Chapter 5- Breath of Fresh Air

CARLA'S POV

"Who can give me a brief summary of the story as well as an interpretation?" tanong ni Mrs. Reyes, ang teacher namin sa World Literature subject. Kakatapos lang naming magbasa ng isang story na may title na "A Pair of Silk Stockings" by Katie Chopin at parang sumabog lahat ng brain cells ko nang matapos ko na ito. Actually, hindi ko talaga ito binasa. Mahirap na at malunod pa ako. Malalim eh.

Nagmistulang nagkaroon ng kuto ang ilang estudyante sa kakakamot ng mga ulo nila samantalang ang iba ay biglang naging interesado sa texture nga mga desks nila at hindi magawang tumingin sa teacher sa harap.

Ganun kasi talaga ang technique kung paano maiwasan na mapansin ni teacher. Dapat magkunyari kang alam mo ang sagot para hindi ka niya pag-iispang gisahin na parang corned beef sa klase. Madalas kasi nilang puntiryahin ang mga mukhang hindi nakikinig at hindi alam ang sagot.

Napalingon muna ako sa mga kaklase ko na halos lahat ay nakayuko at parang takot na takot magsalita. Hindi ko naman sila masisisi kasi ang hirap talagang intindihin ang kuwento lalo na at medyo malalim ang English nito. Iyan ang hindi ko maintindihan sa mga stories dito sa World Lit book namin. Ang boboring na nga, kasing lalim pa ng core ng Earth ang English.

Nakikita ko rin ang ilang mga nakataas na kamay at mukhang atat sumagot. Siyempre, kasama na riyan ang Ms. Know-It-All at super grade conscious na si Ava, ang muse sa klaseng ito.

"Anyone?" Naniningkit na inilibot ni Mrs. Reyes ang mga mata habang naghahanap ng mabibiktima sa pagsagot. Hindi niya pinapansin ang mga nakataas ang kamay na lalong nakapagdagdag sa mainit na tensiyon sa buong classroom. Napalunok ako nang papunta na sa direksyon ko ang tingin niya.

Bahala na. Mahirap na at baka ako pa ang makita niya dahil sa bandang harapan ako nakaupo.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga classmates ko nang itaas ko ang aking kamay with confidence smile.

Tumigil ang mga mata nito sa akin at agad-agad na napatanong.

"Ms. Concepcion, let me hear your answer. Tell me your brief summary of the story."

Wala na, finish na.

Wala na akong choice kundi tumayo at sumagot ng kung ano ang naintindihan ko sa kwento.

"Ahm, ano po, tungkol po ito sa ano, stockings ni girl, iyong bida. Bumili po siya ng stockings at saka isinuot iyon. Ano, ahm, silky po ito at kulay brown. Pagkatapos po ay she live happy ever after."

Namayani ang ilang segundong awkward na katahimikan.

Kahit papano naman siguro ay may tama sa sinabi ko. Napahalukipkip ang guro na tila hindi nasiyahan sa sagot ko.

"Ms. Concepcion, this subject is World Literature and I am expecting you to answer it in English."

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng mga nasa likuran ko.

"Ahm, okay, English." Napatingin pa ako kay Reese na nakaupo sa opposite side ko at binigyan nito ako ng thumbs up sign para pang good luck.

"For summary of the story, Ma'am, one girl go out and buy stockings. Silky and brown stockings. Then she, uhm, wear it in her legs and she's happy ever after." Muntangang pagsagot ko dahilan para sumabog sa kakatawanan ang buong klase.

"Grabe ang lakas talaga ng loob niya, noh?"

"Hithit pa more,"

"Kaya mo iyan, Carla. Fighting!"

Ilan lang iyan sa mga komento ng mga duwag sa paligid. At least naglakas loob akong sagutan ang tanong hindi katulad nila na mga bahag ang buntot.

"What an idiot," isa pang komento ng pamilyar na tinig sa bandang likod.

"Maybe she's just nervous, Dude." nasundan ito ng boses ni Zeus Alvarez na kilalang-kilala ko. My God, pinagtanggol niya ako!

"Are you sure you have read the story, Ms. Concepcion?" Taas-kilay na tanong ng teacher.

"Uhm, actually po ay wala akong naintindihan pero basta po about siya sa isang stocking. Isinuot po ito ni girl at kumasya naman po iyon sa kanya sa awa ng Diyos."

Napailing-iling nalang ang guro sa sagot ko. Alam kong walang kwenta ito pero masaya na ako doon.

"If you are really so sure about it, then can you tell me the central theme and the moral lesson of the story?"

Aba, at balak pa siguro akong ipahiya ng matandang dalaga na ito. Sarap tusukin ang malaking nunal nito sa ilalim ng baba na may buhok pa.

Bakit kasi kulang ang baon kong English ngayon? Baka bigla akong magka anemia sa pag nose blood. Gustuhin ko mang magbigti gamit ang sintas ng school ID ko ngayon pero hindi pa pwede. Gusto ko pang maranasan na mag boyfriend bago mamatay.

Ano ba kasi ang ibig sabihin ng theme? Siguro ay ang analyzation.

"Ah, eh...The theme of the story po is about stocking and the moral lesson is to have money to buy stocking."

"Thank you Ms. Concepcion. I suggest na bumili ka nalang talaga ng stockings mamaya at matulog."

Muling nagtawanan ang buong klase, at imbes na malungkot ako sa kahihiyan ay nakisabay na rin ako sa tawa nila. Oo na, ako na ang baliw.

Kung alam lang nila...

Kung alam lang nila ang totoo na hindi naman talaga ako ganito ka bobo, panigurado akong babawiin nila ang lahat ng pagkutya nila sa akin.

Pero hindi. Hindi ko ito babaguhin ito dahil nag-eenjoy pa ako. Napahiya nga ako pero at least ay nakuha ko ang atensiyon nila. Wala lang. Bad publicity is still publicity ika nga sa show business.

Oo, uhaw ako sa atensiyon, that's why I resorted to have this unique image sa school, an image that would certainly set me apart from others. Useless din naman kasi ang katalinuhan ko eh. Mula elementary hanggang highschool ay ang tataas ng grades ko. Valedictorian pa ako nung highschool, pero everytime na pinapakita ko sa mama ko ang grades ko ay parang wala lang ito sa kanya. She never told me that she's proud of me. Gano'n din si papa. Medyo nakakadown lang.

Noong highschool graduation ko, umattend nga sila pero hindi ko lubos maintindihan kung papano naman napunta kay kuya Charles ang spotlight at nakuha pa rin niyang maging bida sa mismong araw ko.

"Iyang kuya Charles mo, Valedictorian din hindi lang noong highschool siya, pati na rin noong elementary at naku, naubos niya rin ang lahat ng ribbons!"

Graduation ko iyon pero puro Charles, Charles, Charles nalang si mama. Hangang-hanga din sa kanya ang mga kapatid ko like, hello? He graduated like, six years ago pa at araw ko ito? Ba't hanggang dito ay invisible pa rin ako?

Parang naging useless lang ang mga effort ko na mag-aral ng mabuti para makakuha ng mataas na grades kasi mukhang wala naman silang pakialam dito.

Minsan, naisip ko na sana ay hindi nalang ako ipinanganak. Wala kasi ako sa plano nina mama at papa. Nagpa-tubal ligation kasi siya dati para hindi na siya magkaka-anak pa dahil apat na dati sina ate pero nakalusot pa rin ako. I was a miracle baby pero imbes na maging iespesyal ay kabaliktaran ang nangyari.

Kaya dito nalang ako sa school bumabawi. Aside sa pagka uhaw ko sa atensiyon, natutuwa din ako kapag nakakatulong ako sa pagpapaganda ng araw ng mga kaklase ko kahit na magmukha pa akong tanga.

The thing is, I actually like making people smile and laugh. Malay natin, ang pangit pala ng gising nila kaninang umaga, or may malaking problema pala silang hinaharap. I believe that a single smile can make a difference in a person's day kasi.

Minsan, hindi ko maiwasang mag-isip kung may tao bang gagawa din sa akin ng ganyan. Iyong mag-eeffort na pangitiin din ako kahit na magmukha pa siyang tanga sa harap ng maraming tao. Sana all.

Cute naman ako, kwela, at may dimples sa kaliwang pisngi kaya total package talaga ako.

"Mr. Salazar, can you let us hear your own summary?"

Napatigil sa pagtawa si Marcus sa likod nang tawagin ng teacher ang pangalan niya. Sumungaw tuloy ang matagumpay na ngiti sa mga labi ko. Tingnan natin kung masasagutan niya ito.

Hindi pa ito tumayo kaagad at napakamot nalang ng ulo, pero nang mag umpisa na itong magrecite ay napanganga na lamang ako.

"Well, the story is about Mrs. Sommers who is surprised to find that she has fifteen dollars to spare. She then starts thinking about how to spend it. Her thoughts go immediately to her children--they should have new clothes that will last them awhile. While her plans are sensible and selfless, her subconscious has other ideas. Her feet take her to a department store, where she delights over the feel of some silk stockings. She purchases the stockings and continues through the store, realizing that her new stockings wouldn't look right with her old shoes; she must buy some new ones. After buying shoes, she buys a pair of new gloves. After this spontaneous shopping spree, she decides she needs to eat lunch. Thinking she'd only get a small bite, she ends up with a several-course meal, including dessert, wine, and coffee. After eating a delicious meal, Mrs. Sommers is feeling satisfied and content. She even watched a movie right after. When the movie is over, she gets on the train to go home, wishing it would never stop, not wanting to return home and back to the reality of her life."

Bumaha ng mga nahulog na mga panga ang buong classroom pagkatapos isalaysay ni Marcus ang summary.

"Well that's what you call a very good and detailed summary. Great job for analyzing the story, Mr. Salazar." Mukhang hangang-hanga din si Mrs. Reyes dito. "Can you tell us the theme?"

Agad din itong sumagot na may pakumpas-kumpas pa ng mga kamay.

"It's all about women's desire for self-fulfillment such as the desire for luxury, and the challenges of middle-class women. The author's intention was to capture the psychology of women contemporary with her, to make their voice heard through the story of Mrs. Sommers and promote the idea that women should be liberated from traditional roles."

"Very impressive, Mr. Salazar. You may now take your seat."

Ngiting aso si Marcus nang makaupo na ito sabay high-five sa katabi nitong si Zeus. Nahuli ko pa siyang tumingin sa direksyon ko na may ngisi sa mga labi.

Oh eh di siya na. Siya na ang magaling. If I know, nag advance study siya. Kung si papa Zeus pa siguro ang nag recite ay kanina pa ako umihi dito sa upuan ko sa kilig.

Pasalamat siya at tinamad akong magbasa kanina. Alam ko rin naman iyon eh. Hindi lang talaga ako nagbasa. Parang gusto ko tuloy maghigante next time.

*****

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa bulok na kukote ni Reese at isinama pa ako sa picnic date nila ng isang-ihip niyang boyfriend na si Arthur. Isang-ihip ang tawag ko dito dahil mukha itong straw; payatot at masyadong makinis. Nagtanong lang naman ako kanina pagkatapos ng last subject namin sa umaga kung ano ang plano nila sa monthsary nila ngayon pero bigla nalang nila akong hinila papunta sa maliit na field sa may bandang likod ng school.

May lihim na poot siguro ang bestfriend ko sa akin at balak ipamukha sa akin ang pagiging single, NBSB, at forever third wheel ko.

Napalabas ang mga pangil ko nang magsubuan pa ng spicy curly fries ng KFC ang mga walang hiya. Gusto ko sanang magwala at balatan sila ng buhay dahil unang-una ay parang pinapa-inggit ako ni Reese, at pangalawa ay ang sarap ng mga pagkain nila.

Pero good girl pa naman ako kahit papano at nagawa kong tiisin ang nakakasakit na eksena. Infairness naman kasi kay Arthur, binilhan niya rin ako ng isang bucket ng KFC chicken kasama na doon ang mga add-ons.

Oh di ba? Share sila sa isang bucket samantalang ako ay solo. Isa ito sa mga advantages ng pagiging single kaya mga besh, huwag munang mag jowa ha? Jowa is life but manok is lifer.

Tiniis ko nalang ang subuan at kakornihan nila habang kami ay kumakain. Pagkatapos kong maubos ang coke ay napaisip-isip ako bigla.

Minsan sa buhay, may mga bagay talaga na kailangan nating pigilan, lalo na't kung wala itong maidudulot na maganda 'pag pinakawalan. We needs a lots of self-controls, and also remote-controls.

Pero minsan, we should also learn how to lets go. That's why at this moment, I will finally lets go.

"Ah, guys, wait lang ha. May titingnan lang ako doon." paalam ko sa dalawang kasalukuyang naghuhulihan ng kiliti.

"Sure, balik ka kaagad ha." natatawang sagot ni Reese.

Tumayo na ako at tumungo papunta sa likod ng hollow blocks na pader sa 'di kalayuan. Nang marating ko na iyon ay ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim.

Pagkalipas ng ilang segundo ay may narinig akong suminghap.

"What the fuck? Ikaw ba ang umutot? Pota ang baho!"

Namutla ako nang makilala ko ang nandidiring boses na iyon.

Siya na naman?!

Hindi na ako lumingon pa. Itinabing ko ang buhok ko sa aking mukha sabay takbo papalayo sa kanya. Patayin niyo muna ako bago ako aamin sa kanya na ako iyon.

Sobrang baho kasi ng utot ko. Pero lahat naman mabaho, hindi ba? Sure akong pati ang utot ni Justin Beiber at Harry Styles ay mabaho din. Baka nga mga amoy imburnal pa ang mga iyon.

Kahit nakatalikod ako ay sigurado akong si Marcus Salazar iyon.

Teka, kanina ko pa ito palaging nakakasabay ah? Sa jeep, sa pag recite, at ngayon naman ay dito sa isang liblib na lugar sa likod ng school. And worse, naamoy pa niya ang utot ko.

Ano'ng mayroon?

••••••To Be Continued••••••

A/N:

Thanks for reading!
Hanggang 5 chapters nalang muna ito, parang teaser lang kasi ito. Tatapusin ko nalang muna ang kwento saka ipublish lahat-lahat para hindi kayo mabitin at mainip sa bawat pag update ko.

May tanong lang ako. Kamusta naman ang story so far?

VOMMENTS (Votes+Comments) are greatly appreciated! ♥️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top