CHAPTER 24
CHAPTER 24
I FINALLY FOUND MYSELF. We are all borne with a purpose even before our mothers bring us forth to this world.
Masalimoot man ang naging karanasan ko sa buhay ay hindi naman ako pinabayaan ng nasa Itaas. I lost the faith in my own self. Pero binigyan niya ako ng taong magmamahal sa akin nang totoo. Iyong taong tanggap ang nakaraan ko.
David's love is beyond unconditional. Napakapalad ko dahil siya ang binigay ng Diyos sa akin. Who am I to defy God's plan?
Dalawang linggo nang mahigit magmula nang magkita at magkausap kami ni Sister Janet. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga pinagdaanan ko magmula nang lumabas ako sa kumbento. Gulat na gulat siya sa aking isinalaysay. I told her every detail for to understand why I chose to continue my life outside the convent.
Huwag kang panghinaan ng loob dahil sa mga naranasan mo. Marahil hinayaan ng Diyos na mangyari iyon para mapunta ka sa tamang landas at tamang kanlungan. Siguro'y iyon talaga ang plano Niya para sa 'yo, Hannah. Hindi mo kailangang sumilong sa kumbento. Masisilbihan mo naman Siya sa ibang pamamaraan. Basta huwag mo lang kakalimutan ang mga aral Niya at isabuhay ito.
Iyon ang bilin sa akin ni Sister Janet bago kami naghiwalay. Pagkatapos ng mahaba naming pag-uusap ay lalong tumibay ang aking loob. Tuluyang nawala iyong kadenang nakapulupot sa puso ko.
David's doing well in his therapy as well. Natanggal na rin ang cast niya sa binti pero kailangan niya pa ring gumamit ng saklay. Tanging bendang nasa paa na lang ang natira. His right foot is still swelling. Pero ang sabi ng doktor ay tuloy-tuloy na rin ang kanyang paggaling which is a good news for us.
He has a session with his therapist today so I took the chance to buy some fruits from the nearby supermarket. Ang sabi nga ng doktor ay puwede na siyang umuwi at doon na lang ituloy ang therapy kaya lang ay kinailangan pang ipalinis ang condo niya. Kuya Hugh already hired people to clean it. Baka bukas o sa makalawa ay makakauwi rin kami roon.
"Ito na po ba lahat, Senyorita?" Si Kuya Ismael. Sinamahan niya kasi ako at siya ang nag-drive ng sasakyan.
"Oo, Kuya. Pakilagay na lang po sa backseat."
"Sige ho."
Pumasok muna ako sa loob ng kotse para mailagay niya ang dalawang paper bag na may lamang mga prutas. David will surely like these. Lalo na at nasanay siyang puro prutas ang nakahain sa lamesa namin noong nasa Negros Occidental pa kami.
"Binilhan ko na rin ho kayo ni Mang Ramon ng para sa inyo. Sa inyo po 'yang isang paper bag."
Ngumiti si Kuya. "Nag-abala ka pa, Senyorita. Pero salamat na rin. Matutuwa nito si Kuya Ramon."
I smiled in return. Saktong pagkasakay niya sa driver's seat ay tumunog din ang telepono. Lumingon siya sa akin para magpaalam na sasagutin niya muna iyon. Tumango naman ako.
"Hello, Senyorito Hugh?"
I rested my head on the headrest while waiting for Kuya Ismael. Kusang ngumiti ang aking mga labi nang rumihestro sa isip ko ang mukha ni David. I can't wait until he has fully recovered.
"Ho? Paano nangyari 'yon? Oho, pabalik na po kami ng ospital, Senyorito."
Natigilan ako nang biglang nataranta ang boses ni Kuya Ismael. Napaayos ako ng upo sa backseat.
"Opo, Senyorito."
Nang maibaba niya ang tawag ay bigla akong kinabahan.
"Bakit ho, Kuya Ismael? Ano'ng nangyari? Bakit napatawag si Kuya Hugh?"
"Senyorita, nasa Emergency Room po ngayon si Senyorito David."
"Ano?!"
Sinalakay ng takot ang aking dibdib.
"Pinilit niya raw kasing makalakad mag-isa noong wala ang therapist niya kaya natumba siya."
"Diyos ko! T—tara na, Kuya! Bumalik na tayo ng ospital!"
Agad namang pinasibad ni Kuya Ismael ang kotse. Abot-langit ang aking kaba at takot. Diyos ko! Huwag namang sanang may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko alam kung makakaya ko pang indahin ang sakit kapag nangyari iyon.
Wala pang limang minuto ay nasa tapat na kami ng ospital. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ni Kuya Ismael. Nauna akong bumaba. Ni hindi ko na rin nagawang bitbitin ang pinamili kp. Taranta akong tumakbo papasok ng entrance.
"Kuya!"
Nakita ko kaagad si Kuya Hugh na nasa labas ng Emergency Room. He was walking back in forth. Natigilan lang ito nang tinawag ko siya.
"Hannah."
"Kuya, ano'ng nangyari? B—bakit siya nasa Emergency Room?"
Bumagsak ang balikat ko nang napahilamos ng kanyang mukha si Kuya Hugh.
"His head hit the edge of the bed. Fck!"
Napaluha ako't napatakip sa aking bibig. Nanginig ang tuhod ko sa takot kaya't napaluhod ako sa sahig.
Diyos ko, huwag N'yo naman sanang hayaang may masamang mangyari pa sa kanya. He has suffered long enough for my sake.
Whatever he's going through right now, David doesn't deserve all of these. He had a fair share of everything that happened to me. Kahit nagkamali man siya ng desisyon minsan iyon dahil inisip niya ang kapakanan ko. He's a selfless person. He yanked all the pain for my sake. He deserves to be happy.
"Sir Hugh? Nabalitaan ko ang nangyari."
Nandilim ang paningin ko nang biglang dumating ang therapist niyang si Charmaine. I didn't wait a second. Mabilis akong tumayo at sinugod siya.
"Ikaw! Kasalanan mo 'to! Hindi mo siya binantayan!"
Tinulak ko siya. Naiinis ako sa kanya. Kung ginagawa niya sana nang maayos ang trabaho niya ay hindi mapapahamak si David.
"Hannah, stop it."
Sinubukan akong awatin ni Kuya Hugh ngunit hindi ko alam kung saan nagmumula ang lakas ko. Pumaling ang ulo ni Charmaine nang ginawaran ko siya ng sampal.
"Kung binantayan mo sana siya, hindi sana siya natumba! Kasalanan mo 'to!" I yelled.
"I'm s—sorry. Lumabas lang naman ako saglit kasi may tumawag sa 'kin."
"Then you're incompetent! You could have asked someone to watch over him before you left!"
Umiyak lang siya't hindi makasagot. Noong mga nakaraang araw ay halos hindi siya humiwalay kay David pero hinayaan ko. Dahil iniisip kong malaki ang maitutulong niya para mapabilis ang paggaling ni David pero hindi ko akalaing siya ang magiging dahilan para lalong mapahamak ang lalaking mahal ko.
"Hannah, please calm down."
Hinawakan ako ni Kuya Hugh sa siko kaya hindi ko na nagawa abutin si Charmaine.
"Charmaine, please leave us for now," pakiusap ni Kuya Hugh.
Tiningnan ko nang masama ang therapist. I know David's responsible for his own actions but I just can't stop myself from blaming his therapist. Siguro'y epekto ito ng takot ko.
I held my chest and puffed some air. Glad that Charmaine has started walking out. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't masugod siya ulit ng sampal.
Bumukas ang pinto ng Emergency Room kaya't napabaling ako sa doktor na lumabas.
"Relatives of Mr. Bustamante?"
"I'm his brother, Doc. Kamusta ang kalagayan ng kapatid ko?" mabilis na tugon ni Kuya Hugh.
The doctor took his mask off before answering.
"The patient is safe now. Mayroon lang siyang maliit na sa galos sa noo pero wala naman kaming nakitang malalim na sugat. Nawalan lang siya ng malay dahil siguro sa impact ng pagkabunggo niya sa gilid ng kama. We can have him undergo a CT scan to make sure but he's safe kaya huwag na kayong mag-alala."
Parang nabunutan ako ng tinik at napabuga ng hangin. Gano'n din si Kuya Hugh. He took a deep breath. Na parang nakahinga nang maluwag.
"Maraming-maraming salamat ho, Doc."
Ipinagsalikop ko ang aking mga kamay.
"Walang anuman, Miss. Maaari na natin ulit i-transfer sa private room niya ang pasyente. Mayamaya lang ay maaaring magkamalay na siya."
I chanted a little prayer when I heard that. Mabuti na lang pala at ligtas siya.
Dumating din si Kuya Ismael. Bitbit niya na ang mga pinamili namin kanina. I just told him to bring that to David's room. Inantay ko rin ang mga nurse na nagdala kay David sa private room.
"Salamat at nandito ka, Kuya Hugh."
Ngumiti si Kuya at marahan akong tinapik sa balikat. Nailipat na si David ulit sa kuwarto niya ngunit wala pa rin siyang malay.
"Of course, Hannah. Hindi ko naman puwedeng pabayaan ang kapatid ko. Don't get me wrong, I know you've been taking care of him but I just wanted to make sure that he's safe."
"Naiintindihan ko po. Partly may kasalanan din ako sa nangyari. Kung hindi sana ako umalis, e 'di sana'y nabantayan ko siya."
I sighed.
"Don't blame yourself, Hannah. What happened was no one's fault. Aksidente ang nangyari. Besides, my brother is safe now."
I nodded. Naupo ako sa tabi ng kama ni David at hinawakan ang kanyang kamay. Payapa ang kanyang pagtulog.
"Still, salamat, Kuya. Kung wala ka hindi ko siguro alam ang gagawin ko."
"No worries, Hannah. Anyway, I just have to settle my brother's bills again. Babalik ako."
"Sige ho."
Kuya nodded before turning his back. Napatingin ako kay Kuya Ismael nang mapansing nandito pa pala siya.
"Salamat din sa 'yo, Kuya Ismael. Puwede na po kayong umalis kung may pupuntahan kayo. Ako na ho ang bahala rito."
"Sige, Senyorita. Pupuntahan ko lang ho si Kuya Ramon sa labas."
Tumango ako.
Nang lumabas siya ng pinto ay mahabang katahimikan ang namayani. I stared at David's face. Amoy na amoy ko ang kanyang hininga.
Kahit natutulog siya'y nakakaakit pa rin siyang tingnan. Bahagya akong napangiti, lalo yatang kumapal ang kanyang kilay. Dark brows look good on him.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi. He's undoubtedly handsome. Ang unfair lang kasi sa sobrang guwapo niya ay mukha siyang walang sakit.
Dinala ko ang kanyang kamay sa aking pisgi. I held my eyes closed. Bukod sa titigan ako'y hobby niya ring hawakan ako sa pisngi.
"I love you, David..." I whispered.
Bahagyang gumalaw ang kanyang daliri kaya't natigilan ako. Naibaba ko iyon.
"David?"
Unti-unting nagmulat ang kanyang mga mata.
"David?" I called out. Ilang beses siyang kumurap.
Parang nabunutan ako ng milyong-milyong tinik sa dibdib.
"David, you're awake! Thank God!"
Hinawagan ko nang mahigpit ang kanyang kamay. He closed his eyes and opened them again. Bumaling siya sa 'kin.
"You're awake," muling sabi ko. Napaluha ako. Inabot niya ang pisngi ko at hinaplos iyon. Napapikit ako. His warmth feels relaxing.
"May nararamdaman ka bang masakit? Magtatawag ako ng doktor."
Umiling siya ngunit bahagyang dumaing at napahawak sa kanyang ulo.
"David, are you okay? I will call a doctor. Hold on."
Akmang tatayo na ako nang hinawakan niya ako sa kamay nang mahigpit.
"Huwag ka munang bumangon, baka mabinat ka." Nataranta ako't muli siyang pinahiga ngunit mabilis niya akong niyakap nang tuluyan na siyang makabangon.
"David, you're not okay. Kailangan kong tumawag ng doktor," sabi ko. Hinaplos ko ang kanyang likod. Napasinghap ako nang lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"I'm sorry. I'm sorry," pauli-ulit niyang sabi. Napakunot ako.
"It's okay, David. Aksidente ang nangyari. Ang mahalaga ay ligtas ka," tugon ko.
I tried to get off his grip but he doesn't want to let me go. Parang pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa 'kin.
"David..."
Pinaulanan niya ako ng halik sa ulo, sa noo, sa mukha. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng kanyang mga mata. He's holding his tears!
"I'm sorry. I'm sorry, my queen. Fck myself for forgetting about you. Damn it! I remember everything now. I remember you now, wife..." aniya.
Napatulala ako sa kanya.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top