Chapter Forty-Eight - Unknown Number
This book is already published. For those who want to order a PRINTED copy, please send me a private message here on Wattpad. The book size is 5X8 inches and has a total of 334 pages. Hindi ho ninyo pagsisisihan dahil maganda ang printing, binding, at book cover. :) It costs Php360 plus shipping fee. Mura lang ang shipping fee kapag J&T. Nagde-deliver sila kahit saan pang lupalop ng Pilipinas. Order na! :)
********************************
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
****************************
Shocked ako na hindi shocked si Papa nang ibalita ko sa kanyang niyaya na akong magpakasal ni Brian. Sinabi lang sa akin na dapat ko daw alagaan ang mapapangasawa ko at huwag ko nang pairalin ang pagiging spoiled ko. Pagsilbihan ko daw ito nang mabuti at sumunod ako sa kanya. Ang weird! Iniisip kong magpoprotesta ito kagaya dati. O kung hindi man, pigilan ako dahil parang madalian ang lahat.
"Hindi po kayo galit?" tanong ko na hindi makapaniwala.
Nakita ko siyang umiling nang bahagya at ngumiti. Sa paputul-putol na salita, sinabi niyang matagal na daw niyang alam. Napakunot ang noo ko. Anong matagal nang alam?
Tumawa pati sina Tita, Tito at Yaya. Nasa background sila habang nagska-skype kami ni Papa. Si Tita na ang nagpaliwanag para hindi masyadong mapagod ang ama ko.
"Actually, nang bumisita siya dito noong nagbakasyon kayo sa Pilipinas, nagpahaging na siya sa Papa mo. At noong Disyembre nga ay pormal na niyang hiningi ang kamay mo sa kanya. Kaya nga inasikaso na ng Tito mo ang mga kakailanganin mo sa kasal - ang birth certificate at certificate of no marriage mo o CENOMAR. Pinadala na namin lahat kay Brian last week," sabi pa ni Tita.
Napaawang ang labi ko. Hindi makapaniwala. Noong Disyembre pa? Hindi ba't mukhang rocky road pa noon ang relationship namin? Panay pa selos ko nun kay Mayu at siya kay Liam.
Bago ako makasagot, narinig kong may bumukas ng pintuan. Dumating na si Brian. May dala-dala itong supot ng pinamili. Nilapag niya lang ito sa sahig ng living room at niyakap ako mula sa likuran sabay bati ng "Hey babe."
Kumaway siya kina Papa. Ngumiti sa kanya ang ama ko. Binati ito sa pagkakatanggap sa trabaho na siyang ikinabigla ko uli. Papano nalaman yon ni Papa? Hindi ko pa nasasabi a.
Nang makita ni Brian ang ekspresyon ko sa mukha, hinalikan niya ako sa pisngi, nakangiti ang kumag.
"I called them up the next day," nakangisi nitong sagot.
Aba, may access na siya sa family ko kahit noong hindi pa kami officially engaged? Ang bilis talaga ng Briton na to!
Nagtawanan naman ang pamilya ko. Nakita ko pang kinilig si Yaya, lalung-lalo pa nang inakbayan ako at hinalikan uli ni Brian sa pisngi.
Nakisingit sa usapan si Uncle at tinanong ang nobyo ko kung natanggap na nito ang pina-EMS na dokumento.
"Yeah, thank you so much," at dinukot pa niya yon sa dalang knapsack at pinakita sa screen.
Napailing-iling ako. Bilib talaga ako sa bilis ng damuhong to. But I have to admit, sobra akong kinilig dun. Kaya pala lagi niyang sinasabi sa akin dati na magtiwala lang ako sa kanya at huwag mag-isip ng sobra. Naku, kung alam ko lang di hindi na sana ako nagtapon ng luha para sa kalandian ni Mayu.
Nang matapos kaming makipag-skype kina Papa, pinakita niya sa akin ang sinasabing papeles ni Uncle tapos ang iba pang dokumento na kinuha niya sa Philippine Embassy sa Osaka.
"You're so fast," natatawa kong komento. "You're indeed more British than Filipino," napapailing kong sabi.
"I told you, right? You just have to trust me," nakangisi nitong sagot saka pinangko na ako at dinala sa kuwarto. Napasigaw ako sa kabiglaan. Pero kaagad niyang sinelyuhan ng halik ang aking mga labi.
Maingat niya akong hiniga sa kama tsaka tinabihan. Hinalikan niya ako sa mga mata at ilong bago bumaba uli ang mga labi niya sa labi ko. Napasinghap ako, lalo na nang maramdaman ang kanyang kamay sa maseselang bahagi ng aking katawan. Habang sinasalat ang kaibuturan ng aking pagkababae, nakatitig siya sa akin. Nang mapaungol ako'y napangiti siya saka siniil niya ako ng halik sa labi.
Iba ang estilo niya ngayon. Mabagal at marahan. Parang sinasabik ako. Tupok na ako sa pagnanasa pero hindi pa rin siya naghuhubad. Ako'y ganun din, balot na balot pa rin. Nang tinangka kong maghubad, pinigilan niya ako. Ano ba'ng drama nito? Inatake na naman ako ng pagiging insecure. Nawawalan na ba siya ng gana sa akin dahil buntis na ako? Nangyayari daw ang ganun minsan sa mga lalaki. Kaya daw marami ang nawawalan ng gana sa girlfriend. Kasi kapag buntis o nagkaanak na, hindi na nila ito matingnan as a woman o lover kundi bilang nanay na. Ganun din kaya ang nangyayari dito? Tiningnan ko siya. Namumungay na rin ang mga mata nito pero wala pa ring ginagawa kundi mangapa-ngapa, sumalat, kumagat-kagat...Ako na ang naiinip. Gusto ko nang punitin ang sweater niya. May kapilyahan akong naisip. Isa lang ang paraan para malaman ko kung 'cool' pa nga rin ba siya. Nangahas akong hawakan siya sa kanyang pagkalalaki. At ako'y napangiti. Nawala bigla ang aking pagdududa. Narinig ko siyang napatawa nang mahina.
"You're pretty naughty," bulong nito sa akin habang kinakagat-kagat ang tenga ko. Naglakbay ang kanyang mga labi sa aking leeg bago niya ako siilin ng halik sa mga labi.
Hinawakan ko siya sa dibdib at pinasok ang kamay sa loob ng kanyang sweater. Ang init ng katawan niya. Sinubukan kong itaas ang kanyang sweater habang nakatingin sa kanya na parang humihingi ng permiso. Ngumiti siya bago tumango. Nang makita ko ang approval niya, wala na akong inaksayang panahon. Kaagad ko yong hinubad. Ganun din naman ang ginawa niya sa akin. Sinunod ko na ang pantalon niya. Hindi na ako humingi ng permiso pa. Tinulungan ko din siyang hubarin ang kahuli-hulihan kong saplot bago yumakap sa kanya.
Nang ganap na kaming mapag-isa, tumingin siya sa akin.
"Are you okay? Please tell me if you feel uncomfortable," anas niya sa akin sa pagitan ng mga ungol. Naisip kong nag-aalala nga ito sa kalagayan ko.
Tumango lang ako. Niyakap ko siya nang mahigpit at binulungan na gusto ko nang mabilis. Dahan-dahan pa rin siya, hanggang sa ako na ang nag-initiate. Saka lang siya gumalaw ayon sa gusto ko. Nang natapos na'y maingat siyang umalis sa pagkakadagan sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Are you sure, we didn't hurt the baby?"
Napatingin ako sa kanya. Akala ko nagbibiro lang siya. Nang makita kong seryoso siya sa tanong, napatawa ako.
"What? What's funny?"
Yon pala ang dahilan. Napangiti ako.
"The baby's fine," panigurado ko sa kanya.
"Just want to be sure my little girl is okay," nakangiti nitong sagot.
"Little girl?" tanong ko. Ang alam ko, halos lahat ng mga lalaki, boy ang gustong maging panganay.
"I want a little girl," nakangiti nitong sagot. "I hope we have a little girl, here," at hinawakan niya ang tiyan ko.
"You don't want a son? That's a little strange. Most guys want a baby boy for their first born," sagot ko naman.
"Dad said our family never had a girl. For several generations, the Thorpe family only have boys. I hope that would change in my family," pagpapaliwanag niya.
Kaya naman pala.
"What's your preference?" tanong nito sa akin.
"I don't have any for as long as we have a healthy baby," nakangiti kong sagot.
"If we will be blessed with a son, I wouldn't mind either, but I just hope that we will have a baby girl."
Napangiti ako at hinawakan ko ang pisngi niya. Naisip ko na sana sa kanya magmana ang bata, lalung-lalo na sa hugis at kulay ng mga mata. Kaso nga lang, dark brown ang mata ko. Unless may recessive gene ako for blue eyes, mukhang malabong magka-blue-eyed baby din ako. Pero who knows? Sabi ni Papa, tisay naman si Mama. May lahing kastila baka nga meron akong recessive gene for blue eyes. Parang hindi na ako makapaghintay pa para sa paglabas ni baby. Sana lang, hindi niya ako pahirapan.
"What are you thinking?" tanong niya sa akin.
"I just thought about the baby. I hope she will look like you," nakangiti kong sagot at sinalat ang kanyang pisngi.
"Oh no! I am hoping we will have a little Alex with us. I hope she will have your hair, eyes, nose, everything..." At siya naman ang sumalat-salat sa pisngi ko.
Umiling ako. Hindi pwede. Alam kong maganda din ako pero napaka-ordinaryo ko kung nasa Pilipinas. Gusto ko ng little Brian. Sinabi ko yon sa kanya. Natawa lang siya.
Natigil kami sa paghaharutan nang tumunog ang cell phone niya. Bumangon siya at kinapa ang bulsa ng kanyang pantalon. Gaya ng dati, ni hindi na naman nag-bother na magtakip ng katawan. Kaya nakabuyangyang na naman sa harap ko ang ngayo'y relaxed na kumpare niya. Napangiti ako sa tawag ko dito. Pero biglang napalis ang ngiting yon nang marinig ko siya habang kausap ang kung sino man sa kabilang linya. Nakita ko ang pag-iba ng timpla niya. Nakita ko pang napakagat siya ng labi. Kapag ganun ang hitsura niya, alam ko na agad na pinipigilan niya lang ang galit. Pinakinggan ko siya nang maigi. Ang dad niya ang kausap niya!
Lumabas ito ng kuwarto. Sinilip ko siya. Sa living room ito pumunta. Sinara pa ang pinto. Pero kahit papano ay naririnig ko pa rin ang boses niya. Hindi nga lang klaro ang sinasabi niya pero nagtaas na rin siya ng boses. Ako na naman siguro ang pinag-aawayan nila. Nabahala ako.
Nang bumalik siya sa kuwarto, mainit na masyado ang ulo niya. Halos pabagsak na nga siyang nahiga sa kama. Dahil hindi ko siya kayang tingnan na nakaburles sa tabi ko, dahan-dahan ko siyang kinumutan. Ingat na ingat din ako na hindi ko madagdagan ang galit niya.
Inakbayan niya ako, saka inayos ang pagkakapatong ng ulo ko sa braso niya.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Hindi ko matanong ng derecho kung ano na naman ang problema nilang mag-ama.
Tumango siya. Di naman nagsalita. Pinatong lang nito ang isang braso sa mga mata at napapikit. Naawa ako sa kanya kaya niyakap ko siya at hinalikan sa dibdib.
"I love you," mahina kong sabi, tsaka tiningala siya. Napadilat siya. Inalis niya ang brasong nakatabing sa mga mata tsaka tumitig sa akin.
"Come again?" nakangiti na siya.
"I said, I love you," ulit ko, seryoso ang mukha.
Tumawa ito nang mahina. Tingin ko parang kinilig, kung meron mang kilig sa mga Briton. Yong parang na-excite.
Hinalikan niya ako sa labi. "This is the first time you've told me that. I thought, you will never say that to me," nakangiti nitong sagot.
"But you know I love you, right?"
"Of course. I can feel it but it's still different when you say it out loud because it feels really good," sagot naman niya. At mukhang sa isang iglap ay nagbago ang kanyang mood. Kaya nagkalakas-loob akong tanungin siya tungkol sa phone call. Sumeryoso siya.
"Dad won't come to our wedding," malungkot nitong sabi.
Importante ba yon? I mean, civil wedding lang naman yong sa amin. Ni wala nga sigurong seremonya kasi ayon sa paliwanag ni Ota-sensei, magsusumite lang naman kami ng papeles sa city hall, tatatakan yon ng hanko (stamp used in lieu of a signature) namin at ng dalawang witness, and boom, we're married. Napaka-impraktikal ngang magtravel pa ang dad niya ng ilang libong milya para sa two-minute wedding. Yon ang sinabi ko sa kanya.
"You're crazy. I am not talking about that wedding. I mean, our wedding in the Philippines," kaswal nitong sagot.
Ikakasal din kami sa Pilipinas?! Napamulagat ako. Ako ang bride and yet hands off ako sa plano ng kasal ko? Pambihira!
Nakita niya siguro ang ekspresyon sa mukha ko kung kaya napangiti siya. Hinalikan niya ang tungki ng aking ilong tsaka pinisil ang baba ko.
"That was supposedly meant as a surprise to you, but now that you knew about it, it's no longer a surprise." Napabuntong-hininga pa siya. Parang sobrang disappointed.
Touched naman ako.
"You mean, another civil wedding in the Philippines?" tanong ko. Pero siyempre, hindi naman yon ang ibig kong sabihin. Nahihiya lang akong itanong kung sa simbahan ba yon kasi ang alam ko hindi naman siya Kristyano.
Natawa siya. Nahulaan pa rin yata ang gusto kong itanong.
"It's a secret," nakangiti nitong sagot.
"C'mon. Tell me," pamimilit ko sa kanya.
Umiling siya. "Just trust me. It will be a blissful wedding."
Naisip ko agad si Benz. May alam kaya ito tungkol sa secret wedding na ito? Baka kinakutsaba ito ni Brian para sa pagplano ng kasal namin. Lagot talaga ang baklang yon kung totoo ang sapantaha ko. Tatawagan ko siya bukas. Hindi na ako mapakali. Excited ako sa sinasabi nitong wedding. Sana naman hindi siya another 2-minute wedding.
"Who did you ask to arrange for our wedding in the Philippines?" hirit ko uli.
Natawa na ito. "Baby, I'm not going to say anything. I'm sorry."
Sinimangutan ko siya pero pinisil na lamang niya ang baba ko.
Tumunog uli ang cell phone niya. Bumangon na naman siya para sagutin ito. Mayamaya ay lumabas na naman ng kuwarto. Tumaas ang kilay ko. Sino na naman kaya yon na kailangan pa niyang lumabas? Sinilip ko siya. Nasa di kalayuan lang naman, sa pagitan ng kuwarto at ng living room. Di gaya kanina, this time ay parang sinadya niyang hinaan ang boses. Kinabahan tuloy ako. Sino kaya yon? Ang bruha na naman ba? Hindi ba kami tatantanan nun?
Nang bumalik siya sa kuwarto, maaliwalas ang mukha nito. Kaya nasisiguro kong magandang balita ang dala nang tumawag. Hindi ko na napigilan ang curiosity. Tinanong ko siya.
"That was just Ate Beth," nakangiti nitong sagot.
Aha! Alam ko na. May kinalaman si Ate Beth sa wedding namin sa Pilipinas!
"Did you ask for Ate Beth's help for our wedding?" tanong ko agad.
Napailing siya, natatawa sa akin.
"You're so persistent," sabi pa niya.
"I'm just wondering," nangingiti ko ding sagot.
Umiling lang siya ulit at pumikit na naman. Napadilat lang siya uli nang tumunog ang tiyan ko. Shit! Nagtakip ako ng mukha. Hiyang-hiya. Narinig ko siyang tawa ng tawa. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakatakip sa mukha. Feeling ko ang pula-pula ko na.
"That's alright. If you feel like farting too, do not be embarrassed. I heard it's pretty normal for pregnant women," panunukso niya sa akin.
Kumuha ako ng unan at hinampas siya. Natawa lang siya tsaka bumangon.
"I'll make you something to eat. Do you want some soup? Chicken soup? I can also grill some pork here if you want," sabi niya habang papunta sa kitchen.
"Okay, please. Thank you, Bry."
Tiningnan ko ang oras sa wall clock, alas dos y medya na. Kaya naman pala nagreklamo na ang tyan ko. Eleven o'clock ang last kong kain. Nag-rice naman ako. Naka-two cups pa nga, a lot heavier than usual. Akala ko it would last me till dinner time. Iba pala pag buntis.
Parang nakalimutan na ni Brian ang init ng ulo sa ama. Kumakanta-kanta na ito habang nagluluto sa kusina. Nun ko lang siya narinig na nagha-hum ng song habang nagluluto. Napangiti ako. Everlasting love na version ng U2 ang kinakanta. Paborito siguro niya ang Irish band na yon.
Bumangon ako at nagbihis. Nilakasan ko pa ng konti ang heater. Bigla kasing lumamig. Sinilip ko si Brian sa kusina. Hindi kaya nalalamigan ang damuho? Naka-boxers lang ito.
"Aren't you cold, Bry?" tanong ko sa kanya mula sa kuwarto na dalawang maninipis na sliding doors na yari sa manipis na kahoy at papel lang ang pagitan.
"Nope, I'm okay."
Lalo akong ginutom nang maamoy ang gini-grill nitong pork. Niluwangan ko ang bukas sa pinto. Lumingon jto sa akin.
"Close the door, babe, or the bedroom would smell like grilled pork."
Ang arte. Sige na nga. Sinara ko ang pintuan. Lumabas na lang ako. Pero di rin ako nakatagal sa kusina dahil hindi yon abot ng heater. Ang lamig, sobra. Pagbalik ko ng kuwarto, nakita kong kumikislap ang cell phone ko. Meron akong missed call. Pero di nakarehistro ang numero ng tumawag. Ibig sabihin ayaw niyang magreturn call ako sa kanya dahil hindi hinayaang mag-appear ang phone number sa call history ko. Hmn. Sino kaya to? Ibababa ko na lang sana sa kama ang cell phone nang makita kong nakailaw ang mail icon nito. Nang buksan ko siya, nakita ko ang di pamilyar na numero. Anang mensahe:
"I never trusted you and I was right after all. I think you're happy now that you have him. Enjoy it while it lasts..."
Napakunot-noo ako. Sinulat ko ang numero sa papel tsaka tsinek ang naka-save na numero ni Mayu sa phone registry ko. Hindi sila magkapareho. Ibig sabihin hindi galing sa bruha ang email. Kung di kay Mayu --- kay Maiko? Ang sabi kasi, "I never trusted you..." Feeling ko kay Maiko nga galing. Napaismid ako. Tila mayroon pang natitirang feelings ang babae para kay Brian. Pakiramdam ko, ginamit lang niya si Gary para maisalba ang pride. Bigla akong naawa kay Gary kahit na never naman kaming naging close.
"Lunch is ready," narinig kong sabi ni Brian, at binuksan nito ang sliding door. Nakalagay sa tray ang pagkain. Pinatong niya muna ito sa study table at pumuntang living room para kunin ang maliit na center table doon. Nang maihanda na niya ang pagkain, inalalayan niya ako sa pag-upo sa throw pillow.
"Thank you, Bry."
Humalik siya sa pisngi ko. "Anytime, baby," at pinisil niya uli ang baba ko. "Can we adjust the heater? It feels like summer time here," natatawa niyang sabi at kinuha ang remote control.
Hindi ako kumibo. Hindi dahil sa ayaw kong hinaan ang heater kundi dahil bothered ako sa natanggap na email. Pakiramdam ko kasi, sinisisi ako ng isa pang bruha sa pag-atras ni Brian sa kasal nila.
"What's wrong?" tanong ni Brian nang tahimik lang akong kumakain.
Umiling ako. Inakbayan niya ako.
"Don't worry about, Dad. He cannot break us apart."
Ngumiti ako sa kanya kahit pilit lang. Hindi naman yon ang pinoproblema ko e. Naiinis lang ako na may ibang tao riyan na hindi makakatanggap ng pagkatalo. Ang akala ko pa naman buo sa loob niya ang pag-give up kay Brian. Kung tutuusin siya ang unang nagloko. June pa lang may milagro na silang ginagawa ni Gary samantalang kami ni Brian naman ay kelan lang nagsimula. Kung di naman siya nagloko, palagay ko hindi naging madali ang lahat for Brian and me. Gusto niya pa rin pala si Brian bakit sinuko niya agad? Nakakainis!
Hindi nakontento sa mapakla kong ngiti si Brian. Inusisa ako kung ano ba talaga ang nangyari. Kaya napilitan akong ipakita sa kanya ang natanggap kong email. Tinanong ko siya kung galing ba yon kay Maiko.
"No," kaagad nitong sagot.
"Are you sure?" paniniguro ko pa.
"Yeah. I know her number pretty well." Nang makita akong napasimangot sa implikasyon nun, natawa na naman ito at pinisil ang baba ko. "Don't be jealous. That's expected because we dated for more than five years. I have called her number many times in the past that I have memorized it already."
Hinusgahan ko na agad si Maiko, hindi naman pala siya. Sino kaya? Si Mayu? Pero iba ang phone number na nasa phone book ko. Nagbago kaya ng numero ang bruha? Posible,
"Then, who could this be? Mayu?" tanong ko uli.
"No, I don't think so. That's an AU (a phone company in Japan) number. Maiko and Mayu are using softbank phones," sagot naman agad ni Brian.
Kung ganun, neither of the two. Meron pa bang ibang humahabol kay Brian nang di ko alam? Pambihira naman, oo.
"Eat. Forget that message," mando sa akin ni Brian. "Some people just find it hard to be happy for others. It's not your problem anymore. Just remember, that I will always be here for you, okay?"
Tumango ako. Oo nga naman. Sapat na ang marinig ko yon mula sa kanya para mawala ang panibago kong worries.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top