Chapter Eight - Ikaw
A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro. Just check my store named: Gretisbored.
For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.
*****************
Inanunsyo ni Mark Dale na dapat daw kaming maghanda ng isang entertainment number sa programa para sa mayor ng Muromachi. Kaarawan daw nito sa susunod na linggo at lahat halos na guro sa siyudad ay may partisipasyon. Nagdesisyon ang buong IET members na ibigay sa aming mga baguhan ang responsibilidad na yon kagaya nang nakagawian. Hindi naman kami nakatanggi siyempre. Ganun talaga kapag bago.
"Why don't we just ask Alex to represent us, newcomers?" mungkahi ni Andrew, ang kasabayan ko sa interview. Nakangisi ito. Well-known daw kasi ang mga Filipinos na magaling kumanta o sumayaw kaya dapat ako na lang daw ang lumahok.
"No way," tanggi ko. "We must do it together."
Nagprotesta ang lahat. Ang sabi ni Macky at David, wala daw silang katalent-talent pagdating sa sayawan. Parehong kaliwa ang paa. Wala rin daw sila sa tono kumanta. Ganun din halos ang rason ng iba pa. Pinagkaisahan ako. Ano mang protesta ko, wala rin akong nagawa. Pinagtulakan ako ng mga bwisit kong kasama. Sinuportahan naman iyon ni Mark.
"Why don't you show us a traditional Philippine dance? I think everybody will be interested to see that," suhestyon pa nito.
Nang umuwi ako kinahapunan, pumunta agad ako kina Ate Beth. Tinanong ko kung okay lang na kunin ko ang dalawa niyang anak para sa presentation ko. Sasayaw na lang ako ng tinikling at magpapatulong na lang ako sa dalawang bata. Hindi naman siya tumanggi. Tuwang-tuwa pa nga. Buti naman at napapayag din namin ang dalawang bagets.
Noong araw ng kaarawan ng mayor, hindi ako mapakali. Dinaos ang program sa cultural center ng siyudad at halos napuno iyon ng mga tao. At nandoon lahat ang mga foreign teachers na kinabibilangan ko. Medyo na-conscious ako nang makita ko sa unang hanay si Brian. Matikas at guwapo ito sa suot niyang Amerikana. Parang mas mukhang Hollywood actor ito kaysa sa English teacher. Iba ang dating niya sa lahat.
Nang kami na ng mga bata ang sasayaw, masigabong palakpakan ang narinig ko sa mga kasamahan pati na rin sa mga gurong Hapon. Napabuntong-hininga ako nang tatlong beses. Inisip ko na lang na nagsasayaw ako sa harap ng aking ama at ng mga bisita niya. Palagi ko naman yong ginagawa noong bata pa ako. Taga-aliw ng mga bisita ni Papa. Lokal man o foreigner.
Para hindi masyadong kabahan, iniwasan kong tingnan si Brian. It has helped me calm myself.
Masigabong palakpakan uli ang narinig ko pagkatapos. May sumisipol pa. Nakita ko ang mga kaibigan na nag-thumbs up sign sa akin. Natuwa ako sa reaksyon ng crowd. Nang pumunta na ako sa back stage, narinig ko ang emcee na pinapabalik ako sa entablado. May request daw sa akin ang mayor. Kinabahan tuloy ako. Baka pagsayawin ako ulit. Naku, huwag na. Baka magkamali na ako kapag inulit namin ng mga bata.
"The mayor is asking if you know how to sing "Ikaw"," tanong ng emcee sa akin. Naka-mikropono ito kaya narinig ng lahat ang sinabi niya. Ang mayor ay nasa unang hanay ng mga manonood. Nasa pinakagitna ito kasama ang kanyang kabiyak.
Ikaw? Papanong alam ng mayor ang Ikaw? Siguro dahil nakakunot-noo ako na parang nagtataka, nagpaliwanag ang emcee.
"The mayor's wife is half-Filipina. Ikaw is their theme song," nakangiting paliwanag nito.
"Ah, okay."
Kabisadong-kabisado ko ang kanta dahil yon sana ang balak kong kantahin habang nagmamartsa papunta kay Anton sa araw ng aming kasal.
Binigyan ako ng mikropono. Pumailanlang ang pamilyar na tunog ng piano. Nilingon ko ang tumutugtog. Isang binatilyong Hapon. Pinakilala siya ng emcee bilang anak ng butihing alkalde.
Sinimulan ko ang pagkanta. Noong una, nakatingin lang ako sa mayor at sa asawa nito na magkahawak-kamay. Pero habang kinakanta ko na at isinasapuso, napasulyap ako kay Brian na matamang nakamasid sa akin. Nakaramdam ako nang bahagyang kalungkutan. This guy will NEVER be mine.
Walang kakurap-kurap si Brian habang nakatingin sa akin. Lalo tuloy akong ginanahan sa pagkanta.
Nakita kong nagpahid ng luha ang kabiyak ng mayor. Hinagkan ito ng huli sa sentido. Ang sweet naman nila. Naiinggit ako.
Masigabong palakpakan uli ang narinig ko pagkatapos. Umakyat ang mag-asawa sa entablado para magpasalamat sa akin sa pagpapaunlak sa kanilang on-the-spot na request. Hinalikan ako sa pisngi ng babae at kinamayan naman ng lalaki.
"Hey, sweetie. I didn't know you sound like a professional singer. Though I didn't understand a single word in the song, it was really so beautiful. I felt like crying," salubong sa akin ni Liam nang bumaba na ako at mag-join sa kanila sa audience. Niyakap pa ako nito. Ang arte ng kumag na to. Makayakap lang sa akin.
"Yeah, you're a pro there, Alex," sang-ayon naman ni Andrew. Niyakap din ako. Ganun halos lahat ang ginawa ng mga kasamahan ko. Lalo na ang tatlo kong kaibigang sina Macky, David, at Ricardo.
"On my next birthday, I would ask you to dance and sing for me," biro ni Rhea sa akin.
"Sure," sabi ko naman. Nakangiti. Tuwang-tuwa din ako at na-appreciate nila ang aking talent.
"Hey, Brian. Maybe, you could ask Alex here to be your wedding singer."
Nahampas ko nang bahagya sa braso si Rhea. "Hey!"
"Why not, honey?" nakangiti nitong tanong. "You're really good. You could sing in any couple's wedding. You'll be a hit."
Yeah, but not in his wedding.
"If she wants," malamig na sagot ni Brian.
Tinalikuran ko na lang siya. Ni hindi man lang nakipagplastikan at makibati rin sa akin. Ano pa ba ang mai-expect ko sa lalaking yon? Siyempre, wala.
Nagkaroon ng munting salu-salo pagkatapos ng programa. Dun pa rin sa cultural center. Maraming lumapit sa aking mga Hapon. Nakipagkuwentuhan. Tanung-tanong sila tungkol sa Pilipinas. Masaya naman akong nagbida tungkol sa bayan ko.
Pero all throughout ng okasyong yon, hindi ako nilubayan ni Liam. Nakabuntot ito sa akin palagi. Kaya napagkamalan siyang boyfriend ko.
"Yeah, we look good together ne (right)," sakay nito sasapantaha ng isang Hapon na lumapit sa amin. Sinulyapan pa ako at nginitian nang ubod-tamis. Sapakin ko kaya ang kumag na to?
"Oh no. He's not my boyfriend," tanggi ko naman.
"Not yet," pagtama nito. Aba, may balak. Sorry ka na lang at bistado ka nang bolero.
Mayamaya pa may lumapit na babae kay Liam. Sinulyapan akong babae bago tumingin uli sa lalaki. Naintindihan ko naman siya. Kaya ako ang kusang lumayo. Siguro isa sa mga babae ng mokong.
Kumuha ako ng inumin at lumayo ng konti sa mga bisita. Nakakapagod ding makipagsosyalan. Gusto ko nang umuwi sa apartment ko.
"Are you okay with your boyfriend flirting with another girl?" narinig kong tanong buhat sa aking likuran. Hindi ko inaasahang lalapitan niya ako dahil kanina pa siya tahimik at parang dinidedma lang ako.
Tinapunan ko ng tingin ang sinasabi niyang boyfriend ko, si Liam. Mukha ngang may pinag-uusapan silang seryoso ng babaeng lumapit kanina sa amin.
"Liam is not my boyfriend," pagtatama ko sa assumption niya.
"Oh? He's not?" parang di ito makapaniwala. "But I saw him hugged and kissed you like a boyfriend after you performed."
"That's what they did. I mean what everybody did," pagtatama ko na naman sa mali niyang akala. Kung tutuusin hindi lang naman si Liam ang yumakap at humalik sa akin. Halos lahat ng IET pwera sa kanya.
"Yeah, except me," mahina nitong sagot. "Well, if you want me to...I would be more than willing to oblige," medyo sarkastiko nitong sagot.
Napataas ang kilay ko. Oblige? I-oblige mong mukha mo! Pero sa halip ay nginitian ko na lamang siya at nag-sip sa wineglass ko. Hindi ko na siya sinagot. Akala ko aalis na siya pero tumabi lang sa akin.
"I didn't know you could sing well," sabi pa nito.
"Well, now you know..," pamimilosopa ko.
"I like that song. Ate Beth loves to sing that in Karaoke. She also explained the meaning to me. I heard many couples in the Philippines love to have that sang in their wedding."
Tumango ako. Hindi nagsalita. Naalala ko na a week before my wedding, gabi-gabi naming pinapraktis ni Benz, ang kaibigan kong bakla, ang Ikaw.
"I would want to have it sang on my wedding, too," sabi nito nang di ako umimik. Napamulagat ako. Napatingin sa kanya. Ano? No way! Hinding-hindi ako kakanta sa kasal mo. Hindi nga ako dadalo e. Kakanta pa kaya?
"Why don't you ask Ate Beth?" Gosh, hindi ko ma-imagine ang lalaking ito na ikinakasal sa iba. Hindi ko kaya. How much more ang kantahan pa sila ng magiging misis nito?
"Why not you?" hamon nito sa akin.
"I only sing to friends. Excuse me," at tinalikuran ko na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top