CHAPTER 11

CHAPTER 11

"HINDI NA BA TALAGA MAGBABAGO ANG ISIP MO, ANAK?"

Maluha-luha ang mga mata ni Nanay Sol habang nakatingin sa bagahe kong bitbit ni Dionesa. Walang imik namang binuksan ni Mang Ramon ang trunk ng kotse saka kinuha sa huli ang maleta.

"Ito ho ang makabubuti para sa amin, Nay Sol."

Maging sina Dionesa at Manang Inday ay palihim na nagpahid ng kanilang mga luha. I knew they're still shocked about what happened. At maging ako'y hindi ko inakalang mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. Pero buo na ang desisyon kong umalis.

"S—senyorita, babalik ka naman, 'di ba?" Si Manang Inday.

Tipid akong ngumiti at niyakap siya. Niyakap ko rin si Dionesa at huli ay si Nanay Sol.

"Hindi pa naman siguro ito ang huli nating pagkikita," tugon. Huminga ako nang malalim nang maramdaman ko ang bikig sa aking lalamunan.

"Maraming salamat sa inyong lahat kasi sa maiksing panahon na nagkasama tayo ay hindi ninyo ako pinabayaan." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Napamahal ka na sa amin, Senyorita. Hindi na magiging katulad ng dati ang mansyon na ito nang dahil sa pag-alis mo. Sana bumalik ka," lumuluhang turan ni Dionesa.

I tried to comfort them with a smile but it turned out weak. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa totoo lang mabigat ang loob ko.

"Kung bibigyan man ako ng tadhana ng dahilan para bumalik, tiyak na magkikita pa ulit tayo. Napamahal na rin kayo sa akin dahil itinuring ninyo akong pamilya."

Hinawakan ako ni Nanay Sol sa magkabilang kamay at maluha-luhang tiningnan sa mga mata.

"At sana sa saglit mong paglayo ay mahanap mo sa sarili mo ang pagpapatawad, anak. Dahil mas malupit magparusa ang pagsisisi sakaling maging huli na ang lahat. Ipagdadasal ko na sana mahanap mo ang sarili mo. Magpakatatag ka. Mahal na mahal ka ng alaga ko."

Ngumiti ako nang mapait. Kung sana gano'n lang kadaling tanggapin ang lahat. Ngunit sa ngayon ay hindi ko pa nahahanap sa sarili ko ang pagpapatawad. Siguro dahil marami pa ring gumugulo sa utak ko.

"Senyorita, aalis na ho tayo," deklara ni Kuya Ismael. Silang dalawa ni Mang Ramon ang sasama sa akin sa pag-alis. Ayaw ko sanang pumayag pero iyon daw ang huling kahilingan ni David.

"Senyorita..."

Muli akong niyakap ni Dionesa. Niyakap ko rin siya pabalik, iyong mas mahigpit.

"Mag-iingat ka, Senyorita."

Tumango-tango ako. Pinagbuksan ako ni Kuya Ismael ng pinto ng kotse sa backseat. Si Mang Ramon naman ang mag-da-drive at sa passenger's seat naman naupo ang nauna.

Tiningnan ko nang maigi ang harap ng mansyon habang paalis kami. Hindi ko nakita ang anino ni David pagkatapos niyang lumabas ng kuwarto kaninang umaga.

I cried silently at the back. Walang imik naman ang dalawang bodyguard na kasama ko. Hindi ko alam kung paano ipinaliwanag sa kanila ni David ang lahat. Alam kong gulat din sila sa biglaang desisyon nitong hayaan akong umalis. I smiled bitterly. Bakit pa ba ako nagugulat? All this time he's been a control freak. Nakaya niyang manipulahin ang lahat. Pinaikot niya ako sa kanyang mga palad nang walang kalaban-laban.

Napatulala ako sa malawak na lupain ng mga Bustamante habang binabaybay namin ang palabas ng hacienda. I used to admire this vast view of green field but it didn't change the fact that this will remind me from now on, of the stolen chances to be with my biological family. This place has been my luxurious shelter for the past few months.

Pagdating sa airport ay naghihintay na ang pribadong eroplano na maghahatid sa amin sa Maynila. Natatandaan ko pa, ito rin ang sinakyan namin ni David noong lumipat kami rito sa Negros.

Hawak-hawak ko ang iyong maliit na papel na may nakasulat na address ng kapatid ko. Inabot ito sa akin kanina ni Nanay Sol, galing daw kay David. Iyon pa ang nagpadagdag sa sakit na nararamdam ko. All these time, he knew the answers to my questions yet he chose to hide everything from me.

"Senyorita, tara na ho."

Nauna si Kuya Ismael. Pagkatapos namin dumaan sa security check ay dumiretso kami kaagad sa private plane. Naunang maglakad si Ismael. Gaya ng dati ay napapagitnaan nila akong dalawa ni Mang Ramon, na siyang naglalakad sa likuran ko.

Hinayaan ko na lamang silang sumama dahil mahihirapan din naman akong umalis mag-isa lalo na at wala akong kaalam-alam sa lugar na ito.

Dinama ko ang malamig na hampas ng hangin bago tuluyang umakyat sa eroplano. I will miss the ambiance of this place even if it gave me nothing but shelter of lies.

Nang makaakyat na ako sa taas ay muli akong tumingin sa baba. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin ang matipunong bulto na nakatingin sa kinaruruonan ko. He's wearing a pair of aviators. Nakapamulsa siya habang hindi hinihiwalay ang tingin sa eroplano.

Nang mapagtanto kong napatitig din ako sa kanya ay agad akong umalis sa pinto at umupo sa pinakamalapit na upuan.

Ang buong akala ko'y nagpa-iwan siya sa hacienda. Iyon pala'y sinundan niya kami rito.

"Ayos ka lang ba, Senyorita?" Si Kuya Ismael.

Tipid akong ngumiti. "Ayos lang ho ako."

Napatingin naman ako kay Mang Ramon habang hawak ang kanyang telepono. Medyo malayo siya sa akin kaya hindi ko marinig ang kanyang sinasabi. From the looks of it, mukhang nakikinig siya ng mga bilin sa kanya. Hindi na ako magugulat kong malalaman kong kausap niya ang magaling niyang amo.

"Puwede ho kayong umidlip kapag nag-take off na ang eroplano, Senyorita. Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nasa NAIA na tayo."

"Salamat, Kuya Ismael. Salamat din kasi sinamahan ninyo ako."

"Ginagawa lang ho namin ang trabaho namin, Senyorita. Kabilin-bilinan ni Senyorito na poprotektahan ka namin kahit ano'ng mangyari. At huwag ho kayong mag-alala dahil pagdating natin sa airport sa Maynila ay may susundo na sa atin na maghahatid sa atin sa kapatid mo."

I nodded. Sa kaloob-looban ko'y natawa ako nang mapakla. Funny how he always secures my safety but never secured my heart from his own evil scheme.

Ngayon pa lang ay hindi ko na mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano kayang magiging reaksyon ng kapatid ko kapag magkita kami? Matutuwa kaya siya? Hinanap kaya niya ako noong nawala ako?

Marami na akong naipong katanungan sa isip ko. At sana nga'y tama itong ginawa kong lumayo sa mundong panandaliang kumanlong sa akin nang mawalan ako ng alaala sa lahat.

As the plane takes off, my withered. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog ako...

"Ate Hannah!"

"Shhh..."

"Ate Hannah, dumating ka!"

"Huwag kang maingay, Heaven. Itatakas kita rito."

"S—sige, ate. S—salamat, dumating ka. Ate, narinig ko, ibebenta nila ako sa mayaman nilang kliyente na nangangailangan ng kidney."

"Mabuti na lang sinundan kita kanina. Huwag kang matakot, nandito na si ate. Hindi kita pababayaan, Heaven. Makakaalis tayo rito."

"Aray, ate! Ang sakit ng pagkakatali nila sa mga paa ko."

"Shhh... Malapit na malapit, saglit lang, Heaven. Makakalag din natin ang gapos mo."

Nanginginig ang mga kamay ko habang kinakalas ang lubid na nakatali sa mga paa ni Heaven. Namumula na ang balat niya sa higpit ng pagkakatali. Nang malapit ko na itong makalas ay may narinig kaming mga boses.

"A—ate, nandiyan na sila. B—bumalik na sila. Umalis ka na, ate!"

"No! Hindi ako aalis hangga't hindi kita kasama."

"Ate, wala na tayong oras. Magtago ka sa likod ng pinto!"

"Shhh..."

"A--ate, ano'ng ginagawa mo?"

"K—kahit ano'ng mangyari, huwag kang gagawa ng anumang ingay, dito ka lang sa likod ng pinto. At kapag nagkaroon ka ng pagkakataon, tumakas ka at humingi ng tulong. Naiintindihan mo?"

"A—ate..."

"Tumakas ka, Heaven!"

"Putangina! Paano ka nakawala sa mga gapos?"

Napatalon ako sa gulat ng pumasok sa pintuan ang tatlong kalalakihan na kumuha kay Heaven. Tinapangan ko ang aking mukha. Sana hindi nila mapansin si Heaven. Pareho lang kami ng uniform ng kakambal ko kaya't hindi nila mapapansin na iba na ang kasama nila ngayon.

"Pare, napakasuwerte natin sa bago nating bago nating bihag. Ano kaya kung magpakasarap muna tayo bago natin siya pagkaperahan?" mungkahi ng isang lalaki na malaki ang katawan at mahaba ang buhok.

Nanginginig ang katawan ko sa takot. Pasimple kong sinulyapan si Heaven. Marahas kong iniling ang ulo ko nang mapansin kong akma siyang lalabas sa likod ng pinto ng kuwartong pinagdalhan sa kanya.

"Sa bagay, tama ka, pare. Preskang-preska ng dalagitang ito."

Nanlaki ang mga mata ko nang tiningnan nila ako nang malagkit. Diyos ko, hwuag po Ninyo akong pababayaan!

"Bitawan ninyo ako! Mga hayop kayo!"

"Huwag ka nang magpumiglas, Miss, kung ayaw mong masaktan."

"Mga hayop kayo! Ipapakulong ko kayo!"

"Iyon ay kung makatakas ka pa rito nang buhay!"

"Mga hayoooop! Huwaaaag!"

Ngunit nilamon ng malademonyo nilang halakhak ang aking boses. Pinunit nila ang suot kong uniform at sinimulang pagpiyestahan ang aking katawan.

"T—tumakas ka, Heaven..." nanghihina kong sambit. Hinihiling sa langit na sana makaligtas ang kapatid ko sa mga demonyong ito.

"Heaven..."

"Heaven!"

"Senyorita Hannah!"

Napabalikwas ako't napahawak sa aking dibdib.

"Heaven..."

"Senyorita, ayos lang kayo?"

Nag-aalalang mukha ni Ismael ang bumungad sa akin. Tagatak ang aking pawis at luhaan ang aking mga mata.

Panaginip. Isang masamang panaginip lang ang lahat.

"Senyorita, inumin n'yo ho ito. Mukhang nanaginip ho kayo nang masama."

Inabot sa akin ni Mang Ramon ang bottled water. Maging ang crew ay napalapit sa kinaruruonan ko.

Dire-diretso kong ininom ang laman ng bottled water. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko at napatulala ako sa kawalan.

Panaginip lamang iyon ngunit bakit pakiramdam ko'y totoo?

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top