CHAPTER 29

CHAPTER 29

"WELCOME BACK, SENYORITA!"

Galak na mukha ni Susana at ni Manang Inday and sumalubong sa akin pagkababa ko pa lamang ng van na sinakyan ko galing airport. Tipid na ngiti ang itinugon ko sa kanila.

Mahigit apat na buwan na simula nang lisanin ko ang haciendang ito ngunit wala pa ring pinagbago. Mayayabong pa rin ang mga punong dinaanan namin kanina. Hitik pa rin sa bulaklak ang mga pananim sa hardin.

I left this mansion few months ago with a heavy baggage in my heart. Kagaya nitong mansyon ay wala ring nagbago sa 'kin. Bumalik akong mabigat pa rin ang dala-dala sa aking puso.

"Kumusta kayo rito, Manang Inday?"

I stepped forward and lightly hugged each of them. Nakasunod sa akin sina Kuya Ismael, Mang Ramon, at Briggs. Sila ang mga kasama kong bumalik dito. Iniwan ko na lang muna si Hans sa siyudad dahil hindi niya puwedeng iwan ang pag-aaral niya. Kasisimula pa naman ng pasukan noong nakaraang linggo. Hindi rin naman ako magtatagal dito. Mga dalawang linggo lang ay babalik na ulit ako ng Maynila.

"Ito, sobrang na-miss ka namin, Senyorita. Akala talaga namin hindi ka na babalik. Nawalan tuloy kami ng katsismisan nang ilang buwan. At kasama mo pa talaga si Ser Briggs na bumalik!"

Nagliwanag ang mukha ni Susana habang sinasabi iyon. Napalingon din tuloy ako kay Briggs na ngayon ay nakangiti sa mga kawaksi. Ibig sabihin ay hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta rito si Briggs?

"Glad to meet you again, Manang Inday..." he greeted. Tumili si Susana.

"Aba'y napakaguwapo n'yo pa rin, Ser! Alam n'yo ba, single pa rin ako, Ser!"

Agad namang siniko ni Manang Inday si Susana. "Nakakahiya kay Ser Briggs, ano ba?"

"E, bakit ba? Mukhang single pa rin naman si Ser, ah. 'Di ba, Ser?"

Natawa si Briggs sa bangayan ng dalawa. I gestured the latter to the mansion. I breathed in when I finally got to walk inside. Same set up. Makintab pa rin ang marmol na sahig. Kumikislap pa rin ang mga chandeliers sa kisame. Ang pinagkaiba lang ay nag-iba ang kulay ng mga kurtina.

"Senyorita, dadalhin ko lamang ito sa taas," imporma ni Kuya Ismael. Bitbit niya 'yong trolley na may lamang mga damit ko. I nodded in response.

"I will just check around, Hannah," paalam ni Briggs. I was about to ask something but he already turned his back.

Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit kinailangan pang sumama ni Briggs dito. Nang malaman niyang babalik ako rito ay nagpresenta siyang sumama. He did not even ask for my approval. Nauna pa siyang maglagay ng gamit sa sasakyan noong umalis kami.

"In fairness, parang lalo kang gumanda, Senyorita. Ang fresh n'yong tingnan," bulalas ni Susana. Matiim silang nakatingin sa akin. I smiled at them.

"Tama si Susana, Senyorita. Parang ang blooming n'yo ngayon. Iba talaga kapag nakaapak ng Maynila, gumaganda. Ano kaya kung pumunta rin ako ro'n?" segunda ni Manang Inday.

I lightly laughed at their remarks. I was actually wearing a plain maroon loose dress paired with sneakers. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga kapag magsusuot pa ako ng pantalon.

"Salamat sa inyong dalawa. Hindi pa rin kayo nagbabago, ang bungisngis n'yo pa rin. Pero nasaan na pala si Nanay Soledad? Bakit hindi ko siya nakikita?"

I roamed my eyes. Si Mang Ramon naman ay umiikot-ikot na sa loob ng bahay. As usual, kahit wala ang amo nila ay mahigpit pa rin nila akong binabantayan.

"Ay! Nasa kusina po si Nay Sol. Tumawag kasi si Ismael na uuwi ka rito kaya nagpahanda siya ng maraming pagkain. Hindi niya pa yata natunugan na nandito na kayo."

Si Susana ang sumagot.

Naglakad ako patungo sa kusina at sa bungad pa lang ay naamoy ko na kaagad ang mabangong nilulutong pagkain.

"Parang ang sarap niyang niluluto n'yo, Nay Sol."

"Ay, susmaryosep!" Napahawak siya sa kanyang dibdib sa gulat. Na-guilty ako, mukhang nagulat ko talaga siya.

"Senyorita Hannah? Nandito ka na?!" hindi-makapaniwalang bulalas niya.

I gave her a sincere smile. "Ako nga po, Nay Sol. Kumusta po? Pasensya na, nagulat yata kita."

Maluha-luha niya akong pinasadahan ng tingin. "Ikaw na nga 'yan, anak!"

Binitawan niya ang hawak na sandok at sinalubong ang aking nakadipang mga braso. Nagyakapan kami. Ingat na ingat akong hindi maipit ang aking tiyan.

"Diyos ko! Aba'y sobrang nasabik kami sa 'yo. Akala namin hindi ka na babalik!"

"Sobrang na-miss ko rin kayo, Nanay Sol. Lalong-lalo ka na."

Nanay Sol has cared for me like a mother. Kaya naman ay nangapa ako noong lumuwas ako ng Maynila.

"Gumanda ka lalo, anak..." aniya. Hinawakan niya ako sa pisngi.

"Salamat po, Nay Sol."

Just like the other maids, Nanay Sol did not mention anything about David. They acted naturally like their boss is just around. I wonder if they already knew about what happened to my husband.

"Tiyak na gutom ka na, anak. Tatapusin ko lang itong niluluto ko. Hintayin mo na lang sa komedor. O 'di kaya maglibot-libot ka muna sa mansyon. Ipapatawag na lang kita."

"Sige ho, Nay. Salamat po. Aakyat ho muna ako sa taas," paalam ko.

Tumango si Nanay Sol. I walked slowly---checking each corner of the house. Rumehistro sa utak ko iyong mga alaalang nagpasaya sa akin sa loob ng ilang buwang paninirahan ko rito noon. Iyong mga panahong pilit akong tumatakas sa mga bodyguads ngunit palagi akong nahuhuli.

Mahigit isang buwan ko nang hindi nakakausap si David. Wala akong nagawa kundi ang makibalita kay Atty. Del Rosario tungkol sa usad ng kaso niya. Last time I checked, the case is still under trial. They hindered me to communicate with David. Pakiramdam ko'y naka-house arrest ako nang mga nagdaang linggo. Hindi na rin nila ako pinayagang lumabas.

Kahit sobrang hirap sa akin ay sinunod ko lahat ng mga sinasabi nila sapagkat galing daw iyon mismo sa asawa ko ang utos. I have created too much stress for him not to follow his orders this time.

Nagpapasalamat na lamang ako't pinayagan nila akong bumalik dito sa Negros. I just missed my husband so much that I wanted to atleast smell him.

My tears automatically sprung when I opened the master's bedroom. Naupo ako sa kama at sinimhot ang comforter. Wala akong naamoy. Mukhang kakapalit lang din ng mga ito. Pati ang punda ng mga unan ay mukhang kakapalit lang din.

Nagtungo ako sa banyo. Maybe I should take a bath and use his shower gel. Nang sa gano'n ay maaamoy ko siya. Sa sobrang pangungulila ko sa kanya'y papatusin ko ang anumang makapagbibigay sa akin ng amoy niya.

Kumuha ako ng roba at tuwalya. Hinubad ko ang suot kong dress at pumailalim siya shower. Kasabay ng paglagaslas ng tubig sa katawan ko'y siya ring paglagaslas ng mainit na tubig mula sa aking mga mata.

I missed you so much, David.

His face registered in my mind. Iyong mamahalin niyang ngiti sa tuwing pumapayag akong sabay kaming maligo, which normally leads to an intimate session with him.

I went out of the bathroom covered with a white robe when I finally felt satiated. Kinuha ko rin ang blower para patuyuin ang aking buhok. Pagkatapos no'n ay dumiretso ako sa closet.

My eyes feasted on his shirts. Napapikit pa ako habang dinadama ang natural niyang amoy. Pati ang laman ng closet niya'y nahawaan na ng pabango niya, na siyang ipinagpapasalamat ko. I pulled one of his white long-sleeved polo. Kumuha rin ako ng isang boxer shorts. Kahit sa suot man lang ay gusto kong madama ang presensya niya.

I pulled the curtain and opened the sliding door leading to the balcony. Agad na nilipad ng hangin ang aking buhok nang lumabas ako roon. Napatingin ako sa mga pasong may lamang rosas. Glad Nanay Sol took care of the flowers here. Bago ako umalis ay nagsisimula pa lang na sumibol ang mga bulaklak ng mga ito; ngayo'y may mga talulot nang nahuhulog sa sahig.

I closed my eyes, imagining my husband hugging me from behind just like how he used to do before. Sa tuwing nahuhuli niya akong pumupunta rito ay nagugulat na lang akong may nakayakap na mula sa aking likod.

Halos araw-araw ay tinatawagan ko ang celpphone niya kahit na malabong masagot niya iyon. Ngunit kagaya ng mga nagdaang linggo ay tanging voicemail ang nakukuha kong sagot. I already lost count of the voice messages I left for him. Nagbabakasakaling isang araw ay mapakinggan niya ang isa sa mga iyon para malaman niya ang matinding pangungulila ko sa kanya.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang maulinigan ko ang malakas na katok sa pinto ng kuwarto. Pumasok na ako't sinara ang sliding door. Nang buksan ko ang pinto ay nakangiting mukha ni Manang Inday ang bumulaga sa akin.

"Senyorita, kakain ka na raw po."

Tumango ako. "Sige ho, Manang Inday, susunod ho ako."

"Sige, Senyorita. Tutulungan ko lang sila sa baba," hindi makatinging-sabi niya. Marahil ay nagulat siya na suot-suot ko ang damit ng kanilang amo.

Sinundan ko ng tingin ang kawaksi bago bumalik sa kuwarto. Inayos ko ang kamang nagusot ko kanina nang upuan ko.

Sa sobrang desperada kong madama ang yakap ng asawa ko'y nagdesisyon akong umuwi muna rito. I've been craving for him and his smell. Kahit apat na linggo pa lang ang ipinagbubuntis ko'y nahawa ko na rin si baby, mukhang pati siya ay nangungulila sa kanyang ama.

Napahaplos ako sa aking tiyan. Abot-langit ang tuwang naramdaman ko noong nalaman kong buntis ako. I kept it as a secret from everyone. Gusto ko kasing ang ama niya ang unang makakaalam tungkol sa ipinagbubuntis ko. Iyong isang gabing pinasaluhan namin ni David sa ospital ay agad na nagbunga sapagkat hindi gaya ng dati ay hindi na ako uminom ng pills.

Ipinagpapasalamat ko na lang na wala naman akong masyadong arte sa pagkain. Tanging ang amoy lang ni David ang hinahanap-hanap ko. Mukhang siya nga ang pinaglilihian ko. Minsan ay nasusuka rin ako sa umaga.

Bumaba na ako at ipinatawag lahat ng kasamahan sa bahay. Gaya ng dati ay pinagsaluhan namin ang napakaraming handa. Though I'm still disturbed because no one ever dared to mention my husband's name---- which was unusual for them; I remained quiet and pretended I am not that affected of their silence. Nagkamali ako—may nag-iba talaga sa mansyong ito. Para siyang bahay na nawalan ng haligi.

"Aakyat na lang po ako sa taas, Nay Sol. Kung may kailangan ho kayo ay katukin n'yo na lang ako sa kuwarto," paalam ko pagkatapos kong maghugas ng kamay.

"Sige, anak. Mabuti ngang magpahinga ka na. Tiyak na pagod ka sa biyahe."

Hindi ako pagod. Sadyang gusto ko lang magpakalasing sa amoy ni David. Nagsipulasan na sila pagkatapos kumain.

Bumalik ako sa kuwarto at saglit na nagmasid sa balcony. Tanaw na tanaw mula rito ang mayayabong na mga puno ng mangga at mga tubo. Masarap sa mata ang puro luntiang kulay na nakikita ko.

I spent almost an hour staring at the green fields when I decided to go back to the room. Nahiga ako sa kama . Niyakap ko rin 'yong unan ni David.

I held my cheek when I felt the hot liquid flowing on it. Dati-rati, isang iyak ko lang ay umuuwi agad si David, pero nitong mga nakaraang araw ay wala man lang dumating ni anino niya kahit na ilang balde na ng luha ang naiyak ko.

I buried my face to his pillow and poured my emotion.

Please, David. Hindi ko na kaya, umuwi ka na sa 'kin--- sa amin ng anak mo. Ibinulong ko iyon sa unan niya, baka sakaling mapanaginipan niya kami ng kanyang anak.

Ngunit habang tumatagal ay lalo lamang nangungulila ang puso ko. I cried and cried until my eyes got heavy. Hindi ko namalayang nakatulog ako.

NAGISING ako nang maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa aking baywang. Bahagya ring may humahaplos sa aking balakang. Umingos ako't unti-unting idinilat ang aking mga mata. Napapikit akong muli. Madilim na. Mukhang napahaba ang aking tulog.

Sinubukan kong bumangon ngunit agad na may pumigil sa akin.

My heartbeat rocketed when I felt something warm fanning the right side of my neck. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong hindi ako nag-iisa sa kuwarto. May katabi ako!

"You're awake, Wife..." came the hoarse voice.

My eyes pooled. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan siya.

"David."

It was almost a whisper. Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha ko nang mapagtanto kong hindi ako nananaginip.

Totoo siya.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top