Chapter 4- The Troubled Jerk
MARCUS' POV
Dumaan muna ako sa Jollibee para bumili ng tatlong C2 meal na thigh part at french fries na large para sa aming tatlo nina Mitch. May natitira pa naman sa allowance ko this month, at hindi bale na, sahuran na rin naman sa katapusan. Baka nga last salary ko na iyon dahil sure akong hindi magdadalawang isip si boss na i-dismiss ako sa trabaho. I'm not his only boy-toy anyway. Kinda sucks pero okay na rin iyon para wala na akong dadalhing mabigat na sikreto at kahihiyan hindi lang sa sarili ko kundi pati na rin sa pamilya at mga kaibigan ko.
Kailangan kong makahanap ng bagong trabaho at makapag isip ng dahilan kung bakit wala na akong sasakyan this time. Ayoko kasing malaman nina Jace ang nangyari. Ayokong magbago ang pananaw nila sa akin. Hindi bale na't matagalan, uutang nalang muna ako kay Zeus ng pera kapag kulangin ako. Hindi rin kasi pwedeng mag stop ako sa gym because I have to maintain the current bulk of my body for future fashion shows.
"Oh, kuya. Ba't mukha kang namatayan ng aso diyan? Hinalay ka ba sa photoshoot niyo?" pabirong pambungad ni Mitch sa akin which had my jaw clenched.
"Huwag kang magbiro ng ganyan, Mitch. Hindi ka nakakatuwa." malamig na tugon ko sabay abot sa kanya ng mga take out ko from Jollibee.
"Alam mo kuya, lalo kang gumagwapo kapag mag roll eyes ka." pahagikhik na sabi nito habang excited na kinuha sa akin ang pagkain.
"Jollibee!" rinig kong sigaw ni Milo mula sa kwarto nito. Daig pa nito ang pang amoy ng asong gutom na kahit na nasa kabilang bahay ito ay malalaman niya kung ano ang dala kong pagkain.
"Ihanda mo na ang table Mitch at kakain na tayo. Gutom na rin kasi ako." mahinang sabi ko. Nagsimula na itong magdakdak ng mga nangyari sa school nila kanina habang inaayos ang mesa para sa dinner at ako naman ay parang nahihilo sa boses nito. Ang daldal kasing babaeng ito. Second year highschool palang ito at doon siya nag aaral sa isang maliit na public school na pwede lang lakarin mula dito. Si Milo naman ay anim na taon palang at hindi ko pa napapa enrol sa elementary.
Patuloy ang pagdaldal ni Mitch tungkol sa mga teachers niya, assignments niya at pati ang mga ligaw na pusa sa school. Lahat lahat nalang.
"May mas madaldal pa ba sa'yo, Mitch?"
"Ikaw talaga kuya. Ang seryoso mo masyado."
"Ang ingay mo kasi."
"Mukha ka kasing brokenhearted eh. Sino ba kasi ang walang hiyang babaeng iyan na dumurog sa puso ng pogi kong kuya nang masabunutan ko siya sa buhok niya...sa baba."
She's talking bullshit na naman, at mas lalo akong nainis dahil nagsasalita ito habang ngumunguya.
"Don't talk while you're mouth is freaking full, Mitch. Kung ako ang lalaki, hindi kita liligawan. Ang annoying kasi ng bunganga mo." I cast a stern look her way.
"Ang harsh mo naman kuya. Sana ay mainlove ka sa isang babaeng madaldal." She rolls her eyes at me as she bites on her fries.
Napatawa ako ng bahagya sa sinabi nito. "Parang sinabi mo na rin na makakalipad ang mga isda at kakasya ang mga elepante sa bag ko."
Imposible iyon dahil ang gusto ko sa babae ay iyong prim and proper, mabango, matangkad, maputi, tisay, matalino, at may sense kausap. Ayoko ng annoying.
"Whatever. Ang weird mo."
"Mas weird ka."
Normal na bangayan lang iyan sa pagitan namin ni Mitch. Kahit ganun kaming dalawa ay mahal na mahal ko ang babaeng ito. Silang dalawa ni Milo actually. Sila nalang kasi ang pamilya ko eh at para na rin kasi nila akong tatay. Isang tatay na strikto at seryoso who only wants the best for them.
Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaction nila sa oras na malaman nila ang mga kabulastugan ko sa school at sa work. But of course, I am going to make sure na hinding-hindi lalabas ang sikreto ko.
Napatingin ako sa cellphone ko. I am inwardly expecting a call or message from Lucas. I was just in a complete state of shock and disgust at kanina ko nalang narealize habang nakasakay ako sa taxi na sana ay kinausap ko nalang siya ng kalmado dahil baka maisipan pa nitong gumanti sa akin.
Should I talk to him and apologize? Fuck. What have I gotten myself into?
Mabilis na tinapos ko ang dinner para matulog na kasi kailangan kong matulog ng maaga bukas para mag commute. Gustuhin ko man sanang mag Grab taxi pero it would cost me at around 300 pesos siguro. Sayang pa naman iyon. Bumili kasi ako last time ng latest iPhone model para pareho kami ng phone nina Jace. Hindi ko naman kasi na expect na mangyayari sa amin ito ni boss. Akala ko kasi ay hindi na niya ako kukulitin dahil marami na naman siyang mga lalaki hindi lang mga model kundi pati mga artista din kaya nagulat ako nang tinawagan niya ako. Akala ko kasi ay sapat na ang dalawang beses na nangyari sa amin.
"Siyanga pala, kuya, patulong pala sa assignment ko sa Math, iyong Algebra. Nakakainis kasi ang teacher namin. Ang dali-dali lang ng mga examples niya pero ang mga exercises ay kasing hirap ng pagdakip ng mga langaw gamit ang kamay lamang."
"Pagod ako, Mitch. Kailangan ko pang mag-aral dahil may quiz kami bukas. I-Google mo nalang iyan." Unang-una sa lahat, I hate Math. Pangalawa ay wala ako sa mood mag tutor sa kanya this time.
"Wala akong load eh, at saka wala na ring load ang pocket wifi natin."
Napabuntung-hininga na lamang ako. Kinapa ko ang aking bulsa saka kumuha ng natitirang papel mula rito. Meron pa akong isang daan. Kailangan ko rin ng wifi kasi nga sino ba naman ang kayang mabuhay ngayon na walang internet?
"Oh eto, magpaload ka nalang. Bumalik ka kaagad ha, huwag nang tumambay sa labas." sabi ko sa kanya. Marami kasing adik diyan sa kabilang kanto kung saan malapit ang paloloadan na tindahan.
"At ikaw naman Milo, matulog ka na after your dinner. Huwang nang magpuyat sa games."
"Isang game lang po kuya. Malapit na po akong mag Mythic." sagot nito na busy pa sa paglalamon ng manok.
Napailing-iling na lamang ako. Pitong taon pa lamang ito pero ang galing nang maglaro ng mga online games. Kunsabagay, nagmana sa akin eh.
*****
Kinabukasan ay alas sais na ako nagising. Hindi ko alam kung bakit hindi ko narinig ang alarm ko for 5am. I am damn sure na na set ko iyon sa ganung oras. Siguro ay masyado lang akong napagod kahapon, as a lot of things had happened. Surely, the sight of St. John's disgusting dick last night has messed my equilibrium up. Mabagal pa naman akong maligo at hindi ko pa naplantsa ang susuotin kong damit.
Nang matapos ko na ang lahat ay saka palang gumising si Mitch. Her class starts at 8am at naglalakad lang ito. Nagluto nalang ako ng noodles at boiled egg para sa almusal nila ni Milo.
"Ang aga mo naman yata, kuya." she groggily utters while rubbing her eyes. Napangiwi ako nang makita ko ang mga muta nito sa magkabilang mata.
"I have to commute. Binawi na kasi ni boss ang sasakyan." Wala sa sariling pagpapaalam ko sa kanya. Malalaman at malalaman naman kasi nila ito.
"What? At bakit naman?" Namilog ang kanina lang ay antok na antok na mata nito.
Ang pagkakaalam nito ay sobrang yaman ng boss ko, which is true naman, at sa dami ng sasakyan nito ay pinapahiram nito ang iba sa mga popular and successful talents niya. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit kakasimula ko pa lang ay sikat na ako with ten thousand followers sa Facebook. I have quite the looks and angles worthy of those magazine covers. Iyon ang sabi ng mga fans ko ha.
"I fucked up sa work. Okay lang iyon, maghahanap nalang ako ng bagong agency."
Nais pa sana nitong magtanong ng ilang detalye pero iniwasan ko na ito.
Lumabas na ako sa aming barangay at nang nasa highway na ako ay naghintay ako ng jeep. May isang oras pa bago magstart ang unang klase ko pero aabutin ata ng kalahating oras ang byahe at kung traffic pa ay baka next year pa ako makakarating sa school kaya mabuti na at maaga akong umalis.
Napahikab pa ako. Maaga naman akong natulog kagabi pero parang ang bigat pa rin ng mga talukap ko.
I fish out my earphones from my pocket and start listening music from my phone. Ito ang pampakalma ko kasi. Music. I live for the music. It always relaxes my jagged nerves, at iyong mga lyrics ay nakaka inspire.
Mahirap man iexplain pero mahilig ako sa love songs kahit na hindi ako niniwala sa pag-ibig. Sabi nila baduy daw ang taste ko sa music. Baduy ba ang mga love songs? I mean, marami ang gustong makinig sa love songs because they are relatable. Pero in my part, kahit na hindi ako makakarelate, it always gives me this feel-good feelings. Sa rhythm siguro, or depende rin sa singer. Basta, hindi ko ma explain.
Tawag sa akin ng iba ay boy earphones dahil minsan lang daw nila akong makita na walang earphones na nakasaksak sa ears ko. Hindi lang naman kasi solely music ang purpose ko dito. Minsan, kapag wala ako sa mood makipag-usap sa iba ay nagkukunyari akong walang naririnig at busy sa pag eemote sa pinapakinggan kong music.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng ilang segundo lamang. Nakakaantok kasi itong pinapakinggan ko ngayon. Nang iniangat ko ang aking tingin ay nagtama ang mga mata namin ng isang babae na nakaupo sa dulo.
Wagas ang ngiti nito at mukhang hyper na parang ngayon lang nakakita ng lalaki. Iyong mga katabi naman niya ay halatang ako ang pinag-uusapan at obviously ay kinikilig sa akin.
Wala naman akong ginagawa, 'di ba? Ganito kasi talaga basta gwapo mga dude.
I ignore those girls and instead put my attention back on my phone para mag browse sa IG.
Nang mapatingin ako ulit sa direksyon nila ay nakuha ulit ng babaeng nasa dulo ang atensiyon ko. Nakatulala lang ito sa akin at hindi kumukurap. Napakunut ang noo ko nang mapagtanto kong mukha siyang pamilyar. Baka magkaklase kami sa isang subject or something but who cares?
She is not worthy of my damn attention.
••••••To Be Continued••••••
A/N:
Thanks for reading!
VOMMENTS (Votes+Comments) are greatly appreciated! ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top