Chapter Fifty-Eight - Meltdown
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
- Gretisbored
**********
Dahil tatlo naman ang kuwarto sa bahay, hindi na kami pumayag na mag-hotel pa si Dad. Tuwang-tuwa ito nang iminungkahi ni Brian na gamitin niya ang isa sa mga bakanteng kuwarto namin. Mas maigi raw na nasa bahay siya para lagi niyang makakapiling ang mga apo niya.
Medyo hindi ako komportable nang mga sumunod na araw dahil kapag may klase si Brian ay naiiwan akong mag-isa with him. Buti na lang, abala siya sa kakaestima sa dalawang bulinggit. Kaya hindi naman namin kailangang maghuntahan. Minsan, nagkukuwento rin naman siya ng karanasan niya sa pag-aalaga kay Brian. May matching photo-sharing pa ito.
Ang maarte kong prinsesa ay ayaw pa rin sa lolo niya. Sa tuwing kakargahin ito ni Dad, iyak ng iyak. Pero mukhang okay lang din naman sa matanda dahil binabawi naman ito ni Nathan. Kapag hinahawakan ni Dad ang little boy, ngumingiti-ngiti talaga ito at nagre-respond sa pangingiliti niya.
"What are you smiling at?" tanong ko kay Brian nang nag-CR si Dad. Nasa living room kami no'n. Pinapatulog ni Brian ang kambal.
"I think Dad is already warming up towards you. It makes me so happy," nakangiting sagot niya at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.
"I guess the twins have helped a lot," at sinulyapan ko ang dalawa na abala sa paglalaro ng kani-kanilang rattlers. Parang walang balak matulog.
"I think he has realized that you're different from Mom. That was his only concern - that I end up with somebody different from Mom. He just doesn't want me to experience what he has gone through with my mother."
Hinaplos-haplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. No'n naman pumasok sa living room si Dad. Lumayo ako agad kay Brian. Medyo nahiya pa ako dahil naabutan niya kami na naghahalikan.
"It's okay. We're not teenagers anymore," nakangisi niyang sabi at sumulyap pa kay Dad. Mukha namang walang pakialam ang ama.
"Oh, Nathan is asleep already? Poor little boy. I think he's tired," komento ni Dad nang makitang tulog na nga ang batang lalaki.
Umupo siya sa tabi ni Elise. Umisod ako nang kaunti para bigyan siya ng espasyo. Nakita kong ngumiwi na naman ang prinsesa. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay habang tinapik-tapik ni Dad ang kanyang puwet. Tumingin siya sa lolo niya na parang may sarili nang pag-iisip. Nginitian naman siya ng matanda at sinubukang kilitiin. Noong una umiyak ito, pero later on, nabigla kaming lahat dahil tumawa na siya. Mayroon din pala siyang kiliti sa tiyan. Binitawan ko na ang kamay niya at hinayaan na lang si Dad ang magpatulog sa kanya. Nagkatinginan uli kami ni Brian. At kapwa kami napangiti.
Iniwan namin ang kambal sa pangangalaga ng kanilang lolo at pumunta kami sa kusina para magluto na ng pananghalian.
"Are you sure it's okay that he doesn't know?" bulong ko kay Brian. Ewan ko ba, nagi-guilty ako dahil alam kong big thing iyon para kay Dad. Baka magalit siya sa amin.
"We have no choice," pabulong namang sagot ni Brian. "Don't worry," dugtong pa niya at hinalikan ako sa noo.
"We have a choice," sagot ko naman. Anong walang choice ka diyan. Sinimangutan ko siya.
"If we tell him, he would surely leave. Believe me, it's better that he doesn't know. I want them to settle what's between them and move on," patuloy pa nito.
Kung sa bagay, may katwiran naman siya. Bahala na si Darna. Yumakap na lang ako sa kanya at inamoy-amoy ko ang kili-kili niya. Tawa ito ng tawa.
"You're a crazy Filipina," nakangisi nitong sabi at pinisil-pisil ang pang-upo ko.
"Hey! Your dad is just in the other room," anas ko sa kanya.
"So?" at bumaba ang mukha niya para bigyan ako ng wet kiss sa labi. Naipulupot ko ang mga braso sa leeg niya at lalong diniin ang katawan sa kanyang harapan. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang little monster at mayamaya nga'y tumutusok na ito sa tiyan ko. Kung dati-rati ay umaatras na ako kapag gano'n, this time ay lalo ko pang diniinan ang pagkakalapat ng katawan sa kanyang harapan. Napamura siya sabay pikit.
Ako naman ngayon ang napabungisngis. Alam ko kasing horny na siya. Kung kami lang sanang dalawa ang nandoon, siguro pinaupo na niya ako sa kitchen table at itinaas ang palda ko para isagawa ang gusto niyang mangyari. Pero dahil nandoon si Dad kailangan niyang pigilan ang sarili.
May kapilyahan akong naisip. Hinawakan ko siya doon at pinsiil-pisil. Napamura uli siya nang malutong. Binaon niya ang mukha sa leeg ko. Natigil lang kami sa paglalaro nang marinig naming umiyak si Elise. Ako ang sumilip sa living room. Nakita kong kinarga ng lolo niya ang prinsesa at pinaghehele. Mayamaya ay napapikit na ang mga mata nito. Napangiti ako. Bumalik ako sa kusina. Sinalubong ako ng halik sa labi ni Brian. Nagpaalam itong pupunta lang ng banyo sandali. Hindi pa rin humuhupa ang paninigas ng kanyang harapan.
Ako na ang nagpatuloy sa niluluto naming stuffed pork tenderloin. Makaraan ang mahigit isang oras, naluto na rin ito. Tumulong na lang si Brian sa paghahanda ng mesa. Siya na rin ang kumuha ng wine at nagbukas nito.
"Hmn, this is really good. Your cooking has improved, Alex," komento ni Dad habang ngumunguya ng malaking chunk ng pork.
"Thanks, Dad. Actually, Brian was the one who seasoned it," nakangiti kong sagot.
"Really?" at tumingin sa anak. "I didn't know that you know how to cook."
"I learned it when I started living here. Whenever I get tired of eating Japanese cuisine, I would go online and search for recipes which I could easily follow. It was difficult at first but I learned later on. And it was fun."
"So it was you I should thank then?" may himig pagbibiro na sagot ng ama.
"Well, I just seasoned it and Alex did the rest so half of the credit goes to her," at binalingan pa ako sabay halik sa labi ko.
Nang matapos kaming kumain, nagsuot lang ng jacket si Brian bago nag-paalam na aalis daw muna. Hindi na niya sinabi sa ama na pupunta siyang Kansai Airport para sunduin si Mom. Hindi na rin ako kumibo tungkol doon.
Dala na rin siguro ng guilt, nag-try talaga akong kausapin si Dad. Nang tinanong ako tungkol sa papa ko, nagkwento na ako tungkol sa buhay namin sa Cebu. Mukha naman siyang interesado dahil palaging nagtatanong. Nangumusta rin ito tungkol sa mama ko kaya sinabihan ko siyang wala na akong ina dahil namatay ito sa panganganak sa nakababata kong kapatid.
"Oh. That's so sad," nasabi nito. "I'm sorry to hear that. It must be hard for your dad," ang sabi pa niya. "He lost two."
"Yeah, it was. I don't think he has forgotten my mother because he never attempted to get involved with another woman after she died," sagot ko naman.
Nang ma-realize na may parellelism iyon sa buhay niya, nakagat ko ang labi. Sising-sisi ako sa mga sinabi, lalung-lalo na nang makita ko itong natigilan at napatingin sa malayo. Para pagtakpan ang awkwardness na nagsisimula na naman sa pagitan naming dalawa, tumayo ako at tinanong siya kung gusto niya ng beer dahil kukuha rin ako ng maiinom ko.
"Yes, please. Thanks," sabi nito sa mahinang boses.
Inabot ko sa kanya ang Asahi Super Dry. Lumagok siya agad sa bote. Dalawang sunud-sunod na lagok. Na-guilty tuloy ako. Marami na rin itong nainom kaninang wine tapos heto uli at nangalahati kaagad ang isang malaking bote ng beer. Ni hindi na gumamit ng baso. Nakupo, ano ba naman ang ginawa ko. Sana hindi ko na sinabi iyon.
"I think Brian has already told you that his mother left us when he was just an infant."
Tumango ako. Gosh, mukhang magkukuwento na siya. Pigil ang hiningang hinintay ko ang karugtong no'n.
"You see, she had a boyfriend before me. But her dad told me that they broke up because he was a no-good man. Her family, especially her dad, liked me for her. So it was easier for me to be friends with her. To make the story short, we got married. And soon after, we found out she was pregnant with Brian. I thought that the coming of the baby could fill up the void in our marriage but I was mistaken. A few months after she gave birth, I heard she was secretly meeting this old flame of hers behind my back. I was so mad that I even threaten to beat her up if she didn't stop seeing the guy. But of course, that was just a threat. I could never do that to her," at lumagok na naman ito ng beer. "I loved her so much."
Parang may bumara sa lalamunan ko. Ini-imagine ko ang younger version nila Dad at Mom. Naglalaro sa aking imahinasyon ang imahe ni Dad habang naghihirap ito sa piling ni Mom. It must be hard for him.
"How was she?" walang anu-ano'y tanong niya sa akin. "I heard she arranged your beautiful wedding. Brian sent me your wedding pictures and you guys looked awesome. Was she good to both of you?" dugtong pa nito.
"Yeah, she was very good to both of us. She treated me like a daughter," sagot ko naman agad.
Napatangu-tango lang si Dad at tumungga na naman ng beer. Naisip ko nga, may premonition kaya siya sa magaganap in a few hours? Strange. Kung kailan parating si Mom, saka siya nag-open up about their past.
Wala na namang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko alam kung papano basagin ang katahimikan. I feel I have to say something.
"Want more beer, Dad?" naitanong ko na lang bigla and as soon as I said it, pinagsisihan ko agad. Baka malasing na si Dad sa pinaggagawa ko. I just hope tumanggi siya.
"One more, please," mahina nitong sagot. Napamura ako sa loob-loob ko. Wala akong nagawa kundi tumayo at kumuha uli ng beer. This time, iyong maliit na lata na lang ang kinuha ko.
"She has aged well. I was surprised to see that she hasn't change that much from the last time I saw her," nakangiting sabi ni Dad nang makaupo na ako sa harap niya. "I think, most Asian women are like her. You guys really age gracefully."
Napangiti ako. "I think so," tanging naisagot ko na lang.
Nakita siguro ni Dad na medyo namumungay na ang mga mata ko kung kaya sinabihan niya akong maidlip daw muna at siya na ang magbabantay sa kambal. Alam daw niyang lagi akong nagpupuyat gabi-gabi sa pagpapadede sa kanila.
"Thanks Dad. I'll just take an hour-nap. I'll be back soon," at pumunta na ako sa kuwarto namin ni Brian para maidlip kahit sandali lang.
Ang isang oras ay humaba. Napasarap ang tulog ko. Nagising na lang ako nang umiiyak na ang mga bata. Hindi na magkandatuto sa paghehele si Dad sa kanila. Kinuha ko kaagad si Elise at pinadede sa kuwarto. Nang matapos siya, sinunod ko ang kanyang kuya. Tinulungan ako ni Dad na punasan silang dalawa pagkatapos ko silang ma-breastfeed. Nang matapos kami, dumeretso na ako sa kusina at nagluto na.
"What's taking Brian so long?" tanong nito. Sumilip siya nang bahagya sa kusina.
"Maybe, there was a heavy traffic," sagot ko. Gosh. Sana huwag nang mang-usisa pa. Hindi ko alam kung mapipigilan ko ang bibig ko. I'm a bad liar pa naman.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya nagtanong pa. Bumalik na ito sa mga apo niya at pinagpatuloy ko naman ang pagluluto. Nang matapos kong lutuin ang adobo at fried chicken, naghain na ako para sa aming dalawa.
"Aren't we going to wait for Brian to come home?" tanong niya nang naghain na ako.
"He told me, we can go ahead," kaswal kong sagot pero hindi ako tumitingin sa kanya.
Nang matapos kaming kumain, binuksan ko ang TV para makapanood siya ng telebisyon habang hinuhugasan ko ang mga plato sa kusina. Pagkatapos ay inihanda ko ang warm bath niya at sinabihan siyang mauna nang maligo. Hindi naman ito nagpatumpik-tumpik pa.
Makaraan ang ilang oras, narinig ko na ang pamilyar na tunog ng kotse namin. Dumating na si Brian! Grabe ang kabog ng dibdib ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong lumitaw si Dad mula sa kuwarto niya na nakabihis-pantulog na.
Narinig kong bumukas ang front door namin kung kaya binuksan ko rin ang living room. Naunang pumasok si Mom at bumati sa amin ng "Hello there," gaya ng nakagawian niyang bati. Tumatawa pa ito. Nakabuntot sa kanya ang asawa ko na hila-hila ang mga bagahe niya.
Napatda si Dad nang makita si Mom. Daig pa nitong nakakita ng multo. Bago rumehistro ang galit sa mukha niya, nakita ko muna sa ekspresyon niya ang pananabik sa nawalay na asawa. Si Mom naman ay nabigla rin. Nabura kaagad ang tuwa sa mukha niya.
"Alicia?!" naibulalas ni Dad, hindi makapaniwala.
"Phil!" nasabi naman ni Mom. Nabigla rin.
"You guys knew she was coming and yet, no one told me?!" Dumadagundong ang boses ni Dad. Namumula na ito sa galit.
Hindi nakapagsalita si Mom. Napatingin ito kay Brian.
Tinapunan ni Dad nang matalim na tingin si Brian at galit itong sinita. "So you went to the airport today and you didn't even tell me? I asked you where you were going!"
Hindi pa rin sumagot si Brian. Sa halip, tahimik lang nitong pinasok sa loob ng bahay ang mga bagahe ng ina.
"Alex, you also knew, right? Why the bloody hell didn't you tell me? I also asked you a while ago!" bulyaw ni Dad sa akin.
Natakot ako lalung-lalo na nang makita kong nanlisik ang mga mata niya. Nagising tuloy ang mga bata na nasa tabi ko lang. Umiyak si Elise at sumunod naman si Nathan.
"Why don't you calm down, Phil? Let's talk about this like decent adults. You startled the babies," sabad naman ni Mom.
"I am not talking to you!" bulyaw naman ni Dad sa kanya. Napa-roll eyes lang si Mom. Pero hindi ito nayanig. Mukhang hindi ito takot kay Dad.
Pinatahan ko ang mga bata. Tumutulo na rin ang mga luha ko. Nilapitan ni Brian ang ama niya at pinakalma. Pero sa halip, lalo lamang itong nagalit.
"You set me up! I'm so disgusted with you!"
"Dad, why don't you calm down," mahinahong sagot naman ni Brian at hinawakan sa braso ang ama. Hahagurin pa sana niya sa likuran ang matanda pero tinabig nito ang kanyang kamay. Pumasok ito bigla sa silid niya. Akala ko, magkukulong ito sa loob pero kumuha lang pala ng bagahe.
"Dad, c'mon. Why don't you calm down and talk with Mom?"
"Bry, follow him. It's cold outside and he has nowhere to go. I don't think he could get a place to stay for the night at this hour," utos ko kay Brian.
Sinundan naman nito ang ama. Sinilip ko sila sa labas at nakita kong hinahabol ni Brian si Dad dahil tuluyan na itong lumabas ng street namin.
"I'm so sorry," madamdaming sabi ni Mom nang bumalik na ako sa living room.
"Okay lang po. Pasensya na rin po at hindi namin kayo nasabihan. Gusto kasi ni Brian na magkaayos na rin kayo alang-alang sa mga bata," sagot ko naman habang dinuduyan ko ang dalawa sa crib nila.
Lumapit si Mom sa crib at sinilip ang dalawa. "Oh, they're so beautiful!" maluha-luha nitong sabit at sinalat-salat ang mukha ni Elise at Nathan. "Pwede ko ba silang hawakan?"
"Opo," at kinuha ko si Elise at binigay sa kanya. Pinaghehele niya ang prinsesa at mayamaya nga'y tumahan ito. Mukhang nagustuhan siya agad ng baby girl. Kinuha ko naman si Nathan at pinaghele ito.
"Baka gutom na po kayo. Gusto n'yo po, ipaghahain ko na muna kayo?" sabi ko.
"I'm full. Kumain ako sa eroplano."
Nang makalipas ang isang oras na hindi pa rin bumabalik sina Dad at Brian, nabahala na ako. Tinawagan ko si Brian sa cell phone niya.
"We're here at a nearby pub. Don't worry. Tell Mom to take a rest now. She had a long trip. You, too, babe. Why don't you sleep now?"
"I'll wait for you," sabi ko sa kanya. "Take care. Tell Dad, I'm sorry. And I love him."
"Okay. Thanks, baby."
Nang mga bandang alas dos na, narinig kong may dumating. Iniwan ko saglit ang mga bata sa crib nila at sinilip sa bintana ng living room ang bagong dating. Nakita ko si Brian na inaakay ang ama nito pero parang nagpupumiglas pa rin ang matanda. Parang ayaw pumasok sa compound namin. Nakita kong nahirapan na rin si Brian kung kaya lumabas ako para tulungan siya.
"What do you think you're doing? I told you to sleep," salubong agad sa akin ni Brian. Hindi ko siya pinansin.
"I'm sorry, Dad. I should have told you. I'm so sorry. But all we want to do is for you to make peace with your past," mahinahon kong sabi.
"It's none of your goddamn business!" bulyaw naman ni Dad sa akin. Nanlisik na naman ang mga mata.
Naalala ko ang pinag-usapan namin kanina. At lalo akong nahabag sa kanya. Alam kong may pagmamahal pa rin siya kay Mom. Kaya gano'n katindi ang impact sa kanya ng muli nilang pagkikita. Sa awa ko kay Dad, nawala na rin ang takot ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya habang umiiyak.
"I love you, Dad. Brian and I love you," paulit-ulit kong sabi sa kanya. No'ng una tinabig niya ako pero nang lumaon ay naramdaman kong nagpaubaya lang ito. Nang makita akong yumayakap sa ama, binitawan muna ni Brian ang luggage at yumakap din ito sa amin.
Dad broke down.|7
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top