Chapter Five - Soja Bar
A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro. Just check my store named: Gretisbored.
For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.
************************
Katatapos ko lang maghapunan nang gabing yon nang makatanggap ng tawag mula sa amin. May balita na ang dati kong yaya, si Yaya Merced, tungkol sa mommy ni Brian. Ito kasi ang pinakiusapan kong magtanung-tanong sa bayan ng mommy ko. Taga-dun din kasi si Yaya. Yon nga, nagsabi siya na may nakausap daw ang pinsan niya na kamag-anak ni Brian. Halos lahat daw ng mga tiyahin at tiyuhin nito ay wala na sa Vigan. Karamihan ay umuwing Iloilo kung saan galing ang kanilang ama, ang lolo ni Brian. Pero meron din daw lumipat lang ng Pangasinan. Hindi sigurado ng napagtanungang kamag-anak kung yon ang mommy ni Brian dahil hindi lang naman daw ang ina nito ang nakapag-asawa ng foreigner.
Naisip kong tawagan si Brian. Alam kong matutuwa ito sa ibabalita ko. Malapit ko nang mahanap para sa kanya ang nawawalang ina. Excited din ako para sa kanya.
"What's up?" tanong nito sa boses na parang kagigising lang. Nagising ko kaya siya? Tiningnan ko ang relos na nakasabit sa dingding. Alas nuwebe pa lang naman a.
"I'm sorry if I woke you up," medyo natatarantang paghingi ko ng paumanhin sa kausap. "If you want, I can call you again later or tomorrow."
"Cut to the chase. I'm tired and sleepy. I want to go back to sleep. So what is it?"
"All right, I called to say I have some news about your mom. I was told that your mother's family is no longer living in their old neighborhood. Some went to settle in your grandfather's hometown in Iloilo while some moved to Pangasinan. I don't have some info about your mom's whereabout yet but maybe in a few days—-"
"Is that all?" putol nito sa sasabihin ko pa sana. Walang bakas ng pasasalamat ang mokong. Bagkus, parang disappointed pa at iritado dahil nagising ko siya. Shit! Sana hindi na lang ako nagmalasakit.
"Yeah," mahina kong sagot. Asar na.
"All right thanks, I appreciate it." At binaba ang telepono. Aba, walang modo! Nagtatalo ang isipan ko kung ipagpatuloy pa ang pagtulong sa kanya.
Tumutulong ka para ano? Para mapansin ka nito at hiwalayan ang nobya? Ano ba ang 'goal' mo sa pagtulong? Baka nase-sense nito ang balak mo kaya umaatras na. Tumigil ka na nga. He's not for you. Iniwan siya ng Pilipinang ina. Tingin mo magtitiwala pa ito sa kadugo ng ina? Maraming lalaki dyan. Move on already!
Pero ang isang bahagi ng puso ko ay umaasa pa rin na balang araw matauhan si Brian at pansinin naman niya ako. Kasi ramdam ko, meron talaga kaming chemistry. Nun ngang lumabas kami minsan, dama ko talaga na meron kaming koneksyon. Alam ko na alam din niya yon. Ayaw lang sigurong aminin dahil naka-commit na kay Maiko. Pero sigurado ako na attracted din siya sa akin. Asa ka pa! Nakakainis talaga kapag may kumokontrang konsensya.
Isang hapon, tinawagan ako ni Gary. Birthday daw nito at mayroong munting salu-salo sa Soja Bar na gaganapin nang gabing yon. Iniimbita akong dumalo. Nag-isip ako. Dadalo ba ako? Hindi naman kami close ng guy. Tsaka bakit ganun? Ora-orada? Ni hindi man lang nagpasabi in advance. Bakit, tingin niya wala akong mga kaibigan na pwedeng m ag-invite sa akin sa kung saan?
Naalala kong bigla. Best friend ni Brian si Gary! Sigurado, nandun siya. Di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tinanggap ko ang imbitasyon at tinanong ko rin siya kung imbitado ang mga kaibigan ko. Ang sabi nito nasabihan na raw sina Macky at David. Nandun naman pala sila kung sakali. Okay lang naman siguro.
Nakangiti pa rin ako kahit naibaba na ang telepono. Makikita ko na naman si Brian. Sapat na yon para ganahan akong dumalo sa party kahit na di ko masyadong kagaanang-loob si Gary at ang mga kaibigan niya.
"Ricardo, c'mon. Don't be such a kill joy. Let's go to Soja Bar tonight," pamimilit ko sa Mehikano nang magkita kami nito nang hapong yon.
"You know me, darling. I am not into bars. It's so smoky out there. You know I'm allergic to that. Go ahead. Have fun!"
"We'll go home early, I promise," pamimilit ko pa sa kanya. Tinaas pa ang kanang kamay na animo nanunumpa.
"Nope. Don't make me spoil your fun, darling. Have fun with them. If Mscky and David will be there, you'll be all right."
Ngunit walang Macky at David sa Soja Bar. Wala din si Brian! Puro lang mga maiingay na kabigan ni Gary ang nandun. Alas dies na. Nagngingitngit na ako sa isang sulok.
Mayamaya pa nakatanggap ako ng text message kay Macky. Totoong naimbitahan nga raw siya ni Gary pero wala raw siyang sinabing dadalo siya. Sa halip pinrangka raw niya agad ito na di siya pupuwede dahil pupunta siyang Kobe nang weekend na yon.
Halos ganun din ang sinabi ni David. Nasa Osaka naman ito para bisitahin ang nobya. Nung Biyernes pa raw siya umalis. Nakalimutan lang magpaalam sa kanila dahil madalian iyon. Nagkasakit daw si Hiromi, ang girlfriend.
Lalo akong naasar kay Gary. Pinaasa lang pala akong pupunta ang dalawa kong kaibigan.
Wala akong masyadong kapalagayang-loob sa mga dumalo. Si Liz, na nag-iisang babaeng teacher sa junior high school group ang pinagtyagaan kong kausapin. Taga-UK ang babae kaya minsan ay kailangan kong makinig nang mabuti sa sinasabi nito para maintindihan siya. Masyado kasi nitong ini-emphasize ang British accent.
Alas onse na. Sigurado na ako na hindi na nga darating si Brian. Nalungkot ako. Sayang ang pagpunta ko. Naisipan kong magpaalam na lang kay Gary kaya magtiis. Tumayo ako at magsasabi na sana na uuwi nang niluwa ng pintuan ang kanina ko pa hinihintay. Nagtama ang aming paningin. Awtomatikong dumagundong ang aking puso. Imbes na magsabi na uuwi kay Gary, nagpaalam lang ako na pupunta ng ladies room.
Hay, lokaret ka! Ang babaw ng iyong kaligayahan. Well, enjoy-in mo na lang yan dahil in a few months di na yan malaya.
Nahihilo na ako sa dami ng nainom pero wala pa rin akong lakas na kausapin si Brian tungkol sa feelings ko. I feel I am running out of time. Gusto ko na talaga siyang makausap bago pa man maunahan ng hiya. Ngayon na ang hinihintay kong chance.
Pagkalabas ng ladies room, pumunta ako agad sa bar para mag-order ng screw driver. Pampalakas ng loob. Loka-loka ka, Alex.
"That's a strong drink," anang nasa likuran ko. Ganun na lang ang pag-init ng mukha ko nang mapagsino ang nagsalita. Si Brian!
"I can handle it."
"I didn't know you drink that kind of stuff."
"Well, now you know," at nginitian ko ito nang ubod-tamis. Nang naibigay na sa akin ng bartender ang inumin ay inalok ko siya na tumikim. Tinitigan muna niya ako bago nag-sip sa glass ko.
"Not bad. A little sweet for me," komento nito pagkatapos makainom nang konti.
"Yeah, I think the bartender made it a little sweeter for me because—-I'm sweet," at napahagikhik ako. Ako nga ba itong malanding babaeng nagsasalita?
"I think, you're drunk. How long have you been drinking?"
"Not that long. I'm fine."
"Brian. Brian, oh there you are," si Liz. Nakibeso-beso ito sa binata at tsinika na. Tinanong siya nito kung dadalo daw ba sa English Festival na dadausin sa susunod na Sabado.
Nakisalo ako sa usapan. Nagtanong ako kung ano ang English Festival at kung saan ito gaganapin. Interesado akong dumalo kung nandun si Brian.
"Oh, it's by invitation darling. The City Mayor sent us an invitation to join the festival. Mark announced it yesterday in our meeting. As far as I can remember, I didn't hear your name being called," matamis na sagot ni Liz pero halatang gusto akong ipahiya. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Oh, it's by invitation," sarkastiko kong sagot. "You must be proud of yourself that the mayor invited you," dagdag ko pa.
Di ko na narinig ang sagot ni Liz dahil sumingit si Gary at sinabihan akong may gusto raw ipakilala sa akin. Bago pa ako maka-react ay nilayo na ako nito at dinala sa umpukan ng iba pa nitong bisita. Mga boring naman. Gusto kong guhitan ng nakasimangot na emoticon sa inis ang makintab na ulo ni Gary.
Wala ring saysay. Hindi ko rin nakahuntahan si Brian. Hay. Kaya binaling ko na lang ang atensyon sa inumin. Bago ko namalayan, nakailang cans na ako ng Guinness beer. Kaya mayamaya pa ay nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo. Pumasok ako sa ladies room. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top