Chapter Eighteen - Message

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

*********************************

Hindi na ako bumaba nang gabing yon para magdinner. Medyo mahirap kasing maglakad. Pero nag-subside ang swelling ng paa ko dahil sa ice pack na nilagay ni Brian doon. Laking pasasalamat ko sa tulong niya. 

Dahil hindi nga ako bumaba, dinalhan na lang ako ni Rhea nang pagkain. Pagkahatid ay bumaba naman ito para makipaghuntahan sa iba pang IET. Kampante naman siyang iwan ako kasi pagkatapos ng dinner, binisita ako ng mga kaibigan ko. Nauna si Macky. Hindi naman siya nagtagal. Nangumusta lang. Naintindihan ko naman kung bakit. Palagay ko, nagmamadali itong bumalik sa tabi ng girlfriend, ang Haponesang guro na kasama rin namin sa English Camp. Sumunod na bumisita ay sina David at Ricardo. 

"What's the real score between you and Brian?" panunudyo ni Ricardo agad. 

Kumunot ang noo ko. Anong real score?Ni wala ngang score e!

"Yeah. My God, he was so mad at Liam. If looks could kill, Liam would have died already," natatawang sabi naman ni David.

"Nothing. I think he was just concerned," sagot ko naman. Kunwari'y di apektado.

"Concerned? We should have been more concerned than him because we are your friends," sabat naman ni Ricardo.

"Yeah, and why didn't you guys come to my rescue then?" balik tanong ko naman sa kanila. More concern pala, ha.

"Because he was as fast as the speed of light and before anybody could react he was there with you. He was all over you. We wanted to help but he gave us the impression that he was the one in charge with you," pangangatwiran naman ni David na sinang-ayunan ni Ricardo. Itong dalawang to pinagtutulungan ako. Pero deep down ay kinikilig ako. Sana totoo.

"Really?" tanong ko sa tonong walang epekto sa akin ang mga sinabi nila. Pero sa kaloob-looban ko, nagtititili ang maharot kong puso. Sana nga ganun ka-concerned si Brian na lahat ng tao nakakapuna. Dahil ang ibig sabihin nun hindi ako nananaginip lang.

Mayamaya, napatingin kaming tatlo sa pintuan. May kumatok. Siguradong hindi si Rhea dahil hindi yon kakatok. Yon pa. Dahil di naman naka-lock ang pinto, bumukas ito. Sumilip ang kanina pa tampok ng aming usapan.

Nagtinginan nang makahulugan ang dalawa kong kaibigan. Tsaka kinindatan ako. Sinimangutan ko sila. Lalo pa nang sila'y magpaalam na sa akin.

"Hey, I thought you guys are staying for a while," protesta ko. Pero kunwari lang. Siyempre, gusto ko rin namang mapagsolo kami ni Brian.

"Well, you have company now, darling. David and I still have a lot of things to do. Be good, okay?" nakatawang pamamaalam ni Ricardo. 

"See you tomorrow, Alex," si David naman.

Binati nila si Brian tsaka lumabas.

Hinayaan ni Brian na bukas ang pinto. Nilapitan niya ako.

"Sorry to drive your friends away. Just came to check on you," sabi nito. Naramdaman kong medyo naasiwa din ito sa akin. Iniisip siguro na nainis ako dahil umalis ang mga kaibigan ko bigla nang dumating siya. Hindi niya alam na gusto ko ring dalawa na lang kami sa kuwarto.

"It's okay," tanging nasabi ko.

"How do you feel now? Are you still in pain?" tanong nito at naupo sa bandang paanan ko. Itinaas ko ang aking tuhod para mailayo sa kanya ang paa kong may sprain. Gusto ko ring magkaroon siya ng espasyo. Parang nakukuryente kasi ako kapag nasasagi ang ano mang bahagi ng katawan niya.

"The pain has subsided. I feel a lot better now. Thank you," sagot ko naman.

Tumangu-tango ito. "Good," pakli niya. Hindi siya tumitingin sa akin. Nakaharap siya sa may bintana na nasa gilid ng kama ko. Parang may malalim na iniisip. 

Ako nama'y di mapakali. Ang lapit-lapit namin sa isa't isa. Parang mahirap tuloy huminga. Eratiko na kasi ang tibok ng aking puso. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung papano basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I think, Liam likes you," walang anu-ano'y sabi na lang nito.

Napa-huh tuloy ako with an exclamation point. Maano naman kung gusto ako ng manyakis na yon? Di ko naman gusto yon.

Sumulyap siya sa akin dahil sa reaksyon ko.

"D'you like him?" tanong pa nito.

"Liam? No!" kaagad kong sagot. Napangiti siya sa tindi ng pag-'no' ko. At napansin kong kumislap ang kanyang mga mata. Iyong tipong parang nagustuhan ang sagot ko.

"Really? But you seemed happy talking with him," patuloy pa niya. Medyo maaliwalas na ang mukha.

"Just because I looked happy when I talked with him doesn't mean I like him," sagot ko.

Napatangu-tango siya. "Good to hear that."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. Good to hear that. Ano na ang kasunod nito? Magtatapat na siya ng damdamin sa akin? God, please. Let him... Pero hindi na naman ito nakapagsalita. Nagiging impatient na ako.

"Why are you interested in knowing whether I like Liam or not?" tanong ko. Di na ako nakapagpigil. Sumagot ka ng totoo.

"Just asking," sagot nito na ikinainis ko. Kunwari pa to. "I'm just curious because I often see him flirting with you," pangangatwiran pa niya.

Lalo akong naasar. Bakit di na lang ako deretsahin kung gusto rin niya ako o hindi? Pambihira namang lalaki to, oo. Magpaparamdam tapos bigla na lang babawiin. Pero teka, lagi daw niyang nakikitang nagfi-flirt sa akin si Liam? Di ibig sabihin, lagi niya akong tinitingnan? Napangiti ako dun. 

"What's that smile for?"

"If you often see Liam flirting with me, then you must be looking at me often," nakangiti kong sagot. Nagbubunyi. 

"You're crazy," tanging naisagot niya. "I didn't mean it that way. It's just that..." Hindi na naman siya makatingin sa akin. 

Alam kong nasukol ko na siya. Kunwari pa. Bistado na pero ayaw pang umamin. Grabe talaga. 

"I often catch him flirting with you, that's all," pangangatwiran pa uli. Inulit lang ang sinabi. Ayaw pa kasing umamin e. This time, tumingin na siya sa akin. 

"Why are you defensive?" tanong ko ulit. Ayaw ko pa ring sumuko.

"And what are you implying?" balik-tanong niya. Nakatitig na siya sa akin.

"I just wonder..." umpisa ko. Gusto ko sanang sabihin na I just wonder if you like me, too. Pero di ko kayang tapusin. Pano kung supalpalin ako? Di napahiya ang beauty ko? Rejected agad. Kahit na halos lahat ng tao nag-aasume na gusto niya rin ako, at kahit na yon din ang interpretasyon ko sa mga kilos niya, wala pa rin akong guts na prangkahin siya. Kasi pwede niyang i-deny. At ano ang gagawin ko kapag di siya umamin? Siguradong kawawa na naman ako. Kasi inamin kong gusto ko siya. Hay, ang hirap maging babae.

"You wonder what?" tanong nito.

Umiling na lang ako. "Nothing. I forgot what I was about to say," pagsisinungaling ko.

"Really?" paninigurado nito. Pero mukhang di naman naniwala sa akin. Aba, kung ayaw mong umamin, ba't ako aamin sa yo?Dapat patas lang.

"Brian. Hey, buddy are you up there?" narining naming tawag mula sa baba. Boses ni Gary. Kapwa kami napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Tumayo si Brian at nagpaalam sa akin. Tuluy-tuloy na itong lumabas. Sinara niya ang pinto.

"Hey. What are you doing in there?" narining kong tanong ni Gary. May himig-panunudyo. Hindi ko narinig ang sagot niya. Sayang. Hay. Si Gary talaga. Kahit kailan, istorbo.

Bumangon ako at paika-ika akong pumunta sa CR na nasa dulo lang ng silid. Nag-tootbrush ako at naghilamos. Saka binasa ko ang bimpo at pinampunas sa katawan. Bukas na lang ako maliligo. Sana okay na ang paa ko nun.

Nagbibihis na ako ng pantulog nang pumasok si Rhea.

"I saw Brian came out of our room," nakangising bungad nito sa akin. "What did you guys talk about?" excited nitong tanong.

"Nothing," matamlay kong sagot.

Napalis ang ngiti nito sa labi at medyo nag-alala dahil sa nakitang katamlayan ko.

"What do you mean, nothing?" tanong nito. "I was about to come up here when I saw him entered our room. So I decided to come up later so the two of you can have some privacy. And nothing came out of it?" di makapaniwalang sabi pa nito.

Kinuwento ko ang napag-usapan namin at ang muntik ko nang pag-amin.

"Wow! That only means he likes you, too!" bulalas nito. "Even if he will not admit it, his actions, everything points at the same thing: he likes you!"

"Do you think so?" paninigurado ko.

"Yeah. I've never been so sure in my life. Believe me, he does like you," nakikilig nitong sabi. Binulong ang huling pangungusap para mas lalong dramatic ang dating. Natawa ako sa kadramahan ni Rhea.

Mayamaya pa, narinig kong pumasok na ang mga occupants ng kabilang kuwarto. Kumakanta-kanta pa si Gary ng isa sa mga 1980s hits ang Everytime I See You.

Siniko ako bahagya ni Rhea at sinenyasang pakinggan ko si Gary. Hindi nga kami nagsalita. Nakinig lang kami sa boses-palakang si Gary. Sabi ni Rhea, parang nagpaparinig daw ito. Alam niya kasing nasa kabila lang kami. Mayamaya pa niyan, narinig namin ang mahinang tawa ni Brian. Para akong kinikiliti habang pinapakinggan yon.

Nang tumigil sa pagkanta si Gary, saka lang nagsalita si Rhea.

"Oh, you're done now, buddy? Thank you," pang-aasar nito at tumawa pa nang malakas.

Tumawa lang si Gary. Pati na rin si Brian. "Please forgive my partner, Rei. He's just happy," nakatawang sagot ni Brian mula sa kabila.

"Okay, he's forgiven," nakatawang pakli ni Rhea, sumesenyas-senyas pa ng kung anu-ano sa akin. Dingding lang daw ang pagitan namin ni Brian. Para na rin daw kaming magkatabi.  Napangiti lang ako.

Pagkatapos kong magbihis, nagdasal ako at nahiga na rin sa kama.  Matutulog na sana ako nang nag-beep ang cellphone ko. Si Brian.

"I want you to stay away from Liam. Will you do that for me?" anang mensahe niya.

Awtomatikong nagrigodon ang puso ko pagkabasa sa message niya. Sinagot ko agad ito.

"What is it to you, anyway?" sabi ko sa text.

"I just want you to stay away from him. I don't trust him. I don't think he is really into you," balik-text nito sa akin.

"So? Why does it bother you?" tanong ko. Wala na akong pagsidlan sa excitement na nadarama.

"I'm warning you as a friend," sagot niya. Bwisit naman, oo. Ayaw talagang umamin. Kung sa bagay, ang hirap naman kasi ng sitwasyon niya. Engaged kasi e. Kung gusto man ako at umamin, parang di nga maganda for him. Kasi di lang ito basta-basta committed. Ikakasal na. Ibang level na yon. Pero sobra ding frustrating na parang pinapatawing-tawing niya ako. Sana hindi na lang siya nagpapakita ng motibo. Mas okay mag-move on kung di ito nagpaparamdam.

Hindi ko na siya sinagot. Wala ring kapupuntahan ang usapan namin. Lalo lang akong patatakamin tapos bibitawan sa ere. Nakakainis na. Itinabi ko na ang cellphone at matutulog na sana nang nag-beep na naman ito.

"Are you already sleeping?" text na naman nito.

Hindi ko siya sinagot. Manigas ka dyan. Pero nagbeep na naman ang cell phone ko. Napabangon ako sa nabasang mensahe..

"I can't sleep knowing that you're just in the other room," anang text nito.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Pinagpawisan ako na di maintindihan. Parang pag-amin na rin niya ito sa damdamin.

"What are you trying to say?" ganting text ko sa kanya. Nagdasal ako pagkasend ko. Sana, Lord, sagutin na niya ang tanong ko. Iyong honest and true answer niya talaga.

"I'm thinking about you. I know I shouldn't say this knowing that you know I'm getting married in two months. But I can't help it. You're always on my mind."

Gusto kong tumalon at magsisisigaw nang mabasa ko ang mensahe niya. Pero siyempre kailangan kong magpigil. Binaon ko sa unan ang mukha. Kaya takang-taka si Rhea nang pagkalabas nito ng banyo ay makita niya akong parang kilig na kilig na di maintindihan. Sinenyasan kong huwag maingay. Pinakita ko ang last message ni Brian sa kanya. Napatili ito. Buti na lang maagap kong natakpan ng kamay ang kanyang bunganga.

You see. I'm right," nakangiti nitong sabi sa mahinang boses.

"What should I text him?" tanong ko.

"Tell him, the feeling is mutual," bulong nito at humagikhik siya gaya ng nakagawian.

"You're crazy," kinikilig kong sagot. Pero siyempre hindi iyon ang sinagot ko.

*******************

Author's Note:  Ano sa tingin n'yo? Gusto rin kaya ni Brian ang ating bida na si Alex?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top