CHAPTER 20

CHAPTER 20

"BABALIK KA NA NAMAN BA RO'N?'

Napatigil ako sa pagsusuklay ng aking buhok nang biglang pumasok sa pinto ng aking kuwarto ang kapatid kong si Heaven.

Napatitig ako sa repleksyon niyang nasa salamin. She heaved out a sigh.

"Ate, hindi ka niya naaalala, 'di ba? Bakit mo pa pagpipilitan ang sarili mo ro'n?"

Ako naman ang bumuntonghininga. Naupo ako sa stool na nasa harap ng vanity table. I stared at my own reflection on the mirror. I got dark circles under my eyes. Ilang gabi na akong walang matinong tulog.

"Hindi ba dapat ay nasa tabi niya ako sa mga oras na ito? Mas kailangan niya akong makasama palagi para makatulong ako sa pagbalik ng alaala niya."

Bagama't gumaralgal ang boses ko'y nagawa kong pigilan ang luha sa aking mga mata. Napagod na siguro ako sa kaiiyak sa loob ng ilang buwan.

"Pero paano kung hindi ka na niya maaalala? Wala kang pinanghahawakan sa kanya, Ate. Hindi ka niya asawa. Hindi kayo totoong kasal, 'di ba?"

I looked away. Ayaw kong makita ang sarili kong reaksyon sa sinabi ng kapatid ko sapagkat tagos iyon sa kasulok-sulukan ng puso ko.

"P-pero mahal niya ako," I responded, uncertain.

"How can you be sure? Hindi ba't pinalabas niyang mag-asawa kayo? Oo, alam kong mabuting tao si David, pero kahit pagbabaliktarin natin ang sitwasyon, niloko ka pa rin niya. Pinaniwala ka niyang kasal kayo at itinago ka niya sa 'min."

Napayuko ako. Heaven was right. Pero hangga't hindi ko naririnig mula kay David ang totoong dahilan kung bakit niya nagawa iyon ay ayaw kong bumitaw. Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko'y gusto kong marinig ang paliwanag niya sa lahat ng nangyari. I don't want to assume just because Kuya Hugh told me that David did everything for me.

Hanggang ngayon hindi ko rin alam kung paano nagawang kumuha ni David ng wedding pictures na iyon. At mukhang totoong-totoo dahil kaming dalawa ang nasa pictures. Hindi ako maaaring magkamali.

"Gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao, hindi ba? Kahit hinahampas na kayo ng mga alon sa gitna ng karagatan, kailangang hindi ka bibitaw. You have to keep sailing. Kasi kung titigil ka sa pagsagwan, paano mo mararating ang dalampisagan?"

Napangiti si Heaven sa sinabi ko ngunit pansin ko ang pagpahid niya ng luha. Madali talagang maapektuhan ang mga buntis.

"Ang ibig mo bang sabihin ay mahal mo siya, Ate?"

Marahan akong tumango at ngumiti. This time, nakatingin na ako ulit sa salamin.

"Naaalala mo ba noong mga teenager pa tayo, noong nasa ospital ako? Ang sabi sa 'yo ni Mama na manliligaw ko? S-si David 'yon."

Rumehistro ang gulat sa mukha ng kakambal ko kaya nagpatuloy ako.

"Siya rin iyong kaibigan ko noong mga bata pa tayo na gustong-gusto kong ipakilala sa 'yo pero hindi na kayo nagkita dahil umalis siya. Iyon pala'y dinala siya ng mga magulang niya sa Amerika."

"Pero pagkatapos ng high school ay binalikan niya ako. Hinanap niya ako pero huli na ang lahat dahil-"

I gulped. Ilang linggo ko ring binigyan ang sarili ko na makapag-isip-isip tungkol sa mga bagay-bagay. At pagkatapos ng nangyari kay David ay na-realize kong napakaikli pala talaga ng buhay para masayang lang sa pagmukmok at pag-alala sa mapait na nakaaraan. It's really time to forgive myself and my past.

"Diring-diri ako noon sa sarili ko at pakiramdam ko wala na akong kuwentang babae. Napakarumi ko na pagkatapos akong babuyin ng mga walang hiyang lalaking-"

"Ate, please... Tapos na iyon, huwag na nating alalahanin." Si Heaven.

"Hindi, Heaven. Kailangan nating alalahanin ang nakaraan at pagmuni-munihan kung tama bang ikulong pa natin ang ating sarili roon. Matagal akong naging alipin ng poot at panliliit sa sarili ko, pero sa kabila ng lahat ay minahal pa rin ako ng isang kagaya ni David. Hindi niya ako sinukuan noong mga panahong bumitaw na ako."

Napangiti ako noong unang araw na nagising ako mula sa mahabang pagtulog. Ang sabi niya ay mag-asawa raw kami. He even showed me our wedding rings. Kaya naniwala ako. That might be a desperate move but he made me happy. He became the best husband. Overprotective nga lang siya.

"Ramdam ko, minahal niya ako nang totoo, Heaven. Alam mo bang pangarap niyang maging isa kaming malaking pamilya?"

A smile crept my lips when I remembered how many times he reminded me that he wanted me pregnant. Siguro ay hindi lang talaga binigay ng Diyos sa panahong iyon ag isang anak dahil magulo ang sitwasyon naming dalawa.

"Ngayon lang kita ulit nakitang ngumiti nang ganyan, Ate." Heaven tucked my stray hair behind my ears.

"Kaya sino ako para pigilan ka sa kung ano'ng gusto mo? Basta anumang desisyon mo, susuportahan kita. Hangad ko lang naman ay ang sumaya ka nang lubusan. You have battled a war that lasted more than a decade so you deserve to be the happiest woman on Earth. At kung siya talaga ang makapagpapasaya sa 'yo, nandito lang ako para alalayan ka sa panibagong laban mo, Ate."

I hugged my twin sister. Para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib nang dahil sa wakas ay nasabi ko ang aking tunay na nararamdaman.

"Pero may balak ka na bang sabihin sa kanya ang totoo? I mean, you can't tail him forever, Ate. Baka magtaka siya kung bakit lagi kang bumibisita sa kanya."

Biglang bumalik ang kirot sa puso ko nang maalala kong hindi nga pala niya ako naaalala. Ang akala niya ay isa lang akong babaeng pinagti-trip-an siya.

I heaved out a sigh.

"Hindi ko alam, Heaven. Pero siguro bahala na ang Diyos. Kung sakali man na hindi na niya ako maaalala, ipaparamdam ko pa rin sa kanya na mahal ko siya. Baka sakaling maalala ako ng puso niya."

Heaven smiled in agreement. "Hanga talaga ako sa tapang mo, Ate Hannah. Dahil bago ka magdesisyon ay sinisigurado mong pareho nang dinidikta ang puso at isip mo."

"It's too early to give up, Heaven. Kaya huwag mo na akong alalahanin, kaya ko 'to. Ang isipin mo ay 'yong magiging baby ninyo ng asawa mo. Ayaw kong ma-stress ka pa nang dahil sa 'kin."

Malaki na ang tiyan ni Heaven. Mahigit dalawang buwan na lamang ay manganganak na siya kaya't hindi na rin siya gaano puweng gumalaw-galaw rito sa bahay.

"My baby's doing well, Ate. Don't worry. Sige na, tapusin mo na ang pag-aayos at baka ma-late ka pa. Pasensya ka na kung naistorbo kita."

Hinalikan niya ako sa tuktok bago lumabas ng kuwarto ko.

Muli akong humarap sa salamin pagkasara ni Heaven ng pinto ng kuwarto. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng aking sarili.

Sa garahe ay naghihintay na sa akin si Mang Ramon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako pinapabayaan ni Ismael. Kahit na hindi na rin sila naalala ng kanilang amo ay ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang trabaho. Pero noong pangalawang araw raw ni David na nagising ay agad nilang kinausap ito at ipinakilala ang kani-kanilang mga sarili. But I told them not to mention my name at any circumstance.

"Nakapag-agahan na po ba kayo, Mang Ramon?" tanong ko nang makapasok na ako ng kotse. Binuhay niya naman ang makina.

"Oho, Senyorita. Tinawag ako kanina ni Sir Micaller. Napakabait talaga ng napangasawa ng kakambal n'yo. Balita ko sila rin ang may-ari ng ospital kung saan naka-admit si Senyorito David. Totoo ba 'yon, Senyorita?"

"Oho, Mang Ramon." Ikinabit ko ang seatbelt nang umabante na ang kotse.

Nang may maalala ako ay hindi ko na napigilan magtanong.

"Maiba ho tayo, Mang Ramon. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung bakit nandito si David sa siyudad noong naaksidente siya. Hindi ba't nagpaiwan siya sa Negros?"

Sinulyapan ako ng matanda. Napangiti ito.

"Naku, Senyorita, kilala n'yo naman si Senyorito David. Noong araw na umalis tayo ng Negros ay nakasunod na 'yon sa atin. Lumuwas din siya ng Maynila. May sarili naman siyang condo rito, eh. Ang totoo niyan lasing siya habang nagmamaneho ng kotse niya kaya siya naaksidente."

Napaawang ako. Hindi ko naiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari. Kung hindi sana ako lumuwas, hindi sana niya ako susundan. Hindi sana siya naaksidente.

"Bakit, Senyorita?"

"W-wala naman ho. Sana pala hindi na lang ako nagpumilit na lumuwas noon, 'no?"

Mapait akong ngumiti.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Senyorita. Wala namang may gustong mangyari iyon kay Senyorito David. Sana nga lang ay gumaling na siya at bumalik na rin ang alaala niya."

Malungkot akong bumuga ng hangin.

"Sana nga, Mang Ramon." Tumikhim ang matanda. Nakatingin lang ako sa windshield habang nag-uusap kami.

"Senyorita, wala ka ho bang balak na sabihin kay Sir David ang totoong relasyon ninyo?"

Natigilan ako. Alanganin akong umiling kay Mang Ramon. Nag totoo'y hindi ko rin alam.

"Siguro hintayin muna natin na makalakad siya. Iyong tuluyan na siyang gumaling."

"Pero paano kung may ibang babae na dumating sa buhay ni Senyorito?"

Napahawak ako sa aking dibdib nang bahagya iyong kumirot. Sinulyapan ko si Mang Ramon. Diretso langa ng tingin nito sa daan.

"Bakit, Mang Ramon? May iba pa ba siyang babae?" Bumikig ang lalamunan ko sa sarili kong tanong.

"Wala naman, Senyorita. Nahahalata lang namin ni Ismael na mukhang type si Senyorito ng therapist niya. Mukha ngang nagkakamabutihan sila."

"Ano?!" Tumaas ang boses ko. My heart thumped.

"Oho, kaya nga nag-aalala kami, eh."

Nakagat ko ang aking ibabang labi.

"P-pero hindi ko alam ang gagawin ko, Mang Ramon. Hindi ako pinaniwalaan ni David noong sinabi kong mag-asawa kami."

"Hindi naman talaga kayo kasal ni Senyorito, 'di ba? Kaya ibig sabihin ay puwede siyang makiparelasyon sa ibang babae-"

"Hindi ho ako makakapayag!" I trembled.

Mang Ramon slowly stepped on the break. Nasa harap na pala kami ng hospital. Pinatay niya ang makina.

"Senyorita, gusto mo bang tulungan ka namin ni Ismael na sabihin kay Senyorito ang totoo kung sino ka talaga sa buhay niya?"

I sensed the pity on his voice. Umiling ako.

"Hindi na ho kailangan. Kaya ko na ho ito, Mang Ramon. Salamat po sa pag-aalala ninyo sa akin. Pero naniniwala akong magiging maayos din ang lahat." Bumuntonghininga siya.

"Ikaw ang bahala, Senyorita."

Nagpaalam na ako at mabilis na tinunton ang entrance ng ospital. Dire-diretso ako sa elevator at pindot nag floor kung saan ang kuwarto ni David. Ang lakas ng kalabog ng puso ko.

Pumikit ako't humingan nang malalim nang makarating na ako sa harap ng pinto. I knocked twice before opening it. Ngunit hindi ko pa man napipihit ang pinto nang bumukas iyon. Lumabas si Kuya Hugh.

"Hannah."

"Kuya?"

"Mabuti dumalaw ka ulit."

"Ahhm..." napayuko ako May bitbit akong paper bag na may lamang pagkain. Balak ko sanang dito na kumain para sabay kami ni David.

"Come in. Gising na si David. I just have to make some calls. Ikaw na muna ang bahala sa kanya," aniya saka tuluyang lumabas saka nilampasan ako.

Humugot ako nang malalim na hininga bago pumasok. Halos hindi ko ihakbang ang aking mga paa. Ngunit napatalon ako sa gulat nang sumalubong sa akin ang baritonong boses.

"It's you again?"

I froze. He was looking at me intently. Nakaupo siya sa kanyang kama. Natanggal na ang benda sa kanyang ulo ngunit nanatiling nakabenda ang kanan niyang paa.

"Ahmm, I brought some food."

I cleared my throat. Nanlamig ang buong katawan ko sa kaba.

"The last time we talked, you said you're my wife. But I confirmed it with Kuya Hugh, he said I'm single. Now, you're bringing me food? I don't want to assume but, do you like me, Miss Hannah?" he queried. A playful grin playing his lips.

Napalunok ako. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko'y nagawa kong salubungin ang kanyang tingin.

"Paano kung sabihin kong, oo? Gusto kita. Gusto kita, David."

Napatulala siya sa sinabi ko. His forehead creased. Kumalabog ang puso ko habang naghihintay sa isasagot niya.

"Come here."

Wala sa sariling humakbang ako papalapit sa kanya.

"Closer." Isang hakbang pa. Hinila niya ako paupo sa kama kaya napatili ako.

"My heart beats faster than usual when you're this close to me, Miss Hannah. I don't know what's happening to me but, sorry, you can never love someone like me. I cannot even take care of you," mapait niyang sabi. Namumungay ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. I gulped when my eyes landed on his lips.

Hindi na ako nakatiis pa. Hinila ko siya sa batok at hinalikan siya sa kanyang mga labi.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top