CHAPTER 19
CHAPTER 19
"WHAT'S THE MATTER? Are you okay, Miss?"
Tumango-tango ako kahit na nanlalabo na ang aking mga mata sa luha.
"Wait, where's Mom and Dad? And where am I?" he asked helplessly. Parang sinaksak ako nang paulit-ulit sa puso.
"Nandito ka sa o—ospital," I struggled to answer. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako ngayong nagising na siya sa wakas pagkatapos ng isang buwan o magtatampo na naman sa pagkakataon dahil nakalimutan niya ako.
Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Sabay na pumasok ang doktor, isang nurse, at ang kapatid ni David na si Hugh.
Gumilid ako at pasimpleng pinahid ang aking mga luha.
"Glad you're awake again, Mr. Bustamante," anang doktor. David stared at the doctor blankly as if he's trying to decipher what's happening to him.
"Kahapon kasi noong nagising ka ay nakatulog ka kaagad kaya hindi ka namin nakausap. How are you feeling?"
Irritation painted on David's face. Na para bang ayaw niyang kinakausap siya ng mga tao. His beautiful pair of eyes searched for something around the room until it landed on me. Kumalabog ang puso ko. His mouth opened but did not say a word. We remained silent while waiting for his answer.
"My back aches like hell. I couldn't move my feet. Fck!" he cursed.
"That's normal, Mr. Bustamante. You've been asleep for more than a month," the doctor answered patiently. Hindi pa rin naaalis sa akin ang mga mata niya.
"What?"
"Yes, David. You've been here for more than a month now." Ang kuya niyang si Hugh ang sumagot.
"What happened? Where's Mom and Dad?" he asked. Muli akong napaluha. Tinakpan ko ang aking mga bibig at lumayo nang kaunti mula sa kanyang kama.
"Matagal na silang wala, David. What's happening to you?"
"What? Wala? What are you saying, Kuya? Where are they?"
Nagtangka siyang bumangon ngunit agad ding napahiga nang dumaing sa sakit.
"Fck this! What's happening?!"
"Calm down, Mr. Bustamante. We will be checking on your vital signs first."
Lumapit sa kanya ang doktor at nurse.
"May iba ka pa bang nararamdaman bukod sa pananakit ng likod at binti? Do you feel any headache?" muling tanong ng doktor.
"Doc, who in his right mind wouldn't feel any headache when he's on this condition, huh?" he responded sarcastically. Hindi ko mapigilan mapangiti habang naluluha. He might have forgotten me but he still didn't change when he's irritated. Wala siyang pakialam kung sinumang kaharap niya.
"Your mouth, David," his brother warned.
"Kuya, get me out of here. Fck! What the hell is happening to me?"
"You met a car accident a month ago, David. Don't you remember?" Kuya Hugh patiently explained. Halata sa boses niya na nagpipigil lang ng kanyang emosyon. Just like David he has this innate talent in controlling their emotion.
"What? Accident?"
"Yes, Mr. Bustamante," the doctor added.
"Iyon ang dahilan kaya ka natagalan dito sa ospital. You even got your right leg broken that we had you undergo a surgery."
"What?" hindi makapaniwalang bulalas ni David. Namula ang kanyang leeg. He used to be like that when he's frustrated.
"You heard it right, Mr. Bustamante. Mabuti na lang at mabilis ang pag-respond ng katawan mo sa mga gamot. Huwag mo sanang bibiglain ang sarili mo. You will find it hard to walk but don't worry, as long as you will regularly take your meds, you'll be able to walk again in a span of one or two months. Depends as well sa determinasyon mong makalakad ulit. We have the best therapists to help you walk again in good shape," mahabang paliwanag ng doktor. Tinakpan ko ang aking mukha at doon ibinuhos ang aking luha. I tried hard not to make a sob.
"Fcking hell!" he cussed, frustrated.
"Your vitals are normal but you still have to stay for another week here in the hospital. We still need you to undergo MRI just to make sure your head is okay."
"Damn it!"
I cried silently while listening to his frustrations. I know this is not going to be easy for him. He hates it when he can't do anything for himself. At ngayon, hindi ko alam kung paano ko muling papasukin ang buhay niya gayong mukhang wala siyang naaalala tungkol sa 'kin.
"Stay still, David." It was Kuya Hugh, for the second time, warning his younger brother. Ngunit parang wala lang iyon kay David. Patuloy pa rin siya sa pagmumura nang malutong. I can't help but to feel agitated about what's happening.
The doctor stared at us sympathetically.
"Mr. Hugh Bustamante and Ma'am, kailangan ko kayong makausap sa office ko," ani ng doktor. Sabay kaming tumango ni Kuya Hugh.
"Susunod ho kami, Doc. Salamat," mahinang sagot ko.
Nang tiningnan ko si David ay nakatalikod na ito sa direksyon ko. He's really upset and irritated.
"Fck! I can't be like this!" patuloy na mura niya.
Naunang lumabas ang doktor at nurse. Sumunod din si Kuya Hugh. Napatitig ako sa likuran ni David. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita pero nilamon ng katahimikan ang aking boses. I just pried my tears away and walked out of the room slowly. Pakiramdam ko sa bawat paghakbang ng aking mga paa palabas ay hinuhugot ko ang takong ng aking sapatos na nakabaon sa sahig.
My footsteps were getting heavier and heavier as fast as my heartbeat. At nang maisara ko ang pinto ay napasandal ako roon. Pinakawalan ko ang hagulgol na kanina ko pa pinipigilan.
Hanggang kailan ba matatapos ang pagdurusang ito? Ipinanganak ba akong tagasalo ng sama ng loob ng langit? Hindi ko napigilang itanong.
"Senyorita? Ayos lang po kayo?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Mang Ramon. I shook my head while wiping my tears.
"A—ayos lang po, Mang Ramon. Huwag n'yo na lang po akong pansinin."
I struggled to gather my words. "Pakibantayan na lang muna ninyo si David. Kakausapin ko lang ho ang doktor niya."
"Sige ho, Senyorita. At saka huwag na po kayong umiyak, ayaw pa naman ni Sir David na umiiyak kayo."
Lalo akong napahagulgol nang maaalala ko kung bakit pinayagan niya agad akong umalis ng Negros noon. Hindi niya ako kayang tiisin lalo na kapag umiyak ako. That would cause him panic.
"Excuse me po."
Dali-dali akong umalis at tinunton ang opisina ni Dr. Gavan. Inayos ko muna ang aking sarili bago kumatok nang dalawang beses. I opened the door after.
Naabutan ko si Kuya Hugh na nakaupo sa harap ni Dr. Gavan. They nodded their heads to recognize my presence.
"Have a seat, Ma'am?"
"P—pantino po," I responded—hesitant. I don't even know how to entitle myself now. Ngayong hindi na ako naaalala ni David, karapat-dapat ko pa rin ba siyang tawaging asawa?
"Right. Please have a seat, Ma'am."
I nodded. Marahan akong naglakad at naupo sa visitor's chair na kaharap din ni Kuya Hugh.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, may selective amnesia ang kapatid mo, Mr. Bustamante. Kaya hindi niya naaalala na namatay na ang parents ninyo. At sa ngayon hindi pa natin matukoy kung aling bahagi ng buhay niya ang nakalimutan niya."
Kahit pala na alam ko na ay masakit pa ring marinig kapag kinumpirma na mismo ng doktor. Hindi ko maipaliwanag ang klase ng sakit na nararamdaman ko ngayon sapagkat nakalimutan niya ako.
"May chance pa ho ba siyang makakaalala, Doc?" I asked. My heart is still hopeful. Kailangan kong kumapit sa pag-asa kahit gaano pa iyon kaliit.
"Of course, there is. But we can never tell when. Pero as long as continuous ang medication at therapy niya, for sure he will be back to normal. Higit sa lahat, kayong mga malalapit sa kanya ang kailangan niyang laging makasama para mas madaling ma-trigger ang memory niya."
Napabuga ako ng hangin. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at piping nagdasal. Sana hindi mangyari ang kinatatakutan ko.
"Do you have any recommendations for best therapist, Doc? I want the best for my brother. Knowing him, he will pull off some dangerous stunts just to walk again. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya."
"Huwag kang mag-alala, Mr. Bustamante. We have one. Kailangan n'yo lang asikusahin ang mga dokumento niya para masimulan na natin ang therapy niya in a few days."
"Thanks, Doc."
Sabay na tumayo ang dalawa. Tumayo na rin ako at nakipagkamay sa doktor. Sabay kaming lumabas ng opisina na iyon ni Kuya Hugh.
I heard him sighed.
"I heard a lot about you, Hannah."
Napatigil ako sa paglalakad at sinalubong ang mga mata ni Kuya Hugh. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa 'kin.
"Bukambibig ka ng kapatid ko simula nang lumipat kami sa States. Mga bata pa lang kami noon. He even has a picture of you. Nagkasakit noon si Daddy at kinailangan naming ipagpapatuloy ang pagpapagamot sa kanya roon kaya kinailangan din naming umalis at doon tumira. Wala kasing maiiwan na magbabantay sa amin. Ayaw ni mommy na ipagkatiwala kami sa iba."
Kumalabog ang puso ko. Iyon siguro ang araw na hindi ko na nakit si David sa eskuwelahan. I remember the day that I hated him for leaving without notice.
"Iyak siya nang iyak noong nasa airport kami kasi ayaw niyang umalis sa Pilipinas. He's been calling out your name. Minsan nga hindi siya kakain para maawa sa kanya si mommy at pabalikin dito sa Pilipinas pero hindi puwede. Kaya noong nagkaisip na siya at nagtapos ng high school ay iyon ang hiningi niyang graduation gift kay mommy."
At iyon ang araw na umuwi siya sa Pilipinas. At ang araw na dinalaw niya ako sa ospital. Parang piniga ang puso ko sa aking natuklasan. He really did come back for me.
"Ahmm—" I was rendered speechless. Napaluha na lamang ako.
"Pero wrong timing na ang pagbalik niya ng Pilipinas dahil may masamang nangyari raw sa 'yo."
Kumalabog ang puso ko.
"Kaya imbis na tungkol sa pagnenegosyo ang kukunin niyang kurso noon ay kumuha siya ng kursong Criminology. He also pursued software engineering right after. Nagulat na lang din kami nang malaman namin isa na siyang Intelligence Analyst ng NBI."
Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa aking dibdib. Sunod-sunod na nagsipaglaglagan ang aking mga luha. Wala na yatang katapusan ang pagtulo ng mainit na likido mula sa aking mga mata.
"We've been convincing him to run our other businesses but he declined kaya napilitan na lamang kaming iwan ang hacienda sa Negros para wala siyang magawa kundi pangalagaan iyon. He didn't want to take care of that property because he'd been devoting his time to track down your... your rapists," Kuya Hugh continued but he looked away to hide his sad emotion.
I gasped. Bumikig sa lalamunan ko ang isang hagulgol. Nanghina ang aking mga tuhod.
"That is how important you are to him, Hannah. Kaya sana tuparin mo ang simpleng hiling ko sa 'yo."
Wala sa sariling tumango ako.
"Take care of my brother until he fully recover."
Lumakas ang aking hagulgol. Pakiramdam ko sinampal ako nang paulit-ulit dahil sa mga nalaman ko. Guilt started to colonize my heart.
Habang humahakbang ang aking mga paa pabalik sa kanyang silid ay parang pasan-pasan ko ang daigdig. Ano ba ang nagawa ko para mahalin ng isang katulad niya? I gave nothing but heartbreaks to him.
Matagal akong tumayo sa harap ng pinto bago tuluyang pumasok sa kanyang kuwarto. I made sure na wala nang luhang tumutulo sa aking pisngi.
Naabutan ko siyang kausap si Mang Ramon, Kuya Ismael at isang nurse. Napatingin silang lahat sa akin matapos nilang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.
"Senyorita..." Si Kuya Ismael ang unang tmayo. Nagtanguan sila ni Mang Ramon bago nagpaalam na lumabas.
"Senyorito David, babalik lang po kami. Magyo-yosi lang po kami sa labas," ani Kuya Ismael.
Tumango naman si David. Inaayos ng nurse ang sinasabitan ng kanyang IV liquid. Katulad kanina'y nasa akin ang mga mata niya. Although his face was blank, there's a hint of confusion in his eyes. He really does not recognize me.
"Did you cry?" iritang tanong niya. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.
Ngumiti ako at marahang tumango. Napatigil ako sa paghakbang.
"Why did you cry? What did I do to you? And why did you come back? Are you a nurse here? Then why are you not in your uniform?"
His questions made my heart gone wild. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"Miss? What's your name again?" he queried. Inip na inip siya.
I blinked to stop my eyes from shedding tears again. Bumikig ang lalamunan ko.
"I'm Hannah, y—your... w—wife."
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang ngumiti siya dahil sa isinagot ko. Pinisil niya ang kanyang ilong bago nagsalita.
"You know what, Hannah? You're too beautiful to be my wife, I'm flattered, but, I'm sorry, the nurse said I'm single and she even showed me my patient's information. I never married someone before," he responded apologetically.
Napaatras ako't hindi nakailag sa malakas na sampal ng katotohan. Putangina! Ang sakit-sakit!
©GREATFAIRY
P.S. Hugh is pronounced as Yu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top