Chapter Fifty-Four - Double Happiness
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
**********
Ang gaan-gaan ng feeling ko nang lumabas ng restaurant. Natuldukan na rin ang bangungot ng kahapon after more than four long years. I have to admit, sa kabila ng ginawa ni Laura sa akin, mahal ko pa rin siya. Hindi ko nga napigilan ang sariling yakapin siya nang magkita kami kanina. Nakita ko pang nabigla siya sa ginawa ko. Siguro iba ang inaasahan niya sa akin. Napaiyak nga siya sa ginawa ko at dun ko nalaman na hindi naging madali sa kanila ni Anton ang lahat. Araw-gabi daw ay binagabag sila ng kanilang konsensya.
Mali pala ang akala ko. Inisip ko na pagkatapos nila akong indyanin sa simbahan ay nagpakasarap na sila sa piling ng isa't isa. Inisip ko na binalewala nila ang pinagsamahan naming tatlo, lalung-lalo na si Laura. Best friend ko kasi siya simula kindergarten kaya naging kampante ang kalooban kong ipagkatiwala ang lalaking minahal ko. Hindi ko inisip na magagawa niya sa akin ang ginawa nila sa simbahan. Pero ganun siguro talaga. The heart wants what it wants...
Thankful din ako kay Jacob, ang dakila kong stalker dati. Siya pala ang nagsabi kay Anton na ikakasal na ako. Nagkita daw sila ni Anton sa birthday party ng mutual friend nila. Nalasing daw si Jacob at hinamon ng away si Anton at sinabihan pa na matagal na daw akong naka-moved on sa pagkakaiwan niya sa akin sa altar. In fact, ikakasal na nga raw ako. He was taunting my ex. Naalala ko, nagkita nga pala kami ng damuho sa Ayala Center minsang dinalaw kami nila Tita Alicia sa Cebu. Mukha ngang namanhikan na nun ang pamilya nila Brian sa amin. Kaya siguro in-assume na ni Jacob na ikakasal na nga ako. Kaya pala, kinontak ako ni Anton. Nakakita ng pagkakataon...
"You're all smiles," salubong sa akin ng asawa ko. Hindi naman pala siya lumayo. Nasa labas lang din siya ng restaurant, nakasandal sa railing at nagmamasid sa mga taong dumadaan habang naghihintay sa akin.
"I feel good," sagot ko naman at lalung lumawak ang ngiti ko.
Talagang ang ganda ng pakiramdam ko kaya konting kibot nangingiti ako. Totoo nga pala ang mga sabi-sabi na in forgiving someone, you do yourself a favor more than the one you are forgiving. It feels liberating to just let go of your negative emotions especially anger and hatred. Matagal ko din palang kinimkim ang galit sa dalawa. Kaya para akong ibong nakalaya ngayon. Ang sarap pala ng feeling.
Inakbayan ako ni Brian at tinungo namin ang exit. Pero bago kami nakalayo, narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Si Laura. Nakangiti rin ito habang magkaholding hands sila ni Anton.
"Keep in touch, Lexy," at kumaway pa siya sa akin.
"I will," sagot ko din sa kanya nang nakangiti at kumaway din ako sa kanila. Pati si Brian ay nakikaway din.
"Aren't you glad that she has stolen your fiance at the altar?" tanong ni Brian out of the blue.
"Huh? Why?" takang balik-tanong ko naman.
"Because you found me," sagot nito habang nakangiti nang nakakaloko. "I'm a lot hotter than your ex. Admit it," patuloy pa nito.
Kinurot ko siya sa tagiliran. Napatawa lang ito.
Pagdating namin sa baba, nandoon na si Tito, naghihintay sa amin. Ihahatid daw niya kami sa dati naming mansyon. Ipagbibili na kasi ni Papa yon kaya gusto kong tingnan man lang yon for the last time. Dun ako isinilang at dun na rin lumaki kaya may sentimental value sa akin ang bahay. Kaso nga lang, naisip ni Papa na kaysa parusahan daw ako sa monthly mortgage, ipagbili na lang yon nang tuluyan para mabayaran namin ang bangko at magkaroon pa ng sapat na pondo para sa kanyang medication nang sa gayon daw hindi na ako mag-alala sa kanya at di na rin kailangang magpadala ng buwanang sustento. Pagbalik kasi namin sa Japan, si Brian na lang ang may trabaho at ako'y magpapahinga muna dahil sa kalagayan ko. Nakakahiya naman kung pati obligasyon ko sa pamilya, iaasa ko sa asawa ko.
Wala akong kibo habang papalapit kami sa dati naming neighborhood. Parang may bumara sa aking lalamunan. Ngayon palang ako nakabalik pagkatapos nang nangyari sa akin more than four years ago. Kahit kasi noong inatake si Papa, hanggang ospital ko lang siya dinalaw at inalagaan. Nang makalabas na ito, dumeretso naman kaagad sila ni Yaya kina Tita at Tito at ako nama'y bumalik na sa Manila sa bahay ni Benz. Kaya hindi na ako nakaapak sa dati naming tahanan.
Pagbaba namin sa harap ng mansyon, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Ang dating well-cared na hardin ay nagmistulang kagubatan sa dami nang mga matataas na damong nagsulputan. Halos kinain na ng mga ligaw na damo ang mga bulaklak na tinanim pa ng mama ko.
Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng akbay ni Brian sa akin. Hinalikan niya ang buhok ko.
"You grew up in this house?" tanong niya sa akin, halos di makapaniwala. "This is pretty huge! You must be rich to have this kind of property."
"Yeah. We were," malungkot kong sabi.
Nauna na sa amin si Tito sa loob ng mansyon. Binuksan niya yon at sinenyasan kaming pumasok na. Magtakip na lang daw kami ng panyo sa ilong dahil maalikabok sa loob. Marami na ngang agiw sa loob at puno na rin ng alikabok ang mga gamit. Pero halos hindi ito nagalaw. Ganung-ganon ang arrangement ng living room namin nang huli ko itong makita. Lumapit ako sa malaki naming couch. Hinawakan ko ito kahit puno ng alikabok. Ilang beses akong nakatulog dito habang nanonood ng TV. Dito ko rin iniestima ang mga bisita ko na karamiha'y mga kaklase at kakilala sa eskwelahang pinapasukan namin ni Laura. Parang kelan lang...
"O siya, kayo na lang mag-ikot-ikot dito. Hihintayin ko na lang kayo sa sasakyan, ha?" sabi sa amin ni Tito at lumabas na ito.
"Where's your room?" tanong ni Brian nang kami na lang dalawa.
Hinawakan ko siya sa kamay at dinala ko siya sa itaas. Hindi naman naka-lock ang room ko kaya nabuksan ko agad ang pintuan. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko ang dati kong higaan. Hindi nila ginalaw. Nakapatong pa rin doon ang malaking teddy bear na bigay sa akin ni Papa noong magdiwang ako ng ika-sixteenth birthday ko. Ganung-ganon ko din iniwan ang silid na yon. Ni sa panaginip, hindi ko inisip na hindi ko na pala ito matutulugan pang muli. Ang buong akala ko noong lisanin ko ito more than four years ago, pansamantala ko lang itong iiwan.
"Wow! This is as big as our house in Kyoto," impressed na nasabi ni Brian. Pinagpag nito ang kama at nahiga siya doon. Sinenyasan akong tumabi sa kanya.
"It's dusty," protesta ko.
"C'mon. Don't be so maarte," sabi nito sa akin na ikinabigla ko. Nang makita niya ang pagkagulat ko sa salitang 'maarte' na sinabi niya napatawa siya. "Kelly taught me that word."
Lumapit ako sa kanya at nahiga sa kanyang tabi. Napapikit ako. Huling higa ko na yon sa kama ko. At nun lang nag-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko na maaangkin pang muli ang silid na yon. Napaiyak ako.
"Ssshh," alo sa akin ni Brian. "Don't be sad. Just think about the happy memories that you have here. Your dad's decision - Papa's decision is for the best. He is just thinking about you."
"I know," sagot ko. Bumangon ako at niyaya na siyang lumabas. Di ko na kaya pang manatili doon dahil lalo lamang akong malulungkot.
"Okay," sang-ayon naman nito at bumangon na rin.
Pinakita ko rin sa kanya ang kuwarto ng mga magulang ko. Nandoon pa rin ang malaking portrait painting ni Mama. Nakasabit din sa dingding ang wedding picture nila ni Papa.
"You look like your mom," komento ni Brian habang titig na titig sa larawan ni Mama.
"Really? People told me I look more like my father," sagot ko.
Tumingin siya sa akin. "You got some of your features from Papa but your eyes is definitely from your mother," sagot naman ni Brian.
"Mama's father, my grandfather, was from Andalucia, Spain. That's why she had some Caucasian features. Although I got the shape of my eyes from her, I got the color from Papa. It would have been awesome if I had that hazel brown eyes," natatawa kong sagot.
Inakbayan ako ni Brian. "Your eyes is still perfect. I wish I had the same color as yours."
Binobola ako nito. Kelan naging mas maganda ang dark brown eyes sa asul na mga mata? "No," iling ko. "Yours are perfect. People here in the Philippines would love to have your clear, blue eyes."
"They just don't know that having dark brown eyes is better. What do they like about blue eyes? They're more sensitive to light. That's the reason why, I wear sunglasses most of the time," sagot naman ni Brian.
Napaisip ako. Kaya pala madaling masilaw ang mga puti na may blue eyes. Kung sa bagay, mahirap nga naman ang ganun...Pero kahit na, gusto ko pa rin sanang magmana sa kanya ng mga mata si baby. Napaka-colonial kong mag-isip. Pinagsabihan ko ang sarili.
Nang maikot na namin ang buong bahay, saka pa lang kami lumabas. Pero siyempre, di na pinaligtas ni Brian ang pagkakataon. Kinuhanan niya ng larawan ang bawat sulok para daw kahit papano may remembrance kami sa kinalakhan kong tahanan.
"Sorry po kung natagalan kami, Tito," paghingi ko ng paumanhin sa tiyuhin ko nang makabalik na kami sa sasakyan.
"Okay lang, oy. Tumawag ang tita nyo at halos isang oras kaming nag-usap. Kakatapos nga lang naming mag-usap kaya para na ring may kasama ako dito habang hinihintay kayo."
"Thanks for waiting for us, Tito," sabi naman ni Brian bago umakyat sa owner-type jeep ni Tito.
"You're both welcome," nakangiti namang sagot ng tiyuhin ko. "So sa hospital na ang punta natin ngayon?" tanong naman niya na sa akin nakatingin.
"Opo. Nandoon daw ang ob-gyn na sinasabi ni Tita. Nakapagpa-appointment na rin kami," sagot ko naman. "Nagtext na rin sa amin ang sekretarya. Kadarating lang daw ni doktora sa clinic niya."
Nilingon ko muli ang mansyon namin habang iniistart ni Tito ang sasakyan. Kinuhanan naman ito ng picture ni Brian gamit ang iPad niya. Mayamaya pa, umandar na ang sasakyan at nilisan na namin ang dati kong neigborhood. Tahimik akong napasandal sa dibdib ni Brian. Naramdaman kong humigpit ang hawak nito sa akin at hinahalikhalikan niya pa ako sa buhok. Napapikit ako at bago ko pa namalayan tuluyan na akong naidlip. Nagising na lang ako nang naramdaman kong tumigil na ang sasakyan.
"Magtext na lang kayo mamaya kung anong oras ko kayo susundiin, ha? Babalik muna ako sa upisina," paalam sa amin ni Tito bago niya kami iniwan sa harap ng hospital.
"Pwede rin po kaming mag-taxi pabalik. Don't worry po, Tito," sagot ko naman.
"Susunduin ko na lang kayo. Foreigner ang kasama mo, e. Mamaya niyan singilin kayo ng sobra-sobra ng taxi driver dahil inaakalang marami kayong dolyar."
Oo nga naman. "Kayo pong bahala," nakangiti kong sagot.
Magkahawak-kamay kami ni Brian nang pumasok sa ospital. Sa bawat daanan namin, napapatingin talaga ang mga tao. Nakita ko pang kinikilig na nagbubulungan ang mga kababaihan. Narinig ko pa nga silang nagsabi na ang swerte ko daw.
Pagpasok namin sa clinic ng ob-gyn, ganun din halos ang reaksyon ng mga tao. Sinulyapan ko si Brian. Parang hindi naman siya aware na may ganun siyang epekto sa mga nandoon lalung-lalo na sa mga kababaihan. Pati nga sekretarya ni doktora natataranta.
"Ang guwapo naman ng asawa mo, Ate," nakangising bati sa akin ng sekretarya. Napangiti din ako. Nagtanong tuloy si Brian kung ano ang nginingiti ko. Nang sinabi ko sa kanya, napangiti rin pero parang wala lang din sa kanya. Sanay na rin siguro dahil halos ganun din ang natatanggap niyang atensyon sa Japan.
Mga twenty minutes ang pinaghintay namin bago kami pinapasok sa loob.
"Oh, you're Linda's niece, di ba? Ang ganda-ganda mo na, iha. I remember you were this little pa lang, " at minuwestra kung gaano ako kaliit, "nang una kitang makita. Your aunt used to bring you to our get-together e. Kaya naalala kita agad nang sinabi niya sa akin. Look at you now at magiging mommy ka na pala."
"Oo nga po, e. How time flies," sang-ayon ko naman.
"Is this your husband? He's so guwapo, ha," napangiti ang doktora. Parang may halong kilig pa.
Si doktora talaga. Napangiti lang si Brian. Naiintindihan din kasi niya ang salitang guwapo. Pinakilala ko siya kay Dr. Ledesma. Magalang namang bumati at nakipagkamay ito sa butihing doktora.
Pagkatapos ng pagpapakilala, pinahiga na ako sa makipot na kama na nasa pinakasulok ng silid. Tinaas niya ang blusa ko at may pinahid sa tyan kong malamig-lamig na gel. Mayamaya pa, pinabangon na ako pagkatapos ma-print ang resulta ng ultra-sound.
"Malusog naman sila at wala naman akong nakikitang deperensya pero kailangan mong magtake ng vitamins. I'm not sure kung meron kami ng mga ito ngayon pero you can buy these naman sa mga drug stores," sabi ng doktora habang nagsusulat ng prescription niya.
Sila? Napakunot-noo ako. Ano'ng ibig nitong sabihin? Is she just being too polite?
"Ang sabi po ng obgyn ko sa Japan hwag na daw akong mag-vitamins dahil baka masyadong lumaki ang baby at mahirapan daw po ako sa pagluwal. Katunayan, wala po siyang nireseta sa aking vitamins. Makukuha ko naman daw po yon sa pagkain," sabi ko naman.
Natigil sa pagsusulat ang doktora at napatingin sa akin.
"Ganun? Masyado naman silang conservative," nangingiting sagot nito. "Pwede rin namang hwag kang magvitamins kung iisa lang ang pinagbubuntis mo. Kaso you're carrying a twin kaya para siguradong mabigyan mo rin sila ng sapat na nutrients for their growth, kelangan mo talagang mag-take ng vitamins."
Ang lakas ng 'ho' na sagot ko. I'm carrying a twin? Pati si Brian nabigla. Hindi ko na kailangang i-translate pa yon dahil English naman nang sinabi ng doktora na kambal nga ang pinagbubuntis ko.
"You don't know?" parang ikinagulat din iyon ng doktora. Sinabi ko kasing may obgyn naman ako sa Japan kaya di niya inaasahan na hindi ko alam na kambal ang pinagbubuntis ko. "I thought you already went to an obgyn in Japan," patuloy pa nito.
"Yeah. But I was not told I am carrying a twin," sagot ko naman. Napatingin ako kay Brian. Nag-roll eyes ito. Kasi naman daw hindi ko sinabi sa kanya agad. Sana daw siya ang sumama sa akin instead of Liam. Malamang nga daw hindi masyadong naintindihan ni Liam ang mga pinagsasabi ng obgyn. Baka nga.
"So you don't know?" kompirma ng doktora.
My gosh, kambal ang pinagbubuntis ko! Napatingin uli ako kay Brian. Halos hindi ako makapaniwala. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi ng asawa ko. Siguro nag-sink in na sa kanya ang balita. Niyakap niya ako at binigyan ng masuyong halik sa labi. Walang pakialam na may nakatingin.
"We will have two babies right away. That's pretty awesome. Thanks a lot, babe," sabi nito sa akin at pinisil pa ang palad ko.
"You guys are lucky. You have two babies right away," sang-ayon naman ng doktora at binigay ang reseta niya sa akin. Nag-type din ito ng certification na fit akong mag-travel on air pa. Kailangan ko kasing ipresinta yon sa airlines.
Sinamahan pa kami ni Dr. Ledesma sa labas. Tinanong nito ang sekretarya kung may supply pa daw sila ng vitamins na nireseta sa akin. Nang kinompirma ng babae na meron pa nga, sinabihan kami na pwede ring dun kami bumili sa kanila at bibigyan niya kami ng discount. Hindi na niya kami siningil ng consultation fee niya. Parang nahiya pa sana si Brian pero hindi tinanggap ng doktora ang bayad namin. Kaya vitamins na lang ang binayaran namin sa sekretarya.
Pagkalabas namin, tinext ko agad si Tito na sunduin na kami. Excited na akong sabihin kay Papa ang good news. Ganun din halos si Brian. Napatawag agad ito sa ama. Habang hinihintay namin si Tito, nag-usap ang mag-ama. Tuwang-tuwa na binalita ng asawa ko sa ama niya na kambal ang pinagbubuntis ko. Pero mukhang na-disappoint siya sa lukewarn na reaksyon ng dad niya. Malungkot na ito nang binaba ang telepono. Niyakap ko siya habang nakatalikod.
"Don't worry. I'm pretty sure, your mom and Papa will be very happy," pampalubag-loob ko na lang. Parang nakikinikinita ko na ang reaksyon ng dalawa. At sapat na yon para matuwa din ako.
"Yeah," tipid na sagot ni Brian at napahawak siya sa kamay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top