Chapter Forty-One - Red Box
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
********************************
Ilang beses ko nang pinindot ang receive new mail button baka sakaling nagloko lang ang mail notification function ng smartphone ko, pero consistent pa rin ang lumalabas sa screen - no new mail. Nag-aalala na ako. Nasaan na kaya si Brian? Ang alam ko, dapat kanina pa siya nakabalik from Kyoto.
Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga di magandang dahilan ng kanyang pagkakaantala. Pinapagalitan ko na ang sarili dahil kung anu-ano na ang naiisip ko. Mabuti na lang walang napabalitang vehicular accident ngayong araw dahil kung meron no'n, palagay ko kanina pa ako naihi sa nerbyos.
Nang mag-alas dies y medya na, nagdesisyon na akong iligpit na ang mga hinain kong dinner namin. Palagay ko di na siya darating. Nakakapanlumo man pero anong magagawa ko? Alangan namang titigan ko buong magdamag ang Christmas cake. Tinakpan ko ang lasagna at binalik na sa ref ang cake. Nawalan na rin ako ng ganang kumain.
Pumasok ako sa kuwarto at nahiga. Naalala ko noon, palpak din ang first Christmas namin as a couple ni Anton. Hindi siya nakarating sa amin sa Cebu dahil nakansela ang flight from Davao gawa ng bagyo. Kaya imbes na magsaya ako sa pasko dahil naging boyfriend ko ang lalaking mahal na mahal ko, para akong nagluksa. At naalala ko pa, lahat ng naging boyfriends ko na hindi ko nakasama sa first Christmas namin together, iniwan lang ako - pinaiyak ako. Kaya kinakabahan ako na baka gano'n din ang ending namin ni Brian. Dati, hindi naman ako mapamahiin. Pero nang sunud-sunod na nangyari yon sa akin, naniwala na ako na malas kapag you don't get to spend Christmas with the person you love. Malas sa relationship. Pero siyempre, sarili ko lang na paniniwala yan dahil hindi naman totoo para sa lahat.
Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Kasi parang naalimpungatan ako nang tumunog nang sunud-sunod ang buzzer. Kinusut-kusot ko pa ang mga mata para mawala ang antok. Nang silipin ko sa monitor kung sino ang dumating, napasirko nang ilang beses ang puso ko. Si Brian! May hawak-hawak pa itong isang bucket ng Kentucky Fried Chicken. Nawala lahat ng galit ko at himutok sa kanya. Kaagad kong binuksan ang pintuan at niyakap siya nang mahigpit. He came.
"Hey," natatawang bati niya sa akin at niyakap din ako ng isang kamay. Nabigla ito sa sobrang init ng pagsalubong ko sa kanya. Buti na lang di niya natapon ang hawak-hawak na bucket ni General Sanders. Nang nalanghap ko ang bango ng KFC, bigla akong nagutom. Kaya pinapasok ko na siya. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Eleven fifty five. Umabot siya. Ang saya-saya ko.
Hindi ko siya sinumbatan. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko. At least umabot siya sa curfew. Yon ang mahalaga.
"I'm sorry for coming late, babe. I never thought my interview would last for hours," kaswal na kuwento niya habang nilalapag ko sa mesa ang iba pang pagkain. "I actually called you several times. But your phone was busy."
Interview? Saan? Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. Hindi na nga masyadong rumehistro sa isipan ang iba pa niyang sinabi. Sa salitang 'interview' ako natigilan.
"I actually went for a job interview in Kyoto. I thought it would only be for an hour but it went for more than three hours, including my demo teaching," pagpapaliwanag nito.
Kung gano'n, seryoso nga itong iwan na ang Muromachi. Nakakapanlumo. Ganunpaman, ayaw kong bigyan siya ng alalahanin dahil mukhang masaya. Baka malaki ang chance na makuha niya ang trabaho. Kaya imbes na maging malungkot sa narinig na balita, pinilit ko ang sariling maging masigla. Afterall, nakarating siya just in time for noche buena.
"They are still interviewing people on Christmas Eve?" naitanong ko na lang. Kunwari nawiwirduhan sa mga Hapon.
"Oh yeah. They even have work tomorrow, they said. Their winter break will start on the 26th so Christmas day is still a regular working day for them," patuloy pa nito.
"What will you be teaching there?" kunwari'y kaswal ko pa ring tanong. Pero sa loob-loob ko, naisip ko agad, may mas maganda pa bang teaching job in English bukod sa kung ano meron ang Muromachi City?
"If they'll hire me, then I'll be handling classes in Policy Science. I'll also teach Communication Skills in English but this time my students are not only Japanese but international students as well," parang excited na pagkukuwento ni Brian.
Ang ibig sabihin ba nito, sa university ito nag-apply at hindi sa private eikaiwa (English conversation) companies lamang? Hmn, may katwiran ngang maging proud. Pero nalulungkot pa rin ako. Kasi kung matanggap nga siya, magkakahiwalay na kami. Ang layo din kaya ng Kyoto sa Okayama. Tsaka may kamahalan din ang shinkansen (bullet train).
"That's awesome," tanging nasabi ko.
"Yeah, I would be if I get accepted," at tumawa pa ito. Hinalikan pa ako sa pisngi.
Tumangu-tango ako. Tinanggal ko sa box ang cake. Siya nama'y nagbukas ng wine. Nag-toast muna kami bago nagsimulang kumain. Pero bago kami magsimula, hinawakan niya ako sa kamay at pinalipat ng upuan. Ayaw daw niyang kaharap ako. Gusto niya katabi.
Nagsubuan kami. Nakakatuwa nga. My first Christmas na KFC, lasagna, at chiffon cake lang na pinalamutian ng strawberries ang handa namin, na kung sa Pilipinas ay never kong papansinin pero sobra kong na-appreciate dito. Nang hiwain niya ang cake at nagshare kami sa isang slice, pakiramdam ko parang kasal namin. Nagsusubuan ng cake. Ang sarap ng feeling.
"This is the best Christmas I've ever had," sabi niya habang pinupunasan ang nagkalat na icing sa dulo ng bibig ko.
"Me, too," sabi ko. Ang tamis din ng ngiti ko.
Tinitigan niya ako at walang sabi-sabing bumaba ang mukha niya at ginawaran ako ng masuyong halik sa labi. Awtomatiko akong napapikit. Buti na lang nakaupo kami dahil kung nakatayo siguradong nawalan na ako ng balanse nang bitawan niya. Nahilo kasi ako sa tindi ng naramdamang sensasyon. Nanlambot pa ang mga tuhod. Parang lagi na lang first kiss ang feeling.
Hindi na namin nagawang iligpit ang mga pinagkainan dahil kaagad niya akong pinangko at dinala sa kuwarto. Gaya din ng dati, nawala na naman ako sa sarili. Naging sunud-sunuran na naman ako sa kanya. At for the nth time, may nangyari na naman sa amin. Niyakap niya ako nang mahigpit pagkatapos.
"What are your plans after this school year?" tanong niya sa akin nang pabulong.
"I don't know. Maybe, I'll stay for another year in Muromachi," pabulong ko ding sagot.
"Do you like it here?" tanong uli niya.
"Yeah. It's peaceful. People in my neighborhood are nice. My base school is good to me. The Board of Education are even nicer. What more can I ask for?"
"I see. No plans to move to another city?" at ngumiti ito. Parang may gustong ipahiwatig.
Nakaramdam ako ng excitement. Para akong nakikiliti. Niyayaya ba niya akong lumipat din ng Kyoto kung sakali?
"If there is a job for me in another city, why not?" sagot ko.
"There will always be jobs for you," sagot naman niya at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko.
"Jobs as good as the one I have here?" hamon ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot dahil tumunog ang kanyang cell phone. Dinampot niya ang nahubad na pantalon at kinuha do'n ang istorbo. Sumulyap naman ako sa relos sa dingding. Ala una y medya na. Sino naman kayang Poncio Pilato ang tumawag sa ganitong oras? Nairita ako.
Hindi na bumaba ng kama si Brian habang sinasagot ang phone. Nakaunan pa nga ako sa braso niya kaya nadidinig ko ang boses ng nasa kabilang linya. Hindi malinaw ang sinasabi pero dinig ko, boses-babae. Kaagad sumulak ang dugo sa ulo ko. May kutob na ako kung sino ang bwisit na caller.
"Yeah," narinig kong sagot niya at napatawa pa ito nang mahina. "Arigatou ne (Salamat, ha?). Jaa. Meri Kurisumasu (Okay, Merry Christmas)."
Nainis ako agad sa kanya nang bumati siya sa babae ng Merry Christmas the way Japanese say it. Parang sobrang trying hard maging Hapon. Ang sagwa niya pakinggan. Ba't di na lang sabihin with a regular British accent?
"Who was it?" curious kong tanong kahit na malakas ang kutob ko kung sino yon.
"Mayu just want to greet me a Merry Christmas," kaswal namang sagot niya. Sinabi na agad ang pangalan.
Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko. At this hour? Kung sa Pilipinas kami at Pinay siya, maiintindihan ko dahil halos hindi natutulog ang mga tao kapag pasko. Pero this is Japan for Pete's sake! Hindi gano'n ka espesyal ang Christmas para magpuyat sila hanggang dis oras ng gabi.
Pinisil ni Brian ang baba ko. Napansin sigurong bigla na naman akong natahimik.
"Don't be mad. It was just a friendly call. And its Christmas."
Sumimangot ako lalo. Hinalikan niya ako sa leeg. At lalong hinapit palapit sa kanya. Hinampas ko ang kamay niya.
"Ouch, babe! You're getting violent again," natatawa nitong sabi.
Huwag mo akong ma-babe-babe at mainit ang ulo ko ngayon. Hindi na ako nagsalita pa.
"You're jealous again. Don't be. I'm all yours. Nobody can take me away from you," seryoso nitong sabi at binaon ang mukha sa leeg ko.
Hinayaan ko na siya this time pero hindi ko napigilan ang sariling usisain siya tungkol sa babaeng yon. Bakit gano'n ka tapang ang apog no'n? Ano ba talaga meron silang dalawa?
"It's pretty obvious that she likes you a lot. Unlike other Japanese women, she seemed to be so vocal about her feelings towards you. And I wonder why she's not scared to call you at any time of the day or night. She seemed to be so sure of herself when it comes to you. Why? What do you guys have that I don't know about?"
Napabuntong-hininga si Brian at binigyan niya ako ng here-we- go-again look.
"There's nothing between us. We are just friends. We have been friends even before I dated Maiko so she's very comfortable with me," sagot naman nito agad. Pinaninindigan talagang friends lang sila. Pero bakit gano'n ang asta ng babaeng yon?
"I feel like there's more than friendship between you, two," may pagdududa ko pa ring tanong. At lumayo ako ng konti sa kanya para matitigan ko siya sa mata. Pero nakakatingin naman ng deretso sa akin ang damuho. Parang kampante pa. Yon bang walang tinatago. Pero iba ang sinasabi ng gut feeling ko.
Hinila niya uli ako palapit sa kanya. "Come here, you doubting Thomas," at pinupog niya ako ng halik sa mukha. Nagpumiglas ako. Ayaw kong nilalandi niya ako gayong seryoso ako sa mga tanong ko sa kanya.
"I hope you're not lying to me," sabi ko na lang sa kanya.
"I'm not. I've always been faithful to you. And I assure you, I'm yours forever," nakangiti niya pang sabi. Pinisil na naman ang nanunulis kong baba. Inirapan ko siya.
"Oh, I forgot. I have something for you."
Bumaba ito ng kama. Naka-birthday suit na nagmartsa papunta sa living room. Pagbalik niya ng kuwarto, dala-dala na niya ang knapsack. May kinuha ito sa loob niyon. Isang maliit na kahon. Hindi ako nakapagsalita. Iisa lang ang ibig sabihin ng maliit na kahong yon. Magpo-propose na ba siya sa akin?
Napaupo ako sa kama. Sobrang excited. Dumadagundong ang aking puso. Hindi na ako mapakali.
Naupo si Brian sa tabi ko, hindi alintana ang kahubdan. Hindi ko na rin yon pinansin. Nasa pulang box ang mga mata ko. Parang nag-slow motion pa ang pagbukas niya ng kahon at pigil-hiningang napasilip ako doon. Bumulaga sa paningin ko ang kulay emerald na bato. Malaki ito. Kaagad akong nadismaya dahil hindi yon engagement ring. Ang ikinatuwa ko na lang, alam niya ang birthstone ko - peridot. Pero sobra akong disappointed.
"They say that this stone brings peace to the wild heart of the bearer. Some also say that it will liberate you from darkness... I thought about you when I saw your birthstone," nakangiti nitong sabi. Dinampot niya ang bato at nilagay sa palad ko. Pinilit kong hwag masyadong ipahalata ang disappointment. Nginitian ko siya nang matamis. Pero sa loob-loob ko'y gusto ko nang ibato ang peridot sa pagmumukha niya. May pa-suspense-suspense pa. Akala ko tuloy...
Initsa ko na lang ang kahon sa gilid ko at pinagmasdang mabuti ang birthstone ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nakita ko siyang napatingin sa kahong basta ko na lang isinantabi. Na-guilty naman ako. Baka nasaktan ko siya nang parang isawalang bahala ko ang kahon ng birthstone. Kaya dinampot ko na naman yon at nilagay sa kandungan ko.
"Thank you, Bry. I really appreciate it," sabi ko na lang para pagtakpan ang tunay na damdamin. Napangiti lang siya. Saka ko naman naalala ang gift ko sa kanya. Binalot ko muna ang katawan ng kumot bago ko tinungo ang cabinet na nasa bandang paanan lang ng kama. Kinuha ko ang gift ko sa kanya. Isang Nike shoes. Para kahit saan siya magpunta, kung suut-suot niya ito, maalala man lamang niya ako.
"Wow!" ang sabi niya nang mabuksan ang regalo. Tuwang-tuwa na parang bata. "Thank you, babe," at hinalikan niya ako sa pisngi.
Nang tapos na ang exchange gift namin, itinabi ko na ang peridot. Binalik ko sa kahon at pinatong sa study table ko. Napatingin siya ulit do'n sa pulang kahon. Nag-alala tuloy ako. Binagsak ko lang ba? Parang hindi naman 'ata. Maingat naman ako nang gawin ko yon.
"Aren't you going to open the box?" parang nahihiya nitong tanong. Napakamot pa ng ulo.
Anong open the box e kanina pa nga niya nabuksan yon. Nakita kong kinuha niya uli ang kahon at binigay sa akin. Kumunot na ang noo ko. Titingnan ko na naman ba ang birthstone ko? Ilang beses ko ba siyang uuliratin?
Dahil tiningnan ko lang ang box na naguguluhan, siya na ang nagbukas. Kinuha muna niya ang bato at tinanggal ang maliit na parang cushion ng birthstone saka may kinuha sa pinakailalim nun. At nilagay niya yon sa palad ko. Hindi ako nakapagsalita. It was the most beautiful necklace I've ever seen!
"I hope you like it," parang nahihiya niyang sabi.
Hindi ako sumagot. I was moved beyond words. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top