CHAPTER 1
CHAPTER 1
"SENYORITA HANNAH, kailangan n'yo na hong bumalik sa mansyon. Parating na si Senyorito David."
Naibaba ko ang hawak na bunga ng mangga sa loob ng basket nang biglang sumulpot sa gilid ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan dito sa hacienda, si Mang Ramon.
"Ho? Ang akala ko ho ay sa Sabado pa ang uwi niya? Martes pa lang, ah."
Napakamot sa ulo si Mang Ramon. Kahapon ng madaling araw lang umalis si David papuntang Maynila kaya nakakagulat na bumalik siya kaagad. Ang akala ko ay limang araw siya roon dahil sa trabaho niya.
"Eh kasi, Senyorita, mukhang nalaman niya na sumama kayo kahapon kay Soledad na pumunta ng palengke. Mukha pong nagalit siya."
"Ano?"
"Iyon ho ang dinig ko kay Ismael," tukoy niya sa isa sa mga guwardiyang nagbabantay sa mansyon.
Malalim akong napabuntong-hininga. Kahit nasa malayo siya ay alam na alam niya ang bawat galaw ko rito sa hacienda. Ayaw na ayaw pa naman niyang lumabas ako ng mansyon at makisalamuha sa mga tao. Kahit hindi niya aminin ay nahahalata ko nang ikinukulong niya ako sa loob ng kanyang malaking mansyon.
Dalawang buwang mahigit na magmula nang magising ako sa loob ng ospital na puro benda ang aking ulo at ilang bahagi ng katawan. At para kay David ay hindi pa ako tuluyang gumaling mula sa tinamo ko sa nangyaring aksidente. Kaya halos guwardiyado ang bawat kilos ko. Na kahit ang pagkain ko ay may nakapaligid na bantay.
Ang sabi ni David ay naaksidente kaming dalawa nang sumalpok ang kotse na sinasakyan namin sa isang puno. Nagawa niya akong ilabas sa kotseng bumaliktad ngunit hindi pa raw kami nakakalayo nang sumabog ito kaya nagtamo rin ako ng first degree burn sa braso at sa hita. Himala na lang na nakaligtas pa kaming dalawa. Iyon nga lang ay napuruhan daw ako nang pareho kaming tumalsik. Nabagok ang aking ulo sa isang matigas na bagay kaya dalawang buwan akong na-comatose.
At magmula nang magising ako ay isang linggo lang akong nagpahinga sa ospital saka kami lumipat dito sa Negros Occidental. At isang buwan ding hindi nagtrabaho si David para bantayan ako sa mansyon habang tuluyang nagpapagaling.
"Senyorita? Tara na ho?"
Natauhan ako mula sa pagkatulala nang muling nagsalita si Mang Ramon. May dalawang guwardiya rin ako na nakamata sa akin sa 'di kalayuan. Ilang beses ko nang sinabihan si David na hindi ko kailangan ng bantay ngunit nagmamatigas siya. Kailangan niya raw makasigurong ligtas ako sa lahat ng oras.
"Sige ho, Mang Ramon," sabi ko sabay tango. Ngumiti ako sa mga nag-ha-harvest ng bunga ng mga mangga. Isa lamang ito sa mga produktong iniluluwas ng mga tauhan sa hacienda. May mga tubo rin sa dulong bahagi ng malawak na lupain ng mga Bustamante.
Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahaba kong buhok habang naglalakad kami pabalik sa mansyon. It feels so refreshing.
Nilaro-laro ko ang singsing sa aking daliri habang naglalakad. Ang isang guwardiya ay nasa unahan ko at ang isa naman ay nasa likuran ko. Sabay naman kaming naglalakad ni Mang Ramon.
Ang sabi ni David ay isang buwan pa lamang kaming kasal noon bago nangyari ang aksidente. Na-gi-guilty ako dahil wala man lang akong naaalala sa nangyari. Ni hindi ko rin siya naaalala. At ang singsing na ito na nasa daliri ko na pagmulat ko ay ang patunay na mag-asawa nga kami. Kaya siguro nang magising ako at siya ang una kong nakita ay lumundag agad ang puso ko sa tuwa. Dahil kahit hindi siya naaalala ng utak ko'y naaalala naman siya ng puso ko.
"Diyos ko, bakit ngayon lang kayo? Kanina pa naghihintay si Senyorito sa loob at galit na galit. Bakit ka ba kasi umalis nang walang paalam, Senyorita Hannah?"
Iyon agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa malaking gate ng mansyon. Ang nag-aalalang mukha ni Nanay Soledad.
"Nay, tumulong lang naman ho ako sa paglalagay ng mga bunga ng manga sa kaing. Saka gusto ko lang hong makalanghap ng sariwang hangin."
"Naku, alam mo naman si Senyorito, ayaw na ayaw no'n na nangingialam ka sa mga trabaho ng mga tauhan sa hacienda. Hindi mo trabaho 'yon, anak. Aba'y paano kung nahulugan ka ng bunga ng mangga?"
Napakamot na lamang ako ng ulo. Halata namang gumagawa lang ng excuse si Nanay Soledad para hindi na ako lumabas. Siguro'y natakot siya noong pumuslit ako at sinundan siya kahapon sa palengke.
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng mansyon kasunod si Nanay Soledad. Naiwan naman sa labas ang mga guwardiya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang agad kong nakita ang pamilyar na pigura na nakatalikod sa direksyon ko. Tinanguan ako ni Nanay Soledad at agad siyang dumiretso sa kusina.
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nag-iisip ng magandang idadahilan sa kanya. I even intertwined my fingers. Titikhim na sana ako para kunin ang kanyang atensyon nang bigla siyang humarap sa akin.
"Give me a damn good reason not to get mad at you, my hard-headed wife."
Napangiwi ako sa kaseryosohan ng kanyang boses. Kahit madilim ang kanyang mukha ay hindi ko pa rin napigilan ang sariling humanga sa kanyang kagandahang-lalaki. He got foreign features that make him look like a top model. Bumagay ang matangos niyang ilong sa makakapal niyang kilay. Sa tangkad niya'y halos hanggang balikat niya lamang ako.
"Gutom ka na ba? Nakapagluto na raw si Nanay Soledad. Kain kaya muna tayo?" pag-iiba ko ng usapan. Umigting ang kanyang panga.
"Stop diverting the topic, Hannah. You're putting yourself to danger for Pete's sake!"
I mentally gasped when his voice raised. His left hand slid down to his waist as if he's holding his anger.
"Look, wala namang nangyari sa akin, eh. I can handle myself, David. You don't have to worry."
"And what are you trying to imply? Na kailangan pang may mangyaring masama sa 'yo bago ka magtigil sa kakapuslit sa mansyon? God, Hannah!"
He looked at me—frustrated. I looked away to avoid his burning gaze. Para akong batang pinapagalitan ng kanyang ama dahil naglakwatsa nang hindi nagpapaalam.
"I'm sorry..." I muttered.
Kahit naman ano'ng rason ang gagawin kong palusot kung bakit ako tumakas sa mga guwardiya ay hindi niya tatanggapin. Hindi iyon ang unang beses na nangyari. Sa kagustuhan kong masagot ang mga katanungan sa utak ko'y pumupuslit ako sa mga bantay. There are questions that David cannot answer. And I wanted to find the answers myself.
"You should be. You didn't know how worried I was."
Yumuko ako. Minsan talaga masyado nang OA si David mag-alala. Kapag may nagagawa akong kasalanan ay umuuwi siya kaagad dito sa probinsya. Isang tawag ko lang sa kanya ay nandito na agad siya wala pang limang oras.
"Don't just stand there, wife."
Hindi ako kumibo. Alam ko naman na kasalanan ko pero masyado na siyang OA. Pakiramdam ko'y wala akong kalayaan. Ni wala akong mga kaibigan dito maliban sa mga katulong at sa mayordoma. Ni ang bodyguards ay nakikipag-usap lang sa akin kapag may pinapasabi siya. I'm getting sick of all these set up.
"Wife..."
Sa tono ng boses niya ay para niya akong binibilangan. Hindi ako natinag, Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. His authority is imposed by his dark blue Armani suit pants.
Hindi sa lahat ng oras ay susunod ako sa 'yo, David.
He puffed his breath and stared at me unbelievably. He slid his both hands inside his pockets then walked towards my direction.
Nang ilang dangkal na lang ang layo namin ay sinalubong niya ang aking mga titig.
"You're getting more stubborn, my lovely wife."
Hinawakan niya ako sa pisngi. Kahit mag-asawa na kami ay pakiramdam ko wala akong boses sa pamamahay na ito. Siya na lang lagi ang nasusunod. And everytime I would insist to go out he would objectify me with my safety.
"I will add more bodyguards once you'll do that again," he said before pulling me unto a hug.
Napasimangot ako. He really has this authority I can't argue with. Siya iyong tipong pinal kapag nagsasalita. Na kahit anong lumabas sa mga bibig niya ay batas. Kaya't takot sa kanya ang mga tauhan sa hacienda.
"Hug me back, wife. I missed you," he commanded while stroking my hair from behind.
Napasinghot ako sa inis. Kahit kasi anong tampo ko sa kanya hindi ko naman maitatangging nami-miss ko siya. I always miss him like crazy.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik. I tried to hide the smile that crept from my lips. Sa isang yakap lang niya'y parang magic na nawawala ang tampo ko sa kanya. I'm so sick in love with this man!
Si David ang bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. Wala na silang mga magulang dahil pareho na raw na pumanaw. Ang panganay nila ay nasa ibang bansa naninirahan at ang pangalawa naman ay nasa Maynila. Pareho na ring may mga asawa't anak.
Kay David naiwan ang pangangalaga ng kanilang hacienda buhat nang mamatay ang kanilang mga magulang kaya naman kahit na iba rin ang gusto niyang tahaking landas kagaya ng mga kuya, wala siyang nagawa dahil siya ang wala pang mga anak.
He's one of the highest paid Network Security Engineers in the Philippines. Kahit na kaya naman niyang mamuhay nang marangya rito sa probinsya ay mas pinili niya pa ring lumuwas lagi para sa trabaho. Siguro'y passion niya talaga iyon.
"Oo nga pala..."
Nang kumalas ako sa yakap niya'y ngumiti ako sa kanya. Naalala ko kasing bago siya lumuwas kahapon ay binilinan ko siya.
"Dala mo na ba ang wedding pictures natin?" I asked excitedly.
Nawalan ng kulay ang kanyang mukha.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top