Chapter Forty-Five - Radish

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

****************************

Maaasahan din pala si Liam. Palagay ko wala nga itong sinabihan kahit na sino tungkol sa kalagayan ko. Wala naman kasi akong napansing pagbabago sa pakikitungo ng mga kasamahan namin sa akin. Kahit nga si Rhea, iniisip talaga na dahil lang sa stress kung bakit prone ako sa indigestion. Pinayuhan pa akong kumain ng maraming prutas at gulay para madali daw akong matunawan. 

Wala pa rin akong balak na sabihan si Brian. Natatakot kasi ako, e. Dalawang bagay ang ikinatatakutan ko. Unang-una, nangangamba ako na di niya ako panagutan. Alam kong mahal niya ako pero ibang usapin na ang pagpapakasal. Pangalawa, natatakot din akong pakasalan niya ako dahil sa kalagayan ko. Siyempre, kahit sino namang babae nangangarap na pakasalan sila ng nobyo nila dahil mahal sila at hindi dahil sa ipinagbubuntis nila.

Pinagsalikop ko ang mga braso sa mesa at pinatong doon ang ulo ko. Nahihilo na naman ako, nakakaasar. Bumibigat na rin ang talukap ng aking mga mata. Tuluyan na sana akong nakatulog kung di tumunog ang cell phone ko. 

"Sweetie, where are you? The boys and I are here in the cafe," sabi ni Rhea na ang ibig sabihin ay ang tatlo kong kaibigang lalaki. 

"I'm here in the conference room. I'm chatting with my aunt on Facebook," pagsisinungaling ko na lang. Baka magtanong pa kasi kung bakit di ako bumaba. 

"Okay, I am not going to keep you any longer from chatting with your aunt. Happy chatting ne," at nagpaalam na ito. 

Binuksan ko ang iPad at nag-log in sa FB page ko para sakaling umakyat sila ay makita nila na nakabukas nga ang FB ko at di nila masabing nagsisinungaling ako. 

Mayamaya pa, bumukas ang pinto at niluwa nito si Brian. May dala-dalang mga drinks at sandwiches. Inabot nito sa akin ang isang sandwich. Bigla akong nagutom. Pagbukas ko ng plastic wrapper muntik na akong maduwal sa amoy ng tuna. Buti na lang at napigilan ko. Ang nakita niya lang ay ang paglagay ko ng isang daliri sa ilong.

"This is tuna sandwich," sabi ko. "Don't they have chicken or ham?" tanong ko pa.

"They do but I thought you loved tuna sandwich," sagot nito na parang nagtaka. Dati nga namang mahilig ako sa tuna sandwich kasi mas healthy kaso nga lang lately nababahuan na ako sa mga isda. Hindi ko kaya ang amoy. Naduduwal ako.

Binalik ko sa kanya ang sandwich. "I'm sorry, I can't eat this."

"Okay, I'll get you some ham or chicken sandwich downstairs," ang sabi naman niya agad at tatalikod na sana pero dumating si Liam. May dala-dala rin itong pagkain. Dahil nakita niya ang lalaki nagbago ang isip niya lalo pa't hindi pa umaakyat ang iba naming mga kasamahan. Sa halip, inabot niya sa akin ang Wonda canned coffee. Magkape na lang daw ako.

"Coffee is not good for her," sabi kaagad ni Liam.

"Why not?" parang naiiritang tanong ni Brian. Hinarap nito ang bagong dating.

Tinitigan ko rin si Liam. Iyong titig na may pagbabanta. Huwag na huwag siyang magkamali at sasakalin ko siya.

"Because coffee has high acidity level and it could contribute to digestive difficulties," pangangatwiran nito. Nabunutan ako ng tinik. Akala ko madudulas na naman siya.

"Oh, sorry babe. I forgot," paghingi ni Brian ng paumanhin sa akin. Tinalikuran na niya si Liam at sa akin na nakatingin.

"Here. Have this instead," at inabot sa akin ni Liam ang nabili nitong maliit na cartoon ng gatas. May kasama na rin itong straw. Feeling ko sinadya niya itong bilhin para sa akin dahil alam niyang kailangan ko yon.

"Thanks Liam. You're so thoughtful," nakangiti kong sagot dito at inabot ko na nga yon pati na ang isang maliit na pack ng biscuits.

"Milk? That's not good for somebody with digestive problem either," komento agad ni Brian at inagaw pa sa mga kamay ko ang gatas. Nabigla ako.

"Oh that's okay. She's just pr----------." Hindi natuloy ang sasabihin sana ni Liam dahil pinandilatan ko agad siya. Nakagat niya ang labi at tumingin sa akin na parang humihingi ng paumanhin.

"Yeah, I fogot that milk is also a no-no for people with digestive problems. Thanks for reminding me, Bry," nakangiti ko namang sagot kay Brian habang palihim na binabalaan si Liam sa pamamagitan ng tingin. Sige, madulas ka pa uli, papatayin na kita. Napangiti ito at napakamot sa ulo.

Kahit uhaw na uhaw at gustung-gusto ko na sanang uminom ng dalang gatas ni Liam, hindi na lang ako kumibo. Baka magduda na si Brian. Buti na lang, nagsidatingan na rin ang iba pa naming kasamahan. May dalang mineral water si Macky at inabot niya ito sa akin nang makitang wala akong inumin.

"Thanks, Macky."

"Are you free tonight? Akiko is cooking dinner for us. She told me to invite my friends," sabi pa nito. Sumulyap din ito kay Brian at nagsabi ng, "You can come, too."

"Thanks. But Alex and I have plans tonight," sagot nito agad na ikinabigla ko. Wala naman kaming napag-usapan, a. Tsaka hindi ko pa siya tuluyang pinapabalik sa buhay ko.

"Sorry, Macky. Next time?" sagot ko na lang para di naman ito mapahiya. Nakakainis. Ito na sa sana ang pagkakataon ko para malaman kung bakit biglang nagbago ang tingin nila kay Brian. Ba't naman kasi sabat ng sabat itong kumag na to sa gilid ko. Nagseselos na naman ba siya kay Macky?

"Okay," sagot naman ni Macky at tinapik ako sa balikat bago bumalik sa puwesto.

Pumasok na rin sina David at Ricardo. May dala din silang biscuits sa akin.

Nang mag-uwian na, nagpaiwan si Rhea. Kaya ako lang mag-isa ang sakay ng kotse ni Brian.

"I think you need to go to another hospital. There's one near us. I'll take you there this weekend. It's good to have another opinion, you know."

Naalarma ako. Pero hindi naman ako nagpahalata.

"I'm okay. There's no need to worry about me. I'll be fine in a few days," sagot ko.

"Are you taking some medicine?" tanong nito.

"No," sagot ko naman agad. Tinatamad na akong magsalita dahil naduduwal na naman ako. Hilong-hilo na ako talaga. Parang it's taking us a hundred years bago marating ang amin.

"You're sick and they didn't give you something to ease your discomfort? I can't believe them! Are you sure Liam was able to translate well what the doctor had said about your condition?" Medyo naiirita na naman ito.

"I'm fine!" sagot ko at binigyang-diin ang salitang 'fine'.

Napailing-iling na lang siya at di na nagsalita pa. Pero panay ang sulyap nito sa akin lalo pa't panay hawak ko sa bibig na parang masusuka. Mayamaya pa may inabot ito sa aking supot. Kung sakali lang daw na di ko na talaga mapigilan. Inalis nito ang isang kamay sa manibela at pinaghagod sa likod ko.

"Drive with both hands," mando ko sa kanya. "I can manage myself." 

Inalis niya ang kamay sa batok ko at tahimik na nagdrive. Nang makarating na kami sa amin, hindi ko na siya hinintay para pagbuksan ako. Dali-dali akong lumabas ng kotse at tumakbo na ako paakyat sa apartment ko. Ni hindi nga ako nakaabot sa toilet bowl at naduwal na. Kaya gumapang ako at kumuha ng tisyu na ipinampunas sa nagkalat na suka sa sahig. Nagsuka na naman ako nang maamoy ang tisyu. Mayamaya pa, naramdaman kong may kamay na humahagud-hagod sa likuran ko. Nilingon ko si Brian at pinaalis.

"You need me here. Don't be stubborn," sagot naman niya at pinagpatuloy ang paghagod sa likod ko. Hinawakan din ang buhok ko para hindi ito mag-shoot sa toilet bowl.

Nang maging okay na ang pakiramdam ko, tinayo niya ako at inalalayan hanggang sa kuwarto. Pinahiga muna niya ako sa kama bago umalis para kumuha ng tubig. Pagkainom ko sa tubig, nakiusap ako sa kanya.

"Bry, can you make me a radish salad? Put some tomatoes and onions, too. Then, some vinegar. I'm so hungry."

Napatingin siya sa akin. Parang hindi sure kung tama nga ang dinig niya sa akin. "Radish salad? With tomatoes and vinegar? But that's not good for you given your condition. They're acidic."

I just rolled my eyes. Ang hirap naman kapag matalino ang kausap mo. Ang daming tanong.

"That's what I want to eat," pagmamatigas ko.

"I thought you don't like radish? You told me that before," pagpapaalala niya sa akin. Oo nga. Noon. Pero ngayon, yan ang kini-crave ko. "Why don't I make some chicken soup for you, instead?"

Chicken soup? Ayaw ko ng chicken soup! "I don't want chicken soup. I want some radish salad. Please," pagmamakaawa ko pa.

Nakakairita ang lalaking ito, a. Baka gusto niyang sukahan ko na lang ang pagmumukha niya?

"Why not? Chicken soup will be good for you," pamimilit pa nito.

"I don't have the energy to argue with you," malumanay kong sagot at tinangka kong bumangon. Ako na lang ang gagawa.

"Hey, what are you doing?" Lumapit siya sa akin at pinigilan niya akong bumangon.

"I'll make my own radish salad if you can't make it for me," nabubwisit kong sagot at hinampas ang kamay niyang pumipigil sa aking bumangon. Hindi ko rin napigilan ang inis.

Tumawa lang ito. "Okay, okay. If that's what you want. I'll make you some radish salad now, but don't tell me I didn't warn you when you start having that tummy ache again."

Tumango akong nakangiti. Yehey!

Mayamaya pa, pumasok na uli siya sa kuwarto dala-dala ang isang bowl na pinaghalong labanos, kamatis, at sibuyas. Pagkaamoy ko pa lang sa suka, naglaway na ako. Nilantakan ko ang salad agad. Namangha siya habang nakatingin sa akin.

"Oh. I didn't know that you're that hungry," natatawa nitong komento. Inakbayan ako. Manghang-mangha pa nang makita akong maganang kumakain. Nagtusok ako ng ilang piraso ng hiniwang labanos at kamatis at inalok siya. Umiling lang siya at nilayo ang mukha. Nagtakip pa ng ilong. Ang baho daw ng vinegar. Ang arte! 

"Chew it properly babe or you'll have indigestion again," paalala niya sa akin. Tumango lang ako habang sige pa rin sa kalalamon. Mayamaya pa, nasimot ko na ang isang bowl ng mixed salad na ginawa niya. Natawa na naman siya. Napailing-iling. Hinila niya ako palapit sa kanya.

"Come here, you little weirdo," ang sabi niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. Hinagkan niya ako sa buhok at pinisil pa ang baba ko.

Makalipas ang ilang minuto, bumuti-buti na ang pakiramdam ko. Kaya sinabihan ko na siyang umuwi na kung gusto niya.

"I'll stay here with you tonight just in case you'll feel bad. With that weird food you've eaten, I'm pretty sure your tummy will be upset again," sagot niya. Nagprotesta pa sana ako pero di siya nakinig. Pumunta itong kusina at nagluto na rin ng makakain niya. Hindi ko na siya sinabayan dahil nagpunta na akong banyo para maligo. Nagdala na lang ako ng damit na pampalit. 

Paglabas ko ng banyo, narinig ko siyang may kausap sa cell phone niya. Tumatawa-tawa pa siya. Napalingon ito sa direksyon ko. Nang makita ako na nagkukuskos ng basang buhok, hininaan niya ang boses at nagpaalam na sa kausap.

"Who was it?" kunwari'y kaswal kong tanong. Pero sa loob-loob ko'y naroon na naman ang tensyon. Kinakabahan na naman ako. Baka kung tinawagan na naman siya ng bruha.

"It was Gary. He called to invite me to a nomikai (drinking party) with the other chu people (junior high school teachers)." 

Nabunutan ako ng tinik. Si Gary lang pala.

"Why don't you go?" sabi ko.

"No. I'll stay with you tonight," at ngumiti pa ito sa akin. "Can I borrow a towel?" 

"Sure," sagot ko naman at kumuha ng tuwalya sa closet. Inabot ko ito sa kanya. Pagkakuha sa tuwalya, kaagad itong naghubad sa harap ko. Susmaryosep!

"Brian!" saway ko. Tumawa lang siya sa akin. 

"You've seen them all. There's no point in hiding my naked body from you," nakangisi nitong sagot. Nang makapaghubad na ay tinupi niya ang damit at nilagay sa ibabaw ng study table. Ginamit niyang pambalot sa ibabang bahagi ng katawan ang tuwalya saka nagtungo na sa banyo. Nang masiguro kong nakaalis na siya, kinuha ko ang puti niyang inner shirt at inamoy-amoy. Gosh, namiss ko talaga ang amoy na to! More than three weeks ding di kami nagkasama. Ang weird, bangung-bango ako sa hinubad niyang inner shirt. Na-miss ko siya talaga. At ngayon nga'y ini-imagine kong naka-hubo't hubad siya na nagsa-shower sa banyo. Sapat na yon para makaramdam na naman ako ng pag-init ng katawan. 

Nang maramdaman kong bumukas ang banyo, kaagad kong binalik ang inner shirt niya sa ibabaw ng study table at nahiga na sa kama. Mayamaya pa, narinig kong tumutunog ang email alert ng cell phone ko. Bumangon ako at kinuha ang cell phone sa bag. Tiningnan ko kung kanino galing ang email. Kay Liam. At may dalawa pa akong unread messages mula sa kanya.

"When are you going to tell Brian? He has been pestering me these past few days," anang unang text. "I think he's not convinced about this digestive problem thing we told him," sabi sa pangalawa. "I can't promise you that I will be able to control myself from telling him next time. He has been bothering me a lot these days," anang huling mensahe nito. 

Gusto ko sana siyang tawagan kaso naramdaman ko si Brian na nasa labas lang at nagkukusot ng buhok. May built-in mirror kasi ako sa labas lang ng kuwarto. Nandoon din ang hairbrush, suklay at hair dryer ko. Tinext ko na lang si Liam. 

"Please bear with me for a little longer. I will tell him soon."

"Who's that?" narinig kong tanong nito nang pumasok ng kuwarto. Nakabalabal ang puting tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nakahubad pa rin ito. Awtomatikong nag-init ang mukha ko. Dahil matagal-tagal na ring di ko siya nakitang halos walang saplot, nanibago na naman ako sa kanya. Hindi ko siya matingnan nang deretso. Feeling ko pamumulahan na naman ako.

Bigla itong dumapa sa kama. Dinambahan niya ang paa ko. Biglang nag-init ang buo kong katawan nang maramdaman ang matigas niyang dibdib. Sinipa-sipa ko siya kunwari habang dini-delete ang mga messages ni Liam. Buti na lang maagap ako kasi sinilip niya ang cell phone ko. Message na ni Macky ang nakita niya.

Gumulong na ito at nahiga na nang maayos. Tinanggal niya ang nakabalabal na tuwalya kaya nakita kong handang-handa na naman sa laban ang kumpare niya. Tumingin siya sa akin nang may kapilyuhang kumikislap sa mga mata.

"Brian!" naibulalas ko kunwari at hinagis sa kanya ang kumot.

Tumawa lang ito. Lumapit ito sa akin at hinalikan niya ang punong-tenga ko habang naglalakbay ang kanyang kamay sa aking katawan.

"Bry, please. I don't want to do it tonight," mahina kong protesta. Aminado akong nag-iinit na rin ako at kung di niya ako pakikinggan, wala din naman akong magagawa.

"Why not?" tanong niya, namumungay ang mga mata sa pagnanasa. 

"Because I didn't accept you back yet," sagot ko naman. 

"Then accept me now," mando niya sa akin at hinalikan niya ako sa leeg.

Ano ba'ng gagawin ko, Lord?

"Will you promise me that you'll not hurt me again?" tanong ko.

"Baby, I've been promising you that since day one. Just have faith, okay? You're my one and only," sagot naman nito agad at bumaba na ang labi niya sa mga labi ko. Napapikit ako at pinulupot ko ang mga braso sa kanyang leeg at nagpaubaya...

Nagising ako nang bandang alas tres at medyo na-disorient pa nang konti. Parang nabigla pa ako nang maramdamang may balahibuhing hita na nakadagan sa mga hita ko. Napasabunot ako sa buhok nang maalala ang mga naganap nang gabing yon. Nagpaalipin na naman ako sa dikta ng aking katawan. Hay, sana lang he is indeed telling the truth.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama at tumakbo na naman sa CR. Nagsuka na naman ako ng nagsuka. At naramdaman ko na lang na hindi na ako nag-iisa. Nando'n na naman siya nakatayo sa bungad at may hawak-hawak na isang basong tubig. Inabot niya sa akin ang tubig nang matapos na akong magsuka.

"I hate to say I told you so but I guess it's the radish salad that you've eaten last night." 

"No, I don't think so," mahina kong sagot at dinala sa kusina ang baso. 

Nang bumalik ako sa kuwarto, nakaupo na ito sa kama. Natatakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tumingin siya sa akin. Parang may gustong itanong pero parang nag-aatubili.

"What?" tanong ko.

Umiling siya.

Bumalik na rin ako sa pagkakahiga. Naki-share na rin ako ng kumot sa kanya. Matutulog na sana ako uli nang marinig ko siyang magsalita.

"When did you have your last period?" Napabalikwas ako at napaharap sa kanya. Shit! May kutob kaya siya? 

Pinakalma ko ang sarili. Hindi ako dapat nagpapahalata. "Two weeks ago," kaswal kong sagot. Na siya namang totoo kaya hindi nga ako makapaniwala noong nalaman kong buntis pala ako.

Napatangu-tango siya. Hindi na nagsalita pa. Parang nag-isip.

"Why? tanong ko naman. Pero kinakabahan na.

Umiling siya. "Nothing," halos pabulong niyang sagot at tahimik akong niyakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top