CHAPTER 17
CHAPTER 17
"KAMUSTA PO SIYA, DOC?"
"The patient will be transferred to the Intensive Care Unit while he's in the state of coma," he responded that brought thousands of needles to my chest.
"A—ano? Ano pong ibig ninyong sabihin, Doc? A—anong kalagayan niya?" nanginginig kong tanong.
"The patient is suffering from severe head injury. We also need to conduct a surgery on his right leg. May fractures siya na maaaring maging dahilan na matatagalan bago bumalik sa dati. Tatapatin na kita, Ma'am. Hindi pa stable ang kalagayan ng pasyente."
Napatakip ako ng aking mga bibig. My eyes pooled with liquid.
"M—magigising pa rin naman ho siya, 'di ba, Doc?"
I gasped when he looked at me apologetically.
"We will do our best, Ma'am. Sa ngayon, kailangan ninyong pirmahan ang waiver para sa kanyang operasyon. Pagkatapos noon ay saka siya ita-transfer sa ICU. Kailangan na itong maisagawa bago pa magkaroon ng blood clot sa utak ng pasyente. Pero mas makakatulong po sa ngayon ang dasal na sana maging responsive ang katawan ng pasyente."
Napahagulgol ako. Halos hindi ko na maihakbang ang aking mga paa. Mabuti na lamang at kasama ko sina Mang Ramon at Kuya Ismael.
"David..." nanghihinang sambit ko.
I could hardly breathe.
"Senyorita, uminom ka po muna ng tubig."
Umiling ako kay Kuya Ismael. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi takot at pangamba. Hindi ko kakayanin ang sakit kapag mawala siya sa 'kin.
I have endured multiple stab of knife in my heart but the thought of losing him creates the deepest cut. I don't think I could survive the next tomorrow without him. Siya lang ang taong nagmahal sa akin nang buong-buo sa kabila ng kakulangan ko. Siya lang ang bumuo muli ng nagkapira-piraso kong pagkatao. At ngayong nasa bingit siya ng kamatayan ay para akong inililibing nang buhay. I cannot contain the pain that I'm feeling.
"David!" I shouted.
"Kumalma ho kayo, Ma'am."
Napaluhod ako sa sahig. Gano'n ba kalaki ang kasalanan ko para parusahan ako nang ganito? Wala na bang halaga ang buhay ko para ibuhos sa akin ang lahat ng sama ng loob ng langit? Do I deserve this pain?
"Ate? Ate Hannah!"
I stood up when I heard Heaven's voice. Kahit nanlalabo ang aking mga mata'y naaninag ko pa rin ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Sinalubong niya ako ng yakap.
"Ate, we heard what happened. Magpakatatag ka, Ate, please?"
I shook my head harshly.
"Pagod na pagod na pagod na ako, Heaven. Wala na bang ibang puwedeng saktan ang tadhana kundi ako lang? Bakit ako na lang lagi ang nasasaktan? Wala na ba talaga akong karapatan maging maligaya? Durog na durog na nga ako, bakit pati kalahati ng puso ko pilit pa rin kinukuha sa 'kin? Bakit?"
"Shhh, everything will be fine, Ate Hannah. Magtiwala ka sa Itaas, magtiwala ka kay David. Lalaban siya para sa 'yo, kung totoong mahal ka niya, hindi ka niya hahayaang mag-isa. Hindi ka niya hahayaang magdusa sa sakit. 'Di ba ang sabi mo mahal na mahal ka niya ka niya nagawang itago? For sure, he will ditch even the death just to be with you again."
Sana gano'n nga ang mangyari. Kasi ikamamatay ko kung may mangyari masama sa kanya. Ikamamatay ko kung mawala siya sa 'kin.
"We have the best doctors and nurses here in El Micaller Medical Center, Hannah. David is in good hands. He will survive," seryosong sabi ng asawa ni Heaven.
I nodded my head, though my heart still throbs because of pain.
Pagkatapos naming maasikaso ang mga papeles para matuloy ang operasyon ni David ay dinala ako ni Heaven sa chapel ng ospital. Tinawagan na rin ni Mang Ramon ang mga kapatid ni David para ipaalam ang nangyari sa kanya. Pinilit kong patatagin ang aking loob. Tama sila, I should trust David on this. He will not let me fall in to abyss for the nth time.
"Noong mga panahon na mag-isa lang ako at naka-confine si Hans ay sa Kanya ako kumapit, Ate Hannah. Alam mo ba, halos mabaliw ako noon sa sobrang lungkot kasi buong akala ko ay wala ka na. Kahit puyat ako sa pagbabantay kay Hans sa ospital ay pumapasok pa rin ako sa trabaho para matustusan ko ang mga gamot niya. Hindi kasi sapat ang perang tulong ng Sweepstakes. Halos araw-araw akong nagmakaawa sa Kanya na bigyan ako ng lakas na harapin ang masakit na dagok ng buhay na iyon."
Hinawakan ako ni Heaven sa kamay. Pareho kaming nakatingin sa altar.
"Noong mga panahon na hindi ko na alam ang gagawin ko ay binigyan niya ako ng panibagong dahilan para lumaban. Binigay niya sa akin ang lalaking asawa ko na ngayon. Hanggang ngayon nga'y hindi ko pa rin lubos maisip na nakapag-asawa ako ng isnag katulad niya. Kaya huwag kang susuko, Ate, kasi ang laban mo ay laban din namin. Lalo na at may taong handang damayan ka sa lahat ng sakit. Alam kong hindi mapapawi ang sakit na nararamdaman mo dahil lang sa mga sinasabi ko. May isang tao pa na nandiyan para sa 'yo, Ate. At sa tingin ko'y mas kailangan na kailangan mo siya sa ngayon."
Nangunot ako nang tumayo si Heaven. Napatayo na rin ako at lumingon sa pinto ng chapel.
"Ate..."
Those pair of orbs started to melt my knees. Napaawang ako.
"Ang sabi ko magpaiwan na lang siya sa bahay pero hindi siya nagpapigil. Gustong-gusto ka na niyang makita at mayakap, Ate."
Natulos ako sa aking kinatatayuan habang tinitingnan ang batang naglalakad patungo sa akin.
"Ate, siya si Hans."
I gasped. Napahikbi ako.
"Ate Hannah..."
"H—hans..." I stuttered. Inilang hakbang niya ako at mahigpit na niyakap.
"Ate Hannah, totoo ka nga!" mangiyak-ngiyak niyang bulalas. I hugged him back. Tiningnan ko si Heaven sa mga mata upang iparating ang aking tanong ngunit isang iling ang itinugon niya. Ibig sabihin ay hindi pa alam ni Hans na ako ang totoo niyang nanay.
"Totoo ako, Hans. Totoong-totoo," mababang bulalas ko at lalong hinigpitan ang yakap. Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy ang aking mga luha. I hugged him like I'm recharging myself after being dead tired of all the mess.
"Sobrang na-miss kita, Ate Hannah!"
"S—sobrang na-miss din kita, Hans, kung alam mo lang."
Hinalikan ko siya sa ulo. Ramdam ko iyong malakas na tibok ng puso ko. Ganito pala ang pakiramdam na mayakap ang sarili mong anak. Bahagyang guminhawa ang aking pakiramdam ngunit nando'n pa rin ang bigat sa kaalamang hindi niya alam ang totoo. And I don't know when to start. Parang hindi ko kakayaning kamuhian niya ako.
"Ang laki-laki mo na."
Ginulo ko ang kanyang buhok pagkatpos naming humiwalay sa yakap. Naluluhang nakatingin lang sa amin si Heaven.
"Ang tagal mo kasing nawala, Ate. Akala ko talaga iniwan mo na ako. Araw-araw kaya kitang napapanaginipan noon."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ipinapangako ko, hinding-hindi na ako ulit mawawala, Hans."
"Talagang hindi na, Ate. Kasi sa amin ka na uuwi, 'di ba?"
Saglit akong natigilan at muling sinulyapan si Heaven. Sunod-sunod lang siyang tumango kaya tumango rin ako kay Hans. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng huli. That melted my heart.
Naupo kaming tatlo sa pahabang upuan. Lumuhod ako. Si Heaven naman ay nanatiling nakaupo sapagkat malaki na ang kanyang tiyan. Tumabi sa akin si Hans.
Matiim kong ipinikit ang aking mga mata at ipinagsalikop ang aking mga kamay.
"Diyos ko, alam ko pong marami akong kasalanan sa inyo. Alam ko pong marami akong pagkukulang. Patawarin N'yo sana ako sa kabila ng lahat ng nagawa ko sa nakaraan. Naging mahina ako at nagpadaig sa bulong ng kasamaan kaya napahamak ko ang mga taong mahalaga sa akin. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay binigyan N'yo pa rin ako ng dahilan para mabuhay. Binigyan N'yo pa rin ako ng pagkakataong maramdaman kung paano magmahal at mahalin. Pero sana huwag N'yo naman hayaan mawala siya sa 'kin. H—hindi ko kakayanin. Nagmamakaawa ako, tulungan N'yo siya. Tulungan N'yo siyang makaligtas."
No matter how I control myself, I still failed to stop my tears from falling. Yumugyog ang mga balikat ko. Naramdaman ko na lang ang marahang haplos ni Heaven sa aking likod.
I stared at the flame of candle at the center of the Altar. Mabuti pa ang kandila, kahit na nauupos ay nakakapagbigay pa rin ng liwanag sa nakapaligid sa kanya. Samantalng ako ay wala akong ginawa kundi bigyan ng sama ng loob ang mga taong nagmamahal sa akin. At pinagsisisihan ko na iyon.
"Papa Jesus, sana po ay pagbigyan Ninyo ang hiling ng Mama ko. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Nasasaktan ako. Mahal na mahal ko si Mama. Kaya parang awa Mo na, pagbigyan Ninyo ang dasal ng Mama ko."
Napatulala ako nang marinig ko iyon kay Hans. Wala sa sarili napaupo ako pabalik sa upuan habang tinitingnan siyang taimtim na nag-uusal ng dalangin. Nakapikit pa ang kanyang mga mata. Nagkatinginan kami ni Heaven na ngayon ay nanlalaki ang mga mata.
"H—hans..." Gumaralgal ang aking boses.
Marahan siyang dumilat at nakangiting tumingin sa akin.
"Alam ko na po ang totoo. Hindi kita ate dahil Mama kita," aniya.
Natigalgal ako.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top