CHAPTER 2

CHAPTER 2

NAKALIMUTAN na naman niya. Hindi ito ang unang beses na hiningi ko kay David ang wedding pictures namin. Ang sabi niya kasi ay sa Maynila kami ikinasal kaya't walang naka-display na ni isang wedding picture namin dito sa mansyon. Naniniwala akong malaki ang maitutulong ng wedding pictures namin para bumalik ang alaala ko.

"S-sorry, wife."

He looked at me apologetically. I still managed to smile despite the wave of disappointment that ruffled my chest.

"O-okay lang. May next time pa naman."

Bahagya siyang ngumiti sa akin na tila nakahinga nang maluwag. Hinawakan niya ako sa baywang at hinapit. Napahawak ako sa kanyang dibdib. At dahil mas matangkad siya'y napatingala ako sa kanya.

"Are you mad?"

Umiling ako. Disappointed ako pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Alam kong napaka-busy niyang tao at isinisingit pa niya ang pag-uwi rito para lang kamustahin ang kalagayan ko.

"Then look at me, wife. I want to know what's going on with your pretty little head." He kissed my temple, still hugging my waist.

Hindi ko itinago ang lungkot sa aking boses.

"Gusto kong maalala lahat, David. Gusto kong maalala kung paano tayo nagsimula. K-kasi naisip ko, masyado na akong unfair sa 'yo. Mahal kita pero gusto kong buuin ang sarili ko para maibigay ko sa 'yo ang lubos na pagmamahal na nararapat sa 'yo. Gusto kong pasayahin ka nang buong-buo."

An amused smile crept from his lips. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi gamit ang likod ng kanyang mga daliri.

"You don't have to force yourself, wife. There's just one thing that would make me whole---it's you. Just promise me that you won't ever leave me whatever happens."

Tumatagos sa kaibuturan ko ang mga titig niya. I couldn't help but to melt from his words.

"Walang dahilan para iwanan kita, David. Kasi ikaw lang ang dahilan kaya hanggang ngayon hindi ako nawawalan ng pag-asang mabuhay. Salamat dahil kahit hindi ko naaalala kung anong meron tayo dati, mahal na mahal mo pa rin ako. I am the luckiest wife in the world."

Ginawaran niya ako ng sinserong ngiti pero kahit ano'ng gawin niya hindi niya pa rin maitago na may lungkot siyang nararamdaman sa likod ng mga ngiting iyon. David is trying to be strong in front of me. Kahit hindi niya sabihin alam kong mabigat din sa kanya na sa aming dalawa, siya ang mas nagmamahal. Kahit kilala siya ng puso ko, hindi pa rin maiaalis sa akin na hindi ko lubusang kilala ang pagkatao niya sapagkat wala pa rin akong naaalala.

"Good. And I won't ever let you leave me as well, wife. You're the air I breathe; and I couldn't imagine life without you. I don't care if you don't remember the memories that we had before. We can still build new ones together. I love you, wife."

He captured my lips right after. Katulad ng mga halik niya'y natangay ng sandali ang aking mga mata kaya kusang pumikit ang mga ito. Only David can do this to me. Kapag kasama ko siya'y kusang gumagalaw ang aking katawan na parang may sarili itong isip.

Nakakalunod ang kanyang halik kaya't biglang nanlambot ang ang aking mga tuhod. Muntik na akong matumba ngunit mabilis niya akong sinambot sa baywang habang nagpapatuloy ang aming paghahalikan.

"I missed you..." he whispered lovingly in my ear.

Nakahawak na ako sa kanyang dibdib habang ang dalawang kamay niya naman ay nakapalibot sa aking baywang,

"Kahapon ka lang naman umalis, ah. 24 hours pa lang tayong magkahiwalay. Akala ko ba buong linggo kang mananatili sa Maynila dahil sa trabaho mo?"

"I can't help it. Your face keeps taunting me. And don't think that I forgot about what you did yesterday, wife. Sinundan mo si Nanay Soledad kahapon sa palengke."

Biglang nagbago ang timpla ng kangyang mukha. He looked mad this time. Napangiwi ako nang maalala ang ginawa ko kahapon. Nagbabakasakali lang naman akong baka may makakilala sa akin sa labas at may maalala ako.

"I told you not to go out unless you're with me. Damn it, you don't remember a thing. Paano kapag mapagsamantalahan ka ng mga taong hindi mo kakilala?"

I massaged his chest gently to calm his mood. Napansin kong napalunok siya.

"Sorry na. Baka lang kasi may nakakakilala sa akin. Baka sakaling paunti-unti ay bumalik na iyong alaala ko."

"Fuck it! I don't want you to remember anything!"

Bigla akong napabitaw sa kanya. Sa isang iglap ay nanghina ang aking mga tuhod at hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. My lips trembled.

Maging siya ay nagulat sa kanyang nasabi. Sinubukan niya akong hawakan ngunit mabilis ko siyang iwinaksi.

"Kaya ba ayaw mo akong makisalamuha sa iba? Kaya ba hanggang ngayon paulit-ulit mong nakakalimutan dalhin ang wedding pictures natin dito sa hacienda? Kaya ba ayaw na ayaw mong lumabas ako kapag hindi kita kasama? Kaya ba-"

"I do not mean something like that, wife. Fuck!"

Bigla siyang nataranta at pilit akong hinahawakan. I shook my head. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Hannah, please?"

"Tell me, bakit ayaw mong maka-alala ako? May nagawa ka bang mali o may nagawa akong mali sa 'yo? Tell me!"

Hinila niya ako at mahigpit na niyakap.

"Shh, it's not what you think it is, wife. I just don't want you to remember the painful memories that hurt you a lot. I just want us to build happier ones kasama ng mga magiging anak natin. Ang gusto ko lang ay huwag mong madaliin ang sarili mo. I'm not forcing you to remember our story in the past. Pupunan ko lahat ng mga kulang sa pagkatao mo. I don't want you to hurt yourself by forcing yourself to remember your past."

"Gano'n ba kasalimoot ang nangyari sa nakaraan ko kaya ayaw mong makaalala ako?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat pagkatapos niya akong pakawalan sa yakap.

"I'm doing this to keep a promise."

"Promise?"

Nangunot ako. He gave me a reassuring smile.

"There's something that happened to you that you don't want to remember and you made me promise not to bring that up again. And now that your mind completely deleted that painful tragedy, I don't want to destroy the second chance that you gave yourself. You almost e-ended your life back then."

Bumilis ang tibok ng puso ko at napaawang sa aking narinig. I can sense the sincerity in his voice. Ramdam ko rin na tila nahihirapan siya.

"N-nagawa ko 'yon?"

Mapait siyang tumango. Napaluha ako.

"I love you so much, Hannah. At gagawin ko ang lahat huwag ka lang ulit masaktan. Gagawin ko ang lahat para masayang alaala lang ang maiisip mo sa tuwing tinitingnan mo ang sarili mo sa salamin."

Dinamba ko siya ng yakap. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong saktan ang sarili ko noon. But curiosity started to build up in my mind.

"I'm sorry, David. Patawarin mo ako kung hinusgahan kita."

"There's no need for you to remember the past specially if it will just ruin you. You have suffered enough, wife. I don't want to see you devastated again."

I nodded in agreement. An inch of guilt ruffled my chest. Masyado na yata akong naging selfish na hindi ko naisip na sa aming dalawa'y si David ang mas nahihirapan. Una'y kinailangan niyang indahin ang sakit na wala akong na-aalala tungkol sa kanya. Higit sa lahat ay pinipilit niyang punan ang pagkukulang ko sa kanya. He's the best husband.

"Pero paano kung makakaalala na ako?"

He stiffened.

"Whatever will be, will be, wife. Whatever happens I'll just be here for you."

"Maraming salamat, David."

Napanatag ang aking loob. Kahit ano kakayanin ko basta kasama ko lamang ang asawa ko. Sasamahan ko ng dasal ang bawat hamon ng buhay sa aming dalawa.

"Kay sweet naman ng dalawang ito."

Napalingon kami ni David nang biglang sumulpot si Nanay Soledad. Malapad ang kanyang ngiting sumalubong sa amin.

"Nakahanda na ang pagkain, Senyorito."

Hinalikan muna ako ng aking asawa sa tuktok bago sinagot si nanay Soledad.

"Susunod na ho kami, 'nay. Salamat ho."

"Oh siya, sige. Mabuti na nga lang dumating ka, anak. 'Yang asawa mo kasi hindi na naman kumain ng almusal kanina. Nauna pa siyang tumalon palabas ng mansyon. Masyado yatang na-excite noong malamang mag-aani na sila Berting ng mangga."

I bit my lower. Natampal ko na lamang ang aking noo. Pinisil ako ni David sa baywang.

"Tsk!"

Ngingiti-ngiti akong niyakap siya sa baywang.

"Sorry na. Nag-crave ako bigla sa mangga, eh." I pouted. Bigla akong naglaway nang maalala kong hindi man lang ako nakapagdala.

"Nanay Sol, pasuyo naman po kay Mang Ramon, pakidalhan kamo kami ng mangga rito."

"Sige, anak. Magdadala naman talaga ang mga 'yon dito kahit hindi ka magsabi. Mamaya ipagbubukod kita ng para sa 'yo."

"Salamat ho, 'nay."

"Why? Naglilihi ka na ba?" biglang tanong ni David.

Namilog ang mga mata ko.

"May laman na ba 'to?"

Tumigil siya't hinawakan ang aking tiyan. Mabilis kong pinalis ang kanyang kamay.

"Hindi, ah. Ganito lang talaga ako kapag malapit na ang buwanang dalaw. Gusto kong kumain ng mangga o 'di kaya ng kahit na anong maasim."

Naluluging bumuntong-hininga siya. Natawa ako.

"Doesn't matter, I will just double my time. Maybe we need to do it more often."

Kinindatan niya ako. Nanlaki ang aking mga mata nang ma-realize ko ang ibig niyang sabihin.

"Loko!"

Tinampal ko siya sa braso ngunit hinuli niya ang aking kamay. Napatili ako nang bigla niya akong binuhat papuntang komidor-bridal style.

Nangingiting nakamasid sa amin ang mga kawaksi. Agad akong kumayapit sa kanyang leeg. Tatawa-tawa siya pagkatapos akong maibaba sa tapat ng lamesa.

"Wow! Ang dami n'yo namang niluto, 'nay!"

"Siyempre tumawag 'yang asawa mo bago siya umuwi. Alam mo namang minsan lang naman siya magtagal dito kaya dapat lahat ng paborito ninyo ay nakahain sa lamesa."

Napailing ako. Ganito lagi kapag umuuwi si David---parang may fiesta sa dami ng handa.

Napatigil kami sa pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone ni David. Agad niya iyong dinukot sa kanyang bulsa.

"Excuse me, wife. I'll just take this call."

Tumango ako. Ipinaghila niya muna ako ng upuan bago siya lumabas ng kusina.

"Sandali lang ho, 'nay Sol. Susundan ko lang si David. Magdagdag ho kayo ng plato para sabay-sabay na tayong kumain."

"Sige, anak."

Dali-dali akong tumayo. Hindi ko alam ngunit ginawa ko ang lahat para hindi makalikha ng anumang ingay ang aking bawat hakbang.

Naabutan ko sa garahe si David. Nakahawak sa kaliwang baywang niya ang kanyang kamay habang nasa kanang tainga ang kanyang cellphone.

"What the hell, Martin? Babae lang 'yon! Paano ka nagawang takasan?"

Nangunot ako. Halatang aburido siya sa kanyang kausap.

Martin?

Kung hindi ako nagkakamali ay isa iyon sa madalas niyang kausap sa cellphone niya.

"What? Of course, dumbass! Malalagot ka kay Montreal kapag nalaman niyang nakatakas si Dennis."

"What? You're in love with that girl? The fuck! You're doomed!"

Hindi ko alam pero parang may kakilala akong Denise. Hindi ko alam kung sino at ano siya sa buhay ko. Hindi kaya isa siya sa mga kaibigan ko dati?

"Fuck you! Don't ever use that trick against me. Her cousin is living a peaceful life with me. Don't you dare, Martin! Kapag nalaman nila ang tungkol kay Hannah, mananagot ka sa 'kin."

Bumilis ang tibok ng puso ko kaya hindi ko napigilan ang sarili kong sumingit.

"Bakit siya mananagot, David?"

Mabilis siyang napalingon sa akin at marahas na napamura.

"Hannah?"

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top