The Jerk: Twenty Eight
Twenty Eight,
Pinagmasdan ko ang hawak kong papel habang nakatayo sa labas ng gym at naghihintay ng paglabas ng basketball team. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Kanina ko pa gustong kausapin si Micko tungkol dito pero lagi niyang kasama ang mga kaibigan niya.
And that also means Ashton Montecillo.
Gusto kong itanong sa kanya kung may alam ba siya dito. Kung may idea ba siya na aalis si Ashton. I was waiting for the news to spread. Pero mukhang wala pang may alam ng pwedeng mangyari.
Pinagmasdan ko ang sapatos ko na nakatapak sa basang damuhan sa labas ng gym. Huminga ako ng malalim at pilit nilaro ang dulo ng sapatos ko sa damuhan. Kung pwede ko lang sanang makausap si Ashton tungkol dito.
But he'll freak out. Of course he will. Hindi niya ako maalala pero meron akong hawak na sulat na galing sa kanya. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kung sakali. Kaya mas mabuti na kausapin ko muna si Micko at umasa na hindi totoo ang nabasa ko. May chance pa na may magbago.
Humigpit ang hawak ko sa papel habang naririnig ang tunog ng bola na tumatama sa sahig at mga sigawan ng mga naglalaro sa loob ng gym. Ano mang oras mula ngayon ay matatapos na sila. I just needed to wait.
Habang naghihintay, hindi ko mapigilan na isipin kung bakit ko ba ito ginagawa in the first place. I wanted to move on from this mess. Sinabi ko sa sarili ko na mas mabuting kalimutan nalang ang lahat ng ito.
Pero ang hindi na muling makita si Ashton— that is too much for me. Ngayon ko lang narealize na kaya ko na hindi niya ako maalala. Pero ang chance na hindi na siya muling makita— hindi ko kaya.
Naramdaman ko ang paghina ng tunog ng bola mula sa gym. Hanggang sa nawala na ito at tanging narinig ko ay mga boses mula sa loob. Mukhang tapos na sila sa kanilang practice game.
Ilang minuto pa akong naghintay dahil dumerecho pa sila sa mga lockers nila para magbihis. Ngayon alam ko na kung bakit wala ng balak na bumalik sa paglalaro si Ashton. Dahil aalis na siya.
Isa isang naglabasan ang mga players mula sa gym. Yong iba basa pa ang buhok na para bang naligo. Yong iba binati ako nang makita ako. Sinabi nila na nasa loob pa si Micko. Tumango lamang ako at ngumiti. Alam kaya nila?
Narinig ko mula sa huling player na lumabas na chini-check pa ni Micko ang mga facilities kaya matatagalan pa siya. Napangiti ako at sinabi na dito nalang ako maghihintay sa labas.
Sumandal ako sa pader ng gym at absentmindedly na napatingin sa palubog na araw sa hindi kalayuan. Micko is the perfect captain. Kahit na sa random na usapan ng mga kaibigan niya, napapansin ko yon.
He is strict pero alam mong may reasons ang mga rules niya. Ina-alagaan niya ang mga members niya. And I don't still understand why he likes me but he proved to me that he's sincere about this and I believed him.
Naramdaman ko ang mga footsteps papalapit sa akin so I snapped back in attention. Tumayo ako ng maayos at napalingon sa direction ng pathway. Nakita ko si Reese na papunta sa direction kung nasaan ako.
Napakurap ako at iniwas ang tingin sa kanya nang tingnan niya ako. Wala siyang naging ano mang reaction kaya nakahinga ako ng maluwag. Patuloy lang siya sa paglalakad.
Napansin ko na para bang may malalim siyang ini-isip. Sa isang tao na kagaya ni Reese na naging usual expression na pag irap o ang pagtingin sayo mula ulo hangang paa, madali mong mapapansin na may mali kapag hindi niya ginawa yon.
Umiwas ako sa tapat ng pintuan ng gym dahil mukhang doon siya papunta. Nang makalapit siya ko napansin na bahagyang namamaga ang mga mata niya. Umiyak ba siya?
"Is Micko here?" tanong niya.
"Uhm, oo. Nasa loob siya." sagot ko.
Ang buong akala ko magkasama sila ni Ashton ngayon. Kaninang uwian magkasabay silang umalis sa classroom. Dahil nakatingin ako sa ibaba, napansin ko ang mga paa niya na papasok na sana sa loob pero biglang natigilan.
"Delia," I heard her say. Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan ko na nagmula sa kanya. I meet her gaze at tama nga ako, kagagaling niya lang sa pag iyak.
"Yes?" I asked.
"Bumisita ka na ba sa mansion ng mga Montecillo?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Her question is out of pure curiosity. Nahalata ko yon sa boses niya. At alam kong halos wala siya sa mood na tanungin ito. Pero saan niya nakuha ang information na yon?
"I did." sagot ko. "I— My Dad is a lawyer so medyo familiar sa kanya ang Dad ni Ashton." Yon ang naisip kong pinakamadaling paliwanag. "Pumupunta kami noon sa mga formal events."
Napatango siya. "That's why." she said more to herself than to me.
"Bakit mo naitanong?"
Nag shrugged siya na para bang hindi importante ang rason. "Nabangit ng Dad niya ang surname mo kahapon noong nasa mansion ako nila Ashton. Bakit wala ka daw noong nagkaroon ng welcome back party si Ashton."
"You are Delia Salazar right?" Bahagya siyang natawa. "Maybe he thinks na magkaibigan kayo or something."
Pilit lamang akong ngumiti dahil sa sinabi niya. "Siguro nga." pag sang ayon ko.
"But that's pretty impossible. I even thought of it at first specially noong nakita kita sa Hospital noon. But he doesn't even know you so nagkamali ako."
Kung hindi lang sa pagiging blangko ng titig niya, she almost sound apologetic. "Okay lang." sagot ko.
Dalawang beses ko lang nakitang naging completely vulnerable ang isang Reese Del Valle. Ang una noong nakita ko sila sa police station matapos ang aksidente. Ang pangalawa ay ngayong araw. Sa harap ko.
Para bang gusto niyang maiyak sa harap ko. Gusto ko sana na tanungin kung may nangyari ba nang bigla siyang magsalita.
"But who cares really? Kung sino ang mga kaibigan ng anak niya. Kung ilalayo niya naman ito?" saka siya pumasok sa loob ng gym.
Naiwan ako doon na sinundan siya ng tingin. Narinig kong tinawag nito si Micko. Sumagot si Micko na sinasabing alisin niya ang sapatos na suot dahil masisira ng heels ang sahig.
Mukha namang hindi ito pinansin ni Reese. Narinig ko siyang nagsalita. Naging malinaw yon dahil sa echo ng boses niya sa buong gym.
"Micko, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" she demanded.
"Umiyak ka ba?" narinig kong tanong ni Micko.
"It's not the point!" asik ni Reese. "Bakit, Micko— why didn't you tell me earlier na aalis si Ashton?" napansin ko ang pag crack ng boses nito na tila ba malapit na siyang maiyak.
"Alam mo na pala." kalmadong sabi ni Micko.
"Of course I knew! Sinabi sa akin ni Ashton kanina lang. Pero ikaw, last week mo pa alam. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi ka gumawa ng paraan para mapigilan siya?"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Micko.
"Look, Reese. This is the exact reason kaya ayaw niyang ipaalam sayo. Alam niyang mamomroblema ka lang hangang sa dumating ang araw na yon. We can never do anything. Magsasayang ka lang ng oras."
Narinig ko ang pag hikbi ni Reese. "Reese, come on, get yourself together." sabi ni Micko na para bang nagsisi sa mga salitang binitawan niya.
"But Micko— Si Ashton—"
Isang buntong hininga ang muling pinakawalan niya. "I know, okay? Pero Reese, narinig mo naman mula sa kanya. He wants this. His Dad is planning a new start in London at pumayag siya."
"Pero kababalik niya lang sa atin hindi ba?" tuluyan ko ng narinig ang pag iyak ni Reese. "Paano tayo?"
Tila naman naitindihan ni Micko ang gusto niyang iparating.
"Reese, matagal na nila itong plano. We can't do anything about this. Just accept the fact that some people might leave sooner or later."
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa loob ng gym.
"Hindi niya gusto na makita kang ganyan, Reese. Kilala mo siya." I heard Micko said after a while. "Just show him you support his decision. Kaibigan tayo. It's the best we can do."
Tila naman bahagyang gumaan ang loob ni Reese sa sinabi ni Micko.
"You're right. I mean— God." she groaned. "Umiyak pa naman ako sa harap niya kanina."
Micko let a short laugh to lighten the mood.
"Get yourself together and talk to him. Hindi lang tayo ang nahihirapan dito."
"Right. Thanks, Micko."
Naramdaman ko ang tunog ng heels ni Reese sa sahig na para bang handa na ulit itong lumabas.
"I will talk to him." Reese said. "Pero hindi pa sa ngayon. Maybe tomorrow."
Tila naman tumango si Micko. "Just make sure you will bago siya umalis."
"Alam ko." Narinig kong nag paalam si Reese hangang sa muli ko siyang makita sa harap ko.
"Nga pala, someone is waiting for you outside." sabi nito kay Micko. Napatingin si Reese sa akin at nag paalam.
I tried to smile at her. And for the first time naramdaman ko ang sakit na pilit niyang tinatago.
Lumabas si Micko sa gym makalipas ng ilang minuto. Bahagya siyang nagulat nang makitang ako ang naghihintay sa kanya.
"Delia,"
Ni-locked niya ang pintuan ng gym bago siya tuluyang humarap sa akin. Napatingin siya sa wrist watch na suot niya.
"It's late. Bakit nandito ka pa?" nag aalalang tanong niya.
"I waited for you." sagot ko.
Ngayong kaharap ko na si Micko at matapos ng lahat ng narinig ko— hindi ko na alam kung paano sisimulan ang lahat.
"I—" Mabilis kong tinago sa bulsa ko ang note na hawak. "I heard you and Reese talking. I mean hindi ko sinasadya but—"
Marahan lang na napangiti si Micko. He stared at me as if telling me that we should start walking kaya naman naglakad ako at sumunod siya sa tabi ko.
"That," he started. "That's about Ashton leaving." sagot niya.
Pilit kong ginawang casual ang boses ko. "Yeah I heard."
"Funny isn't it? Kababalik niya lang tapos aalis ulit." naramdaman ko ang disappointment sa boses ni Micko. Sabay kaming naglakad hangang sa makarating kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya.
"Why do you think kailangan niyang umalis?" tanong ko.
Micko shrugged. "Ang alam ko matagal na itong plano ng Dad niya. Even before the accident. Sinabi sa akin ni Ashton na ito ang nag trigger sa kanya. It all sounded na gusto siyang ipatapon that time."
Bumuntong hininga si Micko. "Pero ngayon planong sumunod ng Dad niya next year kapag natapos na ang termino nito. They wanted to start over."
I tried to smile pero alam kong hindi ko na kaya. Nagsimulang balutan ng masakit na pakiramdam ang dibdib ko.
"Nakita mo siguro ang reaction ni Reese kanina." pagpa-patuloy ni Micko. "Sigurado ako na umi-iyak parin siya sa mga oras na ito kahit pa sabihin niyang tatangapin niya ang gusto ni Ashton."
"She's the girlfriend. It's natural." sagot ko. Pero pakiramdam ko, mas matindi pa ang sakit na nararamdaman ko. I'm not even worth anything for Ashton. Pero nasasaktan ako ng ganito.
"I know it's unfair na ngayon niya lang ito nalaman. Pero mas mabuti na ito na ilang araw lang siyang iiyak."
Nakarating kami sa sasakyan niya. I already texted Dad na late ako makakauwi dahil sasabay ako kay Micko. Binuksan niya ang pintuan para sa akin. Pumasok ako sa loob at umupo.
Sinubukan kong huminga ng malalim para pigilan ang luha ko habang hindi pa nakakapasok si Micko sa loob ng sasakyan. Nang pumasok siya sa driver's seat at pina-andar ito, kinailangan kong umiwas ng tingin sa kanya para hindi niya mahalata ang mukha ko.
I'm fine. It's fine. Maybe that's how things are meant to be. Siguro ito ang dapat na mangyari.
Hindi ba ito na ang tamang pagkakataon para kalimutan siya? I can move on and so does he. It is a clean break. Maybe that's how it's supposed to be. He came, he changed me, he left, and will forever be gone.
Isang luha ang pumatak sa pisngi ko. Mabilis ko itong pinahid. Tiningnan ko si Micko pero derecho lamang ang tingin nito sa daan.
Gusto kong lumaban. Gusto ko na kahit paano manatili siya sa tabi ko. Umaasa parin ako na darating ang araw na makikilala niya ulit ako. Pero aalis na siya. Wala akong magawa. At kahit yata ang mag paalam sa kanya hindi ko maaaring gawin.
Tell me, how can I fight against destiny?
Nakarating kami sa tapat ng bahay nang hindi ko namamalayan. Halos mag gagabi na. Lumabas ako sa sasakyan at nag paalam sa kanya.
"Good night, Micko. Thank you sa ride. Magpahinga ka na."
Ngumiti ito sa akin. "Pupunta pa ako kina Ashton. Nandoon ang buong team ngayon."
Tumango ako. Biglang namang nawala ang ngiti niya na para bang may naalala.
"He's leaving for London in two days. Hindi sigurado kung babalik pa siya." he said. "We're making the most out of his stay."
Nanatili ako sa tapat ng balcony namin habang pinagmamasdan ang paalis na sasakyan ni Micko. Ngayon nag sink in sa akin ang lahat. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko.
Two days. At maaaring hindi na siya babalik.
***
Author's Note:
Next chapter is the last chapter. (GASP!) Yes, last chapter na. No extensions or whatsoever. Then epilogue. So two parts pa at least. May mga predictions na ba kayo about the ending? I would love to hear it!
Btw thank you so much sa lahat ng nagbabasa ng story na ito. This story is quite personal to me since medyo nasa lifelike side siya (for me) kesa sa fantasy genre na talagang sinusulat ko.
Thank you din sa mga readers na open magcomment at magmessage sa akin about sa TJIAG. Some of you even shared your personal experiences. Nakaka flatter na kahit paano nakatulong ang story na ito sa inyo.
For silent readers, sayang naman kung hindi ko kayo makikilala bago mag end ang story. Okay lang magparamdam. I don't bite hahaha! So hangang dito nalang muna. See you sa last chapter!
@april_avery
Official twitter hashtag: #TJIAG
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top