CHAPTER 12

Water purifies the body but forgiveness purifies the soul.

CHAPTER 12

IT SEEMED TO BE REAL. Hindi mawaglit sa aking isipan ang napanaginipan ko kanina. Napapatulala ako nang hindi ko namamalayan. At kahit panaginip lamang iyon ay ramdam ko ang takot at kirot sa dibdib ko.

"May problema po ba, Senyorita?"

I was raped. Hindi ko kayang tanggapin iyon. That might just be a nightmare. Tama, hindi dapat ako matakot. Marahil ay epekto lang iyon ng masyadong pag-iisip tungkol sa pagkikita namin ng kapatid ko.

"Senyorita?"

I couldn't wait to see Heaven in person. Napangiti ako nang malaman ko ang pangalan niya. Nakasulat din sa papel ang kanyang buong pangalan kasama ang address niya.

"Senyorita Hannah?"

Napahawak ako sa aking dibdib nang nang biglang may kumaway na kamay sa harapan ko.

Si Kuya Ismael.

"Po?"

"Senyorita, kanina pa ho naghihintay ang van na maghahatid sa atin sa bahay ng kapatid mo."

"Ho?"

Napakurap ako nang mapansing nasa harapan na pala ako ng puting van. Nakabukas na ang pinto nito at nakatingin sa akin ang driver at ang lalaking kasama nito. Maging si Mang Ramon ay nag-aalalang nakatingin sa akin.

"P—pasensya na po."

Pinakatitigan ko iyong lalaking nakaitim na jacket at nakasuot ng aviators. Kasingtangkad siya ni David. Matangos ang kanyang ilong at wala man lang ni kapirasong tagihawat.

"Nga po pala, siya po si Sir Briggs, ang maghahatid sa atin sa bahay mansyon ng mga Micaller, doon ho nakatira ang kapatid ninyo, Senyorsita."

Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon.

"Hannah Bustamante," pagpapakilala ko sa aking sarili.

"I'm Briggs... Briggs Martin," he introduced.

His name made me pause. Saglit akong nag-isip kung saan at kailan ko narinig ang kanyang pangalan. Nang maalala ko'y natango ako.

"Ikaw ba si Martin na laging kausap ng asawa ko sa kanyang telepono?" hindi ko napigilang itanong.

"Ako nga, Senyorita."

Napatango-tango ako. Kung gano'n ay pinagkakatiwalaan siyang kaibigan ni David. Ibig sabihin ay puwede ko siyang tanungin tungkol sa mga bagay-bagay na gusto kong malaman. I nodded my head to my own thoughts.

"Gano'n ba? Tara na?" yaya ko.Iminostra ko ang sasakyan.

"After you, Senyorita.."

Pumasok na ako sa loob ng van. Ramdam ko iyong mainit na hagupit ng haring araw. I suddenly missed the cool breeze of air in the province.

Sa tabi ng driver umupo si Briggs. Nasa likod niya si Mang Ramon. Sa kabilang upuan naman ako at sa likod si Kuya Ismael.

Saglit kong sinulyapan si Kuya Ramon na dumudutdot ng cellphone. I'm pretty sure na nag-re-report na 'yan sa amo niya. Pagkatapos ng lahat ng ito ay sana mawala na ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni Briggs.

"Ahm, gaano na kayo katagal magkakilala ni David, Briggs?" I queried. Saglit niya akong nilingon.

"Been quite a while. We worked for the same organization."

"I see."

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay.

"Sino si Denise?"

Napaayos siya ng tayo dahil sa tanong ko. Marahil ay alam niya ang panlolokong ginawa sa akin ni David.

"S—she's my girlfriend."

Namilog ako. But I tried to hide my surprise reaction. Gano'n talaga siguro kapag may amnesia ka, lahat ng bagong impormasyon na naririnig mo ay tumatatak sa isipan mo. I remember it right, Denise is my cousin. Ibig sabihin ay may tiyahin at tiyuhin pa ako. My heart thumped.

Tumingala ako at nag-isip ng maganda pang tanong. Mukhang mahaba pa ang biyahe dahil mabagal ang usad ng trapiko. Panaka-naka kong sinusulyapan ang magulong daan.

"Dati na ba tayong nagkakila—"

Nabitin sa ere ang tanong ko dahil namalayan ko na lang na nakasandal na sa headrest si Briggs at may nakapasak na earphones sa kanyang tainga.

I got it. He's not interested in answering my questions.

I sighed in defeat. Bakit pakiramdam ko'y lahat ng tao sa paligid ko ay ayaw akong makaalala?

Sumandal na rin ako sa headrest at ilang beses na bumuga ng hangin. Hindi na ako makapaghintay na makaharap ang kapatid ko. Although I have only seen her once on TV, I knew she's a beautiful woman inside.

"David, please... Sagutin mo naman ako. Kasi gulong-gulo na ang utak ko, e. Kung mayroon man gusto ko siyang makita. Gusto kong makasama ang kapatid ko, David."

"Please forgive me, wife..."

"Ang ibig mo bang sabihin ay---"

"No. Wala kang kapatid."

Dumaan ang kirot sa dibdib nang maalala ko na naman ang araw na iyon. Siguro'y kung hindi ko narinig si David sa library ay habang buhay na lamang akong nakakulong sa kasinungalingan. Habang buhay ang masasayang na hindi ko kasama ang totoo kong pamilya.

Namigat ang talukap ng mga mata ko nang pinaandar ng driver ang radyo. Pumainlang sa loob ng sasakyang ang Ballade Pour Adeline. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Ate Hannah! Diyos ko! Ano'ng ginawa mo sa sarili mo?"

"Ate Hannah, please wake up! Ate!"

"W—wala nang saysay ang buhay ko, Heaven. Wala na. P—pagod na ako."

"Ate Hannah, please. Huwag mong sabihin 'yan. Ate, hindi ka namin pababayaan. Nandito kami nila Mama at Papa. Mahal na mahal ka namin. Please, lumaban ka para sa amin, ate. S—sandali tatawag ako ng ambulansya."

"N—no. H—hindi mo naiintindihan, Heaven. H—hindi na ako matatangap ni David kapag nalaman niyang buntis ako. H—hindi niya ako matatanggap. K—kaya siguro hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. S—siguro alam na niya ang nangyari sa 'kin. P—pinandidirihan niya siguro ako."

"Ate, please. Huwag mong sabihin 'yan. Nandito ako, nandito kami. Ate, pakiusap huwag kang pipikit. Tulooooong!"

"H—huwag na, Heaven. M—mas magiging masaya ako kung matapos na ang paghihirap ko. Isinusumpa ko itong batang ito sa tiyan ko. Mamamatay siya! K—kasama ko siyang mamamatay..."

"H—hindi, ate! Kailangan mong madala sa ospital! Tulong!"

"Heaven, tama na... H—hindi na ako aabot."

"No! K—kasalanan ko ang lahat ng ito, ate. K—kung hindi sana ako sumama sa mga kaklase ko, hindi mo sana ako susundan. Hindi sana ako nadukot. Hindi sana nangyari sa 'yo ito. K—kasalanan ko ang lahat, ate. K—kaya huwag mong—"

"Shhh... K—kahit pagbabaliktarin man ang sitwasyon, ililigtas at ililigtas pa rin kita, Heaven. Mahal na mahal kita, kakambal ko. At bilang ate mo, r—responsibilidad ko na alagaan ka at poprotektahan. K—kasi lagi na lang ikaw ang nagtatanggol sa akin."

"A—ate..."

"A—alagaan mo ang sarili mo, ha? H—huwag mong pababayaan sina Mama at Papa. Mahal na mahal ko k—ko kayong tatlo."

"Ate, no! Ate, h—huwag kang pipikit, please? Ate!"

"M—mahal na m—mahal—ugh!"

"Ateeee!"

"Heaven!"

Napabalikwas ako't napahawak sa aking dibdib. Habol-habol ko ang aking hininga.

"S—senyorita?"

Napabaling ako sa kanan ko. Nag-aalalang mukha ni Mang Ramon ang bumungad sa akin.

"M—mang Ramon..."

Napahawak ako sa aking pisngi. Hilam ito ng luha. Umiiyak ako!

"May masakit ba sa 'yo, Senyorita?"

Sunod-sunod akong umiling. Dumukwang si Ismael at inabutan ako ng bottled water.

"Nanaginip na naman yata kayo, Senyorita."

Nagising din si Briggs at lumingon sa gawi ko.

"Are you okay?"

I nodded. Ngumiti ako nang tipid. Parang nakikipagkarerahan sa kabayo ang tibok ng puso ko.

"Don't worry, malapit na tayo. We'll be there in less than ten minutes," anunsyo ni Briggs.

Nakahinga ako nang maluwag. My dreams were getting weird. Parang totoong-totoong nangyari. At katulad kanina sa loob ng eroplano ay parang pinipiga rin ang aking puso.

Diyos ko! Ano ba itong napapanaginipan ko?

Hindi ko namalayan naubos ko pala ang laman ng bottled water. Kahit na malakas ang aircon sa loob ng van ay tagatak ang pawis ko.

Maybe I 've been overthinking. That's just it. Hindi totoo ang panaginip na iyon. Hindi ko iyon magagawa sa sarili ko. Isang kasalanan sa Diyos iyon. Hindi ko iyon magagawa.

Pumikit ako at nag-usal ng dasal. Hindi dapat ako magpaapekto sa panaginip na iyon.

"Gusto n'yo ba tawagan ko si Senyorito David? Gusto n'yo ho ba siyang makausap?" alanganing tanong ni Mang Ramon. Mabilis naman akong umiling bilang tugon.

"May pakiusap po sana ako sa inyo, Mang Ramon."

I sighed.

"Ano po 'yon, Senyorita?"

"Kung maaari po sana ay huwag n'yo nang babanggitin ang pangalan niya sa harapan ko."

Nagkatinginan sila ni Ismael dahil sa sinabi ko. Ibinaba niya ang telepono at marahang tumango.

"Masusunod, Senyorita."

"We're here," Briggs declared.

Pumasok ang van sa isang matayog na pader nang bumukas ang gate. Malawak na lawn ang bumungad sa paningin ko. May fountain sa gitna.

Naunang bumaba sina Mang Ramon at Ismael. Inalalayan nila akong bumaba.

I wrinkled my forehead while staring at the huge front door of the modern house. Halos sinlaki ito ng mansyon sa hacienda. Moderno nga lang ang disenyo ng bahay.

Bumukas ang pinto at sumalubong sa amin ang isang lalaking halos kaedaran din ni Briggs. Para siyang artista. Ipinilig ko ang aking ulo para alalahanin kung saan ko nga ba siya nakita.

"Martin."

"Mr. Micaller."'

Nagkamayan sila ni Briggs bago natuon sa akin ang atensyon ni Mr. Micaller. Ngumiti siya sa akin.

"Damn! This is insane but I am pretty sure my wife will be happy to see you," sabi niya.

Naalala ko na. Siya iyong nakita ko sa TV na ikinakasal sa kapatid ko!

"I'm Levi Micaller, your sister's husband."

Napaluha ako. Kilala niya ako!

"N—nasaan ang k—kapatid ko?"

"Let's get inside? Tatawagin ko lang ang asawa ko," aniya.

Sumunod nga kami sa loob. Namangha ako sa naglalakihang chandeliers na nakasabit sa kisame pagkapasok pa lang namin sa loob. Halos makita ko na ang sarili ko sa sahig sa sobrang kintab nito.

Umakyat sa hagdan si Mr. Micaller at pagkatapos ng ilang minuto ay pababa na ulit ito ng hagdan habang takip-takip ng kanyang mga kamay ang magkabilang mata ng babaeng kamukhang-kamukha ko. May kalakihan na ang tiyan nito at sa tantiya ko'y limang buwan nang buntis.

"Ano na naman ba itong sorpresa na sinasabi mo, Levi? Kapag ako nahulog sa hagdan, naku lang talaga!" ani ng babae.

My eyes started to pool with tears as I watched them descending the stairs.

"Hold on, we're almost there, babe. Wait..." malambing na sagot sa kanya ni Mr. Micaller. Napakasuwerte ng kapatid ko sa kanyang napangasawa.

Pigil ko ang ang aking hininga hanggang sa marating nila ang pinakababa ng hagdan. My sister was just few inches away from me.

"In the count of three, babe... One, two, three... Surprise!"

Pagkasabi niya niyon ay tinanggal niya ang pagkakatakip sa mga mata ng kapatid ko. Kumurap-kurap pa ito na tila sinisiguradong hindi siya namamalikmata.

"A—ate Hannah?" She gasped. Bumalong din ang mga luha sa kanyang mga mata.

"H—heaven..." I murmured. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"A—ate?" Inilang hakbang niya ako at hinawakan sa kamay at sa pisngi. Hindi siya magkandaugaga kung saan ako bandang hahawakan. Nanginginig ang kanyang mga labi.

"Ate, ikaw nga! Ngunit p--paano? B—buhay ka?"

"Ako nga ito. Ang Ate Hannah mo," mahinang tugon ko bago siya niyakap nang mahigpit.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top