CHAPTER 15
CHAPTER 15
"HINDI KA NA NAMAN DAW KUMAIN."
Inignora ko ang lalaking bigla na lang pumasok sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pabalik-balik siya rito gayong ilang beses ko na siyang itinaboy. Hindi ba siya nakakaintindi? Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko siyang kausapin. Tiyak na uutuin niya lang ako at paniniwalain sa kasinungalingan niya tapos mawawala na lang siya bigla na parang bula.
"Hannah..."
Nagtalukbong ako ng kumot at tinakpan ko ang aking magkabilang tainga gamit ang aking mga kamay. Gusto ko nang umuwi sa bahay pero ayaw pumayag ng mga taong nakaputi. Parang pinarurusahan nila ako.
"Hindi kita susukuan, Hannah. Kahit paulit-ulit mo akong itaboy, nandito lang ako kapag handa ka nang sumandal sa balikat ko. Mahal na mahal kita."
I grimaced. I hate hearing any promising word from him. Imposible ang mga sinasabi niya. Madumi akong babae, hindi ako ang nababagay sa kanya. Siguro sinasabi niya lang ang lahat ng iyon para gumaan ang loob ko at para sundin ko ang lahat ng sinasabi nila. Puwes, hindi niya ako maloloko. I know better. Katulad lang din dati ng pangako niya na hindi niya ako iiwan at pababayaan pero bigla na lang siyang nawala na parang bula. Ngayon pa kayang isa na akong maduming babae? Tiyak na pagtatawanan lang ako ng mga mayayamang babae na nagkakagusto sa kanya.
Narinig ko ang iyong pagbukas at pagsara ng pinto. Senyales na umalis na siya.
Nakagat ko iyong mga kuko ko sa kamay. I gritted my teeth in frustration.
Mahal din kita, David, pero hindi na ako bagay sa 'yo. Usal ko.
Muling bumukas ang pinto pagkaraan ng ilang minuto, Natigilan ako. Bumalik siya?
"Ate Hannah?"
I stiffened when I heard that voice.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na nakabalabal sa aking katawan. Ramdam ko iyong mga hakbang ng kakambal kong si Heaven papalapit sa kama ko.
"Ate Hannah, kumain ka na po."
Bumuntonghininga ako.
"Busog pa ako, Heaven."
"Sayang, Ate, dinalhan pa naman kita ng paborito nating pagkain. Hindi ako kumain kasi wala rin akong gana. Nalulungkot akong kumain kapag hindi kita kasabay. Nami-miss na kasi kita, Ate."
Bumalong ang luha sa mga mata ko. Nami-miss ko rin ang kakambal ko.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama. Agad niya naman akong sinaklolohan.
"Sabi ko naman sa 'yo, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Heaven?"
Humagikhik lang siya.
"Mas matigas kaya ang ulo mo, Ate. Hindi mo nga sinusunod sila Mama, e. Nga pala, sino 'yong lumabas sa kuwarto mo ngayon-ngayon lang? Likod lang kasi nakita ko, iyon ba 'yong sabi nila Mama na manliligaw mo? Uy, si ate ko in love na!"
"Hindi, ah! 'Tsaka h—hindi ko siya kilala, Nagkamali lang 'yon ng kuwartong pinasukan," tanggi ko pero kinindatan lang ako ng kakambal ko.
"Sus, kailan mo ako ipakilala sa kanya, Ate? Namumula ka, ibig sabihin may something sa inyo ng lalaking 'yon. Sayang hindi ko siya naabutan dito sa loob ng kuwarto mo. Tsk!"
Napasuntok pa sa hangin ang kakambal ko. Napairap na lang ako.
"Ewan ko sa 'yo, ayusin mo na nga ang pagkain at nang maka—aaahhh!"
Napahawak ako sa aking tiyan nang bigla itong humilab. I heard Heaven gasped.
"A-ate, manganganak ka na!"
"Aaahhh!" I shouted at the top of my lungs.
"S—sandali, ate. Tatawagin ko lang sila Mama at Papa. H—hindi, tatawag ako ng doktor, s—sandali, Ate!"
Hindi ko na halos maiintindihan ang pinagsasabi ni Heaven. Basta para akong iniihaw sa sakit.
"Aaahhh!"
***
"NAPAKAGUWAPO niyang bata. Shhh, stop crying na, baby. Lola's here for you, hmm? Ang cute-cute mo!"
"Ang ingay! Ilayo n'yo 'yan sa 'kin!"
"Hannah, huminahon ka!"
"Puwede ba, 'Ma? Ilayo n'yo sa 'kin ang anak ng demonyo. Naiingayan ako!"
"Hannah, hindi ito anak ng demonyo, anak mo ito," mahinahong tugon ni Mama pero nagpanting ang tainga ko.
"Wala akong anak! Ilayo n'yo 'yan sa 'kin!"
"Nasasabi mo lang 'yan kasi ayaw mong tingnan ang mukha niya. Kamukha-mukha mo siya, anak. Napakaguwapong anghel."
"Kailan man ay hindi magiging anghel ang anak ng demonyo!"
"Shut up, Hannah! Sumusobra ka na! Huwag mo naman idamay ang bata. Wala siyang kasalanan."
Hindi ko tinugon si Mama. I lied down and covered myself with a blanket. Nakahinga ako nang maluwag nang lumabas na siya ng kuwarto ko.
Bumangon ako't tumingin sa kawalan. Heaven has been begging me to go back to school when I fully recover but I don't want to. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko. Tiyak na pagtatawanan nila ako at sasabihing dalagang ina.
Napapikit ako nang marinig ko na naman ang iyak ng sanggol sa utak ko. Bakit ayaw niya akong tantanan?
"Ang ingay! Tama na!"
Napasabunot ako sa aking buhok ngunit hindi pa rin tumitigil ang iyak ng sanggol. Tila lumakas pa iyon na parang sa gilid lang ng tainga ko.
"Tama na! Tama na!" I yelled.
Tumayo ako at lumapit sa pader. Bumuwelo ako at malakas na hinampas ang aking ulo sa pader. Nakita ko iyong napakaraming bituin at ang unti-unting pagdilim ng paningin ko.
Naramdaman ko iyong paglapat ng likod ko sa sahig. Napangiti ako, sa wakas nawala na iyong ingay. Unti-unti akong inantok pero narinig ko pa ang isang sigaw.
"Diyos ko! Ate Hannah!"
***
NAGISING ako na puting ilaw ang una kong nakita. Nakakasilaw iyon kaya't napapikit ako. Bumuka ang aking bibig ngunit hindi ko naririnig ang sariling boses.
Nasaan ako?
"Ate Hannah? G—gising ka na?!"
May narinig akong boses sa bandang kanan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ibinaling ang aking ulo roon. Nakita ko ang isang pigura ng babae.
"N—nauuhaw ako," I struggled. Halos hindi ko rin maigalaw ang katawan ko.
Ano'ng nangyari?
"S—sandali, ate."
Tarantang kumuha ng tubig ang babae. Lumapit siya sa kinahihigaan ko tapos itinaas ang bandang uluhan. Inalalayan niya akong uminom. Naubos ko iyong isang baso nang isang lagok lang.
"S—salamat, napakabait mo. Sino ka?" tanong ko.
Suminghap siya't napatakip ang kanyang bibig.
"Ate, ako 'to si Heaven, ang kakambal mo. H—hindi mo ba ako nakikilala?"
Nangunot ako.
"Kambal? Kakambal mo ako?" takhang tanong ko.
Napaluha siya.
"H—hindi mo ba ako naaalala, Ate? Sandali, ha? Tatawag ako ng doktor. Pabalik na rin sina Papa at Mama."
Napatingin ako sa sarili ko nang lumabas ng pinto ang babae. May nakakabit pang swero sa kamay ko. Nasa ospital ako?
Anong nangyari sa 'kin? Pilit kong inalala ngunit wala akong matandaan.
"A—anak?"
Bumukas ang pinto at humahangos na ale ang pumasok. Kasunod niya iyong lalaking kaedaran niya. Sumunod din iyong babaeng tumulong sa akin kanina saka may kasama na silang doktor at nurse.
"S—sino ho kayo?" I queried. Napatigil iyong ale at napatingin sa kasama niya.
"Doc? Ano'ng nangyayari sa anak namin?"
Lumapit sa akin ang doktor at hinawakan ako sa palapulsuhan. Tiningnan niya airn ang mga mata.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, iha?" aniya.
"Mabigat po ang katawan ko, Doc. Parang ang hirap gumalaw," tugon. Naiiyak na iyong ale.
"Nahihilo ka ba, iha? May nararamdaman ka bang kirot sa ulo mo?"
"M—medyo po, parang ang bigat ng ulo ko."
"I see."
"Nga pala, ano'ng pangalan mo, iha?" muling tanong ng doktor.
Natigilan ako. Sino nga ba ako? Napahawak ako sa aking ulo nang bigla na naman itong kumirot.
"H—hindi ko ho alam, Doc. P—pasensya na. Pero sabi niya kanina ate niya raw ako." Itinuro ko ang babaeng una kong nakita nang gumising ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumuluha na siya. Bakit siay umiiyak?
Ngumiti sa akin ang doktor.
"Huwag mo muna pilitin ang sarili mong makaalala, iha. Makakaalala ka rin, kailangan mo lang inumin ang mga reseta sa 'yong gamot. At saka nandito naman ang pamilya mo. Sila ang makakasama mo."
"P—pamilya, Doc?"
Iminostra niya sa akin ang tatlo. Iyong babae kanina at ang dalawang matanda. Maluha-luha silang nakatingin sa akin.
Pagkatapos akong suriin ng doktor ay nagpaalam na rin ito na lumabas.
"Mr. and Mrs Pantino, kung maaari po sana ay sumunod kayo sa akin sa opisina mayamaya," bilin ng doktor sa mga matanda bagot tuluyang lumabas.
Naiwan kaming apat sa loob ng kuwarto.
"Ate Hannah..."
Hinawakan ako sa kamay noong magandang babae. May kinuha siya sa kanyang sling bag na salamin. Ibinigay niya ito sa akin. Inabot ko naman at itinapat iyon sa mukha ko.
Napahawak ako sa aking pisngi nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Bumalik ang tingin ko sa mukha ng babae.
"M—magkamukha tayo..." mahinang usal ko.
"Oo, ate. Dahil ako ang kakambal mo. Ako si Heaven at ikaw naman si Ate Hannah ko," pagpapakilala niya. Napangiti ako. Bumilis din ang tibok ng puso ko.
Napabiling ang tingin ko sa dalawang matanda na parehong lumuluhang nakatingin sa akin.
"Hannah, anak, kami ang mga magulang mo. Kahit wala kang naaalala, huwag kang mag-alala, hindi ka namin pababayaan."
Niyakap nila ako. Napaiyak na rin ako sapagkat ramdam ko sa puso ko na mahal ko sila.
"B—bakit po wala akong maalala? Anong nangyari sa 'kin?"
Nagkatinginan silang tatlo.
"N—aaksidente ka kasi, ate. Mabuti na lang at ligtas ka. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa 'yo."
Napatango ako. Atleast I have a family.
***
"DAHAN-DAHAN lang, Ate."
"Naku, hindi mo na ako kailangang alalayan, Heaven. Kaya ko na. Masyado n'yo naman akong inii-spoil, eh."
Tumawa lang si Heaven. Finally, nakalabas na ako ng ospital at ngayon nga ang unang araw na makakauwi ako sa bahay.
Bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang confetti mula sa party popper.
"Welcome home!"
"Mama at Papa, kaya pala nagmamadali kayo kaninang umuwi, ha. Naghanda pa talaga kayo."
Napangiti ako nang makita kong maraming nakalagay na pagkain sa lamesa. May letson ding nakapatong. Pinaghandaan talaga nila ang paglabas ko sa ospital.
"Siyempre, anak, kailangan nating i-celebrate ang paggaling mo," ani Papa at niyakap ako.
"Salamat, Papa at Mama."
Ngunit napatingin ako sa isang babaeng may hawak na batang lalaki. Tingin ko'y mga kalahating taon na ang edad. Napaka-cute na bata.
"Sino siya, Ma?"
"Ako si Denise, pinsan mo ako, Hannah. At ito naman si Hans, ana—"
"Kapatid mo si Hans, Hannah..." dugtong ni Papa. "Siya ang bunsong anak namin ng Mama mo."
"Talaga ho? Napakaguwapo naman ng bunso natin, Heaven."
Pinisil ko siya sa pisngi. Humagikhik ang bata. Nagustuhan niya yata ang pagpisil ko.
"P—puwede ko ba siyang kargahin?"
Napatingin si Denise kay Papa at Mama.
"Kaya mo na ba, anak?"
"Kaya ko na ho. Napaka-cute naman ng batang ito. Parang kamukha ko siya, Papa. Sa akin siguro naglihi si Mama, 'no?"
"Mas kamukha ko kaya siya, Ate..." protesta ni Heaven na nagpatawa sa amin.
"'Di ba sa akin mo ipinaglihi si Hans, Ma?" I asked Mama. Natawa lang siya.
***
"SIGURADO ka ba sa desisyon mong ito, anak?"
"Siguradong-sigurado na ho ako, Ma. Naisip ko kasi isang malaking gantimpala mula sa Diyos ang pangalawang buhay na ibinigay Niya. Gusto ko Siyang pagsilbihan, Ma."
"Pero, anak, masisilbihan mo ang Diyos sa maraming paraan. Hindi mo naman kailangan tumira sa kumbento para--"
"Ma, nakapagdesisyon na ho ako. Nararamdaman ko kasi, Ma, sa kumbento ako nababagay. At isa pa, gusto kong ibahagi sa iba ang naging karanasan ko sa buhay."
Bumuntonghininga si Mama.
"Kung saan ka masaya, anak. Susuportahan ka namin, pero may panahon ka pa para pag-isipan kung itutuloy mo 'yan. Give yourself time to meditate on what you really want. Sundin mo ang puso mo."
"Salamat, Ma..."
***
"HANS, kumapit ka lang. Magtiwala ka kay ate, okay?"
"Ate, n—natatakot ako."
"Dapa, Hans!"
Mabilis kong kinuha ang mga kurtinang hindi pa naaabot ng apoy pinagdugtong-dugtong ito. Malapit nang bumigay ang second floor ng bahay kaya kailangan ko nang maibaba si Hans.
Itinali ko sa aking bewang ang dulo ng kurtina.
"Hawakan mo ito, Hans. Bumaba ka na, bilisan mo!"
"P—pero, Ate..."
"Bumaba ka na. Susunod ako."
"Ate, hindi kita iiwan—"
"Hans, wala na tayong panahon. Sundin mo na si ate, okay?"
Inalalayan ko siyang makababa sa bintana. Kumapit ako nang mahigpit habang bumababa si Hans. Napaubo ako dahil sa usok.
"Aaahhh!"
Napatili ako nang bumigay ang ilang bahagi ng kisame. Humampas sa ulo ko ang isang putol ng kahoy.
"Ate!" rinig kong sigaw ni Hans sa baba.
Nakahinga ako nang maluwag. Ligtas na ang kapatid ko. Sinubukan kong kalagin ang itinali kong kurtina sa bewang ko ngunit masyado na akong mahina.
Diyos ko, kung ito man ang huling sandali ko. Salamat dahil binigyan mo ako ng mapagmahal na pamilya.
Iniharang ko sa aking mukha ang aking magkabilang braso nang bumabagsak na ang buong kisame. Wala na akong madadaanan palabas dahil natupok na ng apoy ang bahay.Nandidilim na rin ang paningin ko at nalasahan ko ang dugong dumadaloy sa aking ulo.
"Aaahhh!"
Ang huling nakita ko'y ang lumalagablab na kisame bago ko naramdaman ang matitipunong kamay na humila sa aking bewang bago nandilim ang aking paningin.
"Aaahh!"
"Ate? Ano'ng nangyayari?"
Tinakpan ko ng magkabilang kamay ang aking tainga. Parang sasabog ang puso ko sa sakit.
"Ate Hannah!"
Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at humahangos na pumasok ang kapatid kong si Heaven, kasunod ang asawa nito.
"Ate?"
"What's happening, Hannah?"
They looked at me with worried look on their faces.
I shook my head.
"Tell me the truth, Heaven..."
Nanginginig ang mga kalamnan ko.
"A—anong sinasabi mo, Ate?" sansalang tanong ng kapatid ko.
"Tell me the truth, anak ko ba si Hans?"
Napasinghap siya't nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin.
"A—ate..."
"Pakiusap, huwag mo akong biguin. Anak ko ba si Hans?"
Natahimik siya. Bumalong ang luha sa kanyang mga mata.
"Calm down, Hannah..."
"Huwag kang makialam dito, Mr. Micaller..." asik ko sa kanyang asawa.
"Tell me the truth, Heaven!"
Nakayuko lang siya't hindi makatingin sa akin nang diretso.
"Tingnan mo ako sa mga mata, anak ko ba si Hans? Anak ko siya, 'di ba?" I asked hysterically.
Sa isang iglap ay nadurog nang pira-piraso ang pagkatao ko sa kanyang isinagot.
"Nakakaalala ka na, Ate..."
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top