Chapter Forty - Karaoke
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
************************
Hindi na kami nakauwi ng bahay dahil natagalan kami sa Saizeriya kung kaya dumeretso na kaming apat kung saan ang meeting place ng grupo para mag-karaoke. Nandoon na silang lahat pati si Hiromi-sensei, ang nag-imbita kay Rhea sa friendly match. Pinakilala ako sa kanya ni Rhea. Ako daw ba ang special friend na tinutukoy ni Brian? Tumawa lang ang mokong nang marinig ito at inakbayan ako. Ang tamis ng ngiti ko nang sulyapan si Mayu pero hindi ito nakatingin sa amin. Kausap nito ang isa pang guro, ang assistant coach. Pero feeling ko narinig niya yon. Nagbibingibingihan nga lang.
Nagtaka ako kung bakit puro guro lang ang nandoon. Nasaan na ang mga key players na siyang nagpanalo sa match? Akala ko pa naman para sa kanila itong victory party. Bakit ni isa sa kanila ay wala? Tinanong ko si Brian tungkol dun.
"They're strictly not allowed to drink. So they're discouraged to go to karaoke places or bars," paliwanang niya.
Nakita kong mukhang abala si Mayu sa pakikipag-usap sa assistant coach kaya nakatabi ko sa paglalakad si Brian nang walang sagabal. Pinapagitnaan namin siya ni Rhea para hindi na makasingit ang bruha.
Pagdating namin sa building kung saan kami magkakaraoke, medyo naliyo ako nang konti. Napaka-smoky. Ang baho talaga. Napaubo pa ako.
"Are you okay?" tanong ni Brian.
Tumango lang ako. Nanibago lang siguro ako sa amoy ng sigarilyo dahil ang tagal na ring di ako nakapunta sa mga ganitong lugar.
Mayamaya pa, dala-dala na ni Hiromi-sensei ang maliit na tray na may lamang remote control ng karaoke machine at dalawang mikropono. Sinamahan kami ng isang staff papunta sa room na naka-assign sa amin.
Medyo malaki ang nakuha naming kuwarto. Marami kasi kami. Mga kinse katao lahat. Tumabi si Rhea kay Hiromi-sensei. Ako namay'y sa gilid ni Brian naupo. Katabi ko ang isa pang medical team volunteer. As expected, nasa kabilang side ng boyfriend ko naupo si Mayu.
Nag-order ng beer ang lahat liban sa akin. Oolong tea lang ang inorder ko kung kaya napatingin sa akin si Brian.
"You don't like Guinness, anymore?" may himig pagbibirong tanong nito. Hinagkan pa ako sa sentido.
"I just don't want to get drunk like before," sabi ko naman.
"I'm here. I'll take care of you," malambing na sagot niya.
Napangiti lang ako lalo na nang makita kong napaismid si Mayu. Pilit lang nitong ikinukubli sa pamamagitan ng paghahanap ng makakanta sa binigay sa aming makapal na magasin.
"Thanks. But I'm okay with oolong tea," sagot ko.
Hindi pa nakakarating ang order namin, pumasok na ng kanta si Mayu. Ang bilis ng babaeng ito. First love ni Utada Hikaru ang kinanta niya. Nainis ako. Yan lang ang kabisado kong Japanese song tapos inunahan na naman ako. Nakakarami na yata ito sa akin, a.
In fairness, may boses din ang bruha. Kaya pala ang lakas ng loob. Nagsipagpasok na rin ng gustong kantahin ang iba pang naroon. Pati si Rhea. Kaya naghanap na rin ako ng makakanta. Marami-rami rin ang available na Western songs pero karamihan ay luma na kaya nagkasya na lang ako sa Dreams ng Cranberries. Pinasa ko na ang magasin kay Brian. No'n naman nagsidatingan ang order namin kaya natigil panandalian ang kumakanta. Nagsalita si Hiromi-sensei ng pasasalamat, lalung-lao na sa coaching staff. Special mention niya si Brian. Pagkatapos ay tinaas nito ang mug at sabay sabi ng "kampai!" (cheers). Hawak-hawak ang sariling baso, itinaas din namin ito sabay sigaw ng "kampai". Binalingan ko si Brian at pinagdikit namin ang aming mga baso at nagngitian.
"Congratulations babe," bati ko sa kanya.
Tumawa ito nang mahina. Parang kinilig.
"That was the first time you call me that," ang sabi niya. Nakagat ko ang labi. Sobra din akong natuwa sa nakita kong kasiyahan niya sa gano'n ka simpleng bagay. Kinilig din ako.
Dedma naman ang bruha sa gilid. Ewan ko kung narinig niya kami. Siguro naman, ano. Bingi na lang siya kung hindi. Sana naman ay mahiya na siya sa pinaggagawa. Hindi niya ba nakikita na sweet kami ni Brian? Makikisawsaw pa. Ang kapal.
Nagsalitan na ang kumakanta. Natapos na rin nga si Hiromi-sensei. Hindi ako pamilyar sa kinanta niya. Parang pang-matanda. No'n ko lang din yon narinig. Natatawa naman ako sa ibang mga guro. Ang iba kasi'y mukhang tahimik lang at di masalita pero ang iingay ng song choice. Meron pang nag-rap. Nakikantyaw nga si Brian. Si Rhea nama'y maingay ang personality pero Carpenters ang napiling kantahin.
Ang napili kong kantahin na Dreams ng Cranberries ay never pa daw nilang narinig maliban siyempre kina Rhea at Brian. Pero nang kantahin ko na'y na-appreciate naman nilang lahat. Narinig ko pa silang nagsabi ng "sugoi" (galing). Natuwa naman ako.
Nang matapos akong kumanta, nagpalakpakan pa silang lahat. Si Mayu lang ang hindi pumalakpak. Kunwari'y umiinom ng beer.
"You sound like a pro, babe," komento naman ni Brian. Nag-init ang pakiramdam ko. Yong feeling na sobrang natuwa.
"That was awesome, sweetie. Sugoi ne (galing naman)," si Rhea naman at tumawa pa nang malakas.
Dahil lahat nakakanta na pwera kay Brian, kinantyawan ng grupo ang huli na pumili na ng kakantahin. Kailangan daw niyang kumanta. Hindi daw siya pauuwiin hangga't hindi siya nakabanat kahit isang kanta man lang. Napakamot ito sa ulo at pumili na rin ng kakantahin. Ako ang kinakabahan sa kanya.
Napatingin ako sa kanya nang makita ang pinasok niya. Everlasting Love na version ng U2. Naku, paborito ko to. Naalala ko tuloy si Anton. Ito ang paborito niyang kantahin tuwing nagkakaraoke kami. Hindi man yon magaling kumanta pero nasasabayan niya ang rythm at melody. At hindi naman nakakahiya ang boses. Sana si Brian gano'n din. Nininerbyos na ako.
Nang hinawakan na ni Brian ang mikropono, napayuko ako nang bahagya sabay pikit. Nag-usal ng maikling dasal na sana hindi naman siya mapapahiya. Nang kumanta na siya, napaangat ako ng mukha. Nagulat. Napasambit pa ako ng "Thank you, Lord," nang mahina. Nang mapatingin ako sa kanya, kumindat siya sa akin. Para naman akong kiniliti. Samantalang, cheer ng cheer naman ang labis na natutuwang si Rhea. Nakatayo na ito. Panay sambit naman ng "sugoi" (magaling) ng ibang naroroon.
Nang matapos si Brian, si Rhea ang malakas na pumalakpak. Tumawa pa ito ng signature laugh niya. Sa sobrang tuwa ko naman, iha-hug ko sana si Brian pero naunahan na naman ako ni Mayu. Humalik pa ito sa pisngi ng boyfriend ko. Kaya nag-froze na naman ako.
"My God, Brian! I didn't know you can sing. You can be a pro. With that looks and voice...," eksaheradang bulalas ng bruha. May kasama pang maharot na kumpas ng mga daliri.
"Thanks, Mayu. You're so sweet," nakangiti namang baling sa kanya ni Brian.
Nagtinginan kami ni Rhea. Napatirik ang mga mata nito at kinuha ang cell phone sa bag. Kunwari may tinawagan. Mayamaya pa naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko. Hindi ko na ito kinuha sa bag. Pinindot ko na lang ang read message para hindi naman kami halata.
"You're so slow, sweetie," ang sabi nito sa text. At may nakatawang emoticon sa dulo. Napatingin ako sa kanya at nag-roll eyes.
Hinawakan ko na lang sa bandang tuhod si Brian dahil parang walang balak tumigil ni Mayu sa kapupuri. Siguro maramdaman ni Brian ang kamay ko sa tuhod niya dahil nilingon niya ako. At bago pa ako makapagsalita, masuyo niya akong hinagkan sa sentido at kinuha ang kamay ko tsaka pinisil. Saka lang ako nakapagsabi ng, "You're great." Nakita kong napaismid si Mayu pero di ko siya pinansin.
Umorder pa sila ng beer. Nakailang beer na rin si Mayu. Napakunot-noo ako kasi alam kong magda-drive pa ito mamaya. Ang alam ko, striktong ipinagbabawal ang pag-inom at pagmamaneho at the same time. Kaya siniko ko si Brian at binulungan. Siya na ang nagsabi sa bruha.
"You're driving later, right?" pagpapaalala nito.
"Daijoubu yo (Okay lang)," nakangising sagot ng bruha. Pero medyo namumungay na ang mga mata. Lasing na ata.
Sinaway din siya ni Hiromi-sensei. May sinabi ito sa Japanese. Hindi ko naintindihan pero nag-react si Brian. Nagsabi na nakainom din siya.
"Then, I'll just leave my car at the station and spend the night at your house again," nakangiting sagot nito. Iyong ngiting may kasamang paglalandi.
Pero hindi ako naapektuhan ng paglalanding yon. Ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang sinabi nito. Spend the night at your house again. Teka, ang sabi ba niya 'again'? Tama ba ang dinig ko? Nang mapasulyap ako kay Rhea, nakita kong mukha rin itong nabigla. At base sa pagkunot ng noo ay nabatid kong narinig din niya ang sinabi ni Mayu.
Awtomatikong pinanlamigan ako. May hindi ba sinasabi sa akin si Brian? Tiningnan ko siya nang masama.
"It's not what you think," mahina nitong sabi sa akin. Medyo nag-alala na rin dahil siguro sa ekspresyon ng mukha ko.
"There's something that you're not telling me about," anas ko sa kanya. Napukaw na naman ang galit ko. Pero pilit ko pa ring kinokontrol.
Hinawakan niya ako sa kamay. Tinabig ko ang kamay niya.
"We've already talked about this, babe. What she meant was the night we came back from Hiroshima. Dad was with us," paliwanag naman ni Brian sa mahinang boses. Careful din siya na hindi makuha ang atensyon ng ibang mga kasama namin samantalang ang bruha ay abala sa pagtungga ng beer. Nangangati na ang kamay kong ibuhos lahat ang natirang beer sa pitsel sa ulo niya nang matauhan. Pero siyempre, hindi naman ako magpapakababa nang ganoon. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumanta.
"Yeah. We've talked about it. But not the whole thing," naiinis kong sagot. "Is there something you're not telling me?"
Bago makasagot si Brian, tumunog ang pamilyar na ringtone kaya nagkaroon siya ng excuse para di muna ako sagutin. Narinig ko siyang nangumusta kay Gary. Nasa ospital na naman daw ito.
Nakuha ng tawag ang atensyon ni Mayu. Napatingin ito kay Brian nang may pag-aalala. Nagtatanong kung kumusta na daw 'siya'. Nakita kong tinakpan ni Brian ang isa niyang tenga para marinig ang kausap pero halos di sila magkarinigan kung kaya tumayo ito at lumabas sandali. Pagbalik, sinalubong siya agad ni Mayu ng tanong.
"She's okay now," sagot naman ni Brian. Kay Mayu nakatingin.
"Was it Gary?" tanong naman ni Rhea. "What happened?"
"Maiko was rushed to the hospital. She bled again."
Mukhang mahirap ang pagbubuntis niya. Tumahimik tuloy ako. Nawala ang momentum ko sa panunumbat. Ganunpaman, nandoon pa rin ang inis ko. Hindi pa siya nagpapaliwanag nang mabuti.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa isa kong hita. Parang nang-aalo. Pero di ko siya pinansin. Kunwari'y nasa iniinom ko ang aking atensyon.
"Why do you find it difficult to believe me?" halos pabulong nitong tanong sa akin. May himig pagtatampo.
Siya pa ang may ganang magtampo, ha. Lalo akong nainis tuloy. "Because I think you're not telling me the truth," anas ko sa kanya.
Nakita kong parang naningkit ang asul niyang mga mata. Parang na-offend.
"You always assume that I'm not telling you the truth. You would rather believe other people," may inis na sa boses niya.
Inirapan ko siya. Hindi na ako nagsalita. Nakita ko siyang tumayo at lumabas. Sinundan ko siya ng tingin.
"Where are you going?" tanong ni Mayu. Tinigil pa talaga ang pagkanta para usisain lang si Brian. Pero hindi siya pinansin nito. Dere-derecho kasi itong lumabas. Lumapit sa akin si Rhea at inakbayan ako samantalang ang sanhi ng lahat ay dedma lang sa amin. Pinagpatuloy ang pagkanta nito. Mukhang lasing na.
"Are you okay?" tanong ni Rhea sa akin.
Hindi na ako sumagot. Pero may nangilid nang luha sa aking mga mata. Gusto ko nan gang batukan ang bruha.
"C'mon. Let's go outside," anyaya nito. At tumayo kaming dalawa. Nakaakbay pa rin siya sa akin.
"Toire ni ittekimasu (Punta lang kaming CR)," sabi ni Rhea sa malakas na boses para di na mang-usisa ang mga kasamahan namin. Tumango lang sila. Mukhang abala rin sila sa kung ano ang pinag-uusapan.
Hindi namin nakita sa labas si Brian kaya medyo nag-alala na ako. Saan kaya pumunta yon? Umuwi na kaya? Hindi naman siya siguro gano'n. Hindi naman siguro niya kami iiwan.
Nang nasa loob na ng CR, binuhos ko ang lahat ng sama ng loob. Kaya napaiyak ako. Kanina pa kasi ang pagpipigil ko kay Mayu. Tapos nalaman ko pa na nakitulog siya kina Brian. Parang sa tono ng pananalita, lagi niya ginagawa yon. Baka hindi lang noong nagpunta sila sa Hiroshima. Malay ko ba naman kung nasundan pa yon. Ang tagal din naming di nagkibuan ni Brian pagkatapos naming mag-away noon. Kaya posibleng kay Mayu siya bumaling.
"As I have always told you, trust Brian. Who knows? That woman may be lying. You know her type," advise sa akin ni Rhea.
Pero ewan ko ba. May gut-feeling says may nililihim sa akin si Brian. Sa isang banda naman, naisip kong kung paapekto ako sa bruhang yon, panalo na naman siya. Kanina pa nga niya ako nalalamangan, e.
Sige, pagbibigyan ko na naman ang lalaking yon. I'm giving him the benefit of the doubt.
Pagbalik namin, wala pa rin si Brian. Pero this time, hindi lang siya ang wala dun. Maging si Mayu! Dumagundong ang puso ko at kumulo ang tiyan. Tensyonado na naman ako.
Lumabas uli kami ni Rhea. Nagpalinga-linga. Pinasya naming pumunta sa lounge at napatda ako sa nakita. Nakaupo sila pareho sa sofa habang may kinakausap sa cell phone ang bruha. Cell phone na pag-aari ni Brian. Humahalakhak ito. Nakangiti naman si Brian na nakamasid. Parang may sinasabi ito kay Mayu.
Nanlata ako. Kaya inakbayan ako ni Rhea at hinagkan sa buhok.
"Let him explain, okay? Do not just conclude," paalala niya sa akin habang hinahagud-hagod ang buhok ko.
"What is there to explain?" naiiyak kong tanong. "Let's go home," mahina kong sabi sa kanya.
Nakita kami ni Brian. Siguro dahil sa nakita niyang hitsura ko, bigla itong tumayo at lumapit sa akin.
"Hey," ang tanging nasabi. Larawan siya ng labis na pag-aalala. Hinawakan niya ako sa kamay. Tinabig ko ito at tiningnan ko siya nang masama.
"There you go again," sabi niya.
"Uhm, I think I have to leave you, two. I am going back to the room," paalam ni Rhea at iniwan na kami.
Tinangka niya akong yakapin. Tinulak ko siya pero niyakap niya ako ulit. Hindi ko siya napigil. Nakayapos na siya sa akin. Hinahampas-hampas ko naman ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
"You're jealous again," sabi na naman niya.
"I am not jealous. I just hate being cheated on," galit kong sagot sa kanya.
"I am giving you my word. There's nothing between Mayu and me. Believe me," pang-aalo nito sa akin.
Nakita kong pinatay na ni Mayu ang telepono at tumakbo sa amin. Awtomatiko akong napayakap sa boyfriend ko. Parang may bumubulong sa akin na hindi ako dapat padadaig sa malanding ito. Kaya isinantabi ko muna ang galit kay Brian.
"Your dad is so cool," nakatawang sabi nito. Dedma lang siya na magkayakap kami ni Brian. Parang wala lang ako doon. Nang magtama ang paningin namin, inirapan lang ako. Kinuha naman ni Brian ang cell phone at nilagay sa bulsa.
"Let's go?" ang sabi pa na ang ibig sabihin ay bumalik na raw sila sa room namin. Tumango lang si Brian. Hindi pa rin inaalis ang mga braso sa bewang ko. Nakatalikod na ako kay Mayu.
"You go ahead. Thanks for talking to Dad."
"No problem. Anytime," tuwang-tuwa namang pakli ng bruha.
Lalong nakadagdag yon sa sama ng loob ko. Pero pinilit ko lang ang sarili na iwaksi yon sa isipan. E ano kung ayaw ng dad niya sa akin? Naramdaman ko na lang na humihigpit ang yakap niya at may kasama pa yong halik sa buhok ko.
"Trust me. I will not hurt you," narinig kong sabi niya.
Bahagya niya akong nilayo sa katawan at hinawakan ako sa baba.
"Please believe me. That's all I'm asking you," mahina nitong sabi bago niya ako hagkan sa mga mata.
Naalala ko uli ang pangaral ni Rhea. Trust him...Kahit iba ang sinasabi ng gut-feeling ko, napapikit ako sabay tango.
"Are we good now?" tanong nito.
Tumango uli ako.
Saka lang kami bumalik sa mga kasamahan namin. Sinabihan ko siyang gusto ko nang umuwi. Pumayag naman siya. Magpapaalam lang daw kami kina Hiromi-sensei.
Nahulaan agad ng guro na may kung ano sa pagitan namin ni Brian kaya agad naman itong umokey na mauuna kami. Makikisabay sana si Mayu pero inawat siya nito. Sinabihan ang dalagang sabay-sabay na silang lahat mamaya. Pati si Rhea nga'y nagpaiwan. Hindi naman nagpumilit ang bruha.
Nagtren kami papuntang Muromachi. Pagdating namin sa istasyon, wala nang bus papunta sa amin kaya nagtaxi na lang kami. Sa bahay ang derecho ng taxi. Bumaba din siya at hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng apartment ko.
"Are we good now?" masuyo niyang tanong uli habang binubuksan ko ang pintuan. Nang hindi ako sumagot, pinigilan niya ang kamay ko sa door knob. Kaya napilitan akong lingunin siya at sumagot ng 'oo'.
"But you can't sleep here with me tonight," sabi ko pa bago tinulak ang pintuan.
Natawa siya nang mahina. "Okay. For as long as we're good again, that's fine with me. Take care, baby. Sleep well."
"Take care," sagot ko naman at pumasok na ako sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top