CHAPTER 8

Trust is the hallmark of love and compassion. Once broken, everything falls apart in domino effect.

CHAPTER 8

MY HUSBAND took me insatiably last night. Kung hindi ko pa siya sinadyang tinulugan ay hindi niya ako titigilan. Saglit lang kaming bumaba para maghapunan ngunit halos magdamag kaming gising sa kuwarto. Bawing-bawi siya sa tatlong buwan niyang hindi pagpaparamdam. He never left any part of my body untouched.

"Thank you for the last night, wife..." ngiti-ngiting sabi niya habang sumisimsim sa kanyang kape. Nakaupo siya sa kabisera ng lamesa samantalang nasa kaliwa niya ako. Kumakain na ako ng preskang bunga ng mangga.

Pinandilatan ko siya ng mga mata dahil tiyak na narinig nila Nanay Sol ang kanyang sinabi. Narinig ko tuloy ang mahinang tili ni Dionesa at ni Manang Inday.

"Saan tayo unang pupunta, mamaya?" pag-iiba ko ng usapan. Inignora ko ang nanunudyong ngiti ng mga kawaksi.

Hindi pa rin nawawala ang kanyang ngisi sa mga labi. Dinaig pa niya ang nanalo sa eleksyon.

"We're not leaving today, wife. You have to take a rest, you're tired," he answered with finality.

Sinimangutan ko siya. "Pero ang sabi mo kahapon ililibot mo ako rito sa Murcia at saka sa Bacolod."

Ang sabi nina Manang Inday ay marami raw puwedeng pasyalan dito sa Negros kaya tiyak na kulang ang isang araw para mapuntahan namin lahat. Excited na nga akong lumabas kami dahil ito ang pinakaunang beses na papayag si David na lumabas ako ng hacienda, given na kasama siya.

"That can wait, wife. I just want to spend this day with you," he rebutted.

I guess, wala na akong magagawa. Ang mahalaga ay papayagan na niya akong lumabas, sa wakas. Sana magtuloy-tuloy na ang bago niyang timpla. At kapag nakuha ko na ang tiwala niya na hindi ako tatakas ay saka ko siya yayayain na lumuwas ng Maynila.

"Okay," I shrugged.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Hindi ko alam pero kahit na mahal ko siya ay may parte sa akin na nagdududa kung totoo ba minsan ang sinasabi niya. Simula nang madiskubre ko ang secret room sa library ay nagiging mas alerto ako. I became skeptical about his gestures.

"Kamusta nga pala ang lakad mo sa Maynila? Ang sabi mo ay may mahalaga kang tinapos na misyon. So that means you resigned from your job?"

"I did," maikli niyang tugon. Bumalik ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.

"I see. Mabuti kung gano'n. Hindi mo naman na kailangan ng extra pang trabaho, 'di ba? Kumikita nang sapat ang hacienda para buhayin tayo."

Sinenyasan ko sina Nanay Sol pagkatapos kong sabihin iyon. Agad naman nila akong naintindahan dahil nagsipulasan sila. I wanted to talk to my husband privately.

"And I also want to stay beside you all the time, that's why..." aniya.

"Maraming salamat, David."

Naibaba niya ang tasa ng kape.

"I love it when you appreciate my simple decisions, wife. I feel secured."

"Nahirapan ako sa loob ng tatlong buwan na wala ka, David." Biglang nangilid ang mga luha ko nang maalala ko na naman. Pakiramdam ko noon ay isa akong librong nawawalan ng isang-daang pahina. I tried hard to appreciate the things at the present because I didn't have anything to reminisce in the past.

Iyong tipong sa tuwing titingnan ko ang mga bulaklak sa hardin ay pinilit kong maalala kung paano sila nagsimulang umusbong. Pinilit kong inalala ang sarili ko kung minsan na ba akong nakipaghabulan sa mga paru-paro na naroon. Pero wala akong naalala ni isa.

"I am so sorry, wife..." Hinawakan niya ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa.

"You're my only truth and light, David. Hindi ko alam ang gagawin ko kung magkalayo ulit tayo."

"I will never let that happen, wife. I would walk above the wires just to keep you forever."

Napaluha ako. May parte sa akin na nakonsensya na pinag-isipan ko siya nang masama samantalang sobrang mahal na mahal niya ako.

Tumayo siya at niyakap ako mula sa likod. Hinagkan sa aking tainga.

"We will start anew, wife. This time, it's just only you and me."

I nodded in agreement. Gusto ko na ring magsimula kami ng panibago. Iyong walang lihiman. Siguro kahit ano'ng gawin ko'y hindi na kailan babalik ang mga alaala ko. At masasayang lang ang panahon kapag pinilit ko pa ang sarili kong balikan ang nakaraan na malabo ko nang maalala pa. Ang mahalaga ay binigyan pa kami ng pagkakataon para gumawa ng panibagong mga alaala hanggang sa aming pagtanda. Mga alaala na maaari kong ikuwento sa magiging anak namin.

"I made a mistake, David."

Natigilan siya sa sinabi ko. Lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin.

"Your mistakes do not make you less of my only woman, wife. I love you and your mistakes. I don't care however big those are."

"Kahit na pinakialaman ko ang secret room mo? Tell me, David, ano'ng meron sa mga baril na nando'n?"

Tuluyan na siyang napabitaw sa akin. Naglakad siya at tumingin sa kawalan.

"M—may kalaban ka ba kaya ka may mga baril?" kinakabahang tanong ko. I've been dying to ask that question since he arrived yesterday. Kaya lang ay nauunahan niya ako palagi ng mapusok niyang mga halik.

"Those are nothing, wife. It was Dad's stuff. I just forgot to clear that room. And no, wala akong kalaban kaya huwag kang matakot," aniyang hindi makatingin sa akin. I'm not convinced about his answer.

"Kung gano'n paano mo maipapaliwanag ang peklat sa tagiliran mo?" nanghahamong tanong ko.

Umiwas siya ng tingin. Napahilamos siya ng mukha.

"I didn't know where I got this."

Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Wala bang mas magandang dahilan? Iyong kapani-paniwala? Kasi kahit mahal na mahal kita, bakit gano'n, David? Bakit parang may kulang sa ating dalawa?"

"Wife, please... Let's drop this topic. Come on, I will tour you around the ranch," balewalang sabi niya.

"No!" mabilis kong protesta. Tumayo na ako mula sa upuan.

"Naaksidente ka ba, ha? May sumaksak ba sa 'yo o may bumaril sa 'yo?"

He stiffened. I smirked sarcastically. Binalot ako ng pag-aalala.

"See? You're lying. Paano tayo makakapagsimula kung may pagdududa kang itinatanim sa puso ko, David? Asawa mo ako kaya dapat sinasabi mo sa akin ang lahat. Tell me, David. Ano ka ba talaga?"

Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba nang makita ko ang reaksyon niya sa bawat tanong ko.

"I'm fine, wife. No one hurt me or purposely harmed me. Okay?"

Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ako sa mga kamay.

"P—pero paano kung napahamak ka? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa 'yo, David."

"I won't let anything bad happen to me, wife. I will never make something that will cause you distress." Niyakap niya ako.

Pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. Kahit gusto ko siyang paniwalaan, may parte sa akin na nagsasabing may iba sa asawa ko. Was it my instinct?

"Kung ano man ang sinabi mo ay pinaniniwalaan ko, David. Wala akong ibang hangad kundi ang maibigay nang buo ang sarili ko sa 'yo. Iyong wala akong agam-agam. Alam mo ba minsan, nanghihinayang ako kasi kahit kaunti alaala nating dalawa kung paano tayong nagsimula ay wala akong matandaan. Hindi ko maaalala ang unang araw na tumibok ang puso ko para sa 'yo. Kaya hindi mo ako masisisi kung ginagawa ko ang lahat para bumalik na ang alaala ko."

"I told you, you don't have to force yourself, wife. Everything will come into place when it's the right time. And I'm always willing to wait. Kahit gaano pa katagal. I don't care if you don't remember a thing about us. I will make sure that you will never forget every minute that you got to spend with me moving forward."

Namamaos ang kanyang boses habang sinasabi iyon. Sinalubong ko ang mga labi niyang bumaba sa mga labi niya. Just like raindrops, his kisses could easily wash my torments away.

"I love you, my queen."

Hinalikan niya ako sa noo. Sa ilong. Sa magkabilang pisngi at pabalik sa mga labi. Napahawak ako sa kanyang dibdib, I kissed him with the same intensity. When we finally let go of each other's lips, his breathing hitched.

"Isang tanong na lang, David. Pagkatapos nito ay hindi na ako magtatanong," sabi ko.

"Spill it." He smiled at me.

"M—may kapatid ba ako?"

Napahigpit ang pagkawak niya sa akin bago niya ako binitiwan.

"David, please... Sagutin mo naman ako. Kasi gulong-gulo na ang utak ko, e. Kung mayroon man gusto ko siyang makita. Gusto kong makasama ang kapatid ko, David."

Hinawakan ko siya sa kamay. I can see the resentment on his face. My heart beat fast as I was anticipating for his answer.

"Please forgive me, wife..." hirap niyang sabi. Napaawang ako.

"Ang ibig mo bang sabihin ay---" Kumalabog ang puso ko.

"No. Wala kang kapatid," aniya saka tumalikod.

Kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko ay ang pagsilaglagan ng mga luha ko.

Inilabas ko mula sa aking bulsa ang maliit na litratong nahanap ko sa secret room. Kahit nabasa na ang ilang bahagi ay klarong-klaro pa rin ang mukha ng dalawang babae roon.

Bakit niya kailangang magsinungaling sa akin? Bakit?

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top