The Jerk: Twenty Nine

 

Twenty Nine,

"So I guess it ends here. We'll go our separate ways and hope that we'll see each other somewhere in the future."

It was Friday. Ang huling araw ni Ashton Montecillo sa Jefferson High. Huling araw na makakasama siya ng mga kaibigan niya. Huling araw na makikita ko siya na nag-lalakad sa hallways ng school o kasama ang mga kaibigan niya na nagtatawanan sa cafeteria.

Maganda ang panahon noong araw na yon. Maaliwalas ang paligid. Matingkad ang kulay ng bughaw na langit. Masyadong payapa. Para bang sinasabi nito na dapat ganoon din ang maramdaman ko— na dapat hindi ako mag alala sa maaaring mangyari.

Madami na ang nakaka alam ng tungkol sa pag alis ni Ashton Montecillo. Kaya napapatingin nalang ang iba sa kanya kapag nasasalubong siya at walang magawa kundi tahimik na mag paalam.

Naririnig namin sila ng mga kaibigan niya. Nagtatawanan tulad ng dati. Pero mararamdaman mo doon ang longing— ang pakiramdam na sinusulit nila ang oras dahil alam nilang hindi na mauulit yon.

After all, we are seniors. llang buwan nalang at graduation na namin. Parang nauna lang sa pag alis si Ashton Montecillo sa Jefferson High. Pero darating ang araw na kailangan na din naming maghiwa-hiwalay.

The laughter echoing in the cafeteria would soon die down, the noise in the hallways would soon turn into silence, and the teasing and playing in the classroom would soon just be memories.

Narinig ko kanina sa breakfast na hindi na muling tatakbo ang Ama ni Ashton sa susunod na election. Ang sabi ni Dad ay susunod daw ito sa anak niya na pupunta ng London— si Ashton. Natuwa ako sa pagbabagong yon ng Dad niya. But a part of me still wants Ashton to stay.

Buong umaga ko siyang naki-kita. Si Ashton. Halos abot kamay ko siya pero wala akong magawa kundi ang pagmasdan siya. Nakiki pag biruan siya sa mga kaibigan niya. Pero alam namin na bukas— hindi na namin siya makikita.

Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Reese habang nakikipag usap siya kay Ashton buong umaga. She's smiling and laughing with him pero para bang ayaw niya talagang umalis si Ashton. She seems clinging to him with the last few hours they are together.

And I hope I can do the same— not the clinging. But I hope, for the last time, na makausap ko siya. Not as a random girl na kaibigan ng kaibigan niya. But as me— Delia Salazar.

I wanted to say goodbye. Kada oras na lumilipas hindi ko maiwasan na bilangin ito. Naka katawa kasi gusto ko lang mag paalam. Just a freaking goodbye at hindi ko magawa.

Bandang lunch break noong lumabas ako sa classroom kasama si Mindy. Nakihalo kami sa mga estudyanteng papunta sa cafeteria. Nahahalata ni Mindy ang pagiging tahimik ko. Sinabi ko na masyado lang akong sleep deprived nitong mga nakaraang araw.

Halos nasa gitna na kami ng pagkain noong may naalala ako. Bigla akong napatayo. Napa-paused sa pagkain si Mindy. Napa-tingin siya sa akin na tila ba nagtataka. "Anong problema?" tanong niya.

"May nakalimutan ako." sagot ko. Sa sobrang pagka absent minded ko may naiwan ako sa classroom. "Kukunin ko lang."

Paalis  na ako nang magsalita siya. "Babalik din naman tayo mamaya ah. Importante ba yon?"

Natigilan ako. "Oo eh. Mabilis lang ako."

Napatakbo ako paalis sa cafeteria. Hindi nila pwedeng makita yon. Baka biglang malaglag ang papel na nakaipit doon. Halos hingalin ako nang marating ko ang harap ng classroom namin. Tutuloy na sana ako sa loob nang bigla akong tumigil sa paghakbang.

Si Ashton.

Napakurap ako. Siya lang ang nasa loob ng classroom. Mukhang may binalikan din siya. Nakita kong may kinakalkal siya sa bag niya habang naglalakad papunta sa kabilang pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko nang masagi ng bag niya ang notebook sa mesa ko. Nalaglag ito. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at ganoon din ang paghinga ko. Napatingin siya sa sahig kung saan nalaglag ang notebook— ang notebook kung nasaan ang note niya.

No.

Pumasok ako sa classroom at dumerecho sa kinatatayuan niya. Kinuha ko ang notebook mula sa sahig bago niya pa man ito mahawakan. Bahagya akong lumayo bago humarap sa kanya.

"I-It's mine." sabi ko.

Napakurap siya. Tiningnan niya lang ako. Halos ilang pulgada lamang ang layo namin sa isa't isa. Siya— na halos aabutin nalang ang notebook sa sahig at ako na nakatayo sa harap niya at walang magawa kundi mapasandal sa pinakamalapit na upuan para lang makalayo sa kanya.

"Aah." maikling sagot niya.

Pinagmasdan ko siya. I can't even see any slight recognition in his eyes. Walang kahit ano na magsasabi na kilala niya ako maliban sa pagiging magkaklase namin. My Ashton.

Noong mga oras na yon, halos gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin kung gaano siya kaimportante sa akin. Gusto kong magpasalamat sa kanya, gusto kong magpaalam.

"Hey, Ashton! Ang tagal naman niyan!"

Halos pareho kaming natigilan dahil sa nagsalita. Napalingon kami sa direction ng pintuan at nakita ang isa sa mga kaibigan ni Ashton at Micko. Nagtatakang pinagmasdan niya kami nang marealize na tila ba seryoso kaming nag uusap.

"Uhm, sige, mauna na ako." Mabilis akong nagpaalam kasabay ang isang pilit na ngiti.  Tumalikod ako mula sa kanya at palabas na sana sa classroom nang muli akong matigilan.

"Delia."

I froze. This time ako ang tila nagulat. Humigpit ang hawak ko sa notebook na para bang hindi alam kung lilingon ako o hindi.

"It's your name, right?" tanong niya. "Micko's special girl?"

Doon biglang kumalas ang mahigpit na pagkakahawak ko sa notebook. Oh.

"I just wanted to say thank you for taking good care of Micko."

I tried to smile politely bago lumabas ng classroom. Nang makalayo na ako sa kanila, kay Ashton at sa kaibigan niya. Doon tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Pinagmasdan ko ang notebook na hawak ko. Bahagya ko yong binuksan at tiningnan ang note na naka-ipit dito. I smiled bitterly nang makita ang penmanship ni Ashton Montecillo.

Now I understand how it feels— how the saddest goodbyes are the ones never said.

Natapos ang araw nang hindi ko na muling nakausap pa si Ashton Montecillo. Huli ko siyang nakita sa hallway matapos ang klase, kung saan nasa locker kami ni Mindy, at sila naman ay magkakasama ng mga kaibigan niya.

I heard their various jokes about him leaving. Tinanong nila kung anong course ang balak niyang kunin doon kapag nakatapos na sila. Kung ano ang balak nila sa mga buhay nila. They talked about how they would see each other in the future.

At pakiramdam ko, habang nasa harap ng locker kasabay ang iba pang estudyante sa hallway, habang naririnig ang mga boses nila, pakiramdam ko nanginginig ang mga kamay ko dahil sa panghihinang nararamdaman.

"Let's go?" tanong ni Mindy matapos isara ang locker niya.

Tumango lamang ako dahil ayaw kong mahalata niya ang boses ko. Lumabas kami sa school building. Napansin ko na napalingon si Mindy sa direction nila Ashton na para bang siya mismo ay tahimik na nagpapa-alam.

"Who could have guess na aalis na pala siya?" sabi niya habang palabas na kami. "Kita mo nga naman, siya pa pala ang unang makakaalis sa lugar na ito." natawa siya. Pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Mami-miss ko din yong tarantadong yon.  Ang sad na hindi tayo kompleto sa graduation."

Nakarating kami sa main gate ng school. Naghihintay ang sasakyan ng Mama ni Mindy sa tapat nito.

"Ayan na sundo natin." sabi nito. Bumilis ang paglalakad niya. Maya maya pa bigla ko siyang hinila.

Tila nagulat siya sa ginawa ko. Napalingon siya sa akin na nagtataka. "Ah, Mindy. Pwedeng favor?"

Kumunot ang noo niya. "Ano yon?"

"Pahatid naman ako sa elementary school— yong dati kong school." Natigilan ako. "M-May gusto lang akong makita."

Tumango siya kahit pa mababakas ang pagtataka sa mukha niya. Sinabi niya ito kay Mrs. Gonzales. Pumayag siya at hindi na nagtanong pa. Tila ba ramdam nila na kailangan ko ito. Dumaan muna kami sa isang bakeshop kung saan may binili ang Mama ni Mindy bago kami bumalik sa daan pauwi— sa daan papunta sa school.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate nito. Tulad ng dati ay halos wala ng mga estudyante dito sa ganitong oras. Mas maaga kasi ang uwian nila dito at halos magdadapit hapon na din.

"Sigurado kang hindi ka na namin hihintayin?" tanong ni Mindy mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan.

"Hindi na. Maglalakad nalang ako niyan o magpapasundo kay Dad." paalam ko.

Tumango ito. "Okay, mag ingat ka." Kumaway ito bago muling sumara ang bintana at umalis ang sasakyan.

Pinagmasdan ko ang pag alis nila hangang sa tuluyang nawala sa paningin ko ang sasakyan. Naglakad ako papunta sa makulay na gate at binati ako ng guard na nandoon.

"Napapadalas ata ang pagbisita mo dito, Delia." sabi nito nang makita ako.

"May—" napalunok ako. "May gusto lang po sana akong balikan." sagot ko.

Hindi ko alam kung napansin niya ang pag crack ng boses ko. Pero hindi niya lang pinahalata.

Tumango ito. "Sige, pasok lang." nakangiting sabi niya.

Pumasok ako sa school habang mahigpit ang hawak sa straps ng bag pack ko. Dumerecho ako sa gilid ng school building kung saan makikita ang playground. Kung saan ako dinala ni Ashton noong magkasama kaming pumunta dito.

Halos wala ng tao sa loob ng school maliban sa ilang maintenance na nadaanan ko kanina. Tahimik akong umupo sa swing. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nandito.

Sa lahat ng lugar ito ang huling lugar na gusto kong puntahan. Pero pagkaupo na pagkaupo ko sa swing, doon sunod sunod na pumatak ang mga luha ko. Wala akong nagawa kundi tahimik na umiyak.

Lahat ng pagtitimpi na ginawa ko nitong mga nakaraang araw ay tila ba bumuhos noong hapon na yon. Habang nakaupo sa swing sa gitna ng playground, para akong isang bata na umiyak at humagolgol ng tahimik.

I guess this is the end.

Alam ko sa sarili ko na ito ang huling beses na iiyakan ko siya ng ganito. Nandito ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita— at dito ko bibitawan ang lahat ng bagay at emosyon ko na konektado sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang lumipas na nakaupo lang ako sa swing. Hindi ko namalayan ang paglubog ng araw o pag sindi ng mga ilaw sa paligid ko. Saka lang ako bahagyang natigilan nang naramdaman ko ang mga footsteps na papalapit sa akin.

Noong una akala ko isa lamang yon sa mga maintenance na napadaan. Kaya nanatili akong nakayuko para hindi nito mapansin na umiiyak ako. Pero palapit ng palapit ang tunog nito hangang sa huminto ito.  Isang taong nakasuot ng faded jeans at itim na converse ang nakatayo sa harap ko.

"What are you doing here?"

Natigilan ako nang marinig ang pamilya na boses. Pakiramdam ko bigla akong nanghina. Anong ginagawa niya dito? Pinahid ko ang mga luha ko at huminga ng malalim bago humarap sa kanya.

Ashton.

Pinagmamasdan niya ako na para bang nagtataka. Napansin niya ang mga namumugtong mga mata ko kaya bigla siyang natigilan.

"Are... Are you okay?" nag aalalang tanong niya. Umupo siya sa harap ko. Halos magkapantay na ang mga mukha namin. Tila ba gusto niyang pahirin ang mga luha ko.

"I-I'm fine." halos nauutal na sagot ko. Agad akong umiwas ng tingin. This scene... is very familiar to me. Isang luha ang dumaosdos pababa ng pisngi ko. Please, tama na. Hindi ko na kaya.

"Did I disturbed you?" tanong ni Ashton. "Shit. I'm sorry."

Sa mga salitang yon palang, alam ko na. Sa mga tingin niya palang wala na talaga. Hindi na dapat ako umaasa.

"Why are you here?" Hindi ko mapigilan na itanong. Please sabihin mo may naaalala ka, kahit konti.

Muli siyang napatayo. "This is my former school." sagot niya sa formal na boses. The usual tone he used to people who don't matter.

"I know." tahimik kong sagot. "May kailangan ka din ba dito?"

Napansin ko na natigilan si Ashton. "Kinuha ko ang huling records ko sa Principal's Office."

Napalunok ako para pigilan ang masamang pakiramdam na bumabara sa lalamunan ko. "Oh, right." sagot ko.

"I didn't know you're here. Did Micko know you're here?"

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong matawa sa sinabi niya. Damn you, Ashton Montecillo.

"No. Pero aalis na ako so don't bother."

Tumayo ako kaya bahagya siyang lumayo. Kinuha ko ang bag ko mula sa upuan ng kabilang swing.

"Aalis ka na bukas, hindi ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Uh, yeah." sagot niya habang nakatitig sa akin.

Humakbang palapit sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hangang sa bigla ko nalang siyang niyakap. Hindi siya nakagalaw dahil sa ginawa ko. Para bang nagulat ko siya.

Mas humigpit ang yakap ko sa kanya dahil alam kong ito ang magiging una at huli. "Ashton," halos bulong ko. Naramdaman ko ang pag blur ng paningin ko dahil sa nagbabadya nanamang mga luha.

Tila ba lahat ng mga pagkakataon na nagkasama kami— mula grade school hangang sa mga oras na ito. Sa mga pangako at pang aasar na binitawan niya. Sa mga takot namin na pareho naming binahagi sa isa't isa. Sa pagpapakita niya sa mga bagay na dati ay hindi ko maintinhan.

Naalala ko ang mga palad namin na nakatapat sa isa't isa habang nagsasayaw noong hapon na yon. Tulad din ito ngayon. Tahimik. Payapa. At kahit ako nalang ang nakakaalala. Gusto ko paring magpasalamat.

"Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin." naramdaman ko ang pag crack ng boses ko. "Ashton Montecillo," huminga ako ng malalim. "Alagaan mo ang sarili mo. Mag iingat ka lagi."

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti ako bago nag-lakad palayo sa kanya. Hindi ko alam kung nanatili ba siyang nakatayo doon o kung ano ang ini-isip niya.

Pero habang naglalakad palabas ng elementary school na yon, habang naaalala ko lahat ng panahon na naging parte siya ng buhay ko, habang palayo ako sa kanya, pakiramdam ko unti unti ding napuputol ang lahat ng parte ng pagkatao ko na naka-konekta sa kanya.

A smile crossed my lips. Isang payapang pakiramdam ang bumalot sa akin. Para bang isang tali ng lobo ang binitawan ko at nang lumutang ito sa langit, ganoon din ang naging pakiramdam ko. Malaya. At noong oras na yon alam ko. Yon na ang huling pagkikita namin ni Ashton Montecillo.

***

Author's Note:

Next part is the epilogue. It is the LAST part of the story. Wala pong Book 2 whatsoever.

Last chance to voice out your thoughts about the story. Is there a chance of happy ending or nah?

Lahat ng hinanaing at saloobin niyo sa story pwede niyo ng ilabas lol. Binabasa ko ang comment box from top to bottom.

Thank you for being part of Delia and Ashton's story.

@april_avery

--

Tweet me: avery_WP
Official hashtag: #TheJerkIsAGhost

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top