CHAPTER 9
Sometimes the truth speaks through the woman's instinct.
CHAPTER 9
DAVID has been consistent about his lies for the next few days. He's been doing well in ignoring my suspicious questions. Na para bang sa bawat katanungan ko'y may nakahanda na siyang sagot sa utak niya. That made me me hurt even more. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang magsinungaling sa akin. At ngayon, hindi ko na alam kung alin sa mga sinabi niya ang totoo at ang hindi totoo.
Nasa kanya rin ang katapatan ng mga kawaksi at tauhan dito sa hacienda kaya hindi ko alam kung sino ang puwede kong mapagsabihan ng nararamdaman ko. I doubt if someone will believe in my suspicions. May itinatago sa akin ang asawa ko.
Muli kong tinitigan ang litratong nahanap ko sa secret room. If I'm not mistaken, this picture was just taken a year or just two years ago. Hindi naman ako tanga para hindi isipin na hindi ako ang isang babae na nasa litrato. The way her face formed an indentation looks exactly like me. At iyong katabi ko ay kamukhang-kamukha ko, ang pinagkaiba lang ay wala siyang dimples. Kung hindi ako nagkakamali, ito rin ang babaeng nakita ko sa TV na ikinasal sa isang anak ng bilyonaryo. It's either she's my younger sister or my twin. Kahit siguro ipakita ko ito sa ibang tao ay gano'n din ang iisipin.
Napatigil ako sa pagmuni-muni nang madinig kong may kumakatok sa pinto ng kuwarto namin ni David. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha saka pumasok sa loob ng kuwarto at dumiretso sa pinto.
"Nay Sol, kayo ho pala."
Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto.
"Kanina pa ako pabalik-balik sa pagkatok ng pinto, anak. Nakatulog ka ba?"
"Ah, hindi ho. Nasa veranda ho ako kaya hindi ko kaagad narinig. Pasensya na po."
Tumango-tango sa akin si Nanay Sol ngunit pansin ko ang malalim niyang titig.
"Umiyak ka ba, anak?"
Natigilan ako. Pagkuwa'y akong tumanggi.
"H—hindi ho, 'Nay. Medyo nasobrahan lang ho ako ng tulog kaya may eyebags po ako."
She looked at me suspiciously.
"Akala ko kasi umiyak ka. Baka kako may problema kayong mag-asawa. Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw ay mas nauunang bumaba si Senyorito David tuwing umaga. Napapadalas din ang paglilibot niya nang maaga sa hacienda."
"Wala ho kaming problema, 'Nay, " mabilis kong tanggi.
Marahan siyang tumango kahit na may bakas pa rin ng pagdududa sa kanyang mukha. Minsan naiisip kong magkuwento kay Nanay Sol pero nagdadalawang isip din ako sapagkat alam kong mas na kay David din ang katapatan niya.
"Sana nga, anak. Iba kasi ang nakikita ko sa inyong dalawa. Nag-aalala ako kasi hindi ako sanay na gano'n kayong mag-asawa. Simula nang iuwi ka rito ni Senyorito David ay nasa iyo lang lagi nakapirme ang atensyon niya."
I tried hard to give Nanay Sol a genuine smile to convince her. Tumikhim ako.
"Nay Sol, maiba ho tayo. Noong nagsisimula pa lang ho kami ni David, may nabanggit ho ba siya tungkol sa pamilya ko?"
Saglit na nag-isip si Nanay Sol.
"Parang wala naman, anak. Hindi ba matagal nang namatay ang mga magulang mo kaya si Senyorito na ang nag-alaga sa 'yo? Kaya nga kabilin-bilinan niya na huwag na huwag ka raw tatanungin tungkol sa pamilya mo kasi baka lalo ka lang malungkot."
"I see," I responded, nodding my head.
"Bakit mo naman naitanong, anak? May naaalala ka na ba tungkol sa kanila?"
"W—wala ho."
Malungkot na ngumiti si Nanay Sol.
"Huwag kang mag-alala, anak. Kahit naman wala kang naaalala tungkol sa nakaraan mo'y nandiyan naman si Senyorito David para sa 'yo. Mahal na mahal ka ng alaga ko. Hinding-hindi ka niya pababayaan."
"Salamat ho, Nay." I smiled genuinely. Ngunit kahit ano pa'ng sabihin ng mga tao sa paligid ko tungkol sa pagmamahal sa akin ni David ay hindi napapawi noon ang kirot na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko'y ninakaw sa akin ang sarili kong pagkatao. At masakit pa'y mismong asawa ko pa ang gumawa no'n sa akin.
"O siya, bababa na ako para ihanda ang lamesa. Tiyak na pabalik na si Senyorito para sa agahan. Bumaba ka na rin pagkatapos mong mag-ayos."
"Sige ho, Nay Sol."
Sinundan ko ng tingin ang mayordoma habang pababa ito ng hagdan. Pumasok na rin ako sa kuwarto at naligo para makababa na.
Ilang beses akong napapatulala sa tuwing makikita ko ang sariling repleksyon sa salamin. Napapatanong kung saan ba talaga ako nagmula. At hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakakaharap ang babaeng nakita ko sa TV. Kailangan kong gumawa ng paraan para magkita kami. Kailangan kong makaalis sa hacienda na ito.
I just wore a pink sleeves blouse with spaghetti strap and paired it with a denim shorts. Kakaunti lang ang damit kong ganito sapagkat halos lahat ng mayroon dito'y mga dress. Hindi ko maintindihan si David kung bakit pati pambahay kong mga damit ay katumbas na ng panlakad. Those were expensive dresses for sure. He also bought me expensive jewelleries. Pero hindi naman ako interesadong isuot ang mga iyon.
Naabutan ko sina Nanay Sol na abala sa paghahanda ng lamesa. As usual, parang may piging sa dami ng nakahain. Napailing na lamang ako.
Kumuha ako ng baso mula sa lagayan saka dumiretso sa harap ng refrigerator. Kinuha ko iyong fresh milk na nakalaan para sa akin.
"Tamang-tama ang pagbaba mo, Senyorita. Parating na raw si Senyorito David."
Gulat ako nang sumulpot sa gilid ko si Dionesa kaya't nabitawan ko ang hawak kong baso. Basag ito at nagkapira-piraso.
"Hala! Sorry, Senyorita! Nagulat yata kita," tarantang sabi at agad akong sinakluluhan.
"Ayos lang. Mag-iingat ka. Baka maapakan mo ang bubog."
"Naku naman, Dionesa..." naiiling na sambit ni Nanay Sol.
"Saglit lang ho, kukuha ako ng walis."
Hindi ko alam ngunit kumalabog ang dibdib ko nang mabasag ang baso. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari.
I shook those thoughts off. I leaned down and picked up the broken glass. Pinulot ko iyong pinakamalaking parte na naiwan para wawalisin na lang ni Dionesa ang natirang bubog.
Tinungo ko ang basurahan sa kusina para itapon iyon. Malakas pa rin ang kalabog ng puso ko.
Ano ba'ng nangyayari sa akin?
I stepped my right foot on the trash bin's pedal to open it. Itinapon ko ang bitbit kong basag na baso roon ngunit naagaw ang atensyon ko ng lukot na papel na naroon. Wala sa sariling lumingon ako. Nililinis na ni Dionesa ang mga bubog at si Nanay Sol naman ay pumasok sa dining.
Dinampot ko nang mga lukot na bond paper saka mabilis na lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa labas patungong dirty kitchen.
Inilapag ko iyon sa lamesa saka binuklat isa-isa. Napasinghap ako nang mamukhaan ko ang mga pigurang naka-print sa mga ito.
Ito ang mga litrato ng mga kalalakihan sa secret room!
But my attention was caught by the X marks on all the three figures. Ang huling pagkakaalala ko'y iisang mukha pa lang ang may markang ekis noong huling pagkakita ko nito sa secret room.
Ano'ng ibig sabihin nito?
"Senyorita?"
Natigilan ako at mabilis na nilamukos ang mga papel.
"Ano hong ginagawa n'yo rito?" Si Dionesa.
"Ah, itinapon ko lang 'yong pinulot kong basag na baso."
Tiningnan niya ako na parang nawiwirduhan sa akin.
"Ano ho 'yang itinatago n'yo sa likod n'yo?"
"Ha? Ahh, w—wala. Papel na itatapon ko rin sana. Nagkalat dito, e." I gulped hard.
"Ganon ho ba? Naku, pasensya na po kayo, Senyorita. Nakaligtaan yata ni Manang Inday na linisin dito."
"H—hayaan mo na. Hindi naman gano'n kakalat dito. At saka, alam ko naman marami kayong ginagawa. Balik na tayo sa loob?"
"Sige ho."
Napabuga ako ng hangin. Agad kong itinapon sa basurahan na nasa dirty kitchen ang bitbit kong nilamukos na mga papel saka sinundan si Dionesa.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa kusina at patungo sa dining. Natigilan ako nang magsalubong ang mga mata namin ni David. He's already here!
Tumayo siya't sinalubong ako. Kinintalan niya ako ng mabilis na halik sa labi.
"Good morning, wife."
Kung makaasta siya ay parang hindi siya nagsinungaling sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magkunwari na parang wala siyang inililihim. Pero kung iyon ang gusto niyang laro ay pagbibigyan ko siya.
"Good morning!" I greeted him back.
Hinawakan niya ako sa braso at saka iginiya paupo. Malapad ang mga ngiti ng mga kawaksing nakamasid sa amin. Tila kilig na kilig sila sa gestures ng kanilang amo. Kung alam lang nila ang ginawa ng lalaking ito.
"Kamusta naman ang paglilibot mo sa hacienda?" pagbubukas ko ng usapan.
Sinusundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Sumandok siya ng kanin at nilagyan ang plato ko. Kumuha rin siya ng bacon at itlog.
"Everything's doing well. The trucks will arrive today para mahakot ang mga tubo."
Tumango-tango ako.
"Nga pala, malapit na ang birthday ko. May gusto sana akong hilingin sa 'yo."
He gave me a lopsided smile.
"Anything for my wife's special day." Hinuli niya ang kamay ko.
Huminga ako nang malalim.
"Gusto ko sanang dalhin mo ako sa Manila. Sa lugar kung saan tayo unang nagkita."
Napabitaw siya sa 'kin. Ibinalik niya ang kamay niya sa tinidor at kutsara.
"You can request for anything except going anywhere in Manila, wife. If you want a new bag, I'll buy you a new one. If you want clothes, I will—"
"Wala akong pakialam sa mga material na bagay na kaya mong ibigay, David. I just want to get out of here. I want a new breath of air."
"Mausok sa Maynila. Magulo. I'm telling you, this is the best place for you, Hannah. We are not going anywhere. End of discussion."
Padabog siyang tumayo pagkatapos niyang sabihin iyon. Napayuko ako. Ramdam ko ang gulat na reaksyon ng mga kawaksing nasaksihan ang inasta ng kanilang amo. Lumunok ako para pigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking lalamunan.
David is getting worse everyday; and I don't think I can take any further.
Ibinaba ko ang kubyertos saka marahang tumayo.
"Busog na ho ako, Nay Sol. Kumain na rin ho kayo pati ang mga guards pakitawag sila."
"Pero anak hindi ka pa nangangalahati sa pagkain mo."
"Bababa na lang ho ako ulit kapag gutom na ako ulit."
Hindi ko na hinintay na sumagot sila. Agad akong naglakad at tinalikuran sila.
Umakyat ako sa taas. Hindi ko alam ngunit dinala ako ng aking mga paa sa library. Bahagya iyong nakabukas. Sinikap na hindi makagawa ng anumang ingay. Itutulak ko na sana ngunit narinig ko ang boses ni David.
"She's already asking a lot of questions, Martin. I don't know what to tell her anymore. Fuck!"
He sounded frustrated while talking to someone on the phone. Napahigpit ang hawak ko sa door knob.
"Hell no! At pagkatapos, ano? Kukunin siya sa akin ng kapatid niya? Ayaw kong bumalik si Hannah sa dating niyang buhay. I will do everything to protect her. Sa akin lang siya!"
Napatakip ako sa aking bibig. Kumawala nang tuluyan ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Naitulak ko ang pinto sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
"You're selfish, David! I hate you! I hate you!" I yelled.
Gulat siyang napalingon sa akin kasunod ay ang pagbagsak ng kanyang telepono sa sahig.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top