Chapter Fifty-Three - Two Thousand Pesos

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

****************************************

Pakiramdam ko para akong prinsesa habang hinihila-hila ng kabayo ang kalesa. Hindi ko mailalarawan ang kasiyahang dulot nun sa akin. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao sa kalye, kahit maraming nawiwirduhan sa akin dahil imbes na sa bridal car ako sumakay mas pinili ko pa ang kalesa, wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin nang mga oras na yon, natupad ang pangarap ko. Nagkatotoo ang aking panaginip!

Pagdating namin sa Jaro Cathedral nandoon na ang kotse nila Papa at nakaabang na siya sa akin sa may bukana ng simbahan. Matikas pa rin siya, kahit na naka-wheelchair na lang. Nasa likuran niya si Yaya Merced, ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Nandoon din sila Tito at Tita.

Nang makita nila ang pagpasok ng sinasakyan kong kalesa, lumapit sa akin si Tito at inalalayan niya akong bumaba. Napalingon naman sa akin ang aking ama. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na kaligayahan. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kanila. Sinipat ko ang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Kahit na alam kong wala akong dapat ipangamba dahil dagdag-seremonya na lang ito sa amin ni Brian, hindi ko pa rin naiwasang huwag kabahan. Nandoon ang takot ko na baka nagkaroon ng aberya at hindi nakarating sa simbahan si Brian. Pero kahit anong sipat ko sa mga pagmumukha ng aking pamilya, wala akong nakitang pag-aalala sa kanila. Bagkus, larawan silang kahat ng kaligayahan.

"Manang!" narinig kong sigaw ni Kelly habang kumakaway sa akin. Galing siya sa loob ng catheral. Ang ganda-ganda nito sa suot na traheng pang-abay. Kulay asul yon, gaya ng kulay ng suot nitong contact lens na bumagay naman sa hitsura niya dahil mestisahin siya kagaya ng ina. Humalik siya sa pisngi ko at ganun din ako sa kanya. Mayamaya pa, sumunod na rin si Helen.

"Manang, mag-uumpisa na tayo," sabi naman ni Helen. Silang dalawa ni Kelly kasi ang wedding planner namin. Pati nga itong suot-suot kong gown ay disenyo rin nilang dalawa. Pero si Helen at Tita Alicia lang ang nanahi. Hiniram nila kay Yaya ang wedding album ko na ginawa ko pa noong grade two. Kaya umayon lahat sa pinangarap kong kasal.

Kinakabahan pa rin ako kahit nag-uumpisa nang mag-martsa ang entourage ko. Nandoon pa rin ang phobia ko na baka sa huling pagkakataon ay may mangyaring masama at di na naman matuloy ang kasal ko.

Naramdaman siguro ni Papa ang apprehension ko dahil bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya. Pinisil niya ang kanan kong palad na ngayo'y pinapawisan na sa loob ng bridal mitten. Binalingan ko siya at nginitian para hindi na siya mag-alala pero grabe ang tambol ng puso ko.

"Relax, baby," bulong sa akin ni Yaya na nasa likuran ng wheelchair ni Papa. Silang dalawa ng ama ko ang maghahatid sa akin sa altar.

Nang makita kong tumango si Helen sa direksyon namin, nag-umpisa na kaming maglakad. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko nang mga oras na yon. Matindi pa rin ang tambol ng puso ko. Kinakabahan pa rin akong di mawari. Pero kaagad na humupa ang aking kaba nang malapit na kami sa altar dahil nakita ko na ang nakangiti kong asawa na buong pagmamalaking nakatingin sa akin habang naghihintay. Ang guwapo-guwapo nito sa suot na barong Tagalog. Yon lang ang hindi nila sinunod sa wedding album. Mas maganda daw kasi kapag nakasuot ng tradisyonal na damit pangkasal ang groom.

Nang nasa harapan na niya kami, kumibot-kibot ang labi ni Papa kaya lumapit si Brian para marinig niyang mabuti ang sinasabi nito. Yumuko pa siya ng kaunti sa direksyon ng ama ko.

"I-ingatan m-mo a-ang b-beybi n-namin. M-mahal n-na m-mahal n-namin s-siya," sabi ni Papa sa paputul-putol na salita. Nang ma-realize ni Papa na hindi pala nakaintindi ng Tagalog si Brian, inulit nito ang sinabi sa English.

"Yes, Papa. I will love her for the rest of my life," sagot naman nito sa ama ko. Nagmano pa siya kay Papa bago niya tanggapin ang kamay ko. Ako nama'y humalik sa pisngi ng aking ama bago sila tumungo sa nakatalagang upuan para sa kanila.

Nang mapatingin ako sa altar, nagulat ako nang makita ang arsobispo ng Jaro. Hindi ko sukat akalain na susundin nila lahat ang nasa album!

"We have to thank Uncle Mando for this. He knows the Archbishop personally so we were accommodated," bulong sa akin ni Brian nang makita ang pagkagulat sa aking mukha. Hindi kasi nila sinabi ang mga detalye sa akin. Sumusunod lang ako sa instructions ni Helen na parang may piring ang mga mata.

Sa bawat luhod at pagtayo namin, nakaalalay sa akin si Brian. Ingat na ingat din siyang hindi matapakan ang trahe de boda ko. Kaya sa sobrang kaligayahan para akong lumulutang sa alapaap. Hindi pa nagsi-sink in ang lahat.

Nang sinabi na ng pari ang katagang, "I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride," tumulo ang luha ko kaya napatingin sa akin nang may pag-aalala ang arsobispo.

"Tears of joy po," nakangiti kong sagot. Tumangu-tango naman ang arsobispo. Nang humarap na kami ni Brian sa isa't isa, nanginig ako. Kahit ilang beses na niya akong nahalikan, na-excite pa rin ako sa halik lalung-lalo na nang kumindat siya sa akin. Para na naman akong school girl. Hindi ko naiwasang pamulahan ng pisngi kaya napangiti siya.

Dahan-dahan niyang tinaas ang veil at ginawaran ako ng masuyong halik sa labi.

"I love you," anas niya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"I love you, too," bulong ko sa kanya habang nakayakap sa kanya. Nakapikit ang mga mata ko kaya parang nagulat ako nang marinig namin ang masigabong palakpakan ng mga sumaksi sa aming kasal. Pagharap namin, una kong nakita si Rhea dahil ito ang pinakamaingay sa lahat. Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko rin sina Macky, David, at Ricardo. Ang guguwapo nila sa suot na amerikana. Si Liam lang ang wala doon. Napakunot-noo ako. Bakit kaya?

Kuhanan na ng picture ang kasunod. Una muna kaming kinuhanan together with my side of the family. Pagkatapos nun ay kay Brian naman. Nakita ko itong medyo nalungkot nang ianunsyo na pamilya naman niya ang magpo-pose with us. Kaya humilig ako sa kanya at ikinawit ko pa ang braso sa bewang niya. Napatingin siya sa akin at hinalikan ako sa sentido.

Pagkatapos ng mga pamilya namin, mga kaibigan ko naman ang nagpose with us. Nakita ko na namang nalungkot si Brian. Hindi rin kasi nakarating si Gary. Hindi niya maiwanan si Maiko dahil sa maselan nitong pagbubuntis. Naawa tuloy ako sa asawa ko. Ang dalawang importanteng tao sa buhay niya ay wala sa kasal namin.

"I'm sorry, baby," anas ko sa kanya habang nakahawak sa isa niyang kamay. Bigla siyang napatingin sa akin.

"Come again," sagot nito, may kislap na sa mga mata.

"I said I'm sorry," ulit ko.

"No, not that," iling naman niya.

Napakunot-noo ako. Yon lang naman ang sinabi ko kanina a. Nakita ko siyang napakamot-kamot sa ulo. Saka ko naalala na tinawag ko nga pala siyang 'baby'. Bihira ko siyang tawagin sa kung ano mang endearment. Palagi na lang kasing Brian ang tawag ko sa kanya. Nang maintindihan ko ang dahilan ng kislap sa kanyang mga mata, inulit ko ang sinabi.

"I said, sorry baby."

Ang lawak ng ngiti niya.

"There's no need to be sorry, babe. Your presence i more than enough for me. You're the most important person in this ceremony so I am happy that you are here. We can be with Dad and Gary some other time," at hinagkan niya ako sa noo.

Nang matapos ang kuhanan ng larawan, inalalayan niya ako habang naglalakad kami sa isle palabas ng simbahan. Akala ko tapos na ang seremonya pero nabigla ako nang paglabas namin ng cathedral ay inulan kami ng mga petals ng sari-saring bulaklak mula sa himpapawid. Kapwa kami napatingala at nakita namin ang helicopter. Lulan nun ang lalaking nakaamerikana na sumasaboy ng petals sa amin. Kahit naka-sunglasses ito nakilala ko siya agad. Si Liam! Ang loko-loko! Akala ko pa naman di siya dumating. Kumaway ito sa amin.

"I though he didn't make it," baling ko kay Brian.

Tumawa lang si Brian. "He wanted to do it so Mom let him."

"You knew?" tanong ko naman.

Ngumiti lang ang mokong sa akin. Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Nang dumating kami sa Sarabia Manor Hotel kung saan ang wedding reception, namangha ako sa dekorasyon. Saktong-sakto sa pinangarap ko nung bata pa ako - Cinderella ang tema. Napakamot-kamot ako sa ulo dahil tingin ko we're too old for a fairy tale theme.

Tumawa nang mahina si Brian. Kinagat niya pa nang marahan ang isa kong tenga.

"You crazy, little weirdo," anas nito sa akin. Wala din daw siyang kamuwang-muwang na yon ang magiging tema ng reception namin. Ang bilin niya lang kasi sa ina, sundin ang nasa wedding album.

Para akong kiniliti. Nakaramdam ako ng pag-init ng katawan kaya pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Stop that," saway ko sa kanya.

"I didn't know you're this crazy about Cinderella," naiiling nitong sabi sa akin. Nakangisi pa rin.

"I was. This was my dream wedding reception when I was eight," nakangisi kong sagot. "You didn't consult me so I should have told you to skip the Cinderella theme because I have outgrown it."

"And have a Little Mermaid theme, instead?" may himig-pagbibiro nitong sagot sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Nag-aalala na. "Are you embarrassed?" tanong ko. Seryoso na ang mukha ko. Baka di niya ito nagustuhan.

Napabunghalit na ito ng tawa. "Look at you. You're so worried again. Come here, you worry-freak," at kinulong niya ako sa mga bisig. "It doesn't matter to me, babe," anas niya sa akin.

"Thanks. I thought for a while you were embarrassed." Umiling siya. Nakatawa. Kaya nabunutan na ako ng tinik.

Nakaabrasyete na ako sa kanya habang naglalakad kami patungo sa gitna kung saan ang aming upuan. May Cinderella carriage backdrop pa ito kaya habang papalapit kami, hindi naiwasan ni Brian ang mapatawa muli.

"Since I grew up with all men in the family - no mom, no aunts, no sisters, I was never introduced to fairy tales. I only get to watch them when I went to Japan because I taught kindergarten kids for like a year," kuwento nito sa akin habang naglalakad.

Napatangu-tango ako. Kaya pala, amused na amused siya.

"I can now imagine how our little girl would be like," at binalingan niya ako. Nanunudyo ang mga mata nito. "I have to brace myself for more fairy tale books and videos in the house then."

"Would you rather have our little girl grew up without knowing those Disney characters?" tanong ko, half-joking, half-serious.

"You do it your way, babe. I don't mind. I think it would be fun," nakangiti nitong sagot.

Nagsimula na ang programa. Si Kelly ang nag-emcee. Nakita kong may binulong si Ricardo kay David at Macky, pagkatapos ay nagtawanan sila. May kutob ako kung ano ang pinag-usapan ng tatlo. Feeling ko attracted si Ricardo kay Kelly. Ang damuhong yon!

Tinawag ni Kelly si Rhea para siya ang magkuwento ng love story namin ni Brian. Ikinagulat ko yon. Ang bruha! Ni hindi man lang sinabi sa akin na may papel pala siya sa wedding reception ko.

Pumagitna si Rhea. Tumayo din si Ricardo at ito ang namahala sa projector. May pinakita silang picture namin ni Brian na kinuhanan noong mag-guest lecturer siya sa orientation namin. Siya kasi ang naging resource person ng batch namin on how to make the English lessons more fun. Sa picture na yon, nakatitig talaga ako sa kanya habang nagsasalita siya sa harap. Nakaupo pa siya sa may mesa. Napangiti ako sa hitsura ko. All eyes kasi ako kay Brian at mukhang matamang nakikinig.

"Actually, their love story started a lot earlier than this. This picture was taken during Alex's orientation to the program. If I remember right, Alex told me that she had already noticed Brian during the interview, right sweetie?" at tumingin pa siya sa akin. Nang tinakpan ko ang mukha ko dahil medyo uncomfortable akong aminin yon sa lahat ng nandoon, tumawa si Rhea. Iyong malutong niyang tawa.

"Is that right?" nakangisi namang tanong sa akin ni Brian.

Ang sumunod na picture ay kuha noong English Camp. Titig na titig sa akin si Brian habang kausap ko ang mga bata sa team namin. Nagulat ako sa picture dahil nun ko lang yon nakita.

"I never saw that picture before. Who took that one?" tanong ko sa kanya.

"No idea," nakangisi niyang sagot. Na-amuse sa klase ng titig niya sa akin sa larawan.

Ipinaliwanag ni Rhea sa pamamagitan ng mga larawan namin kung papano sumibol ang pag-iibigan namin ni Brian. Sa kanyang obserbasyon daw, kahit noong early days ko pa lang sa program, nakitaan na niya kami ng atraksyon sa isa't isa pero dahil sa kalagayan noon ni Brian hindi lang kaagad naisakatuparan. Ang dami niyang pinakitang pictures na hindi ko pa nakita ever. Maging si Brian ay nagulat din. Sa bandang huli nagpasalamat si Rhea kay Ricardo. Sa kanya daw galing ang karamihan sa mga stolen shots. Ang loko-loko. No wonder lagi niya akong sinasabihan before na may kutob siya sa amin ni Brian. Kaya pala...

Naging smoothsailing ang lahat. Walang aberya hanggang sa paghiwa ng wedding cake. Kaya ganun na lamang ang pasasalamat ko.

Bago tinapos ang programa, pinagsalita nila ang aming mga magulang. Si Tita ang nagbasa ng mensahe ni Papa para sa amin. Maikli lang naman ang message ng ama ko para sa aming dalawa. Sinabi niya lang na sana hindi magbago ang pagtingin namin sa isa't isa at sana bigyan daw namin siya ng maraming apo. Si Tita Alicia naman ang kay Brian.

Tumingin ito sa aming dalawa bago nagsalita.

"I never thought that this day would come for me and my son. That's why I am very grateful to you, Alex. I will never forget how you brought us together," nagpahid muna ito ng luha bago nagpatuloy. "Brian, my beloved son, I am so sorry for not being there with you when you were growing up. I hope that you'll find it in your heart to forgive Mommy. I did not mean to abandon you for my own happiness, baby. You just don't know how much suffering I have endured in the last twenty eight years for not having you by my side. I love you so much. I love you, baby. I hope that from this day onwards, you will allow Mommy to be a part of your life. I love you, son. May you and Alex have a wonderful life together."

Nagpahid muna ito ng luha bago lumapit sa amin. Niyakap niya ako nang mahigpit bago niya pinuntahan si Brian. Niyakap din niya ito. Mas mahigpit at mas matagal.

"I have already forgiven you, Mom. And I love you, too," narinig kong bulong ni Brian sa ina. Lalong napahikbi si Tita Alicia. Masuyo siyang hinagkan ng anak sa pisngi.

Nang matapos ang madamdaming mga mensahe, lumapit uli sa mikropono si Kelly at inanunsyo na sasayaw daw kaming dalawa ni Brian sa gitna. Agad naman kaming tumalima.

Nabigla si Brian nang mag-pin ng one thousand pesos si Tito Mando sa barong niya. Pinaliwanag ko sa kanya ang ganung custom sa Filipino weddings. Natawa siya. Kanya-kanyang pin sa amin ang mga pamilya namin at kamag-anak. Nakisali na rin sina Rhea, David, Macky at Ricardo. Sa akin sila nag-pin lahat. Kaya lumamang ako kay Brian.

"Too bad, Gary's not here," nakangising komento ni Brian. Saka naman lumapit si Liam. Namangha ako nang imbes na sa akin siya magpin dahil mas close naman kami, kay Brian siya pumunta.

"Peace offering, mate," ang sabi. "I hope that you will not get jealous of me again," sabi nito kay Brian. Napangisi lang ang asawa ko.

Papatapos na ang tugtog na sinasayawan namin nang dumating si Benz na tila humahangos at magpin ng isang libo sa gown ko.

"Bakla, ba't ngayon ka lang?" sita ko agad sa kanya.

Humalik muna siya sa pisngi ko bago kinamayan si Brian.

"Sorry, Lexy, sweetie. May pinuntahan pa kasi akong raket. Kasalanan nyo rin to. Pa-suprise-surprise kayo e. Kaya hayun, nakatango na ako sa isang wedding sa Bohol. Buti nga nakahabol pa ako sa byahe papunta dito," paliwanag ng bakla. Palinga-linga ito sa paligid. Parang may hinahanap.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko dito.

"Pasensya na. Namilit kasi, e. Hindi ko nahindian. Sabi ng mother-in-law mo okay lang daw kahit sinong dalhin ko sa kasal mo kaya, hayan. Siya ang guest ko," bulong nito sa akin bago umatras. Napatingin ako sa direksyon na minuwestra ni Benz. Si Anton! He came. Finally.

Lumapit ito sa amin. Nag-pin siya ng isang libo sa manggas ng barong ni Brian at nag-pin din siya ng isa pa sa gown ko.

"Congratulations, pare," at kinamayan nito si Brian. Walang imik namang nakipagkamay ang asawa ko sa kanya. "Best wishes, Alex."

For years, inimagine ko ang muli naming pagkikita ni Anton. Sabi ko bibigyan ko siya agad ng mag-asawang sampal. Kung may pagkakataon akong matadyakan siya, tatadyakan ko siya talaga. Pero wala akong naramdamang ganun nang makita ko na siyang nakatayo sa harapan ko. Para lang akong nakakita ng isang kaibigang matagal ko nang di nasilayan. Naisip ko agad si Laura. At bigla ko siyang na-miss. How I wish na nandito rin siya para saksihan ang pinakaimportanteng pangyayari sa buhay ko.

Nun ko lang na-realized na hindi ko na sila minumura sa isipan ko, bagkus, I thought of them with fondness na. Tama nga ang sinasabi nilang once you've forgiven someone, imbes na murahin sila sa isipan mo, you'll wish them well. Ganung-ganun ang nararamdaman ko nang mga sandaling yon. Sana he and Laura made the right choice. At sana pareho silang nandito sa kasal ko. Lumuwag ang aking dibdib.

Tatalikod na sana si Anton pero tinawag ko siya.

"Kumusta si Laura?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang biglang pagliwanag ng mukha ni Anton. Hindi niya siguro sukat akalain na ang dalawang libo niya ay maging daan para sa ikapanatag ng kanyang kalooban.

�3�o4��Lz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top