Chapter Fifty-Seven - York's Dark Chocolates

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********

Habang kalung-kalong ni Dad si Elise, umiyak ito. Nakita kong gumalaw-galaw ang ulo nito na parang may hinahanap. Nang lumapit ako pumalahaw ito ng iyak habang nakatingin sa akin na parang nagpapasaklolo. Nataranta naman ang lolo niya, di malaman ang gagawin. Kinuha ko sa kanya ang bata. Kaagad naman itong tumahan.

"Oh, you missed Mommy already?" tanong pa ni Dad sa baby habang hinahawakan ang maliit nitong kamay. Tumingin lang si Elise sa kanya tapos yumapos sa akin. Natawa si Brian. Baka nanibago daw. Si Nathan naman walang reklamo nang kandungin ng lolo niya. Tumingin lang ito sa matanda at ngumiti. Tapos nagka-klap-klap ng maliliit nitong kamay. Tuwang-tuwa naman ang lolo. Tila nakilala daw agad siya ni Nathan.

Binigay ko muna kay Brian si Elise at kinuha ko ng maiinom si Dad. Buti na lang may stock kami ng Asahi Super Dry. Umiinom din kasi nun si Brian. Naalala ko kasi, ito ang hinanap niya sa akin nung una siyang tumuntong sa apartment ko noong nakaraang taon. Parang kelan lang...Binigyan ko ang mag-ama ng tig-isang beer para may iniinom sila habang nagkukuwentuhan.

"Is yakiniku okay for dinner?" tanong ko, mas kay Brian kaysa kay Dad. Ewan ko ba, di pa rin ako komportable sa matanda kahit na ngumingiti-ngiti na rin ito sa akin paminsan-minsan. Pakiramdam ko may barrier pa rin sa pagitan naming dalawa.

"Yeah. Anything will do, babe," sagot naman agad ni Brian habang nakahawak sa isa kong kamay. "D'you need help?"

"No. I'll be okay," sagot ko naman agad. "Excuse me," sabi ko naman sa ama niya. Tumango lang ito at tumingin uli kay Nathan. Inaaliw-aliw niya ang bata. Tuwang-tuwa naman sa pangingiliti ng lolo niya ang baby boy. Kaya nga nasabi ng matanda na parang daddy daw niya talaga ang temperament ng little boy.

Dahil hindi naman malayo ang kusina sa living room, napapakinggan ko pa rin ang usapan ng mag-ama habang naghahanda ako ng iihawin naming karne at mga gulay. Kaya daw pala nagalit si Brian sa matanda kahapon ay dahil sinabi daw nito sa telepono na hinding-hindi na raw siya pupuntang Japan habang kasal ang anak niya to that Filipina. Hindi naman daw siya seryoso dun. Nasa Heathrow Airport na raw siya nung sinabi niya yon kay Brian. At sinabi lang daw niya yon in jest para hindi magkaideya ang anak na sosorpresahin nga niya ito. Kaya nga daw si Uncle Tony ang pinag-Skype sa amin para magtanong ng address nang sa gayon hindi kami magsuspetsa. Nun nga daw niya nalaman na baka dinamdam daw ng anak ang sinabi niya ng pa-joke patungkol sa akin dahil sinabi daw ni Uncle sa kanya na ako nga lang daw ang nakausap dahil umalis daw si Brian.

"You don't joke about things like that, Dad," mahinahon na sabi ni Brian sa ama. Parang pinagsasabihan ito. "You know how I feel about Alex," narinig ko pang sabi ng asawa ko. Pumalakpak tuloy ang tenga ko. Ang sarap naman pakinggan.

"I know son and I'm sorry."

Napailing-iling ako sa mag-ama. Para silang mga bata. Ganunpaman, bilib ako sa bond nilang dalawa. Minsan nga nakakainggit na. Close din kami ni Papa, pero hindi katulad ng relationship nila Iba talaga silang dalawa. Iyon siguro ang nagagawa ng pagkakaroon ng mutual pain. Matindi pala ang impact ni Mommy sa kanila.

Nawala din ang mama ko at pinagtibay nun ang relasyon namin ni Papa pero iba naman ang level ng closeness namin. I've never thought of Papa as a friend. Pero siguro si Brian, hindi lang tatay ang role ng daddy niya sa kanya kundi friend and mommy na rin all rolled into one. Kaya madali silang magkatampuhan. Ang kagandahan nga lang, hindi naman sila nagtatanim ng sama ng loob sa isa't isa. Nagbabati naman agad. Kaso nga lang minsan, may added drama lang si Dad. Tulad nung sinabi ni Brian na pakakasalan niya ako. Hindi niya kinibo ang anak nang matagal-tagal na panahon. Kinailangan pa ni Brian na suyuin ito. Binigyan din kami ng blessing later on pero alam kong hindi pa niya ako lubos na natatanggap, kahit ngayong may kambal na kami ng anak niya.

Nang matapos kong hugasan ang mga gulay at karne, dinala ko na ang mga ito sa dining table na malapit lang sa kinaroroonan ng mag-aama. Nang makita ako, tumayo na si Brian at sinabihan akong siya na ang kukuha ng electric grill sa pantry. Naiwan ako with his Dad and the twins. Nakahiga na sa futon ang dalawa habang naglalaro ng rattlers. Tinatampal-tampal ni Daddy ang puwet ni Nathan. Parang gustung-gusto naman ito ng baby boy. Naghihihiyaw ito at sini-shake pa niya ang laruan sa harap ng lolo niya. Si Elise naman, hindi pinapansin ang lolo niya lalung-lalo pa't nandoon ako. Sa akin siya nakatingin habang iwinawagayway niya ang hawak-hawak na laruan.

"I heard you had a difficult labor," walang anu-ano'y sabi ni Dad. Kay Nathan ito nakatingin.

"A little bit. They didn't give me any painkillers until I beg them for it. If they gave me one a lot earlier, it would have been easier for me," paliwanag ko. Medyo nahihiya. Nakakainis. Ang tagal ni Brian bumalik.

"Why didn't they give you one right away? Don't they give Japanese women in labor any drugs to alleviate their pain?" tanong pa nito.

"No, they don't. I guess they want everything done the natural way," simpleng paliwanag ko.

Pambihira naman daw. Kung ganun din lang, ba't pa pupuntang hospital ang pasyente kung gagawin lang din daw the natural way? No wonder daw dumadami ang ayaw nang mag-asawa at magkaanak na mga Haponesa. Kung ganun naman daw kahirap ang panganganak sa kanila hindi niya masisisi ang mga babae na magdesisyong maging single for life.

Nun naman dumating si Brian bitbit ang electric grill. Maingat niya itong nilapag sa dining table. Habang sini-set ng asawa ko ang grill, dinampot ko si Elise at nilagay sa crib. Itinabi ko si Nathan sa kanya. Binigyan ko sila ng laruan para malibang habang naghahapunan kami dahil mga 7PM pa ang breastfeeding time nilang dalawa. May oras pa akong kumain.

Nang may naluto nang karne at gulay, una akong binigyan ni Brian bago ang Dad niya. Palihim ko siyang sinenyasan na unahin niya muna ang kanyang ama dahil pagod ito at gutom sa biyahe.

"You need to eat right away, babe because you have to feed the babies in a few minutes. Dad can wait," sabi naman nito sa regular na boses. Pinandilatan ko siya nang palihim. Bakit kailangan pang sabihin yon nang malakas.

"Don't worry about me, Alex," sabad naman ni Dad. Ngumiti ito sa akin kahit na parang pabalat-bunga lang. Binigyan ko din siya ng kiming ngiti ko.

Nasa kalagitnaan kami ng dinner nang tumunog ang keitai (cell phone) ko. Dinampot ko ito sa couch. Si Mommy! Bakit kaya? Sumenyas ako kina Brian na sasagutin ko lang muna ang phone. Bago pa sila makasagot, nakapasok na ako sa kuwarto. Narinig ko na lang na nagtanong pa sana si Brian kung sino ang tumawag. Di na ako sumagot.

"I was calling your landline but I can't get through. The line was busy," sabi kaagad sa akin ni Mommy nang makapag-hello ako.

"Busy po? Wala naman pong gumagamit nun, a?" sagot ko naman.

"Baka sira? Anyway, I called up to say mapapaaga ang dating ko dyan!" excited nitong sabi. "I can't wait to see the twins!"

"That's good news po. Kelan po kayo darating?"

"Next week na. Sa Thursday. Sabi naman ni Brian wala siyang klase kapag Huwebes di ba? Sana he can pick me up. Ako lang kasi mag-isa ang aalis this time dahil hindi pinayagan ng school na mag-absent si Kelly ng more than one week. Ang Tito Mando mo naman, may kaso pang inaasikaso. Sinasama ko sana si Helen pero nawalan na ng available seat kaya sabay-sabay na lang silang tatlo after Christmas," paliwanag naman ni Mommy.

Naku, patay! Papano yan? Nandito pa nun si Daddy sa bahay. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko kay Mommy na nandito ang ex niya sa amin. Pero naisip ko rin na kung mayroon mang magsabi nun, walang iba kundi si Brian. Kaya, pinasya kong hwag na yong banggitin sa kanya. Bahala na si Brian ang magsabi sa mga magulang niya.

"No problem, po. Pwedeng-pwede niya po kayong masundo niyan dahil wala nga siyang pasok," sabi ko na lang kay Mommy.

"Thanks, Alex. See you soon!" masayang paalam nito sa akin. Tumatawa-tawa pa siya. Na-guilty tuloy ako. Naku, baka magkagulo sila kapag nagpang-abot sa bahay. Papano kaya to?

Pagbalik ko sa dining table, nagtanong si Brian kung sino ang tumawag. Sabi ko na lang muna sa kanya, si Tita. Hindi na ako nag-elaborate pa. Hindi naman siya nagtanong pa. Abala sila ng ama sa mga kuwento tungkol sa mga tao sa kanila. Ako nama'y di mapalagay kaya halos tahimik lang ako all throughout dinner.

Nang matapos kaming magdinner, magkatuwang namin na nlligpit ang mga pinagkainan at dinala sa kusina. Binulungan ko siya kung sino talaga ang tumawag. Sinabi ko rin na darating ang mommy niya sa susunod na linggo.

"What should we do?" nababahala kong tanong. "Should we tell Dad?" tanong ko sa mahinang boses. Nag-aalala talaga ako.

"No. If we tell him, he would surely go back to England. Just let it be. It's time for them to talk and patch things up between them. it's been a long time. They have grandchildren now so they must learn to be civil around each other."

"But they haven't seen each other since she left twenty eight years ago. Although it has been a long time, the pain may still be raw for Dad," pag-aalala ko.

"We cannot protect him from it. He has to deal with it. The sooner they confront each other, the better," parang kaswal lang na sagot naman ni Brian.

Pinandilatan ko siya. Hindi niya talaga ako naiintindihan. Palibhasa, hindi siya nakaranas maiwanan ng taong minahal niya. Napagdaanan ko kasi yon kaya alam ko kung gaano kasakit ang iwanan ka ng taong minahal mo nang lubos. Napapadali lang naman ang paghilom ng sugat kung may panibagong tao na magpakita sa yo ng pagmamahal. Kagaya ng nangyari sa akin. Kaya nang makita ko si Anton sa kasal ko, hindi ko na masyadong ininda ang kahayopang ginawa niya sa akin in the past. Pero si Daddy ay iba. Unlike me na nandiyan si Brian na tumulong sa paghilom ng sugat ko, walang naging ganun sa buhay ni Dad. Kaya hindi ko maiwasang mag-alala talaga.

Niyakap ako ni Brian habang nakatalikod. Hinagkan-hagkan niya ang leeg ko.

"Stop worrying, babe," natatawang sabi nito sa akin. Inamoy-amoy pa ang ulo ko. Ba't daw ako namomroblema sa di ko naman problema.

"You don't understand how it feels because you never had to deal with a lover leaving you for someone else," sabi ko sa kanya. Nainis na ako.

"Speaking through experience, hmn?" nakangisi niyang tanong pa sa akin. Hindi talaga siniseryoso ang lahat.

"How can you take it lightly, Bry?" inis kong asik sa kanya. Muntik nang mapataas ang boses ko. Naalala kong nasa kabilang silid lang pala ang pinag-uusapan namin. Kaya, napabulong uli ako sa kanya. Natawa siya tuloy sa akin.

"Honestly, I can't wait to see them together in the same room," sabi nito mayamaya. Nagseryoso na. Humarap ito sa akin pero nakayakap pa rin. "I know it would be a lot painful for him," at tinuro niya ang kabilang silid, " than for Mom, but I think he needs it. He has to confront it now that they have an opportunity or else, he will be forever bitter. Don't worry, babe. They're both adults. They can handle it," at niyakap ako nang mahigpit. Napayakap din ako sa kanya. Naamoy ko ang amoy-barbeque niyang dibdib. Pero sa kabila nun, nag-init pa rin ang katawan ko nang masamyo ang pamilyar niyang amoy - bukod dun siyempre sa amoy-yakiniku.

Napabuntong-hininga ako. Wala pa man, nag-aalala na ako kay Dad. Lalo niya akong niyakap nang mahigpit nang marinig ang buntong-hininga ko.

"Thanks for worrying about my parents, babe. That's why I love you so much," at ngumiti siya sa akin bago niya ako binigyan ng light kiss sa labi. Kumalas ako sa pagkakayakap niya nang marinig namin ang pag-iyak ng kambal. Gutom na siguro ang mga yon. Sabay kaming bumalik sa living room. Nandoon kaagad si Daddy sa crib at pinapatahan ang mga apo niya. Hawak-hawak na niya si Nathan at isinasayaw-sayaw na niya ito nang dumating kami.

"You guys get the little girl. She doesn't seem to like me," natatawa nitong sabi sa amin.

Ako na ang dumampot sa maarte kong prinsesa. Tumahan naman ito agad pero kaagad na sumubsob sa dibdib ko at parang nagmamadali na sa pagsuso. Dinala ko siya agad sa kuwarto at pinadede. Nang matapos ako kay Elise, binigay ko ito kay Brian at si Nathan naman ang inasikaso ko. Pagbalik ko sa living room, nakita kong tulog na sa crib niya ang little girl. Maingat kong ibinaba sa tabi nya ang tulog din niyang kuya. Kumuha na lang ako ng palanggana at bimpo saka marahan naming pinunasan ang kanilang katawan. Ako ang nagpunas sa baby girl at si Brian naman sa baby boy. Pinalitan namin sila ng damit pagkatapos.

"They are so beautiful. Thank you so much, Alex," madamdaming wika ni Dad habang pinagmamasdan ang kanyang mga apo. Nagkatinginan kami ni Brian, at napangiti kami pareho. Tila nagkatotoo ang sinabi niya sa akin noon na magso-soften din daw ang dad niya sa akin kapag nakita na niya ang mga apo niya. Kaya nga padala siya ng padala ng mga pictures sa email. Akala ko noon, walang effect ang mga yon kay Dad dahil ni hindi siya nagre-reply sa mga emails ni Brian na may pictures naming mag-iina pero yon pala, without our knowing it, inaasikaso na pala niya ang lahat para sa pagbisita niya sa amin sa Japan.

"Oh, by the way, I forgot to give you something, Alex. Here's from York - from me and Tony," at inabot niya sa akin ang isang kahon ng dark chocolates. Nabigla ako. Hindi ko inaasahan yon. Nagkuwento na rin ito tungkol sa chocolate history ng York. Nakilala daw at umunlad ang kanilang siyudad dahil sa paggawa ng tsokolate. At ang binigay daw niya sa akin ay symbol of their historic past ... Natawa dun si Brian. Tiningnan tuloy nito ang pasalubong ni Dad sa akin.

Labis akong natuwa sa natanggap kong kahon ng tsokolate. Para sa akin, big deal na yon dahil galing kay Dad. At tingin ko, unti-unti na rin siyang bumabait sa akin. Pinagdadasal ko na lang na sana ay tumuluy-tuloy iyon.

Habang abala ako sa kakaurirat sa natanggap na pasalubong, si Dad naman ay nakatutok sa mga bata. Kahit sinabihan ito ni Brian na pwede na siyang mag-bubble bath kung gusto niya dahil nakahanda na ang banyo, hindi pa rin ito tuminag. Mauna na raw kaming dalawa dahil siya na muna ang magbabantay sa kambal.

Napatingin ako kay Dad habang nakamasid ito sa dalawang bulinggit at nakaramdam ako ng pagkahabag. Nagi-guilty akong di maintindihan. In a few days, he will be confronting his past... I just hope na kagaya ko, he will find it in his heart to forgive her just like I have forgiven Anton.

A/N: Sorry po if there are any typos or other errors. Madalian kasi. Paramdam na lang po kayo. I-comment nyo na lang po. Thanks for reading up to this chapter. I am so grateful. :)

��K���O��5

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top