Chapter Forty-Nine - Konin Todoke Juri Shomeisho

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********

Noong maliit pa ako pangarap ko nang magkaroon ng isang enggrandeng kasal. Iyong mala-Cinderella ang dating - nakasakay ako sa karwahe, suut-suot ang pinakamagandang trahe de boda habang papunta ng simbahan, habang ang groom ko nama'y naka-ala Prince Charming na suot at nakasakay sa kabayo. Kailangan ding punung-puno ng sari-saring bulaklak mula sa iba't ibang panig ng mundo ang simbahan at dapat lahat ng nandoon para sumaksi ay naka-cocktail dress. At imbes dalawang doves ang pakakawalan pagkatapos ng seremonya, gusto ko love birds para maiba naman. Gusto ko ring sabuyan kami ng mga petals ng iba't ibang bulaklak pagkatapos ng kasal, pero gusto ko magmumula ito sa himpapawid - kaya kailangan may helicopter.

Eight years old pa lang ako, nakaplano na ang wedding ceremony ko, complete with all the details. Meron pa akong mga clippings ng iba't ibang wedding gowns na pagpipilian ko tsaka mga exotic beaches kung saan kami magha-honeymoon. Nakapili na rin ako kung saang simbahan gaganapin ang seremonya at kung sino ang magkakasal sa aming pari. Naisip ko noon, dapat arsobispo talaga ng Cebu. Hindi ako papayag na ordinaryong pari lang. Natatawa nga sa akin si Yaya Merced. Mas nauna pa daw akong magplano ng kasal kaysa magkaroon ng crush.

Dahil sobrang importante sa akin ang seremonya ng kasal, sinikap din sana ni Papa na mabigyan ako ng pangarap kong wedding noong ikakasal sana ako kay Anton. Wala nga lang karwahe dahil medyo malayu-layo ang bahay namin sa simbahan. Pero naroon lahat, pati ang helicopter na gagamitin sa pagsaboy sa amin ng mga petals ng paborito kong bulaklak. Pero yon nga, di yon natuloy. Ang grand wedding na pingarap ko ay naging isang bangungot dahil hindi ako sinipot ng aking Prince Charming na napagtanto kong hindi naman pala prinsipe kundi isang duwag na kawal lamang.

Ni sa panaginip hindi ko inisip na ang kasal ko ay magtatagal lamang ng dalawa hanggang limang minuto. Ni wala pang pari, mayor o judge na nagbasbas sa amin. Basta lang namin sinumite ang kakailanganing papeles sa registrar ng city hall ng Kurashiki at makaraan ang ilang sandali, binigyan na kami ng Kon-in Todoke Juri Shomeisho (Certificate of Acceptance of Notification of Marriage). At yon na. We're now Mr. And Mrs. Brian Thorpe! Ganunpaman, it was the happiest day of my life! Kung di lang ako nahihiya kay Brian, gusto kong yakapin at halikan ang certificate na yon. Grabe, nag-uumapaw ang aking kaligayahn. Hindi ko sukat-akalain na maging sobrang masaya ako kahit na hindi natupad ang pangarap kong kasal.

"How are you doing, Mrs. Thorpe?" nakangiting tanong sa akin ni Brian. May himig panunukso ang boses. Kanina pa kasi ako tahimik.

Napatingin ako sa kanya at napangiti na rin. Parang may bumara sa lalamunan ko at may mga luhang nangilid sa aking mga mata sa sobrang kaligayahan. Kanina ko pa nga kinukurot ang sarili ko para masiguro na hindi ako nananaginip lamang. Totoong asawa ko na ang guwapong blonde guy na nasa tabi ko.

"I'm fine," sagot ko sa mahinang boses. Tumulo na ang luha ko. Di ko na sila napigilan pa. Inakbayan niya ako at hinalikan sa sentido.

"I cannot promise you great wealth and finer things in life, but I will make certain, you will have a blissful life with me," madamdamin niyang bulong sa akin habang pinipisil-pisil ang balikat ko. Tumango lang ako.

Binati kami ni Ota-sensei at ng asawa niya ng "best wishes" tsaka niyaya kaming mag-lunch together sa Royal Host na nasa di kalayuan lamang. Nakisabay kami sa kotse ng boss naming hapon. Yon na bale ang reception ng kasal. Ni wala man lang kaming kaibigang dumalo. Lahat kasi may mga klase pa at naghahabol na matapos ang lessons dahil ilang linggo na lang at magtatapos na ang school year. At personally, ayaw ko ding may makasaksing kaibigan kasi baka di nila kami maintindihan at maawa pa sa amin. Ang hindi nila alam sobrang saya namin ni Brian.

Kakaupo lang namin sa nasabing restaurant nang sunud-sunod na nag-beep ang cell phone ko. Ang unang mensahe ay galing kay Liam.

"BEST WISHES! May you guys have a happy life." May image pa ito ng fireworks sa dulo at nakangising emoticon. Typical Liam.

Ang sumunod ay kay Macky. Medyo mahaba-haba.

"I wish you both happiness. May this day be a start of a blissful life for you and Brian. We may not see eye to eye when it comes to Brian, but I can't agree more on your choice. I know he's the only one who can make you happy."

Nangilid na naman ang mga luha sa mga mata ko. Sobra akong na-touched sa mensahe ni Macky. Parang nai-imagine ko pa siya na nagsasalita ng mensaheng yon.

Ang pangatlong email ay galing kay Ricardo. Halos ganun din ang sinasabi. Si David naman ay di nagpadala ng text o email kundi tumawag ito. Pati si Brian ay kinausap niya rin kahit saglit lang para ipaabot ang pagbati. Katatapos lang din naming mag-usap ni David nang tumawag naman si Gary kay Brian. Humingi ito ng dispensa na hindi nakarating sa two-minute wedding namin. Nasa ospital na naman daw kasi sila. Nag-bleed na naman daw si Maiko. Naawa tuloy ako sa dati kong karibal pagkarinig sa balitang yon. Naipagpasalamat ko na lang na pagsusuka at pagkahilo lang ang problema ko sa pagbubuntis.

Pagkatapos naming maglunch, dumeretso na kaming city hall para sa last general monthly meeting para sa taon. Back to work. Oo, hindi na kami nag-leave dahil pareho na naming nasagad ang nenkyu (paid holiday or vacation) namin.

Mag-isa akong pumunta sa fifth floor kung saan kami nagmi-miting dahil dumeretso sa ninth floor si Brian para asikasuhin ang mga kakailanganing papeles para sa pag-alis namin. Kailangan daw kasing mai-schedule ang exact date kung kelan namin lilisanin ang mga apartment namin. Mahalaga daw yon dahil bago umalis ang isang guro ay uusisain pa yon ng kinatawan ng Board of Education para masigurong maayos at wala kaming nasira. Kapag wala daw problema, maaari naming makuha ang deposit money.

Dahil bukas ang pintuan ng meeting room, narinig ko ang pag-uusap ng mga nasa loob. Pamilyar sa akin ang boses ng babae. Iritado ito.

"I know she only came here to find a husband," sabi pa nito. "I never trusted that woman since day one. She's a scheming flirt!"

"Yeah. What a shame! I wish she's not one of us!" Sang-ayon naman ng isa pa.

"Hey, calm down, girls," awat naman ng isang ring pamilyar na boses. Lalaki ito. Medyo natawa pa ito, siguro dahil sa kadramahan ng mga babaeng kausap.

Parang nag-aatubili tuloy akong pumasok. Hindi man sila nagbanggit ng pangalan, halata namang ako ang pinag-uusapan nila.

"Maybe she seduced him that's why he cancelled his wedding for her. What a slut!" sabi uli nung unang babae.

"Hey! That's too much. She didn't do that," sabi naman ng lalaki.

"Why do you defend her? Have you also touched that slut?" tanong pa uli ng babaeng pinaka-iritado sa kanilang tatlo.

Tatalikod na sana ako para huwag na munang tumuloy nang marinig ko yon. Gusto ko sanang umiwas sa gulo pero nagpanting ang tenga ko sa narinig kung kaya dumeretso ako sa loob. Parang namutla si Fiona nang makita ako pero kaagad ding nakabawi lalung-lalo na nang makitang hindi apektado ang lider-lideran ng grupo, si Liz. Tinaasan pa ako ng kilay ng tatlo. Namumula si Liz, marahil ay dahil sa galit. Si Liam lang ang mukhang nahihiya na nadatnan ko silang pinag-uusapan nila ako.

"Why are you so mad, Liz?" tanong ko agad dito, pilit na kinokontrol ang galit.

Imbes na sagutin ako, inismiran lang ako ng maldita. Nabwisit din ako sa dalawa kong kalahi. Sunud-sunuran sa payatot na puti. Mga bitter. Palibhasa, walang pumapatol.

"What did I do to you to deserve all this?" tanong ko pa nang hindi siya sumagot. Nakakuyom ang mga palad ko. Sinisikap kong huwag mag-explode. Tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa saka binalingan ang dalawang asungot niya.

"Let's go, girls. The room stinks," maarte nitong sabi kina Fiona at Ate Jane. Inirapan pa nila ako nang mapadaan sa tabi ko.

Nabatid ko na kung sino ang misteryosong babaeng nagpadala sa akin ng mensahe noong isang araw. Palagay ko itong malditang payatot ang may kagagawan nun. Nawili ako kay Mayu kaya nawala sa isip ko na pati ito pala ay may gusto kay Brian. Katunayan, nalasing ako sa Swlabr noong birthday ni Gary dahil inagaw nito ang atensyon ng lalaking mahal ko.

Hahabulin ko pa sana ng maanghang na salita ang tatlo nang pigilan ako ni Liam. Huwag ko na raw pansinin.

"She's just jealous. Ignore her. The most important thing is you're the winner, Mrs. Brian Thorpe," sabi pa nito.

Nang marinig kong tinawag niya akong Mrs. Brian Thorpe, nag-evaporate ang galit sa dibdib ko. Oo nga naman. Bakit ko sasayangin ang energy sa babaeng ni minsan ay never naging threat sa amin ni Brian?

"I got your message. Thanks a lot," sabi ko na lang dito. "And thank you also for keeping our secret. I have already told him," nakangiti ko pang sabi.

"I know because he stopped bothering me," at humalakhak pa ito.

"What did I mis?" madramang tanong ni Rhea nang dumating.

"Hi Rei," bati namin pareho ni Liam.

Niyakap ako nito at binati.

"I'm so happy for you, sweetie. At last, you secured that ring, eh?" biro pa nito sa akin habang nakatingin sa wedding ring ko.

Ang lawak ng ngiti ko. Tinaas ko pa ang palasingsingan. Nun naman dumating si Brian. Naramdaman ko na lang na niyakap ako habang nakatalikod. Saka binigyan ako ng light kiss sa pisngi.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Thorpe. Why was I not invited to the wedding?" may himig pagbibiro na sabi ni Rhea, kay Brian nakatingin.

"I thought about inviting you, but then you said you have your class observation today. If you did try to come after your class, you wouldn't find us in the city hall anymore," nakatawang sagot naman ni Brian.

"Was it that quick?" tanong naman ni Liam.

"Yeah, barely five minutes," nakangising sagot naman nito kay Liam. Hindi na siya hostile dito. Siguro dahil kasal na kami at wala na akong kawala sa kanya. Napangiti ako nang lihim.

"But are you guys going to have a second wedding in the Philippines?" tanong ni Rhea. Seryoso na ito.

"Yeah," sagot agad ni Brian. "That was supposedly a surprise to Alex but since I slipped and told her about it, you might as well know about it too, so you can prepare," sabi pa niya at inakbayan ako.

"Yay! That's awesome. I can finally go to the Philippines," nakatawang sagot naman ni Rhea. "Is it a beach wedding?" hirit pa nito.

"I'm not saying anything. You'll know when you get there," nakangising sagot naman ni Brian at sumulyap pa sa akin. Pinisil-pisil pa ang balikat ko.

"I don't have any idea either," sabi ko kay Rhea.

Binalingan ni Brian si Liam. "You are also invited, Liam. I hope you can come. And thank you so much for taking care of my wife."

Wife. Wow. Ang sarap pakinggan. Parang musika sa aking pandinig. Sinulyapan ko si Liam at nginitian ko siya. Ang lawak ng ngiti nito.

"Oh, that's awesome. Thanks. I will be there, definitely," sagot naman nito.

"Am I missing something? What's that thank you for?" tanong ni Rhea at tiningnan si Brian tapos ako.

"We're going to be parents soon," pabulong na sagot ni Brian. Ang tamis ng ngiti nito, lalung-lalo pa nang makitang na-shocked si Rhea. Namilog ang mga mata ng kaibigan ko na parang hindi makapaniwala. Nang makabawi ay humalakhak ito ng signature laugh niya.

"For real?" maarte pang tanong sa akin. Inagaw niya ako kay Brian at niyakap nang mahigpit. "So that's why you always feel bad. Oh, I'm so happy that it was not gastroenteritis, sweetie."

Nagkwento na tuloy si Liam tungkol sa nangyari sa examination room - kung papano natawa ang doktorang hapon nang makita ang baby imbes na tumor o kung ano pa man sa matres ko. At napagkamalan pa nga daw siyang asawa ko.

"I should have been there," sabi naman ni Brian. Sinulyapan ako. "It would have been pretty awesome."

"Sorry about that, mate," nakangisi namang sagot ni Liam.

Napangiti lang si Brian.

Mayamaya pa, nagsidatingan na rin ang iba pa naming mga kasamahan. Niyakap ako ng tatlo kong kaibigan. Tinaas pa ni Ricardo ang kamay kong may wedding band. Binati din nila si Brian.

Mag-uumpisa na ang meeting nang bumalik ang tatlong maldita. Hindi na pinansin ni Liz si Brian. Hindi tulad ng dati na ito ang una niyang binabati pagdating sa meeting room. Parang wala namang pakialam ang asawa ko. Palagay ko nga, hindi rin siya aware na gusto siya ni Liz. O kung aware man, wala din namang pakialam dahil hanggang colleague lang ang treatment nito sa babae. Nag-worry na naman pala ako sa wala.

Bago mag-umpisa ang tasks namin for the day, binati muna kami ni Mark Dale. Nagpalakpakan ang mga kasamahan namin. Biniro pa si Brian na magpainom naman daw. Natawa lang ito. May nagsisisigaw pa ng "kiss" sa mga kalalakihan. Pinamulahan ako. Pero nang sumulyap ako sa asawa ko, nakangiti itong nakatitig sa akin. Lalo akong nag-blush. Hwag niyang sabihing totohanin nga niya, loko siya. Nahihiya ako.

"What do we do? They're asking for a kiss," may himig pagbibiro na sabi sa akin ni Brian. Naku, Lord. Mukhang totohanin nga niya.

Bago ako makasagot, binigyan niya ako ng light kiss sa labi. Napahiyaw tuloy ang mga loko-loko naming kasamahan. Tumayo pa si Rhea at pumalakpak.

"A round of applause to the newlyweds!"

Sumunod naman sa kanya ang lahat ng nandoon pwera na lang ang tatlong kanina pa naghihimutok. Iniwasan ko silang tingnan. Nakakasira lang ng mood.

"We are all so happy for you, guys. We wish you all the best," bati naman ni Mark sa amin nang humupa na ang tawanan ng grupo. "However, we are kinda sad because we will lose two of our best teachers in the program."

Hiningi ng mga kasamahan namin na magbigay ng mensahe si Brian para sa lahat. Kaagad naman itong tumalima. Unang-una, pinasalamatan nito si Ota-sensei. Malaki daw ang naitulong nito hindi lang sa trabaho kundi maging sa personal niyang buhay. Pangalawa, nagpasalamat din siya kay Mark Dale para sa pagtitiwala nito at sa lahat ng oportunidad na binigay para maipakita daw niya ang galing sa pagtuturo. At higit sa lahat, nagpapasalamat daw siya sa Board of Education dahil pinagtagpo kaming dalawa.

"If not for the Board of Education in Kurashiki, perhaps until now I would still be wondering whether soulmates exist. Now, I know it does because I found mine in Alex," at tumitig siya sa akin. Namula na naman ako. Samantalang, naghiyawan naman ang mga kasamahan namin sa pangunguna ni Rhea.

Nang ako naman ang pinagsalita, simpleng pasasalamat lang ang sinabi ko. Binanggit ko sina Ota-sensei, Mark Dale, ang BOE tsaka ang lahat naming mga kasamahan. Siyempre, special mention ang mga kaibigan kong sina Macky, David, Ricardo at Rhea. Bago ako umupo, tumingin ako kay Liam at bahagyang yumuko.

"Thank you also for always being there for me. I really appreciate your presence in times when I thought no one was with me," at medyo nangilid ang luha ko. Naalala ko kasing hindi ako naging mabuti sa taong ito. Katunayan, lagi ko pa siyang binabara dati. Yon pala, totoo siyang kaibigan at loyal din sa akin.

Siniko ni Andrew nang bahagya ang katabi. Ano daw ba ang ibig kong sabihin? Ngumiti lang si Liam sa katabi at nag-salute naman sa akin. Nakita kong sumulyap si Brian dito at ngumiti rin.

Uupo na sana ako nang tumayo si Rhea. "What about your husband?" tanong nito at tinuro pa si Brian. "He gave such a beautiful message to you and you're not saying anything to him?" may himig pagbibiro nitong tanong. May kabuntot pa iyong tawa. Typical Rhea talaga.

Tumingin ako kay Brian. Nakangiti lang ito. Medyo nahihiya ako sa kanya dahil maraming nakatingin. Ano ba ang dapat kong sabihin? Nag-aalala ako kasi baka ma-misinterpret ako ng mga makikitid ang utak. Gusto ko kasi sanang sabihin na kahit noong iniinterbyu pa lang ako, noong sinusupladuhan nya ako, naramdaman ko nang mayroon kaming koneksyon. Kahit noong alam kong ikakasal na ito, hindi ko pa rin pinigilan ang damdamin ko sa kanya dahil batid ng puso kong siya na ang matagal ko nang hinahanap-hanap. My better half. Pero papano ko ba yon sasabihin nang hindi nila ako pagdudahan na inakit ko nga si Brian para masira ang relasyon nila ni Maiko dahil may gusto na ako sa kanya sa simula pa lang?

"Brian knows what he means to me and I will just show it to him everyday for the rest of my life," sabi ko na lang, pilit na kinokontrol ang boses na hindi pumiyok. Naiiyak na naman kasi ako.

Nagpalakpakan na naman sila. Inulan pa nila ng tukso si Brian. Ang tamis naman ng ngiti ng loko.

"I'm so jealous!" maarte namang sagot ni Rhea at humalakhak.

Nang bumalik na ako sa tabi ni Brian, sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. "I'm so happy for you, sweetie."

"All right. Another round of applause for the newlyweds," nakangiting sabi naman ni Mark Dale nang siya na ang nasa gitna. Nagpalakpakan na naman sila.

"This is the time of the year when I hate to be standing here in front of you because I will be calling out names - names of people who are quitting the program," umpisa ni Mark habang sumusulyap-sulyap sa listahan sa harap niya. Pinaliwanag pa niyang hindi na mapo-postpone ang announcement dahil last general meeting na nila yon. Ang susunod na mga pagtitipon nila kasi'y group meetings na lang. Kaya hindi na magkikita ang sho (elementary school) at chu (junior high school) group sa mitingan.

Nagbulung-bulongan na ang mga guro kung sino-sinong aalis. Nag-umpisa nang mag-roll call si Mark. Ang una niyang nabanggit ay si Marco, isang Amerikano na napapabilang sa junior high school group. Kasabay ko itong dumating. Ito lang ang may asawang haponesa sa batch namin. Parang nabigla ako na aalis na siya dahil hindi ko naman ito naringgan ng pagrereklamo tungkol sa program. He was always positive about Mark and the whole program itself. Mukhang hindi lang ako ang nabigla sa balitang yon. Tumayo tuloy si Marco at nag-esplika.

"I will be returning to the States with my family. I found a job there. I will be teaching history in middle school in my own state," nakangiti nitong balita. Inulan siya ng "congratulations!"

Ang sumunod na tinawag ay si Andrew, ang Taiwanese-British. Hindi na ako nabigla. Matagal ko nang alam mula kay Liam na aalis ito dahil nalipat sa ibang prefecture ang nobyang doktora. Dun na raw siya magtuturo sa lugar na nilipatan ng nobya. Yon din ang pinaliwanag niya sa grupo.

Ang ilan pa sa mga lilipat ay sina Liz, Henry at John. Pawang mga guro sa junior high school. Mag-aasawa na rin ang dalawang lalaki at sasama sila sa lugar ng napangasawa nilang haponesa. Samantalang si Liz naman ay uuwi na sa UK. Buti naman, sa loob-loob ko. At least, mababawasan ng isang maldita sa Japan.

Medyo naging malungkot na ang ambience pagkatapos ng announcement. Naubos ang kalahati ng session namin sa announcement at speeches ng mga aalis. Kaya nang magbreak time ay nakahinga ng maluwag ang lahat. Masyado daw heavy ang first half ng session.

Hindi na ako bumaba. Sa halip nagpabili na lang ako kay Brian ng pagkain. Nagpaiwan din si Rhea para may kasama ako. Pinakita ko sa kanya ang certificate na nagpapatunay na kasal na nga ako kay Brian.

"It's so funny. This is your only proof that you guys are married and yet, you can't understand a word of it," at humagikhik pa ito.

"Yeah. I can't even pronounce the whole name in Japanese," natatawa ko ring sagot saka nilapag ko siya sa mesa para piktyuran. Inaplowd ko kaagad siya sa FB page ko para makita nila Papa. Ang sabi ko kasi sa kanila, ia-upload ko na lang ang certificate pagkatapos naming makuha. Hindi nga nagtagal, nakakuha na ako ng maraming likes. Nagcomment na rin si Tita ng "No English Translation?" Sinagot ko naman siya na meron naman pero hindi siya official. Tinranslate lang ni Ota-sensei for my benefit. Pero hindi ko na yon inaplowd dahil wala namang official hanko ng taga-city hall. In short, hindi siya binding.

Mayamaya pa, nakatanggap ako ng long distance call from the Philippines. Si Benz. Excited ang bakla.

"So it's official? Pero ano ba naman yon? Totoo bang marriage certificate yon? Mamaya niyan, pinagbibili ka na pala ni Brian, dyan," nakatawa nitong sabi. Hindi na hinintay ang hello ko.

"You wish," sagot ko naman. Tinutukso ko kasi siya dahil alam kong pinagnanasaan rin niya ang asawa ko. "Sigurado bang wala kang kaalam-alam sa pinaplano ni Brian na wedding namin in the Philippines? Mamaya niyan, ikaw pala ang wedding planner namin. Kapag nagkataon, sasapakin talaga kitang bakla ka."

"Ano ka ba? Na-surprise nga ako nung binanggit mo sa akin nung isang araw e. Magsisinungaling pa ba ang baklang to sa yo? Pagkatapos ng mga pinagdaanan nating dalawa?"

"Okay. Panghahawakan ko yan, ha?"

"Hoy, pumunta uli dito ang ex mo noong isang araw. Nagtatanong kung papano ka niya mare-reach."

Napakunot-nooako. Si Anton? Ano naman ang drama niya?.}8pt


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top