CHAPTER 14
CHAPTER 14
"'SIGURADO ka bang magiging okay ka lang dito, Ate?" Heaven asked. Nakaupo ako sa kamang nasa loob ng guest room na pinagdalhan niya sa akin.
Tipid lang akong ngumiti saka tumango. Nanghihina ang aking katawan dulot ng panginginig ko kanina—panginginig sa galit at sakit. At tila ba naparalisa ang aking utak dahil hindi ko pa rin lubos maproseso ang lahat ng mga natukalasan ko.
My whole existence as Hannah Bustamante was a lie.
"Ate, gusto mo bang tawagan natin si David—"
"Don't!"
I gripped the sheets when I heard his name. Tila kuryente ang salitang iyon na muling bumuhay ng humupa kong emosyon.
My sister sighed. Humakbang siya papalapit sa kama at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa kanang kamay. Ibinaling ko ang aking tingin sa pader ng kuwarto. Tears started to stream down my face again.
"H—hindi ako makapaniwalang nagawa niya ito sa 'yo. Kahit hindi ko siya gano'n kakilala pero ang alam ko'y mabuti siyang tao."
Napatingin ako kay Heaven. After I broke down in the garden earlier, she brought me here for me to rest.
"Mabuting tao?" I grimaced.
"Mabuting tao ba ang isang kagaya niyang manloloko? Pinaglaruan niya ako, Heaven! Ninakaw niya ang pagkatao ko!" I almost yelled.
Napaiyak na rin si Heaven.
"Isang beses ko pa lang siya nakaharap at nakausap, Ate. Bago pa kami ikinasal ng asawa ko ay nadukot ako ng kidnapper. Iniligtas ako ni David at ni Briggs."
Saglit akong natigilan at biglang nag-alala sa kakambal ko.
"Nadukot ka?" wala sa sariling tanong ko. Malungkot siyang tumango bilang tugon.
"It was a kidnap for ransom. Mabuti na lang at nasundan pala ni Briggs ang van na ginamit nila para dukutin kami."
"Kami? At saka paano kayo nasundan ni Briggs?"
Heaven took a breath.
"Mahabang kuwento pero sa kabutihang palad ay wala namang nangyaring masama sa akin. Kasama ko noon si Denise, isa siya sa mga pinsan natin. Girlfriend na siya ngayon ni Briggs. Nadukot kaming dalawa at nasundan ni Briggs ang dumukot sa amin kaya humingi agad siya ng tulong kay-- kay David. Pasensya na, kambal."
Tumango ako at nakahinga nang maluwag. Napaisip din ako nang maalala ko ang pangalang Denise. Ilang beses ko nang narinig iyon na pinag-uusapan ni Briggs at David sa telepono.
Napagtagpi-tagpi ko na ang lahat.
"Pero hindi ibig sabihin na iniligtas ka niya'y absuwelto na siya sa kasalanan niya sa 'kin. He betrayed me, Heaven. At alam mo ba, walang salitang makakapaglarawan ng nararamdaman ko ngayon. Kasi pakiramdam ko kapag makaharap ko siya'y baka malunod ako ng poot na nararamdaman ko. Ang sakit-sakit!"
Heaven hugged me while crying. I'm just grateful that I have her. Kasi para na akong masisiraan ng bait dahil sa sakit nararamdaman ko.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Ate. Kahit naman siguro kung ako ang nasa kalagayan mo magiging gano'n din ang mararamdaman ko. Pero ito na lang ang iisipin mo, Ate, hindi ka na nag-iisa ngayon. Kasama mo na akong lalaban. Hindi mo kailangang solo-hin ang sakit kasi nandito ako para may masandalan ka."
"Salamat, Heaven..." mahinang tugon ko.
"Ano ba 'yan, kanina pa tayo nag-iiyakan. Hindi ba dapat maging masaya tayo kasi sa wakas ay magkasama na ulit tayo?"
Tumawa siya kahit naluluha. Napakasuwerte ko sa kapatid ko.
"Bukas ay uuwi na rito si bunso. Magkikita na kayo. Nando'n kasi siya ngayon sa bahay ng tiyahin natin, na-miss niya raw ang pinsan nating si Denver kaya doon muna siya natulog dahil weekend naman. Wala siyang pasok sa school. Halos magkasing-edad lang kasi sila."
Bahagyang nawala iyong puwersang nakasakal sa puso ko nang maalala ko iyong bunso naming kapatid.
"Gustong-gusto ko na siyang makita, Heaven. Gusto ko na ring mayakap si Hans."
Malungkot ngumiti ang kapatid ko. Tila maiiyak na naman. Walang imik niya akong niyakap ulit.
"Itong tatandaan mo, ate, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko kasi kung sana naging mas responsible lang akong kapatid sa 'yo, hindi sana ito mangyayari sa 'yo—"
"Shhh, huwag mong sisihin ang sarili mo, Heaven. Nangyari na ang mga nangyari. At kahit kailan ay wala kang kasalanan sa akin," tugon ko at niyakap siya pabalik.
"Magiging maayos din ang lahat, Ate. Magiging masaya ulit tayong pamilya. At kahit wala na sina Papa at Mama, tiyak na masaya sila ngayon na nagkita na ulit tayo pagkatapos ng matagal na panahon."
Napangiti na rin ako. Tama si Heaven. I should feed my mind with positive thoughts. Hindi ako magpapatalo sa nararamdaman kong sakit.
Natigil ang pag-uusap namin nang may kumatok nang dalawang beses sa pinto. Napahiwalay kami ni Heaven sa isa't isa at sabay na napatingin sa pinto.
Bumukas ang pinto pagkatapos ng dalawang katok at iniluwa noon si Mr. Micaller, ang asawa ni Heaven.
"Babe? What's going on? Bakit kayo nag-iiyakan?" nag-aalangang tanong nito kay Heaven. Napatayo ang kakambal ko at sinalubong ng asawa.
"W—wala, nadala lang kami ng emosyon namin. At saka ang masayang-masaya ako na makakasama ko na si Ate. Salamat sa 'yo, babe..." ani Heaven at umangkla sa kanyang asawa. Pinisil naman siya ni Mr. Micaller sa ilong at hinagkan sa noo. Napangiti ako kasi nakakatuwa silang tingnang mag-asawa. Halatang mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Anything for you, babe..." ani Mr. Micaller.
"Pero ang ipinagtataka ko lang, paano mo nalamang buhay pa si Ate Hannah? Paano mo siya nahanap?" biglang tanong ni Heaven. Napatingin sa akin ang asawa niya. Nabuhay rin ang aking dugo.
"I honestly don't know, babe. Basta bigla na lang akong tinawagan ni Martin na buhay raw ang kapatid mo. He did not want to provide further details. Kahit ako naguguluhan din. Pero ang mahalaga naman ay nagkita na kayo. I'm happy to see you glow like that."
I made a mental note about that. Ibig sabihin ay pinlano lahat ito ni Bustamante. He intentionally kept me away from my family for his own sake. He's a selfish creature.
Heaven smiled at me apologetically. I just nodded in response.
"Magpahinga ka na muna, Ate. Matutulog na rin kami sa kuwarto. Kapag may kailangan ka ay gamitin mo lang ang teleponong 'yan. Nakakonekta 'yan sa kuwarto namin," turo niya sa teleponong nasa gilid ng vanity table. Tumango ako. Wala na yata akong ginawa kundi tumango sa bawat sasabihin sa akin. Siguro dahil pagod na rin ang utak ko sa kakaisip tungkol sa nagyayari sa akin.
"S—sige. Salamat, kambal. Magpahinga ka na, bawal magpapuyat ang buntis..." sabi ko.
"Sige, ate. Good night."
"Good night, Hannah. Nasa ibabang guest rooms ang bodyguards mo," ani Mr. Micaller. Tumango ulit ako bilang tugon.
"Salamat."
Ilang segundo akong natulala sa pinto pagkatapos lumabas ng mag-asawa sa kuwarto. I roamed my eyes around the room. Beige ang pinta ng pader. May abstract painting na bakasabit gilid. This is just an ordinary room if I were to compare this to my room in—
Kinastigo ko ang aking sariling utak. I shouldn't be thinking of that person. Pero may parte sa aking nagtataka kung bakit ako hinayaan ni Bustamante na makaalis ng Negros gayong alam niyang malalaman ko ang tungkol sa kasinungalingan niya.
Nakonsensya na kaya siya? O 'di kaya'y nagsawa na siya sa pangungulit ko. O talagang natauhan na siya at hindi pala niya ako mahal. Kumirot ang puso ko sa huling naisip ko.
Dahan-dahan akong nahiga sa kama. The moment my back touched the soft fabric my eyes pooled another batch of tears. It's been a long day for me. My life's a mess. Hindi ko alam kung saan patutungo ang pagtuklas ko ng aking nakaraan. Kasi pakiramdam ko habang nauungkat ang tungkol sa katauhan ko'y nasasaktan ako. Truth really hurts.
I blew a deep long breath and forced my eyes to close.
Diyos ko, bigyan N'yo po ako ng lakas para maharap ang buhay na naghihintay sa 'kin.
Taimtim akong napadasal at tuluyang napapikit. Dulot na rin ng pagbigat ng talukap ko sa pag-iyak ay nakatulog agad ako.
"A—anak, may bisita ka."
Hindi ako lumingon kahit alam kong pumasok si Mama sa pinto ng kuwarto ko. Itinutok ko ang aking mga mata sa librong binabasa ko.
"Hannah..." tawag ulit ni Mama.
"Wala ho akong ganang makipag-usap kahit kanino, Ma. Pakiusap, gusto kong mapag-isa."
"Pero, anak, alam kong matagal mo nang hinihintay ang pagbabalik niya. G—gusto ka niyang makausap anak."
Naibaba ko ang librong hawak ko pero hindi pa rin ako lumingon kay Mama para umalis na siya. Hindi ba nila naiintindihan ang simpleng pakiusap ko? Ayaw kong makipag-usap kahit kanino.
Humiga na lamang ako sa kama at hindi nag-abalang lumingon sa pinto ng kuwarto. Napahinga ako nang maluwag nang maramdaman ko ang pagbukas at pagsara niyon. Salamat naman at lumabas na si Mama. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila ako inuuwi sa bahay. Nabuburyo na ako sa puting kuwarto na ito at lagi na lang akong tinuturakan ng kung anu-ano ng nurse at doktor.
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata ngunit muling bumukas ang pinto na siyang nagpadilat sa akin.
"Hannah?"
Natigilan ako nang marinig ang hindi pamilyar na boses. Sino na naman ito?
Inis akong lumingon ngunit—
"David..." Halos hindi ko narinig ang sarili kong boses.
Matangkad na siya at nag-iba na ang kanyang boses. Hindi kagaya ng dati noong bata pa kami. Pumuti rin siya nang kaunti at lalong tumangos ang kanyang ilong. Pansin ko rin ang Adam's apple niya. Binata na siya.
Pero imbis na matuwa ay naiinis ako dahil ngayon lang siya nagpakita.
"Hannah..."
Akmang lalapitan niya ako sa kama pero mabilis ko siyang dinuro.
"Hanggang diyan ka lang!"
Napatigil siya sa paghakbang. Nagtatanong ang kanyang mga matang tiningnan ako.
"Bakit bumalik ka pa? Umalis ka na, hindi kita kailangan!" I yelled at him.
"Hannah, please... Gusto kitang makausap."
"Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka, 'di ba? Umalis ka nang walang paalam kaya wala na rin akong pakialam sa 'yo."
"Hannah, bumalik ako para sa 'yo. Patawarin mo ako kung natagalan. Kinailangan lang naming manatili nang matagal sa States."
I stared at him blankly. Wala akong pakialam sa kahit anong dahilan niya. Iniwan niya pa rin ako.
"Wala ka nang babalikan! Nakita mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba? Ikahihiya mo lang ako kasi nabuntis ako nang maaga! Umalis ka na!"
"Hannah, hindi kita ikinahihiya. Please hear me out," he begged.
"Hinanap kita kaagad nang makabalik ako rito."
Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa kama ko kaya mabilis ko siayng itinulak.
"So kailangan pa palang may masamang mangyari sa akin bago ka bumalik? Puwes wala ka nang babalikan. Ayaw na kitang makita!"
"Hannah, I love you!" he declared which rendered me speechless for a few seconds.
Mahal niya ako? Napatawa ako nang pagak.
"Mahal? Mahal mo pa rin ako sa kabila ng sinapit ko? Nagpapatawa ka ba, David? Nakita mo 'tong tiyan ko? May bata rito. May batang bunga ng kawalanghiyaan ng mga demonyo!"
Pinagsusuntok ko ang aking tiyan. Gusto ko itong mawala na. Gusto ko nang mamatay. Pagod na pagod na ako.
"Hannah, please calm down!"
Tarantang hinawakan ni David ang aking mga kamay.
"Please don't hurt yourself, Hannah. Baka ano'ng mangyari sa 'yo at sa baby..." mahinahong sabi niya.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan, David, eh! Pareho lang kayo nila Mama! Hindi n'yo naiintindihan ang sakit na nararamdaman ko! Gusto ko nang mamatay!"
"Hindi solusyon 'yan, Hannah. Magiging maayos din ang lahat. Makakalimutan mo rin ang lahat. I will help you forget what happened."
I stared at him unbelievably.
"Sana nga puwedeng mabura ang bangungot na ito, David. Ilang beses ko nang inuntog ang ulo ko sa pader pero bakit gano'n? Naaalala ko pa rin? Binaboy nila ako! Mga demonyo sila! Gusto ko nang mamatay!"
Napahagulgol ako. Gusto ko nang makalimot pero hindi mabura-bura sa isip ko ang mga mukha ng mga demonyong rapists na iyon.
"Everything will be alright, Hannah!"
When David tried to hug me, I unconsciously pushed him away. I yelled at him.
"Sinungaling ka! Iiwan mo rin ako! Wala na akong kuwenta! Wala na akong silbi! Umalis ka na!"
"Hannah—"
"Alis! Hindi kita kailangan!"
"Pero—"
"Alis sabi, e! Kung hindi ka aalis magpapakamatay ako! Alis!"
Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng pinto. I watched him walked away. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko para mahalin pa ni David. Hindi na kami bagay. Hindi na.
Napasabunot ako ng sariling buhok.
"Aaahhh!"
"Ayaw ko na!"
"Aaahh!"
"Aaahhh!"
"David!"
Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama. Kumalabog ang puso ko at ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Tagatak din ang pawis ko sa noo.
Napasinghap ako't napahawak sa aking dibdib. Kinakapos ako ng hininga habang nag-re-replay sa utak ko ang mga imaheng hindi ko na dapat balikan pa.
Memories flowed like an avalanche. Tila nanonood ako ng pelikula sa sari-saring imaheng nasa utak ko.
Napahagulgol ako nang malakas habang yakap-yakap ang aking mga binti.
Naaalala ko na ang lahat.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top