CHAPTER 7
CHAPTER 7
GUSTO KO SIYANG SIGAWAN AT MURAHIN. Tatlong buwan siyang nawala at hindi nagparamdam sa akin tapos bigla-bigla na lang siyang darating na parang kaninang umaga lang umalis?
Ginawa niya akong parang tangang naghihintay na umulan sa gitna ng disyerto. Bawat gabi na hindi ko siya katabi ay nangulila ako sa kanya. Bawat araw na hindi ko siya nakikita ay pilit kong kinumbinsi ang sarili kong baka busy lang siya. Pero kahit isang tuldok na text ay wala man lang akong natanggap mula sa kanya. Sinong hindi magagalit na asawa?
Pero bakit gano'n? Sobrang unfair. I was supposed to be throwing punches against him. I was supposed to be crazily mad at him but I just found myself running towards his direction, throwing myself unto his arms.
I felt like home again after being lost for the last three months. Galit ako sa kanya pero sabi ng puso ko sayang ang oras kung magmamatigas pa ako. Kasi lalo lang akong mangungulila sa mga yakap niya.
"I missed you so much, wife..." malambing niyang bulong at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Wala kaming pakialam pareho kahit na nakamata sa amin ang bisita at mga katulong. Kinuha ni Mang Ramon ang mga bitbit niyang picture frames.
I sobbed against his chest. I was overly emotional to even utter a single word. I missed him so much that I just wanted to hug him for the rest of my life. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, alam kong nanggigil din ako sa lalaking ito sa galit pero sobrang nangulila rin ako maging sa amoy niya.
"You missed me that much, huh..." he whispered, chuckling. Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kanyang mga kamay habang yakap-yakap pa rin ako. Sa totoo lang parang ayaw ko na siyang bitiwan. It always feels so good leaning against his muscled chest. I've always been feeling safe when I'm caged inside his chiselled arms.
"Mabuti naman ho nakauwi na kayo, Senyorito. Muntik ka na niyan sundan sa Maynila, eh..." rinig kong komento ni Dionesa.
Tumawa lang si David na parang tuwang-tuwa pa sa kanyang narinig.
"Nay Sol, pakiasikaso na lang ho muna ang bisita natin. I just need a privacy with my wife," aniya.
"Ah, no need, hijo. I just dropped to check on you. Napadaan lang pero sana magawi kayong mag-asawa sa Carmelite church," ani Sister Lenny.
"We'll definitely tour around Bacolod again, Sister Lenny. For the meantime, ililibot ko muna ang asawa ko rito sa Murcia para makabisado niya ang lugar."
"That's a good idea. Anyway, kailangan ko na talagang umalis. Gabayan kayo ng Diyos na mag-asawa. At sana sa susunod eh makikita ko na kayong may karga-kargang supling ninyo."
I didn't know what David's reaction was. Nakalubog lang aking mukha sa kanyang dibdib dahil nahihiya na rin akong humarap sa mga kasamahan namin sa bahay nang mapagtanto ko ang posisyon namin.
Nakarinig na lamang ako ng mga yapak na papalayo. I held my eyes closed while feeling my husband's embrace. A long silence surround the living room. Tanging paghinga naming dalawa lamang ang aking naririnig at ang nakabibinging kalabog ng aking puso.
"They're gone, wife." Marahan niya akong kinalas mula sa kanyang pagkakayakap ngunit hindi pa rin ako tuluyang binibitawan. He held my face using his both hands. Hinuli niya ang aking mga tingin.
"Please look at me, wife."
Pilit kong iniwas ang aking tingin. Oo nga't miss na miss ko siya pero hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang kanyang ginawa.
"Wife..." he murmured, caressing my chin using the back of his finger. His stares were intensely chasing my eyes to look at him.
Nang mahimasmasan na ako sa katotohanan ay marahan ko siyang itinulak.
"Umuwi ka pa. Sana doon ka na lang tumira," malamig kong deklara. Humalikipkip ako. Ang totoo'y parang may bumibikig sa lalamunan ko. Iyong pakiramdam na naghahalo ang inis ko sa kanya at pangungulila. It's frustrating.
Sinubukan niya akong hawakan ngunit mabilis ko siyang iwinaksi.
"I'm sorry, wife."
Tila hirap na hirap siya dahil hindi niya ako mahahawakan.
"Sorry? Seriously? 'Yan lang ang sasabihin mo pagkatapos ng tatlong buwan mong pagkawala? Ni hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ko! Halos mabaliw ako, David!"
I yelled at him. Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha.
"Gaano ba kahirap mag-text, ha? Gaano ba kahirap tumawag? Sa yaman mong 'yan wala ka bang pang-load?"
Napayuko siya. Tila naghahanap ng magandang idadahilan sa akin.
"I was just bus—"
"Don't you dare tell me that lame excuse, David! Hindi ka gano'n! You've always been a wife-over-everything type of person. Pero ano'ng nangyari? Iniwan mo akong nakalubog sa kumunoy!"
"Wife, please let me hold you..." he begged. Masasalamin sa kanyang mga mata ang matinding pangungulila.
"Not until you explain!"
"I told you I was just busy. I just needed to finish a project so you can have me forever. I will never leave you again. Please?" he pled.
Tiningnan ko siya nang masama ngunit hindi siya nagpatinag. I tried to shake him off but he caught me off guard. Bigla niya akong binuhat at patakbong umakyat sa hagdan.
"David, put me down!"
Naalarma ako mahigpit na napakapit sa kanyang leeg. Para lang akong papel sa kanya habang karga-karga niya paakyat.
May pagmamadali sa kanyang mga kilos habang binubuksan ang pinto. Sinipa pa niya iyon pagkatapos niyang pihitin ang sirado. Sinipa niya iyon pabalik nang tuluyan na kaming makapasok sa master's bedroom.
Marahan niya akong ibinaba sa kama at kinaibabawan. Nakatukod ang kanyang magkabilang braso sa gilid.
"You just don't know how much I've been longing to kiss and make love to you, wife. You've always been in my heart and mind wherever I go."
Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. His eyes sported the love and lust he feels.
"I missed you so much, my queen..." he declared before claiming my lips.
Just like that, I gave in. Napahawak ako sa kanyang dibdib nang lalo niyang pinalalim ang halik. God! I miss this man a lot!
Lahat ng pangungulila ko sa kanya'y unti-unting nagagamot ng malalambot niyang mga labi. He devoured my lips like I'm his loveliest prey.
"David..." I moaned. Napaliyad ako nang bumaba ang kanyang mga halik sa aking leeg, pababa sa aking dibdib. God! He's always been good at it. His kisses can magically vanquish all my scepticisms.
"I missed everything about you, wife..." he moaned. He started stripping my clothes like he's about to eat his food. Nagpaubaya ako. Masyado na akong lasing sa kanyang mga halik para magpaprotesta. Besides, my body has been aching for him. I've been wanting him to make love to me as well.
Our moans filled the room as we shared the pleasure of our love-making. Palubog na ang araw ngunit walang mapagsidlan ang init na nararamdaman namin para sa isa't-isa. He took me endlessly like he can't get over my body.
Lupaypay siyang nahiga sa tabi ko pagkatapos ng tatlong rounds. Kinuha na ang ulo ko at idinantay sa kanyang dibdib. Sa bahagi kong saan malinaw na nakamarka ang pangalan ko. I always love the sight of his tattoo on his chest. Ang sabi niya dati sa akin ay nagpalagay siya noon para lagi kong maalala na ako lang ang nagmamay-ari ng kanyang puso.
"Thank you, wife..." bulong niya. He's stroking my hair with his right hand while I was still lying on his chest. Pareho kaming hubad sa ilalim ng comforter. Naka-todo ang aircon sa loob ng kuwarto ngunit hindi iyon nakatupok sa init na ipinaramdam sa akin ng asawa.
"Wala nang iwanan, ha? Hindi ka na aalis?" parang batang sambit ko. Ayaw ko na siyang umalis dahil una sa lahat ay mahal na mahal ko siya. Siya lang din ang taong mapagkakatiwalaan ko. Hindi ko pa kilala ang mga taong nakapaligid sa akin. Kaya siguro masyado maingat sa akin.
"I will never leave you again, wife, even if you'll ask me to. I love you so damn much!"
Napangiti ako. Unti-unting nabura ang mga agam-agam ko sa kanya. Ang buong akala ko talaga ay may babae siya at hindi na niya ako babalikan.
"Mahal din kita, David..." mahinang tugon.
"Nga pala, may gusto sana akong itanong sa 'yo," nagdadalawang-isip na sabi ko. Bumagal ang pagsuklay niya sa aking buhok hanggang sa tumigil na.
"M—may kapatid pa ba ako, David?" I queried.
Mahabang katahimikan ang namayani. Hinintay kong sumagot siya ngunit naramdaman ko na lang ang pagpantay ng kanyang paghinga.
Nakatulog siya sa pagod!
I sighed. Akala ko pa naman ay may makukuha na akong sagot. Marahan akong bumangon at inayos ang comforter. Bumaba ako at kumuha ng damit sa closet. Pagkatapos kong magsuot ng nighties ay bumalik ako sa kama.
Humiga ako patagilid para pagmasdan ang payapang pagtulog niya. Ang makakapal niyang kilay ay parang inukit. His long lashes perfectly defined the shape of his eyes. I can't believe those red lips have explored my body in so many ways. Namula ako sa sariling pag-iisip.
I didn't know what came unto my mind but I touched his chest to feel his muscles. My husband is undeniably a chick-magnate. Damn. Marahan kong hinaplos ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan.
Ngunit natigilan ako nang may makapa ako sa kanyang bandang tagiliran.
I gasped. Bago siya umalis ay wala siyang gano'n. It was a scar.
What happened to him? Bakit siya nagkaroon ng peklat na parang tinahi?
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top