Chapter Fifteen - Kislap
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
******************************
Nalungkot kaming lahat nang malaman namin na aalis na sa Muromachi si James, ang tina-target sana ni Rhea. Babalik na raw ito sa Amerika dahil magpapakasal na sila ng nobyang nurse.
"Hey, how are you holding up?" tanong ko dito nang masolo ko siya sa corner. Nakita ko nga na matamlay siya. Hindi gaya ng dati na tawa ng tawa.
"I'm fine, sweetie," at ngumiti ito ng pilit sa akin.
"Are you sure?" paniniguro ko. Inabutan ko siya ng drinks. Tinanggap naman ang binigay ko. Inisang tungga lang.
"Hey, slowly," biro ko sa kanya at humagikhik ako para pagaanin ang sitwasyon.
Napabuntong-hininga ito. "I guess, we're just not meant to be," sabi niya na may kabuntot na mapaklang tawa. Tapos ay inakbayan ako. "So do me a favor, will you? Move faster and steal that Brian guy from Maiko so that one of us will end up happy, okay?" at ngitian ako nang may kapilyahan.
"You're crazy!"
Mayamaya pa lumapit sa amin si Ricardo. Alam nito ang sekreto ni Rhea. Wala naman itong sinabi basta binigyan lang ng mahigpit na yakap ang huli.
"You'll be fine, Rei," pampalubag-loob nito.
"Of course, I will be," natatawang sagot ni Rhea. Tapos pabiro kaming pinagalitan. Parang tinatrato daw namin siyang bata. Tsaka, hindi naman daw niya boyfriend si James. Kaya okay lang.
Inakbayan ni Ricardo si Rhea at naglakad-lakad sila. Hinayaan ko na lamang muna ang dalawa. Kailangan ni Rhea ng male support.
Nang mag-isa na lang ako sa corner ay lumapit naman si Macky sa akin. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga estudyante namin hanggang sa napag-usapan namin si James at ang pag-alis nito. Medyo nalungkot nga daw siya dahil isa si James sa mga senior teachers na naging kaibigan niya. Kung ang isang tulad ni James na loyal sa programa ay makapag-isip na umalis na lang nang ganun-ganun lang, parang napapaisip din daw siyang maghanap na ng bagong trabaho.
"Hey, don't say that," protesta ko. "Actually, when you come to think of it, this job is a lot better than other teaching jobs in this country. They offer better benefits and working condition."
"Yeah, they do. Only that, this place is boring," at tumawa ito.
"I love this place!" pagsalungat ko naman. Totoo naman. Tahimik, convenient ang buhay,mababait ang mga tao, at maalalahanin pa ang mga kapitbahay. Para lang akong nasa Pilipinas.
"Yeah, because you're a country girl," biro nito sa akin. Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Paglingon ko, nagtama ang paningin namin ni Brian. Awtomatikong napangiti ako sa kanya. Imbes na ngitian ako, umiwas ito ng tingin. Mukhang iritado. Ano na naman ang pinagsisintir nito?
Nang naubos ang laman ng hawak-hawak kong plato, pumunta ako sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain. Kumuha ako ng sushi at sashimi. Sinamahan ko na rin ng karaage (fried chicken) at tempura. Pagtingin ko kay Macky, may kausap na itong Haponesa kaya hindi na ako bumalik doon. Nilapitan ako at kinalabit ni Rhea.
"I saw how Brian looked at you when you were talking with Macky," bulong nito sa akin. Nakangiti.
"I actually smiled at him when our eyes met but he just ignored me," natatawa kong sagot sa mahina ring boses.
"I think he's jealous. He likes you, girl," at pabiro akong kinurot sa tagiliran. Bumalik na ang sigla nito. Tumawa ito ng ala-Whoopi Goldberg.
"I don't think so," sagot ko naman. Pero deep down kinikilig ako. Si Brian, nagseselos kay Macky? Sana nga, Lord. Please!
"Yeah. No kidding, sweetie. I am pretty sure. I was observing him while you and Macky were happily chit-chatting. He looked so furious. I think he was mad at Macky again," at tumawa na naman ito. "It's ironic. His fiancee was flirting with Liam but there he was, looking at you. He was more concerned with you and Macky rather than Maiko and that bastard, Liam."
"Really?" tanong ko na kunwari'y di makapaniwala. Pero para naman akong kinikiliti sa narinig. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakita ko nang nakipaghuntahan si Brian sa mga kaibigan. Nakaakbay ito kay Gary at James.
Mayamaya pa, umakyat sa makeshift stage ang pinuno ng Board of Education. Binigyan ito ng mikropono ng staff ng city hall. Nang magsalita na ito'y tumahimik ang lahat. Pinasalamatan nito ang lahat na dumalo sa farewell party ni James. Pagkatapos ay tinawag nito ang binata para iabot ang sertipiko ng pasasalamat mula sa Board of Education ng siyudad. Nagpalakpakan kaming lahat.
Humarap sa mga tao si James at nagbigay ng kanyang thank you speech. Masigabong palakpakan uli ang natanggap niya.
"I don't think BOE would be that generous if I'm the one leaving," komento ng isang junior high school na IET. Kilala ko siya sa pangalang Carl. At kilala din siya bilang isa sa mga pasaway na miyembro ng English program. Kasi umaalis lang para magbakasyon nang hindi humihingi ng pormal na permiso.
Tumaas ang kilay ni Rhea. Narinig din pala si Carl. Mabigat ang dugo namin pareho sa lalaki dahil buko sa pasaway felingero pa. Pasalamat nga siya at hindi sinisante ng BOE.
Dahil pinagtsitsismisan namin si Carl, hindi ko namalayang pumunta sa harapan si Brian. Nagtaka pa ako nang makita siya dun. Nagbigay ito ng talumpati. Inalala ang masasayang araw nila ni James nang unang dating nila sa Muromachi. Magkasabay pala sila.
Nang bumaba ng makeshift stage si Brian sinalubong agad ito ni Maiko. Humalik naman siya sa pisngi ng nobya at inakbayan ito. Parang may tumusok sa puso ko. Ang sakit.
"That's just a front. Something to put up for everyone to see," bulong sa akin ni Rhea. "But you know what I think? They're on the brink of breaking up."
Napatingin tuloy ako dito. Hindi nga? Pero ang sweet nila. Nakakainggit. Di ko na kaya ang nakikita ko kung kaya nagsabi ako kay Rhea na pupunta lang akong CR sandali. Hinayaan naman ako.
Buti at walang tao ang ladies' room. Sumandal ako sa dingding sa gilid ng sink. Napapikit sandali. Naalala ko na naman nang gabing nasa bahay ako ni Brian, nung ipinagluto niya ako ng dinner - ang di matapos-tapos na kuwentuhan nang gabing yon. Ramdam ko noon na meron kaming something between us. Na kung hahayaang sumibol ay may potensyal na mas lumalim pa. Pero sa nakita ko kani-kanina lang, parang nalito na naman ako. Parang meron na parang wala.
Naisip ko, siguro kaya napapasubo sa isang forbidden relationship ang isang babae ay dahil sa ganung feeling. Yong parang meron. Kaya parang ayaw mag-give up. Dahil parang meron nga e. Napabuntong-hininga ako. Ang hirap na tuloy paniwalaan ang sinabi ni Rhea.
Napamulagat ako nang mabungaran sa labas ng ladies' room ang tanging laman ng aking puso't isipan. Anong ginagawa niya dito? Nakita ko pa itong may tiningnan pa sa likuran ko. Parang may hinihintay na lumabas. Napalingon din tuloy ako.
"You're alone?" tanong nito sa akin.
"Yeah. Why?" tanong ko. Medyo naguguluhan. Naisip ko bigla si Rhea. Baka inisip nito na kasama ko ang babaeng yon. "Rhea's still inside," dugtong ko pa.
Nakita ko na parang nalito ito. Tapos rumehistro sa mukha nito na natindihan kung bakit ganun ang sagot ko.
"I was not looking for her," sagot naman nito.
"Okay," sabi ko naman at nagpatiuna na sa loob. Nahagip ng tingin ko ang paparating na si Macky. Mukhang masayang-masaya ito. Awtomatiko akong napangiti sa kaibigan at hinintay ko siya. Bumati naman ng mapaklang 'hi' si Brian dito at sumabay na rin sa aming bumalik sa loob.
"Looking so happy, huh," biro ko kay Macky. Lalo itong ngumiti.
"I think I have a lot of reasons now to stay in the program," makahulugang sagot nito. Hindi namin alintana na kabuntot lang namin si Brian. Halos hindi namin siya pinapansin.
"Really?" excited kong sagot. May ideya na ako sa malapad na ngiti ng kaibigan. Mukhang nagkaigihan na sila ni Akiko, ang isa sa mga English teachers sa school nila ni James. Nakilala lang din ito ni Macky sa birthday party ng mayor. Yon siguro ang hinatid sa baba kanina kaya galing itong elevator.
Nagkuwento na si Macky. Sinagot na raw siya ni Akiko. Sila na raw! Niyakap ko siya sa sobrang tuwa. Assured na ako na hindi na ito aalis ng Muromachi. At least, not this year.
Bumalik ako kay Rhea samantalang pinuntahan ni Macky si David at Ricardo para sabihan ng magandang balita.
"What happened?" tanong ni Rhea.
"Huh?" nalilito kong sagot.
"You came together with Macky and Brian," paliwanag nito. "Where have you been?"
"In the ladies' room," sabi ko.
"With Macky and Brian?" pilya niyang tanong.
"Of course not! You're crazy," at pinaliwanag ko kung bakit nakasama ko ang dalawa pagbalik.
Tumangu-tango ito. "I think, he was stalking you. He saw that Macky was not in the room so he assumed he was with you. Oh, I got it! He was observing you guys all night!"
Nilagay ko sa bibig ang hintuturo at sinabihan siyang huwag masyadong excited. Napapalakas ang boses niya kasi. Nakakahiya sa mga makakarinig.
"Look at him now," bulong na nito sa akin. Si Brian ang ibig nitong sabihin. "Isn't he a lot happier now? Look carefully."
Oo nga no? Kinilig naman ako ulit. Napangiti tuloy ako. Nun naman lumingon sa direksyon namin si Brian. Napakunot-noo ito nang makita na nakangisi kami ni Rhea. Bigla akong napatalikod. Ano ba yan! Huling-huli na naman ako sa akto. Palihim akong kinurot ni Rhea. Yon pala lumapit na sa amin si Brian.
"Hi Rei," narinig kong bati kay Rhea. Napilitan akong humarap sa kanya. Nag-nod ako sa direksyon niya tanda ng pag-acknowledge sa presensya niya.
"You guys seemed to be having a good time," puna nito na nakatingin sa akin. Di ako makatingin sa kanya ng deretso.
"Oh yeah," sang-ayon naman ni Rhea at bumunghalit ito ng tawa. Bumalik na ang sigla niya. Parang mas kinikilig pa ito kaysa sa akin.
"I noticed that," nakangiting sagot naman ni Brian. Sinulyapan ako ulit. Nang tumingin ako sa kanya, nakatitig pa rin pala siya sa akin. At nakita ko yong tulad nung nakita ko sa mga mata niya nang magkasalo kaming kumain sa bahay niya. Kislap. Parang gusto ko nang maniwala kay Rhea.
"Oh, there you are, honey," narinig ko sa bandang likuran namin. Hindi ko na kailangang lumingon para makilala kung sino ang dumating. Siyempre, sino pa ba kundi ang laging sumisira ng aking pantasya. Si Maiko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top