CHAPTER 10
You cannot teach a bird to fly until you free it from the cage.
CHAPTER 10
"YOU LIED TO ME!"
I hammered his chest using my both fists. Walang mapagsidlan ang sakit na nararamdaman ko. He betrayed me!
"Of all people, bakit ikaw pa, ha?"
Wala siyang reaksyon. Tinatanggap niya ang bawat suntok ko sa kanyang dibdib. That's making me more frustrated.
"Ano? Sumagot ka! Bakit mo nagawa sa akin 'to, David? Bakit?!"
Hindi pa ako nakuntento; pinaulanan ko siya ng sampal sa magkabilang pisngi ngunit wala pa rin siyang imik. Para lang akong nakikipag-usap sa tuod. Itinulak ko siya nnag malakas sa kanyang dibdib ngunit ni hindi man lang siya natinag sa kanyang kinatatayuan. He remained unmoved.
"Sumagot ka!"
Napahulgulgol ako. I kept throwing punches towards his chest until I gave up. Nawalan ako ng lakas. Hinuli niya ang mga kamay ko't bigla akong niyakap nang mahigpit.
"Bakit, David? Bakit?"
Nauwi sa hagulgol ang bawat katanungang iyon. He never uttered a single word. Nagpumiglas ako sa yakap niya ngunit masyado akong nanghihina sa magkahalong sakit at galit na nararamdaman ko.
"Magsalita ka, pakiusap!"
But he remained silent. He just tightened his grip on my body like I'm a crystal that's about to fell on the floor.
"Putangina, David! Magsalita ka! Huwag kang magbingi-bingihan!"
Muli ko siyang pinagsusuntok sa dibdib habang yakap-yakap niya ako ngunit sintigas siya ng bato. Pakiramdam ko bumabalik ang sakit sa akin sa bawat suntok na ibinibigay ko sa kanya.
I gathered all my strength and pushed him hard. Doon siya napabitaw sa akin. Tiningnan ko siya diretso sa kanyang mga mata kahit nanlalabo ang aking paningin.
"Sabihin mo sa akin, ano pang kasinungalingan meron ka? Na mamamatay-tao ka? Don't deny it; I have seen the proof with my two eyes!"
Doon na nagkaroon ng emosyon sa kanyang mga mata. Dumilim ang kanyang mukha at kumuyom ang kanyang mga kamao.
"Pinagkatiwalaan kita dahil mahal kita, David! Umasa akong hindi mo magagawang lokohin ako dahil asawa mo ako at kahit marami na akong rason para pagdudahan ka, hindi ako naniwala kaagad. Dahil naniwala ako sa pagmamahal mo sa 'kin. Pero nagkamali ako, dahil ikaw pa pala ang mananakit sa akin nang ganito. Napakasinungaling mo! I should have known better!"
Nanginginig ang mga kalamnan ko sa matinding galit. Bumalik sa blangko ang eskpresyon sa kanyang mukha kaya't marahas akong umiling.
"You know what? Kung puwede ko lang sanang iuntog nang paulit-ulit sa pader ang ulo ko hanggang sa makaala-ala ako. Nang sa gano'n ay hindi na ako aasa sa mga salita mong puro kasinungalingan. Hindi mo alam ang pakiramdam nang walang naaalala tungkol sa nakaraan. Pakiramdam ko isa akong sanggol sa basta na lang itinapon sa basurahan at iniwan. Madilim na nga ang mundo ko, ninakaw mo pa ang kakarampot na liwanag na nakatanglaw sa paligid ko. You're worse than the devil, David!"
Agad ko siyang tinalikuran pagkatapos kong sabihin iyon. Padabog kong ibinagsak ang pinto ng library pagkalabas ko. Saglit lang akong napatigil nang bumungad sa akin ang mga kawaksi na tila gulat na gulat sa kanilang narinig. Marahil ay napaakyat sila dahil sa aking sigaw. Bitbit pa rin ni Dionesa ang ang walis at si Nanay Sol naman ay may bitbit na sandok. Their eyes were full of confusions as they looked at me. Nilagpasan ko lang sila at dumiretso sa kuwarto.
Mabibigat ang hakbang kong tinungo ang walk-in closet. Kumuha ako ng maleta at inisa-isang inilabas ang mga damit ko.
I'm leaving this house full of shits.
Wala na akong pakialam kung saan man ako mapadpad pero kailangan kong umalis sa mansyon na ito bago pa malason ng marami pang kasinungalingan ang aking isip.
Ipinatong ko sa kama ang maleta at ipinasok ang bawat damit na nakuha ko sa closet. I could settle for few pairs of garments. Isa pa, pera ni Bustamante ang pinambili ng mga ito kaya't hindi ko kayang dalhin lahat.
I paused when I heard the door closed behind me. Agad na kumalat sa buong kuwarto ang kanyang amoy. Tanda na sinundan niya ako rito sa loob.
Nang mapagtanto kong papalapit siya sa akin ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ngunit napasinghap ako nang hinablot niya ang maleta at inihagis iyon sa pader.
"No one's leaving this house, Hannah."
Sinlamig ng matigas na yelo ang kanyang boses. Tumawa ako nang mapakla kahit na luhaan pa ang aking mga mata.
"At sa tingin mo ba mapipigilan mo ako? Wala kang karapatan!"
"Of course I have, I am your husband." His muscles flexed as if he's controlling his emotion.
Inilang hakbang ko ang vanity table kung saan nakapatong ang wedding picture na dala niya noong nakaraan.
"Ito ba ang ipinagmamalaki mo? Puwes wala itong kuwenta!"
Inihagis ko iyon sa pader. Basag nang bumagsak sa sahig. My hands were shaking in anger. Nakita ko ang saglit na pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata ngunit agad din iyong nawala.
"Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Wala ka namang mapapala sa akin, 'di ba? Ano? Mayaman ba ang pinagmulan kong pamilya at pineperahan mo lang o may iba ka pang motibo?"
Napahilamos siya sa kanyang mukha.
"I love you, Hannah. I really do." He tried to reach out for my hand but I pushed him away.
"You're not in love, David! You're obsessed! You're indecently obsessed!"
"If loving you is an indecent obsession then I'm humbly willing to be obsessed for the rest of my life. I don't fucking care if I'll lose my sanity because I've been crazy over you since the day we first met, Hannah. I will accept the wrath of your anger but I will never let you go this time. I have had enough!" he declared before hugging me from behind.
Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas.
"Get off me! Bitawan mo ako! Nababaliw ka na!"
Nanghina ako. Pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa akin and it's creeping me out already. Kumalabog ang aking dibdib. He's no longer the David I knew. He's crazy!
"You're not leaving me, Hannah..."
Napaiyak ako ngunit naramdaman ko rin ang pamamasa ng aking balikat.
I paused for a second. He's crying!
Ramdam ko ang pagyugyog ng kanyang balikat kahit na walang tunog ang kanyang pag-iyak. It's the first for me to see him like this. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Mahal na mahal ko siya pero niloko niya ako.
"Sa ilang buwan nating pagsasama, araw-raw kang nagkaroon ng pagkakataon para sabihin sa akin ang totoo, David, pero hindi mo ginawa. Mas pinili mong magsinungaling. Sinamantala mo ang kondisyon ko. You're the worst husband a woman could ever have. Hindi ko alam kung bakit kinailangan mong gawin iyon. Kapatid ko 'yon, David! Hindi siya ibang tao. Higit kanino man ay siya ang pinakakinakailangan ko sa pagkakataong madilim ang mundo ko."
Lumuwag ang pagkakayakap niya. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para harapin siya at ginawaran ng malakas na sampal sa kanyang pisngi. Pumaling ang kanyang ulo.
"Just give me a valid reason, David. Baka sakaling lumambot pa ang puso ko at mapatawad kita. Kasi sa totoo lang hindi ko alam kung mapapatawad kita sa ginawa mo. Ang sakit-sakit dito, o."
Itinuro ko nang paulit-ulit ang aking dibdib. Tiningnan niya ako diretso sa mga mata. Namumula ang kanyang pisngi na may bakat ng sampal ko.
"I just love you more than my life, wife..." he responded.
"Putanginang pagmamahal ang meron ka, David! Napakabobo mong magmahal! Sinong matinong lalaki ang itago ang kanyang asawa sa pamilya niya, ha? Pagmamahal ba ang tawag mo sa gano'n? David, naman! Hindi mo ba nakikita sa mga mata ko? Ang sakit-sakit. Para akong pinapatay sa kaalamang kalokohan lang pala ang lahat. At ngayon hindi ko na alam kung alin sa pagkatao mo ang totoo. Parang minartilyo mo nang paulit-ulit ang kahuli-hulihang pako para mabuo ang kabaong ko!"
Muli kong pinulot ang maletang inihagis niya sa pader. Pinulot ko rin ang mga damit na tumilapon sa sahig. I scooped the clothes back to the bed. Paisa-isa ko rin ibinalik iyon sa maleta habang nakatingin lang siya sa akin.
"Do you really want to leave me, Hannah?" bigla ay tanong niya. Bagamat may halong sakit ay malamig ang kanyang tinig. Saglit lang akong natigilan saka itinuloy ang aking ginagawa.
"There's no point of staying in this house, David. Specially when every corner of this house will remind me of all your lies."
Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntonghininga.
"Will you be happy if I will let you go?"
Kumirot ang puso ko sa tanong na iyon ngunit kusang bumuka ang aking bibig para sumagot.
"Sa tingin mo ba magiging masaya rin ako kung mananatili pa ako sa poder mo? Sirang-sira na tayo, David. At kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi na ako magiging masaya kasama ka."
He fell into silence. I anticipated for another question but he didn't ask for more. I continued arranging the clothes. After few seconds, I heard his footsteps walking away from me.
"You have thirty minutes to prepare yourself. Ipapahatid kita sa Maynila," aniya bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Lumabas na siya. Napahagulgol ako.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top