Chapter 2- Inggiterang Frog
CARLA'S POV
Teka, si Marcus Salazar ba talaga itong nakikita ko? Hindi ba may sasakyan siya? Anong ginagawa niya dito sa loob ng jeep?
Edi sumasakay!
Nakaupo ito sa likod ng driver at ako naman ay nasa kabilang side sa mismong entrance. As usual, may nakasaksak na earphones sa tainga nito. Ano kaya ang mga music na pinapakinggan niya? Nakayuko lang ito at nakapikit ang mga mata na tila inaantok pa. Hindi ko alam kung ano'ng oras ang klase niya sa unang period niya pero magkaklase kami sa Speech Communications bago maglunchtime.
Patago ko siyang kinuhanan ng picture sa malayuan at dali-daling nag-tweet sabay upload ng nakuha ko.
"LookS whose in dA hAUz mGa Beshh! Its mArcUS sALAZAR! OMG! #pogi #Marcus #Salazar #model #jeep #goodmorning #brekfast"
Hindi pa ako nakakurap ay may eighteen favorites na kaagad ang tweet ko at sampung replies na nagtatanong kung ano'ng ginagawa niya sa jeep. Hindi ko rin alam eh. Baka sira ang sasakyan niya na Bobo yata ang model, hindi ako sure, or Vovo, basta sounding like that.
"Like OMG girl! Feeling ko nabuntis na ako ngayon. Take note ha, virgin pa ako!" Hagikgik pa ng babaeng mukhang patay ang lahat ng buhok.
"Hindi ako naka breakfast kanina dahil late na ako pero ngayon feeling ko ay nabusog ako bigla. Sana ay ganito araw-araw sa jeep." sabi ng isa naman na parang sinampal ni Ironman sa kapal ng blush-on nito.
Dinig na dinig ko ang pag-uusap ng mga kerengkeng sa tabi ko. Aside sa facts na katabi ko sila ay parang may mga megaphone pa sa harap ng mga bunganga nila sa lakas ng mga boses nila na pati si lola sa harap ay nakabusangot na. Partida mahina na ang pandinig nito, pero naiingayan pa rin.
Kanina pa hindi mapakali ang mga ito na animo'y mga asong ihing-ihi na. Napatitig na rin ako kay Marcus para maiwaksi sa isip ko ang pagkabahala ko sa oras.
Gwapo nga talaga ito. Maputi. Matangos ang ilong at makinis na parang walang pores ang balat. Ang mga mata ay mukhang palaging inaantok at wala sa mood. Medyo mahaba din ang itim na buhok at may side bangs na tinatakpan ang itaas na bahagi ng kaliwang mata nito. Mukha din siyang mabango from head to toes.
Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko ito crush. Wala akong stalking notes para sa kanya hindi tulad nung sa mga kaibigan niya na may listahan talaga ako ng mga schedules at iba pang mga importanteng mga impormasyon lalo na sa dating life nila.
Oo na, ako na ang stalker at chismosa, pero at least ay cute naman ako.
Siguro ay hindi ko siya type dahil mukhang suplado kasi at hindi approachable. Parang mainitin palagi ang ulo hindi tulad ng dalawa niyang kaibigan na sina Jace Synder at Zeus Alvarez, ang mga ultimate crushes ko sa school.
Naalala ko bigla ang nangyari sa canteen last year, nung third year college kami. Hindi sinasadyang nabangga siya ng isang babae na may dala-dalang tray. Natapunan ang damit niya ng pagkain at saka ketchup. Sa gulat ng lahat ay sinigawan niya ito at minura in English. Conyo kasi ito, at more on English magsalita kasi balita ko ay Briton ang tatay. Isa rin iyang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya kasi panigurado ay mauubos ang stock ng mga tissues sa lahat ng mga SM sa manila dahil sa pag nose blood ko sa mga English niya.
Balita ko ay may pagka-OC din ito. Ayaw na nadudumihan. Makikita mo naman sa damit nito na parang sampung beses plinantsa ng katulong nila sa sobrang neat tingnan.
Ano'ng klaseng boyfriend kaya siya? Mahirap mag-imagine na sweet ito sa babae, although na ilang beses ko na rin itong nakita na may kasamang babae.
Sa totoo lang, hindi ko tipo ang mga iyan. Gusto ko iyong mga rugged at charming katulad ni Jace Snyder. Oh di kaya ni Zeus na tahimik at mabait sa girls.
Nawili ako sa kakaisip tungkol kay Marcus habang tinititigan siya sa malayo nang bigla itong umangat ng tingin at nagtama ang aming mga mata.
Hindi ako umiwas. Sa halip ay nginitian ko siya ng matamis na agad din namang nabura sa mga labi ko nang sumimangot ito at ini-snob ang beauty ko.
Aba!
Bumilis ang tibok ng puso ko sa inis at pagkapahiya. Grabe siya ha. Alam ko naman na hindi ako kagandahan pero sinimangutan niya ang isang Carla Kirara Concepcion?
Wait, pakidelete ng second name.
Alam ko naman na hindi ako kagandahan pero sinimangutan niya ang isang Carla Concepcion?
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na namalayan na kailangan na pala naming bumaba. Nauna na ako at dali-daling nag-marsta papunta sa school nang hindi man lang lumingon sa supladong walang-hiya. Halos takbuhin ko na ang aming building at nang marating ko na iyon ay nagtaka ako kasi marami pang estudyante ang nasa hallway at papunta palang sa kanilang classroom. Natanaw ko pa ang ibang classmates ko na nasa lockers pa nila at kumukuha ng mga gamit.
Napatingin ako sa malaking wall clock sa harap at nahulog ang aking panga nang makita na 7:30am palang pala at masyado pang maaga. Napatingin din ako sa aking relo at cellphone at pareho lang ang oras. Advance one hour pala ang nasa isip ko.
Walang-hiyang orasan sa bahay. Pinaglaruan na naman siguro ni Caldo, ang isa ko pang kapatid na lalaki. Hindi kasi ako naghugas ng pinggan kagabi at siya ang nakita ni mama kaya gumanti siguro. Hindi ito ang unang beses na ginalaw niya ang orasan sa bahay.
On the next hand, nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala ako late. Medyo maselan pa naman kasi si Mrs. Caguimbal sa attendance at mahilig ipahiya ang mga late sa harap.
Biglang lumitaw si Reese sa harap ko na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.
"Oh, ano'ng meron? Nakahithit ka ba kagabi?" pagbibiro ko.
"Hulaan mo," At nag beautiful eyes pa ang bruha.
"Normal na tao lang ako at hindi psychic pero sige, try kong hulaan. Na first blood ka na ni Arthur kagabi? Kamusta naman ang unang tusok? Masa-"
Bigla nitong tinakpan ang bibig ko at hinila ako sa gilid.
"Ingay mo talaga ever."
"Diretsuhin mo nalang kasi ako." napahalukipkip ako.
Napakagat-labi pa muna ito sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga na akala mo ay mas demure pa kaysa kay Liza Soberano.
"First monthsary namin ngayon." sa wakas ay sabi nito nang magpatuloy kami sa paglalakad.
"Wow, congrats! Eh di kayo na! Kayo na ang may lovelife at masaya," pabirong sabi ko sa kanya pero sa totoo lang ay may halong totoong inggit. Hindi naman kasi kagandahan si Reese pero nauna pa siyang magka lovelife sa akin. I mean, hindi rin naman ako kagandahan pero ang sabi ni crush sa panaginip ko ay super cute daw ako.
Napahawak si Reese sa aking braso at biglang tumigil sa paglalakad.
"Oh, bakit?"
Ininguso nito ang babaeng nakaitim na nakatulala sa harap ng locker nito. Napakunut ang aking noo nang makilala ito.
Si Pepsi Marie Herera, ang kilabot ng school. Seatmate ko ito sa unang class pero minsan ay never niya akong pinansin. Maraming chismis ang kumakalat tungkol dito na kesyo ay mangkukulam daw ito at may sinumpang lalaki dati, pero hindi ako natatakot sa kanya.
Ni-resume namin ang aming paghinga nang malagpasan na namin ito.
"Ano kaya ang mayroon sa locker niya at ganun nalang kung makatingin?" curious na tanong ni Reese.
"Baka nagsasambit ng ritwal para maging ref ang locker niya. Gutom ang emoterang lola mo eh,"
"Hoy ang boses mo!" namimilog ang mga mata na sabi nito sa akin. Natural na malakas kasi talaga ang boses ko at nag-aalala ito na baka marinig nung witch ang sinabi niya at gawin siyang langgam. Mukha kasing langgam si Reese at hindi ko ma explain kung bakit.
"Sira ka talaga kahit kailan, frenny! Huwag mo nang uulitin iyon ha," namumutlang sabi pa niya at napatawa nalang ako.
Magtatanong pa sana ako tungkol sa plano nila ni Arthur mamaya pero biglang nag-ingay ang mga estudyante sa paligid.
"Omg, he's so gwapo talaga!"
"Anakan mo 'ko please!"
"Have you seen that? He winked at me! Pwede na yata akong mamatay!"
Napalingon kami ni Reese sa pinagkakaguluhan ng mga kababaihan at ilang mga...pekeng kababaihan, kasama na doon ang mga mas gwapo pa sa tunay na lalaki.
Mistulang naghugis puso ang aking mga mata nang makitang dumaan si Jace Snyder, ang ultimate crush ko. Hay ang lakas talaga ng appeal nito.
Hinawakan ko ang kaliwang umbok ko na animo'y inaatake sa puso.
"Oh ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Reese.
"Baka kasi mahulog ang puso ko. Gusto ko pang mabuhay." Nakatitig pa rin ako sa naglalakad na si Jace at hinawakan na rin ang ang aking panga gamit ng isa ko pang kamay.
"Fren, mukha kang tanga, swear." hirit pa ni Reese.
"Baka kasi mahulog din ang mga panga ko. Mahirap na at hindi ako makakain. Eating are life, you know."
Napatingin kami sa direksyon kung saan kumaway si Jace at nakita sina Zeus at Angel na nakatayo sa dulo ng hallway.
Grabe ang ganda din talaga ni Angel, nakakainggit! Ano kaya ang feeling na ganun kaganda? At si papa Zeus! Shet lungs. Sila talaga ang bumubuo sa araw ko eh.
Biglang lumitaw si Marcus mula sa likuran nila at busy ito sa kakatext sa cellphone nito. Busangot din ang mukha nito pero lumiwanag din nang mag meet na sila nina Jace.
Nag-usap muna ang apat na sikat sa gitna ng daan bago na tuluyang maghiwalay. Ano kaya ang feeling na maging isang Angel? Maganda at mayaman na, boyfriend pa niya ang ultimate crush ko, kaibigan pa niya sina Zeus at Marcus.
Nakakainggit talaga.
Dumating na din si Arthur at nakuha din nito ang atensyon ng ibang babae dahil may dala-dala itong isang bouquet ng roses at malaking teddy bear na pink. Kilig na kilig na tinanggap ni Reese ang mga regalo nito at nagyakapan pa ang mga bwisit sa mismong harap ko sa gitna ng daan.
Graduating na ako pero hindi ko pa naranasang pakiligin ng isang lalaki sa college life ko. Pilit ang ngiti sa mga labi ko nang icongratulate ko ang dalawa sa monthsary nila, pero deep inside ay hindi ko maiwasang mainggit talaga.
Oo na, ako na ang inggitera. Ako na ang bitter. Ako na ang chismosa. Ako na ang walang lovelife at admirer. Ako na ang pangit at sina-snob ang beauty. Ako na ang walang pera. Ako na ang walang iphone at pocket wifi. Ako na ang may walang kwentang pamilya...
Sino naman ang hindi maiinggit, hindi ba? Pero hindi bale, hindi ako susuko. Tuloy pa
rin ang life.
Head up, chest out dapat palagi, sabay labas ng killer smile ko. Malay natin, baka makatsamba din ako ng pogi next time. Kahit hindi na pogi, basta iyong mamahalin ako whoever am I.
Lord, sana soon.
••••••To Be Continued••••••
A/N:
Thanks for reading!
VOMMENTS (Votes+Comments) are greatly appreciated! ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top