CHAPTER 13

If your man truly loves you, he will not agree to everything that you say at some point in time.

CHAPTER 13

"HINDI AKO NANANAGINIP, 'DI BA?"

"Totoo ako, Heaven. Totoong-too," I cried.

"H—hindi pa rin ako makapaniwala, ate. H—hindi ko inaasahang mayayakap pa kita ulit dahil ang buong akala ko ay pat—Oh, God!"

My sister cried a river. I couldn't help it. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nagyayakapan at nag-iiyakan. Iyong bumarang tinik sa puso ko ay unti-unting nabawasan. Meeting her was worth leaving my life in Negros. At kahit na wala akong maalala tungkol sa kanya ay ramdam ko iyong lukso ng dugo. Ramdam ko iyong pagmamahal namin sa isa't isa bilang magkapatid.

"Magmula nang makita kita sa TV na ikinakasal, hindi na ako natahimik. Kay tagal kong inasam ang araw na ito. At ang saya-saya ko ngayon k—kasi pakiramdam ko nahanap ko na ang katauhan ko."

"Masayang-masaya rin ako, Ate Hannah."

Tawa at ngiti kaming dalawa. Kamukhang-kamuka ko nga siya. Ang pinagkaiba lang ay wala siyang biloy kapag ngumingiti at mas matangkad din ako sa kanya nang kaunti. Nevertheless, my sister is more beautiful than I've seen on TV.

"Babe, huwag masyadong mahigpit. Baka maipit si baby."

Napatigil kami ni Heaven sa pagyayakapan at sabay na napalingon sa kanyang asawa. Mahina siyang tinampal ni Heaven sa braso.

"Our baby is perfectly fine, Levi. You have lots of explaining to do tonight. Pero sa ngayon gusto ko munang ma-solo ang kapatid ko kaya iwan n'yo na muna kami."

Hinawakan ako ni Heaven sa kamay.

"Pero mas magandang sa hardin na lang tayo mag-usap, ate. Para mas presko ang hangin."

I nodded in agreement. Tiningnan ko sina Mang Ramon at Kuya Ismael. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pagpahid ng luha ng nauna.

"Mang Ramon, Kuya Ismael, puwede na ho kayong bumalik sa Negros. Mas kailangan kayo ng amo ninyo roon."

"Hindi ho puwede, Senyorita. Ipinagkatiwala ka sa amin ni Senyorito kaya babantayan ka pa rin namin kahit ano'ng mangyari."

Napabuntonghininga ako. Naguguluhan namang nakatingin sa amin ang kapatid ko.

"Negros? Senyorito? Sino ang tinutukoy nila, ate? At saka, sino sila?"

I gave Heaven a reassuring smile.

"Mahabang kuwento, Heaven pero ikukuwento ko sa iyo lahat."

Bumaling ako kina Mang Ramon.

"Kayo ho ang bahala."

Si Briggs naman ay dumistansya nang kaunti kasama ni Mr. Micaller. Mukhang may pinag-uusapan din silang seryosong bagay. Hinila na ako ni Heaven sa labas ng kanilang mansyon pero bago iyon ay dumaan muna siya sa kanilang kusina saka nagbilin sa kawaksi na hatiran kami ng meryenda sa hardin.

Naglakad kami sa gilid ng infinity pool at sa dulo ay may nakahilerang mga paso. Halos hindi ko ayaw kong iapak ang paa ko sa Bermuda grass sa sobrang linis nito.

""Maupo ka, ate."

Pumasok kami sa gazebo na nasa gitna ng hardin. Presko nga ang ihip ng hangin dito dahil napapaligiran ng mga mayayabong mga bulaklak at halaman. Napakalawak ng kanilang bahay.

"Salamat. Maupo ka rin."

Inalalayan ko siyang maupo dahil may kalakihan na ang kanyang tiyan. Agad niya akong hinawakan sa kamay nang pagkaupo namin.

"H—hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Ate Hannah. Ang dami kong tanong sa mga oras na ito pero mas nangingibabaw pa rin ang tuwa ko dahil totoong buhay ka at kaharap ko ngayon. Ni sa panaginip ko'y hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Tiyak na magiging masayang-masaya si Hans kapag nagkaharap na kayo," aniya. Hilam pa rin sa luha ang kanyang mga mata kagaya ko.

"Hans?" takhang tanong ko. Natigilan ang kapatid ko't napaluha.

"Si Hans, ate. 'Yong b—bunso nating kapatid," alanganing tugon niya. Parang sasabog ang dibdib ko sa kakaibang emosyon na namuo sa puso ko.

"M—may kapatid pa tayo?"

"Oo, Ate. Si Hans, hindi mo ba siya naaalala?" nag-aalalang tanong ng kapatid. Kumirot ang puso ko.

"Pasensya na, Heaven. W—wala akong naaalala tungkol sa kanya. Ang totoo'y wala rin akong naaalala tungkol sa 'yo, maliban sa pasulpot-sulpot ka minsan sa panaginip ko."

"A---ano?" Gulat siyang napamaang sa akin.

Mapait akong tumango.

"D—dahil sa isang aksidente ay nawala ang memorya ko."

Napatakip siya ng kanyang mga bibig at muling bumaling ang kanyang mga luha.

"W—wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko, Heaven. Kaya ipinagpapasalamat ko na nadiskubre kong may kapatid pa pala ako, at ikaw 'yon. Pero alam mo ba na nadagdagan ang galak ko kasi maliban sa 'yo ay may kapatid pa pala akong bunso. Pakiramdam ko unti-unting lumuluwag ang kadenang nakapalibot sa puso ko, Heaven."

"Ohh, Ate! I'm sorry!" Heaven hugged me again. Puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

"Wala kang dapat i-hingi ng sorry, Heaven. Alam ko na hindi mo ginusto ang nangyari sa akin. Napakabuti mong kapatid."

Umiling-iling siya.

"Dinamdam ni Hans ang pagkawala mo. Dumating pa sa puntong kinailangan kong magpanggap na ikaw para lang inumin niya ang mga gamot niya noong isinugod siya sa ospital. Araw-araw ka niya noon hinahanap. Gumuho ang mundo ko noong akala kong w—wala ka na. Para akong napilayan ng isang paa, Ate. Kasi simula nang mamatay sina Papa at Mama ay ikaw na ang tumayong magulang sa amin ni Hans. Na kahit marami kang responsibilidad ay hindi mo pa rin kami pinabayaan ng bunso nating kapatid."

Walang mapagsidlan ang halu-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. Paulit-ulit akong nagpapasalamat sa Itaas kasi dumating ang araw na ito. Kung sana ay hindi itinago sa akin David ang totoo, hindi sana nagdusa nang gano'n ang mga kapatid ko. Kasalanan niya lahat ng ito!

Parang sinaksak ako nang paulit-ulit. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko sapagkat sa kabila ng lahat ng ginawa niya ay nangungulila ako sa kanya kahit na ilang oras pa lang buhat nang magkalayo kami. Kung sana puwede lang turuan ang puso na tumigil sa pagtibok para sa isang taong hindi karapat-dapat. Pero gano'n nga talaga siguro, bulag ang pag-ibig. Love is everyone's master. Kaya ka nitong pasunurin kahit na ikaw pa ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo.

"Huwag kang mag-alala, Heaven. Nandito na ako. Babawi ako sa inyo ni H—hans."

Pinagsalikop ko ang aming mga kamay.

"At huwag ka rin mag-alala, Ate. Dahil kahit wala kang naaalala ay nandito ako—kami para gabayan ka. At alam kong kahit wala kang naaalala sa amin ay hindi naman nakalimot ang puso mo."

"Kailanman ay hindi maaaring makalimot ang puso, Heaven. Dahil may sarili itong utak, alam niya kung kailan siya lalaban at kung kailan siya susuko."

Napangiti si Heaven dahil sa sinabi ko.

"Walang duda, ikaw nga ang Ate Hannah ko na mas matanda lang sa akin ng ilang minuto. Napakabuti mong tao, Ate. Kasi sa kabila ng nangyari sa buhay mo ay positibo ka pa rin na makakabangon ka."

"Iyon ay sapagkat nandiyan kayo, Heaven..." mabilis kong tugon. Iba pa rin talaga kapag pamilya mo ang hinuhugutan mo ng inspirasyon, lalo kang lumalakas. Dahil alam mong kahit madapa ka man nang pauli-ulit ay nandiyan sila, handang hawakan ang kamay mo para makabangon ulit.

Saglit lang kaming tumigil sa pag-uusap nang dumating na iyong kawaksi na may dalang tray na may lamang dalawang baso ng juice at tig-iisang slice ng cake.

Umalis din sila kaagad pagkatapos ipatong iyon sa maliit na lamesang sinadyang ilagay sa gitna ng Gazebo.

"Pero alam mo ba sa kabila ng kakaibang sayang nararamdaman ko ngayon, marami pa ring katanungan sa isip ko ngayon. Isa na roon ay kung paano ka nakaligtas sa sunog at kung paanong napadpad ka sa Negros gayong wala naman tayong kamag-anak doon," Heaven stated.

Napainom ako ng juice nang wala sa oras. Takhang tiningnan ko siya.

"Sunog?"

Humigpit ang hawak niya sa aking mga kamay.

"Kung sinuman ang nagligtas sa 'yo mula sa sunog ay laki ang ipinagpapasalamat ko sa kanya."

Natahimik ako. Hindi kaya si David?

"Noong araw na dumalaw ka sa bahay para bisitahin kami ni Hans ay nasunog ito. Nasa trabaho naman ako noon dahil mnag-overtime. Nakaligtas si Hans at inakala namin na isa ka mga nasawi kasama ng kapitbahay natin. Malaking parte ng residential area ang nasunog noon at kasama ang bahay natin."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Litung-lito ako sa aking mga narinig. Pero ito na siguro ang tamang panahon para matuklasan ko ang aking nakaraan.

"Noong unang araw na nagising si Hans ay ikaw kaagad ang hinanap niya, Ate Hannah. Nagtamo rin siya ng mga sugat noon dahil pinababa mo siya sa bahay gamit ang pinagdugtung-dugtong na tela. Bumagsak siya sa lupa. Pero ikaw, ang akala namin ay—"

Pakiramdam ko'y lalo akong nadudurog sa mga nalalaman ko. Hindi ko akalaing may nangyari palang masalimoot sa amin noon.

"P—pasensya na kung wala akong naalala, Heaven. Pero pangako, gagawin ko ang lahat—"

"Shh, huwag mong pilitin ang sarili mo, Ate. Ang mahalaga ngayon ay nandito ka, buhay na buhay." She smiled at me while crying. Hinawakan niya ako sa pisngi.

"Pero naalala mo ba kung paano ka napadpad sa Negros?" pagkuwa'y tanong niya.

Huminga ako nang malalim. Siguro ako naman ang dapat na magkuwento.

"N—naaksidente kami ni David sa sinasakyan namin kotse. Mabuti na lang at nakalabas kami bago ito sumabog. Pero pareho kaming tumalsik at ako ang napuruhan kaya n—nawala ang memorya ko. Pagkagising ko ay nasa ospital na ako at wala akong naaalala sa lahat."

"Diyos ko!" histerikal akong sinipat ni Heaven.

"I'm sorry, Ate! H—hindi ko alam. P—pero sinong David ang tinutukoy mo? Iyong kaibigan ba ni Briggs? At paano kayo nagkakilala?"

Nangunot ako sa tanong niya. Hindi niya kilala si David?

"Oo." Malungkot akong bumuntonghininga.

"At sa lahat ng taong puwedeng manloko sa akin ay asawa ko pa. Hindi ko lubos maisip kung paano nagawang itago ni David sa akin na may kapatid pa pala ako. Niloko ako ng sarili kong asawa, Heaven."

Napahagulgol ako.

"A—asawa?" takhang tanong ng kapatid ko na nagpakunot sa aking noo.

"Oo, asawa. S—si David. Asawa ko, Heaven. H—hindi mo ba alam ang tungkol sa kanya?"

Napaawang siya't nanlaki ang kanyang mga mata.

"Asawa? Papa'nong nangyari 'yon?"

I creased my forehead.

"Ano'ng ibig mong sabihin? W—wala akong asawa?"

Mabilis na tumango si Heaven sa tanong ko. Biglang gumuho nang tuluyan ang aking mundo. Pakiramdam ko'y dinukot ang puso ko mula sa aking dibdib.

"Wala, Ate. It's impossible for you to have a husband. Magmamadre ka, 'di ba? In fact, you have already entered your novitiate before that tragic incident happened."

Natulala ako't sabay na nagsibagsakan ang mga ulap sa aking paningin.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top