Chapter Fifty-Two - Email
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
************************************************
Ang aga naming nagising ni Brian dahil alas otso y medya daw darating ang mga kinatawan ng Shidouka para tsekin ang apartment ko. Naligo na rin kami at nag-almusal para pagkatapos na maibigay ko sa kanila ang susi ay aalis na kami papuntang Kyoto. Habang naghihintay hinakot na namin paisa-isa ang mga natirang gamit at pinasok sa kotse. Konti na lang naman ang mga yon. Kasyang-kasya na sa luggage compartment ng kotse.
Pagbaba ko, nakita ko si Liam na nagba-bike papunta sa amin. Naka-cycling shorts lang ito at naka-bike helmet. Dumeretso ito sa parking lot namin kaya pagkalagay ko ng mga unan sa kotse, hinarap ko siya.
"All set to go ne (right)?" tanong nito habang tinitingnan ang luggage compartment ng kotse na ngayo'y malapit nang mapuno.
"In a few minutes," sagot ko naman. "Are you going somewhere?" tanong ko naman.
"No. Just came to say goodbye to you, guys," sagot niya at bumaba sa bisekleta. Pinark niya ito sa tabi ng kotse habang nag-uusap kami.
Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. Sampung minuto bago mag-alas siyete. Ang alam ko tanghali na ito kung magising, lalo na kapag walang klase. Kaya na-touched ako na gumising pa ito nang maaga para lang maabutan kami at nang makapag-paalam sa amin.
"Oh, that's so sweet of you," at niyakap ko siya.
"I'm sweaty," natatawang protesta sana niya pero dahil niyakap ko pa rin siya, gumanti na rin ng yakap sa akin. Nun naman bumaba si Brian. Dala-dala ang futon (mattress). Napakunot-noo agad ito nang makitang may kayakap akong lalaki. Nagtaas ang isang kilay niya. Binuka ko ang bibig ko hoping nakaka-lip read siya. Sabi ko Liam. He just glared at me. Tahimik niyang nilagay sa kotse ang futon. Pero medyo pabagsak. Ang OA talaga nitong asawa ko. Saka lang ako binitawan ni Liam.
"Hey mate," bati naman ni Liam kay Brian. Tumango lang ang huli. "So you guys are traveling by car. How long does it take you to reach Kyoto?" tanong nito. Sinusubukang maging kaswal ang pakikipag-usap kay Brian, kasi tingin ko, naramdaman na rin niya ang pag-iinarte nito.
"Three hours," tipid na sagot ng asawa ko. Hindi tumitingin kay Liam. Abala ito kunwari sa kaaayos ng mga bagahe sa sasakyan. Nang matapos na siya, hinawakan ko siya sa braso. Napatingin naman sa akin saglit pero wala pa ring kangiti-ngiti. "I still have to get the remaining luggage upstairs. You can stay here if you want," ang sabi nito sabay talikod. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Nang mawala na siya sa paningin ko, narinig kong napatawa nang mahina si Liam.
"I think he's jealous again," nakangisi nitong komento habang umiiling-iling. Napatingin naman ako sa kanya. Naramdaman nga niya.
"I'm sorry. He's just childish sometimes," paghingi ko ng paumanhin.
"It's okay, I understand," nakangiti namang sagot ni Liam. "You see, this side of him didn't show up with Maiko. He was always cool back then. He never got mad even though sometimes I also put my arms around his ex during our get-togethers."
"Really?" Pumalakpak naman ang tenga ko. I should feel good then.
"Babe!" Narinig kong sigaw ni Brian mula sa bintana ng living room. Sumulip ito sa amin. "Telephone!" sigaw lang uli nito tsaka sinara na uli ang mga bintana.
Dali-dali naman akong tumalima.
"Careful," paalala naman ni Liam. Nilingon ko siya at sinenyasang umakyat muna. Umiling siya. Maghihintay na lang daw siya sa baba.
Pagkapasok sa loob tinanong ko agad si Brian kung sino ang tumawag. 'Your friend' lang ang sagot. Tinanong ko kung sino sa kanila, nagkibit-balikat lang at pinagpatuloy ang pagliligpit ng iba pang mga gamit. Pambihira talaga tong mokong na to kapag tinotopak.
Dinampot ko ang nakaangat na receiver ng telepono.
"Hello," bati ko.
"Hey, sweetie. What time are you leaving?" sagot naman ng pamilyar na boses. Si Macky! Kaya naman pala mukhang walang pakialam si Brian. Pinagseselosan din kasi niya ito.
"I don't know yet. It depends on what time the Shidouka people arrive. They said they are coming at 8:30. As soon as they're done checking the place, we will leave," sagot ko.
"So that means we still have time to drop by your place. The three of us will go there now. See you!" at binaba na nito ang telepono. Hindi na ako hinintay na makapagpaalam din dahil mukhang nagmamadali. Ang sarap ng pakiramdam na may mga kaibigang ganyan ka thoughtful.
Sumilip ako sa living room. Wala na si Brian at ang mga natirang gamit. May naririnig akong boses-babae sa baba. Dali-dali din akong bumaba sa parking lot. Alam ko kung sino ang bagong dating. Nakita kong nakipagbiruan na si Brian sa kanila. Iba talaga ang charisma ni Rhea.
"Hey, sweetie," bati agad nito sa akin at sinalubong ako ng yakap at halik sa pisngi.
"All set to go, ne. I will miss you. Do come and visit us. Please do not forget your Kurashiki roots," may himig-pagbibiro nitong sabi sa akin at niyakap akong muli.
"I will. You are also welcome to visit us in Kyoto," sabi ko naman.
"Why don't we all go upstairs, guys?" paanyaya ni Brian nang naayos na niya ang mga gamit sa kotse. "It's a little cold here."
Nakita kong medyo atubili si Liam. Sinenyasan ko siyang sumama na. Umakyat kaming apat.
"Wow! Your apartment looks so huge now that there's nothing in here," nasabi agad ni Rhea pagbukas ng pintuan.
"Your place looks clean. A little bigger than mine, too," komento naman ni Liam. Nang-usyuso na rin ito sa banyo, shower room, kusina, tsaka sa kuwarto. Mukhang bago pa daw yong sa akin di gaya nung apartment niya. Malinis kasi ang dingding ko at mukhang bago din ang tatami (rush-covered straw mat, tradisyonal na sahig ng mga hapon).
"Well, I guess it's because the occupants here had always been a woman," natatawa kong sagot.
"What do you mean?" kunwari'y na-offend na sagot naman ni Liam, pero nakangisi. "You mean that we, men, don't know how to take good care of our apartment?"
"Maybe," nakangisi ko namang sagot.
Hindi na nakasagot sa akin si Liam dahil may nag-buzzer. Lahat kami ay napatingin sa pintuan. Tiningnan ko ang wristwatch. Alas otso pa lang. Ang aga naman ng Shidouka. Pagbukas ni Brian nang pintuan, narinig ko agad ang boses ni Ricardo. Silang tatlo pala nila David at Macky ang dumating. Niyakap ko sila isa-isa.
"So you're finally leaving us, darling?" tanong ni Ricardo at kunwari'y suminghot-singhot pa.
"Yup. Can't wait to start a new life," sagot ko naman na may himig pagbibiro.
"Are you trying to tell us that you can't wait to leave us?" singit naman ni David.
"You're mean, Alexandra," sabat naman ni Ricardo at kunwari'y umiyak na. Ngingiti-ngiti lang sa tabi si Macky.
"What I mean is, I can't wait to start a new life with my husband, Brian," at ikinawit ko ang isang braso sa bewang niya. Inakbayan naman niya ako at inamoy ang buhok ko.
"Oh, that's so sweet," si Rhea naman at tumawa pa ito nang makita kaming magkaakbay ni Brian.
Mayamaya pa, dumating na ang taga-Shidouka. Kaya isa-isa silang bumaba para may espasyo sa loob. Dun na lang daw sila sa ibaba maghihintay sa amin.
Saglit lang naman pala ang pag-check. Nang wala naman silang nakitang nasira, may binigay sila sa aking papel. Tatakan ko daw ng hanko (Japanese stamp in lieu of a signature) dahil ibibigay na nila ang deposit money ko. Pagkaabot nila sa akin ng sobre, inabot ko din ang susi sa kanila pati na ang spare key na binigay ko kay Brian dati.
Kapwa kami yumuko ni Brian sa kanila at nagpaalam na. Maluha-luha ako. Di ko sukat akalain na iiwan ko na ang apartment na napamahal na sa akin. Marami kaming alaala dito ni Brian kung kaya medyo nalungkot ako. Naramdaman ko na lang ang bisig ng asawa ko. Niyayaya na akong bumaba para hindi na ako masyadong mag-emote. Mabigat man sa kalooban, nilisan namin ang naging tahanan ko sa loob ng halos isang taon. Ang aming love nest, ang naging saksi sa lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay naming dalawa.
Nagkuwentuhan pa kami saglit ng mga kaibigan namin bago kami kunwaring pinagtabuyan ni Rhea. "Much as we wanted to hold you here, we know you still have a long drive so ----," medyo teary-eyed na paalam nito. "I guess, this is it. See you in the Philippines ne?" dugtong na lang niya at tumawa para mapagtakpan ang kalungkutan.
Hindi na ako nagkunwari. Napaiyak ako. Niyakap ko sila isa-isa. Ang tagal kong bitawan si Rhea at Ricardo. Sila kasi ang mas close sa akin. Nakita kong nagpahid din ng luha ang dalawa. Maging si David at Macky ay teary-eyed din. Halatang nagkokontrol lang din ng emosyon. Hindi ko alam kung ano ang damdamin naman ni Liam dahil nagsuot na ito ng sunglasses niya. Pero pinisil niya ako sa balikat. Pagkatapos kong makapagpaalam sa kanila, naki-fist bump si Brian sa mga lalaki pero niyakap niya si Rhea.
"Thank you for always being there for Alex. I really appreciate it," bulong pa nito sa kaibigan ko.
Tumangu-tango lang si Rhea habang nagpapahid ng luha. Tahimik na ito kaya parang may bumara na naman sa lalamunan ko. Bihira kasing tumahimik ni Rhea.
Nang matapos na ang paalaman, pumasok na kami sa loob ng sasakyan. At habang dahan-dahang nilalabas ni Brian sa parking lot ang sasakyan, kumakaway-kaway ako sa kanila. Sila ganun din. Nagsuot na ng sunglasses niya si Brian at kumaway na lang ng isang beses sa mga kaibigan namin bago tuluyang sinara ang bintana sa gawi niya.
Nakatatlong dipa na kami mula sa apartment ko nang nakita ko sa sideview mirror si Ate Beth na tumatakbo papunta sa amin. Hininto muna ni Brian ang kotse. Binuksan ko ang pinto sa gilid ko para makapagpaalam kay Ate Beth. Niyakap ko rin siya.
"Pasensya na sa abala," sabi agad nito sa akin.
"Ano ka ba? Okay lang. Hindi na kami pumunta sa inyo dahil baka lalo lang kaming malungkot. Total naman, sabi namin, nakapaghuntahan naman tayo kagabi," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Nagluto kasi ako ng babaunin nyo. Heto, o. May kanin na rin yan," sabi nito at inabot sa akin ang dalang paper bag.
Bumaba na rin muna sa sasakyan si Brian at niyakap si Ate Beth. Inamoy-amoy pa ang bigay na pagkain ni ate.
"Hmn, smells good. What's this?" usisa naman ni Brian.
"It's afritada and fried chicken. I know that you guys will be very tired and hungry when you get to Kyoto so I cooked some food for you so that you'll just eat when you get to your new place."
"Oh. That's so thoughtful of you, Ate," sagot ni Brian sabay halik kay Ate Beth sa pisngi. Niyakap niya uli si ate. "We will miss you, A-ate---I mean, Ninang," nakangiting dugtong pa ni Brian.
Napangiti na rin si Ate Beth. Kumaway pa kami uli bago pumasok ng kotse.
Matagal na kaming nakaalis ng Turajima pero sumisinghot-singhot pa rin ako. Binigyan ako ng tisyu ni Brian. Tahimik lang itong nagda-drive.
Para malibang, binuksan ko ang bag at kinuha ang mga sobreng binigay ng mga co-teachers ko. Curious lang ako kung anong mga pinagsasabi nila sa card. Inuna ko kay Kōchō-sensei. Ang inakala kong thank you card lang ay may kalakip palang pera. Shocked ako nang makita ang laman, limang lapad! Napatingin pa si Brian sa akin dahil napa-shit ako. Napangiti ito. Maikli lang ang sinabi ng principal namin sa English, best wishes, pero ang sinulat sa Japanese halos kalahati ng card. Pinakita ko ito kay Brian nang mag-stop kami for a red light.
"He said, he's sad to let you go but at the same time he's happy that you've found your happiness. He's grateful for what you've done to the school and he's hoping that you can visit them again someday," pagpapaliwanag naman ni Brian.
Ganun pala yon. Dahil sa nakuhang pera, na-excite tuloy ako na buksan ang iba pa. Gaya nga ng inaasahan ko, lahat may lamang pera. Hindi ako makapaniwala. Halos isang buwang sweldo ko ang natanggap kong regalo mula sa kanila. Ang pinakamababang natanggap ko ay galing sa messenger ng eskwelahan, three thousand yen. Ganunpaman, na-appreciate ko pa rin yon. Alam ko namang di malaki ang sahod niya pero nagbigay pa ng ganung halaga sa akin.
"That's their custom," pagpapaliwanag ni Brian. " They usually give cash gifts to teachers that leave their school. I also received a lot when I was moved from one junior high school to another two years ago," paliwanag naman nito.
"What about this year? Did you receive any?" naku-curious kong tanong.
"Yeah. They gave me a lot," nakangiting sagot nito. "I think our trip to the Philippines is already covered just from the cash gifts I got from my school."
Nun ko naalala ang sabi ni Macky sa akin kanina.
"The boys want to pay for our plane fare to the Philippines. Is it okay with you?"
Napatingin siya sa akin saglit bago tinuon uli ang tingin sa daan. "I already got us an e-ticket," sagot naman niya.
"I know but they want to reimburse you for it," sagot ko naman.
Nagkibit-balikat siya. "Is that why Macky called up today?"
"No. They already told me that the other day. I forgot to tell you," sagot ko naman.
"Okay, if they insist," sagot na lang nito.
Pagkatapos ng isang oras at kalahating byahe, naramdaman ko na lang na namimigat na ang talukap ng aking mga mata. Panay nga ang hulog ng ulo ko sa balikat ni Brian. Pinipilit ko pa ring dumilat para kausapin siya at hindi siya makatulog pero di ko na nakaya. Nagising na lang ako nang naramdaman kong bumagal na ang takbo ng sasakyan at tuluyan nang huminto. Kinusut-kusot ko pa ang mga mata.
"We're here," bulong sa akin ni Brian at hinagkan niya ang tungki ng ilong ko. "Did you sleep well?" nakangiti nitong tanong sa akin habang binibigyan ako ng light kiss sa labi.
"Yeah," sagot ko naman at pinulupot ang mga braso sa leeg niya. Binigyan ko siya ng wet kiss sa labi. Napatawa ito nang mahina.
"You're so naughty."
Dahil nasa ground floor ang apartment namin, hindi naging mahirap ang magpasok ng mga gamit. Mga magagaang bagahe lang ang pinasok ko sa bahay.
"Why don't you just get inside and rest? I know you're tired," sabi nito sa akin habang naghahakot ng mga gamit.
"You're more tired because you were the one who drive," sagot ko naman.
"I'm okay," sabi naman nito. "Save your energy for later," at kinindatan ako nang makahulugan. Biglang nag-init ang aking mukha. Naalala ko naman ang nangyari sa amin sa apartment kagabi. Hindi kasi kami makatulog dahil sa tigas ng higaan namin kung kaya, naglaro na lang kami nang naglaro hanggang sa mapagod.
Pumasok na lang ako sa aloob ng bahay at inayos ang mga dinala niya sa loob. Konti na lang naman ang dapat kong ayusin dahil halos nailagay na namin sa tamang kalagyan ang mga gamit noong huli kaming pumunta dito.
Nilabas ko ang laptop at kinabit ko na sa modem niya. Sinubukan ko kung gumagana na ang internet. Bago kasi kami lumipat, naayos na yon ni Brian. Nakapag-apply na siya ng koneksyon sa local internet provider. Pero nung last time nung sinubukan namin mukhang di pa activated.
Ang lawak ng ngiti ko nang makapagbukas na ako ng Facebook. Thank God okay na siya.
"Are you hungry?" tanong sa akin ni Brian nang maipasok na ang kahuli-hulihang gamit.
"No. Are you?" balik-tanong ko sa kanya.
"I'm still okay," at pumasok na ito sa living room. Nahiga siya sa hita ko. "I'm tired," ungol nito na parang bata. "I need a massage."
Tiniklop ko muna ang laptop at hinilot-hilot ko ang noo at sentido niya. Humiga siya nang padapa kaya yong balikat naman niya ang pinisil-pisil ko. Habang minamasahe ko siya, kung saan-saan naman naglalakbay ang mga kamay niya. Nang hipuin niya ako sa sugpungan ng mga hita ko, pinitik ko ang kamay niya.
"Ouch!" natatawa niyang reklamo.
"I thought you're tired," sabi ko sa kanya.
"Yeah, I am," paglalambing naman niya. "So I need some tender loving care," at kinindatan ako. Para naman akong school girl na kinindatan ng crush niya kaya nag-blush agad. Wala pa nga, nag-init na naman ako.
Kahit na nagtititili ang malandi kong puso, pilit kong iwinaksi yon. Pinagpatuloy ko ang pagmasahe sa kanyang balikat sabay hagod din sa kanyang likuran. Napaungol siya at napatihaya. Nahagip ng tingin ko ang pamumukol ng kanyang harapan.
"You're crazy, Brian."
"What?" pagmamaang-maangan nito. Pero pinipigil lang ang sariling mapatawa.
Sinimangutan ko siya. Pero siyempre kunwari lang naman dahil parang sinisilaban naman ang singit ko sa nararamdamang excitement. Tumawa siya nang makita akong nag-pout.
"I can't help it. I'm horny," nakangisi nitong sagot sabay hipo sa dibdib ko. Napaigtad ako kaya hinuli niya ang isa kong kamay at hinalikan. Hinayaan ko na lang siya. Mayamaya pa, bumangon ito, hinawakan ako sa magkabilang pisngi at kinuyumos ng halik. Saglit lang ang protesta ko dahil ipinagkanulo din ako ng aking katawan. Napayakap ako sa kanya, diniin pa lalo ang maseselang bahagi ng katawan sa katawan niya. Nang bitawan niya ako, ako pa ang umungol na parang ayaw bumitaw. Napangisi siya tuloy. Dahan-dahan niya akong tinayo at pinaupo sa sofa sa likuran namin. Una niyang hinubad ang sweater ko bago niya sinunod yong kanya. Pagkatapos, tinanggal niya ang bra ko at pinagmasdan ang malusog kong dibdib bago dahan-dahan itong hipuin. Nang magsawa sa kahihipo, binaba niya dito ang mukha at kinulong sa kanyang bibig ang isang talutot. Nang magsawa sa isa, yong isa naman.
Napaliyad ako nang pinasok niya sa palda ko ang kanyang kamay at hinawakan ako sa labas ng panties. Basang basa na rin ako dun kung kaya nag-slide lang ang daliri niya nang subukan niyang ipasok. Hindi na ako nagprotesta pa nang dahan-dahan niyang hubarin ang aking undies at itaas ang isa kong hita. Tinira niya ang palda. Naging mapangahas na rin ako nang mga sandaling yon. Ako na ang nagbukas ng zipper ng kanyang pantalon at dinukot yong ano niya. Napangisi siya sa akin nang maramdaman niyang may pagmamadali sa aking mga kilos.
"I want you now," bulong ko sa kanya.
Hindi na ako nagdalawang salita pa. Naramdaman ko siya agad doon. Marahan lang ang galaw namin noong una pero nang di na makayanan ang silakbo ng damdamin, bumilis iyon nang bumilis hanggang sa parang may hinahabol na naman kami. Makaraan ang ilang sandali, naramdaman kong parang may sumabog sa amin pareho. At nakaramdam ako ng ibayong ginhawa. Hinalikan niya ang mga mata ko.
"I love you. You're awesome," bulong niya sa akin.
"I love you, too," sagot ko naman.
Nagbibihis na kami nang tumunog ang tiyan ko. Kapwa kami nagkatinginan. Nang marealize kong galing sa akin ang tunog, namula akong parang kamatis. Tinakpan ko ng kamay ang mukha. Tawa naman siya ng tawa. Marahan ko siyang tinadyakan at sinimangutan.
"You told me you were not hungry, you little liar."
"I wasn't," pangangatwiran ko naman.
Lumapit siya uli sa akin at ginawaran ako ng halik bago tumayo. "Okay. I'll put the food in the microwave now. Wait for a sec," at pumunta na siya ng kusina.
Mayamaya pa, nalalanghap ko na ang bango ng afritada. Makaraan ang limang minuto, dala-dala na ito ni Brian sa loob ng living con dining room namin. Binaba niya muna sa sahig ang laptop at inayos ang mga pagkain doon. Pumunta din ako ng kusina para maghugas ng kamay.
Ang sarap ng luto ni Ate Beth. It reminds me of Yaya's dishes. Kuhang-kuha niya ang gusto kong timpla. Pati si Brian ay napadami din ang kain. Masarap daw talaga.
Nang matapos kami, tinulungan ko siyang magligpit ng mga pinagkainan namin pero siya na ang nagboluntaryong maghugas ng pinggan kaya pumunta na lang ako ng banyo para mag-tootbrush. Sinilip ko siya sa kusina pagkatapos. Sine-set up niya ang stove. Hinayaan ko na lang siya at bumalik na lang ng living room. Binuksan ko uli ang laptop. Nag-Facebook muna ako bago nagtsek ng emails. May four unread messages ako. Isa na naman dun ay galing kay Anton. Ide-delete ko na naman sana ito pero this time na-curious na ako. Kinlik ko ito at tumambad sa akin ang isang maikling mensahe. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Anang message niya:
"I have always been thinking about you. There never was a day or night that I stopped thinking about you ... I know this may be too late but I just want to say I am very, very sorry. Laura and I did not mean to hurt you so badly. WE are very SORRY. I've been thinking of apologizing to you in person but I never had the guts. Back then, I had a feeling that you may not understand us. But now that you're getting married, I know you are in a better position to comprehend us. I hope that you'll find it in your heart to forgive me and Laura."
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang mga nangyari. Pero di gaya noon, wala na akong naramdamang pagkamuhi sa dalawa. Bagkus, naipagpasalamat ko pang nangyari yon dahil naging susi ko yon para makilala ang lalaking tunay kong minamahal.
"What's wrong?" tanong ni Brian. Nakapasok na pala ito at nakalapit sa akin nang di ko namamalayan. "Who's Anton?"
"My ex," sagot ko sa mahinang boses.
Niyakap ako ng asawa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top