad, bumangon ako, naghilamos, tsaka nagbihis.
Eksaktong isang oras pagkatapos niya akong i-text, narinig ko ang pagdating ng kotse niya. Mayamaya pa nga, nag-buzzer na ito. Hindi pa ako tapos mag-make up. Mata at eyebrows ko pa lang ang naayos ko. Pero dahil nandyan na siya at ayaw ko namang paghintayin pa, nagpahid na lang ako ng pulbo sa mukha at konting lipstick.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang shoulder bag na dadalhin. Naglagay na rin ako ng supot just in case sumama ang pakiramdam ko. Mabuti nang handa.
"You'll see," nakangiti nitong sagot sa akin.
Sinimangutan ko siya. "I hate surprises," sabi ko sa kanya.
Hindi niya ako pinatulan. Hindi pa rin bumigay. Tumawa lang. Nang sumimangot ako lalo, pinisil niya lang ang baba ko.
Inalalayan niya ako sa pagbaba ng hagdan hanggang sa pagpasok sa loob ng kotse. Hindi pa rin siya nagsasalita kung saan kami pupunta. Pero papalabas ng Muromachi ang tinutungo naming daan. Papunta kaming Okayama city. Nang pumasok ang kotse sa parking lot ng isang hotel sa Okayama lalo akong nagtaka. Nakapunta na kami doon dati. Actually, doon kami unang nag-dinner. Noon ko nalaman na half-Filipino siya at taga-Ilocus din ang roots ng ina.
Hindi kami pumunta doon sa dati naming pinuntahan kundi sa isang Japanese restaurant. Mukhang may makakasama kami sa early dinner naming yon. Gosh, si Fujita-sensei! May kasama itong ginang. Asawa niya kaya?
Nagbigay-galang agad ako sa kanila. Inalalayan naman ako ni Brian sa pag-upo. Pinakilala ni Fujita-sensei sa akin ang asawa niya. Yumuko ako dito.
"Brian had told me about your plans. Best wishes to you both," nakangiting sabi agad ni Fujita-sensei nang makaupo na kaming lahat. Napasulyap ako kay Brian.
"I asked Fujita-sensei and his wife to be our witnesses when we get married," kaswal na sabi ni Brian sa akin.
Witnesses? Parang civil wedding gano'n? Di ko alam kung matutuwa o maiinis sa narinig. Siyempre, aminado akong na-excite nang malaman na hindi na pala ako maghihintay nang matagal para sa kasal. Pero bilang babae, pinangarap ko ring pag-aksayahan naman sana ng groom ko ang pagpaplano ng wedding ceremony namin.
"You need to prepare your birth certificate and of course some other documents. Brian has the list of the requirements," baling sa akin uli ni Fujita-sensei. Siya na raw ang bahala sa translation.
Hindi ako nakapagsalita. Tumangu-tango na lamang ako. Ang bait naman. Ang alam ko, mahal ang translation services. Habang nagpapaliwanag sa English si Fujita-sensei, tahimik lang na nakikinig ang asawa niya. Paminsan-minsan ay nagtatanong kay Brian in Japanese.
"When do you guys plan to marry?"
"Actually, the soonest possible time. I need to submit some documents to the university ASAP and I have to indicate whether I am bringing a family member with me or not," sagot ni Brian.
Wow! Family member. Ang sarap naman pakinggan. Nakaramdam ako ng kakaibang init. Hindi init ng pagnanasa kundi excitement. I cannot wait to be Mrs. Brian Thorpe!
"Bry, I think we need to check the needed documents I have to secure from the Philippines in order for me to get married here," sabat ko naman. Hinawakan ko pa ang kamay niya na nasa isa niyang hita to get his attention.
Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Iyong ngiti na parang may tinatago. Napakunot-noo akong tumingin sa kanya.
"I already did," at masuyo niya akong hinalikan sa noo.
"You did?" tanong ko na medyo nabigla. Halos di ako makapaniwala.
"I checked the requirements from your embassy and I already talked to your uncle in the Philippines. He promised to get all the needed documents for us," sagot niyang medyo nahihiya.
"You told my family in the Philippines?" Lalo akong nabigla doon.
"I'll explain later on," nakangiti pa rin ang mokong sa akin. Samantalang ako nama'y di na mapalagay. Iniisip ko ang reaksyon ni Papa. Baka nagalit na yon sa akin na hindi man lang ako nagpaalam sa kanya. Hindi ko naman balak magpakasal nang hindi siya nasasabihan. Siyempre, plano ko nang magtapat nitong linggong to. Uunahin ko lang muna ang pagsasabi kay Brian na buntis ako. Pero naunahan na pala ako ng damuho. Nakakaasar. Di na tuloy ako mapalagay.
Napangiti sa amin ang dalawang Hapon. Dumating na rin ang inorder naming drinks tsaka vegetable salad. Mabuti't nagkaroon ng konting distraction.
Nagpahayag ng pagkalungkot si Fujita-sensei dahil dalawa daw sa magagaling nilang guro ang mawawala. Pero sa isang banda ay natutuwa rin siya para sa amin.
"Actually, it makes me sad, too. I am very grateful that you gave me a chance to be a part of the program although I don't have any teaching experience. I will always be thankful for that," sagot ko naman.
Tumangu-tango ang Hapon at ngumiti sa akin. Gano'n din ang kanyang asawa. May sinabi ito sa Japanese sa akin. Na ayon sa translation ni Fujita-sensei, basta daw masaya kami sa desisyon naming dalawa, okay lang daw yon. Biniro pa kaming magparami na lang daw ng magagandang lahi.
Mayamaya pa, dumating na ang inorder namin. Puro isda! Humilab na naman ang tiyan ko pagkaamoy sa mga inihain sa amin. Pero kinontrol ko ang sarili. Meron namang deep fried na vegies at isda. Yon na lang ang kinain ko. Iniwasan ko na ang sashimi at sushi. Lalagyan pa sana ni Brian ng sashimi ang plato ko pero mabilis kong nilayo ito. Nagtaka siya. Bakit daw? Dati-rati naman raw ay sarap na sarap ako sa squid sashimi.
"I don't feel like eating that today," kaswal kong sagot. Hindi naman siya namilit. Medyo nag-alala tuloy si Fujita-sensei. Meron daw silang karaage (deep fried chicken) kung gusto ko. Yon na nga ang inorder ko. Hindi na ako kumain masyado ng deep fried fish. Mahirap na. Amoy pa lang nasusuka na ako.
Mayamaya pa, nagpaalam ako sa kanila para pumunta ng CR. Di ko na talaga kaya. Ang sama-sama na ng pakiramdam ko. Siguro natagalan ako sa loob dahil narinig ko na lang na may pumasok na staff at tinatanong ako kung okay lang daw ako. Nag-aalala na raw ang nobyo ko. Nagmumog ako at nagfreshen up saka lumabas na. Naghihintay na nga sa labas si Brian. Worried ito.
"I'm okay," sabi ko bago pa siya makapagtanong.
Nang makabalik kami sa table namin, tinanong ako ng misis ni Fujita-sensei kung okay lang ako. Tumango lang ako sa kanya. Si Brian na ang nagpaliwanag in Japanese. Dahil medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko, hindi na rin kami nagtagal doon. Sabay-sabay kaming apat na umalis ng restaurant.
Inalalayan ako ni Brian hanggang sa makapasok sa loob ng kotse. Pumikit ako. Naramdaman ko na lang, umaandar na ang sasakyan. Mayamaya uli, humilab na naman ang tiyan ko. Kaya dali-dali kong kinuha ang supot sa bag at doon nilabas lahat ang sama ng pakiramdam. Naramdaman kong nagdahan-dahan ang sasakyan hanggang sa tuluyan itong huminto. Hinagud-hagod ni Brian ang likuran ko. Pagkatapos ay inabutan niya ako ng bote ng mineral water. Bumuti-buti ang pakiramdam ko nang nakainom ng tubig. Itinali ko ang dulo ng supot at nilagay sa paanan ko. Nang mapasulyap ako kay Brian, nakatitig ito sa akin. Seryoso ang mukha. Kinabahan ako.
"You're always sick," sabi nito sa mahinang boses. "And suddenly you hate fish," dugtong pa. Parang may tinutumbok. "You and Liam are hiding something from me. I don't believe this digestive problem crap, anymore."
Pinanlamigan ako. Wala na nga akong kawala.
"I-I'm p-pregnant," sabi ko sa mahinang boses. Kamuntik na akong pumiyok. Nakatungo lang ako the whole time. Hinintay kong sumigaw siya gaya ng mga first time fathers sa mga TV drama kapag nalaman nilang magiging tatay sila for the first time. Pero wala akong narinig na gano'n. Sa halip, katahimikan ang sumalubong sa pagtatapat ko. Natakot tuloy ako. Napaangat ako ng mukha. Mukhang nabigla nga siya.
"Y-You're pregnant?" ulit nito sa akin.
Tumango ako. Tumangu-tango siya. Pero wala ang sinasabi ni Liam na "thrill" na mararamdaman daw ni Brian kapag nalaman niya. Hindi na ito umimik. Nag-alala na ako. Baka ayaw niya. Ayaw niya kaya? Baka natatakot siya sa responsibilidad. Nakupo! Baka umatras sa kasal namin.
"What?" untag ko. Di na ako nakatiis. Iniisip kaya niya kung siya ang ama nitong bata? Baka pinagdududahan niya kami ni Liam? Shit, baka pinagdududahan niya kami ni Liam! "Are you thinking about who fathered the baby?" may himig-hinanakit sa boses ko.
"What?" Siya naman ang nabigla sa tanong ko.
"Are you thinking whether it's yours or not?" tanong ko na parang maiiyak na.
Napatitig siya sa akin at umiling. Pagkatapos, ay dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"I know it's mine," at lumapit siya akin. Hinawakan ako sa batok at ginawaran ng masuyong halik sa labi. Nagprotesta ang isipan ko. Teka, amoy-suka ang bibig ko! Tinulak ko siya nang bahagya
"My breath smells bad," nahihiya kong paliwanag.
"It smells okay," nakangiti niyang sagot at hinila ako palapit sa kanya tsaka niyakap nang mahigpit. "I love you so much," bulong niya sa tenga ko.
"You're not mad?" paniniguro ko.
Bahagya niya akong nilayo para mahawakan ang magkabila kong pisngi. Binigyan niya ako ng light kiss sa labi tsaka tumawa. Noong una, mahinang tawa lang na naging halakhak nang lumaon.
Nabubuwang na ang damuhong to.
"You just made me so happy, babe. I'm relieved that nothing's wrong with you. You made me worry this past few days," pagtatapat niya.
Nabunutan ako ng tinik.
"I thought, you were mad," mangiyak-ngiyak kong sagot. Pinakaba niya kasi ako. Akala ko nagalit siya o hindi niya nagustuhan ang pagbubuntis ko. Nakakaasar ang reaksyon niya. Sobrang delayed.
"Hey, why are you crying?" tanong niya at inakbayan pa ako.
Pinaliwanag ko na pinakaba niya ako sa di niya pag-imik agad.
"I was just shocked. Although I kinda expected it, it still feels strange. Wow! We will be officially parents in a few months," nakangiti niyang paliwanag. "I can't wait to tell Dad. He would be ecstatic."
"Are you sure?"
"Yeah. He has been hinting about wanting a grandchild so I'm sure he would be very happy," sagot naman nito. Confident na confident. Ako nama'y may pagdududa pero hinayaan ko na lang siya.
Si Papa na lang ang problema ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top