EPILOGUE: Life Goes On
EPILOGUE: 'Till We Meet Again, Mi Amore.
____________________________________
•LIEZANNISE POV•
“Ate, what happened next?” tanong sa akin ng isang napakacute na bata. I smiled at her then answered, “The world is saved and everything went back to normal. Era's red lotus made Harry came back to life and Aeria's iced flower helped Zabby returned to her normal state. The other royalties went back to their world and fixed everything they need to fix.”
“Wow! Did kuya Harry and ate Zabby get married after that?” tanong ng isa pang bata sa akin.
“Hmmm yes, they did. They're happily married and had children on their own,” nakangiti kong sagot at nagpatuloy sa pagkukwento.
Lumabas kasi saglit ang asawa ko—si Gab. Nag-shift siya ng course dati dahil lagi niya raw maaalala si Zabby kapag ipagpatuloy niya ang course na 'yon. He's now a professional educator—yes, a handsome teacher. Dinalaw ko lang siya rito dahil tapos na rin naman ang mga paperworks ko.
Since lumabas siya, ako na muna ang nagbabantay sa mga estudyante niya and they were so cute like our future children, yay. Ikinuwento ko lang sa kanila iyong bago kong nailimbag na libro—tungkol sa kwento nila Harry at Zabby na pinamagatan kong 'The Incredible Savior'.
After ng klase, sabay kaming pumunta ni Gabby ng cafeteria para sa lunch break. Siya na rin 'yong kumuha ng pagkain namin dahil ayaw niya raw na mapagod ako—baka mapano pa raw ang baby namin. Yes, I'm 7 months pregnant. Hindi ko nga akalaing mabubuntis ako ng isang gwapong bakla na kagaya ni Gab 'e. Swertehan lang talaga, pffft.
“Aray! Bakit mo ba ako itinulak?” Napalingon ako sa isang batang babae na nakaupo sa semento. Hawak-hawak niya ang duguan niyang tuhod. Akmang tatayo ako para tulungan siya nang maunahan ako ng isang batang lalake na akala mo kung sinong model dahil sa suot niyang pang-astigin. He looks like a 4 years old kid pero parang teenager na kung umasta.
“Hey! You shouldn't do that to a girl, that's bad,” sigaw niya sa mga tumulak kay baby girl na agad din namang nagsitakbuhan pagkakita sa kaniya.
“Hey you! Get up on your own. My hands is for my future wife only,” sabi niya at tinalikuran ang batang babae. Napanganga pa ako dahil sa sinabi niya at kalauna'y napatawa na lang ng mahina at agad na pinuntahan si baby girl.
“Hi baby girl, are you okay? Let me help you.”
“Thank you po,” she smiled.
“Who's that kid? Bakit ka iniwan?” tanong ko pa.
“Siya po 'yong anak ng may-ari nitong school. Si Raven Henderson po. Gano'n lang po talaga 'yon,” sagot niya at iniwan ako. Napaisip naman ako dahil parang familiar sa pandinig ko ang pangalan niya. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig iyon. Ang astig niya lang at ang cool.
“Hoy girl, anong ginagawa mo riyan? Kakain na tayo.” Napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa sigaw ni Gab. Kunot na kunot ang noo at halatang nagugutom na, rawr.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na siya sa trabaho niya. Nagpaalam naman ako sa kaniya na uuwi na ako at ipaghahanda ko siya ng dinner. Kaya ko naman sanang umuwi ng mag-isa kaso ang bakla nagtawag pa ng susundo sa akin. Pero uy, aminin, kinilig ako do'n HAHAHA.
Ilang sandali lang ay nasa bahay na ako. Naabutan ko pa sila manang Beth na may ginagawa sa sala. Inutusan ko lang silang ihanda ang dadalhin namin ni Gab bukas para kay Zabby. Dadalawin namin siya at na-mi-miss ko na rin siya.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nahagip ng mata ko ang isang kahon kung saan nakalagay ang mga bagay na nagmula kay Zabby. Napangiti naman ako at dahan-dahang binuksan ito.
'Liezannise, gusto talaga kita para kay Gab kasi alam kong mahal na mahal mo siya at alam kong maaalagaan mo siya. Ikaw na ang bahalang umintindi sa ugali no'n—alam mo na. Actually, may pabor sana akong hihilingin. Alam kong ang kapal ko sa lagay na 'to pero pwede bang isulat mo ang kwento ko—ang kwento namin? No'ng sinabi niyo sa akin ang lahat ng nangyari na nakalimutan ko, sobra akong nasaktan. Kasi nakalimutan ko siya. Kasi hindi ko siya naalala agad gayong iniligtas niya ako at ang buong mundo. Gusto ko sana happy ending. Pwede ba 'yon? Gusto ko kasi sana na kahit sa kwento ay masaya ang ending naming dalawa kahit sa totoong buhay ay hindi at hinding-hindi na mangyayari. Isulat mo do'n na nagpakasal kami at nagkaanak ha? Kahit 'yon lang ay masaya na ako. Salamat talaga. Sana maging masaya kayo ni Gab— nagpapaalam, Zabby.'
Napangiti naman ako at hinaplos ang librong nailimbag ko kamakailan lang. Inialay ko ito sa kaniya dahil na rin sa kagustuhan niyang magkaroon ng masayang wakas ang kwento nila ni Harry. It's been a year since nawala siya sa amin and unti-unti na ring naka-get over si Gab. Binasa ko na rin ang ilan sa mga bahagi ng libro. Wala akong binago maliban sa ending nito.
As what I've said, everything went back to normal. Wala na akong balita tungkol sa mga Luxiers especially sa mga royalties. Never na silang nagparamdam pagkatapos no'n. Sana maayos pa rin sila kahit nawala na sa kanila ang isang prinsipe na handang magbuwis ng buhay mailigtas lang silang lahat.
“Aww baby! Ang likot-likot mo na ha. Excited na rin akong makita ka pero let's wait for the right time, okay?” sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. Nagulat na lang kasi ako nang sumipa na naman siya.
Nagbihis na rin ako at nagpunta sa kusina. Nakahanda na ang mga lulutuin ko para sa dinner namin ni Gab. Gusto ko kasi na ako ang magluto kahit di na ako ang maghahanda sa kailangang lutuin. Kaya ko naman kahit buntis ako.
“O iha, sigurado ka bang okay ka lang d'yan?” tanong ni mommy sa akin. I just nodded and smiled at her. Tinulungan na rin niya ako since nandito na rin lang naman siya sa kusina. After magluto ay inihanda na rin nila manang ang lamesa at mga pagkain. Hihintayin na lang namin ang pagdating ni Gab.
Nanuod din kami ni mommy ng Harry Potter. Napatawa na lang ako ng mahina nang maalala ko ang kwento sa likod ng pangalan ni Harry—napag-alaman ko kasing sa libro niya ito galing. Kapag lalake ang anak ko, gusto ko 'yong katulad niya pero kapag babae, sana tulad ko. Hindi pa namin alam ang gender ng baby namin dahil gusto naming pareho ni Gab na ma-surprise.
Lumipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang asawa ko pero nagulat pa ako dahil sa isang batang makulit na nakahawak sa kamay niya. Kung hindi ko lang kilala ang bata ay talagang aakalain kong may anak sa labas ang baklang 'to.
“Anong ginagawa ng batang 'yan dito?” salubong ko at hinalikan siya sa labi. Napansin ko pa ang pagtakip ng bata sa mga mata niya—hmmp.
“Do you remember my friend, Dino? Siya iyong may-ari ng school kung saan ako nagtatrabaho at ito 'yong anak niya. Binilin niya ito sa akin dahil on leave daw ang yaya. Dito na muna siya, isasama natin siya bukas,” sagot ng asawa ko. Si Dino iyong kaibigan niya na siya ring best man ng kasal namin. Napatango na lang ako at ibinaling ang tingin sa bata. Nakatingin lang ito sa tiyan ko.
“Kailan lalabas 'yan?” kaswal niyang tanong habang nakatingin pa rin sa tiyan ko, “—sana lalabas na siya para may kalaro na ako.”
“Malapit na siyang lumabas kaya maghintay lang tayo, okay? Halika na at baka lalamig ang pagkain.” Pumasok na rin kaming tatlo sa loob. Dumiretso naman sa kwarto si Gab para magbihis. Dinala na rin niya ang maliit na bag ni Raven na may lamang kunting damit.
“Raven, come here. Let's take off your jacket,” tawag ko sa bata. Pansin ko kasi ang pagtagaktak ng pawis niya sa noo kaya gusto kong hubarin ang jacket niya. Hindi ko pa lubusang natanggal ang jacket nang mapansin ko ang isang bagay—isang marka. Nakaukit ito sa bandang palapulsuhan niya at parang hugis kalahating puso. Weird. Hindi ko alam kung bakit pati ang marka niya ay pamilyar sa akin.
“Ano 'to? Sinong may gawa nito?” tanong ko at hinahaplos ang palapulsuhan niya. “It's my birthmark. I guessed this is normal, right? Sabi ni dad, normal lang daw 'to,” kibit-balikat niyang sagot. Para talaga siyang hindi bata kung magsalita.
Pero hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit lumalakas ang tibok ng puso ko. Napa-aray pa ako nang biglang sumipa na naman si baby—parang naramdaman din niya ang pagkabog ng puso ko.
“Honey! Are you okay?” Mas lalong pumintig ng mabilis ang puso ko nang makita ang nag-aalalang mukha ni Gabby. Minsan lang siya ganito pero grabe pa rin talaga ang epekto sa akin. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Tinawag niya kasi akong honey, waaaaah.
“Awww!” Napahawak naman ako sa noo ko nang pitikin niya ako. “Kinikilig ka na naman,” aniya saka inalalayan ako papuntang kusina.
Bakit? Bawal ba kiligin? Ang sweet niya kasi kahit babakla-bakla siya kung kumilos hihi.
Matatamis na ngiti naman ang sumalubong sa amin pagkarating namin sa kusina. Tuwang-tuwa talaga ang parents ni Gab nang pakasalan niya ako tapos ngayon e magkakaapo na sila. Sino ba kasing mag-aakala na ang isang tulad niya ay patulan ang isang tulad ko. Dati lang ay diring-diri siya sa akin.
“Gabby, nakita mo ba iyong marka sa may pulsuhan ni Raven? Hindi ko kasi alam kung bakit pamilyar siya sa akin,” untag ko kay Gab. Tapos na kaming kumain at nandito na sa kwarto. Si Raven ay nando'n sa isang kwarto kasama si mommy.
“Nakita mo rin pala? Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ako pumayag na isama siya rito. Naalala mo ba 'yong marka sa pulsuhan ni Zabby no'ng nakaratay pa siya sa Hospital? Katulad na katulad iyon kay Raven,” sagot niya. Napakunot naman ako at pilit na inalala ang sinabi niya. Nanlaki ang mata ko't napatakip pa ng bibig nang maalala ko ang araw kung saan nakita ko ang marka. Ako ang naatasang maglinis kay Zabby no'n habang tulog siya—may marka nga akong nakita no'n. Owemji.
“Ibig sabihin—”
“Posibleng totoo ang reincarnation! Posibleng ang kaibigan ko ay si Raven na ngayon. Posibleng si Raven ang pangalawang buhay niya. P-Posibleng may nangyari kaya na-reincarnate siya,” putol niya sa sasabihin ko. Napahawak siya sa kamay ko. Bakas sa mga mata niya ang saya at pag-aasam na baka nga si Zabby ay si Raven. Pero umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa posibilidad na 'yon.
Nabuhay nga bang muli si Zabby sa katauhan ni Raven? Dapat din ba akong umasa na totoo ang reincarnation?
“ELIZABETH YVONNE ANDROMEDA,” rinig naming banggit ng isang boses batang lalake na alam naming si Raven. Gulat na gulat naman namin siyang nilingon pero sinuklian niya lang kami ng isang matamis na ngiti.
What on earth is happening?
“Raven? Anong ginagawa mo d'yan?” gulat ko pa ring tanong. Hawak-hawak niya ang librong kanina lang ay binasa ko pa. Nakangiti siya at parang namamangha sa nakita. Hindi sa ipinagmamayabang pero maganda talaga ang book cover ko.
“Who wrote this? Ang ganda. I want this!”
Napatingin naman sa akin si Gab at napakibit-balikat na lang. Nilapitan niya si Raven at kinarga pagkatapos ay dinala sa kama namin kung saan kami nag-uusap kanina. Hawak pa rin ng bata ang libro. Parang ayaw na atang bitawan.
“Your ate Zanny wrote this book, Raven. Ibibigay ko 'to sa'yo kung sasabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit pumasok ka sa kwarto namin,” sagot ni Gab sa tanong nito. Bakit niya ibibigay? Only copy ko lang 'yan a.
“I can't sleep. I'm always having nightmares kaya naisipan kong dito na lang sana matulog sa kwarto niyo,” aniya saka binuklat ang libro. He's just 4 years old but he can actually read a book and he looks so incredible. Hindi rin siya nabubulol at sobrang galing na niyang magsalita, “—O, this girl is so familiar to me! I think I saw her somewhere,” dagdag niya. Tiningnan ko naman ang tinuro niya and it was Zabby at the back of my book.
“You saw her? Saan? Sa past mo ba?” tanong ni Gab. Mahahalata sa boses niyang umaasa talaga siyang tama ang hinala niya—that Raven is Zabby's reincarnated life. Hindi ko alam pero natatakot ako na baka mali si Gab at nagkataon lang na ganyan ang marka ni Raven. I don't want him to get hurt.
“In my dreams. I saw her together with a man. They looked good together but I don't know why I felt so much pain to the point that I cried whenever I woke up. Is she related to me? I don't know her personally but it hurts. Maybe she's my crush? My future wife? Where can I see her? You know her, right?” sunod-sunod niyang sabi na parang naguguluhan. If si Zabby siya which is a girl, hindi ba dapat mag-a-act pa rin siya as a girl kahit nasa katawan siya ng isang batang lalake? Aish, wala akong masyadong alam tungkol sa reincarnation kaya hindi ko alam kung paano ko maiintindihan ang nangyayari ngayon.
“Maybe because she was you in your past life,” wika ni Gab. Siniko ko naman siya dahil mukhang naguguluhan na ang bata. Sino bang hindi maguguluhan? Bata pa si Raven kaya hindi siya makakaintindi.
“Is she dead? Bakit siya namatay? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako naiiyak?” Nagulat naman kami nang bigla siyang ngumawa. Natataranta naman akong lumapit sa kaniya at hinahagod ang likuran niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit ako ay naguguluhan sa mga reaksiyon niya.
“Ssssshhh, don't cry. Don't worry, pupuntahan natin siya bukas. Halika, tabi tayo para makatulog ka na. Stop crying, okay?”
'Di nagtagal ay tumigil na rin siya sa pag-iyak. Sinamaan ko naman ng tingin ang nakangusong si Gab. Ginugulo niya ang isipan ng bata 'e. Mabuti na lang at mabilis lang patahanin ang batang 'to. Nakatulog siya agad pero basa ang likuran niya. Nagpakuha na lang ako ng tuyong damit para pampalit kay Raven. Tumalima rin naman agad si Gab.
Dahan-dahan ko namang hinubad ang damit ni Raven para palitan. Napahinto ako sa ginagawa nang mapansin ang isa pang marka sa may bandang dibdib ng bata. Doon ay biglang kumabog ang puso ko. Hindi ako maaaring magkamali. Sigurado akong hindi ito basta-bastang marka lang. Isa itong peklat. K-Kung gano'n, mali nga si Gab. Mali siya pero tama rin. Tamang totoo ang reincarnation. Pero hindi siya si Zabby dahil siya si Harry!
Si Harry ang past life ni Raven.
“Heto na ang dami—teka, okay ka lang ba?” Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Raven. Hindi pa rin ako makapaniwala sa napagtanto ko. Nandito siya. Buhay siya.
“Hoy girl, masamang biro 'yan 'a.”
“Gabby! Siya si Harry!”
“Ano? Sigurado ka ba d'yan? Bakit mo naman nasabi?” taka niyang tanong. Tinuro ko naman ang peklat sa dibdib ni Raven. Sigurado akong dahil sa punyal 'yan na sinalo niya noon. “O sh*t! Siya nga,” dagdag niya habang gulat na gulat ding nakatingin kay Raven.
Sa kabila ng pagkagulat namin ay nakaramdam kami ng saya at pag-asa. Kung nandito si Harry, siguro naman pati si Zabby ay nandito rin 'di ba? Hindi kaya 'yong batang babae na ipinagtanggol ni Raven kanina ay si Zabby? Posible nga 'yon. Kailangan namin siyang makita at makausap. Baka makita rin namin sa kaniya ang markang katulad kay Raven.
***
“Congratulations! It's a healthy baby girl.”
Napangiti ako sa sobrang saya nang marinig ko ang sinabi ng doctor. Sa kabila ng sakit na naranasan ko sa panganganak ay napawi rin agad iyon nang marinig ko ang matinis na pag-iyak ng anak ko.
“Woah! Baby girl? Owemji, ang ganda-ganda naman ng baby namin,” magiliw na sambit ni Gab. Ramdam kong masaya rin siya. Tiningnan niya ako at pinunasan ang pawis ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Walang papantay sa saya ko ngayon dahil kumpleto na kami.
“Salamat. Salamat dahil pinasaya mo ako ng sobra. I love you...more than ever,” nakangiti niyang sambit. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Minsan ko lang marinig ang tatlong salitang iyon mula sa kaniya at alam kong mula sa puso iyon.
“Anong pangalan ni baby?” tanong ng nurse.
“Zavvia—”
“Yvienna Ashly Bartolome” putol ko kay Gab. Siya ang nakaisip ng pangalang 'yon. Gusto niyang ihango ang pangalan ng baby namin sa pangalan ni Zabby. Pinisil ko ang kamay niya at binigyan ng isang matamis na ngiti. I just love him—and our new family.
“Okay, here's your baby Yvienna.”
Pinahiga nila si baby sa dibdib ko. I could see her beautiful features. Mapula-pula pa ang skin niya. She has a perfect shape of nose and face. My baby is so precious.
“Vinna! Raven! Stop running. Baka mapano kayo.”
Napakurap naman ako ng ilang beses dahil sa sigaw ni Gab. It's been a few years since nanganak ako pero sariwa pa rin sa akin ang araw na iyon—ang araw kung saan nakumpleto ang buhay ko.
“Hayaan mo na sila. Maganda nga iyong maranasan nilang masaktan at masugatan para maging matatag sila at maging malakas,” sabi ko. Napatingin naman sa akin ang asawa ko at napanguso. Hindi ko alam pero parang nagiging childish itong baklang 'to simula no'ng nag-one year old si Vinna.
“Paano 'pag grabe?” tanong niya. Hinampas ko naman siya gamit ang notebook na ginamit nila Vinna at Raven kanina. “Grabe ka r'yan! Kung ano-anong iniisip mo 'e,” saway ko pa. Napuno ng bermuda grass ang bakuran namin. Walang kahit anong bato kang makikita o ano pa mang bagay na makakasakit dahil siniguro na niyang safe ang mga bata habang naglalaro.
Si Raven ay lagi nang nandito sa bahay namin. Kulang na lang e ampunin namin siya. Busy kasi ang parents niya kaya kami na ang nag-aalaga. Naalala ko pa no'ng umuwi na kami sa bahay ilang araw matapos akong manganak. Naabutan namin si Raven sa bahay at hinihintay raw kami.
“Is she my future wife?” unang tanong niya na bumungad sa amin. Do'n ko rin napansin na may maliit na guhit sa palapulsuhan ni Vinna pero hindi ko siya pinansin noon dahil naisip ko na baka kaya siya nagkaroon ng gano'n ay dahil kapapanganak ko pa lang sa kaniya. Pero ngayon, sigurado na akong si Zabby ang past life ng anak ko. Destiny played so well.
“Hey! I will marry you soon. You'll be my wife and I'll be your husband, I promise.” Nanlaki naman ang mga mata kong napalingon sa dalawang bata na ngayo'y kapwa na nakaupo sa swing. Anong pinagsasabi ng batang 'to? Atat na atat ata 'tong mag-asawa a.
“Talaga? I promise na ikaw ang pakakasalan ko soon, Raven. Huwag mo na akong iiwan ha? Let's stay together and forever,” sagot naman ng anak ko.
Seriously?
“GABBY!”
Tinuturuan niya ang mga bata!
____________________________________
•SOMEONE's POV•
“Hey honey, be good at school okay? Make friends and enjoy your day. Fighting!”
“Okay mom, thank you. Pasok na po ako, ingat po kayo sa pag-uwi.”
I heaved a deep sigh after my mom left. It's my first day here in school kaya kinakabahan ako. I'm just 12 years old and a first year high school student. Nasa iisang school lang ang elementary at highschool kaya maraming mga bata akong nakikita.
Unlike others, I am more mature. I knew to myself that I'm not normal—I mean...I felt like I'm a reincarnated version of someone. Lagi akong nananaginip. Pagkatapos marami akong nalalaman na hindi alam ng iba. My parents said that it was just my imagination and from my dreams. But I knew they were real. I've searched everything—from what I've known to what I've discovered and they matched up.
Nothing is purely coincidental.
“Miss? Kindly introduce yourself so that we can start our day,” untag sa akin ng teacher ko. I just nodded and went on. After that, I seated. It will be a long day today. I hope I could find friends here para naman maging masaya ang school days ko.
Few hours had passed, natapos din ang klase. Mabilis akong lumabas ng room para hanapin ang cafeteria. Nagugutom na kasi ako. Nakailang tanong pa ako sa mga estudyante bago ko natunton ang lugar. This school is so big for me. My first day deserves a big treat—wanna have my favorite burger with a can of coke, yikes.
“Raven! Raven!”
Hmmm?
Raven? Bakit parang familiar sa akin ang pangalan na 'yon? Out of curiosity, I looked around and there I saw him—the boy who saved me few years ago. Raven Henderson, bakit siya nandito? 'Di ba may sariling school naman sila?
A woman approached them and held both of their hands. She looked familiar. Saan ko nga ba siya nakita? Aha! Siya iyong babae na tumulong din sa akin, 'yong buntis dati. For sure, anak niya ang batang babae na kasama ni Raven. They looked good together though.
“Pwede maki-share ng table?” nakangiting tanong ng babae sa akin. Di ko man lang napansin na nasa harap ko na sila.
“Opo, pwede naman po.”
Napatingin ako sa dalawa. Sa tingin ko, 10 years old na si Raven habang 6 years old naman ang batang babae. Napako ang paningin ko sa kamay nilang magkahawak at halos mabitawan ko na ang hawak kong burger dahil sa nakita ko—ang markang nakita ko sa panaginip ko!
“Anong pangalan mo?” tanong sa akin ng babae.
“Gwen po.”
“Hmmm Gwen, bakit may marka ka rin sa palapulsuhan mo?” taka niyang tanong at parang may alam na hindi ko mawari. Alam niya kayang hindi ako normal? I mean—na reincarnated ako?
“A-Ah wala po. Nasugatan lang po ng matulis na bagay dati hehe,” sagot ko habang nakangiti ng peke. Di nagtagal ay nagpaalam na rin ako. Pasimple ko namang sinulyapan si Raven at napangiti. Siya pala iyong matagal ko ng hinahanap. Akala ko hindi siya totoo. Siya pala talaga!
***
Few years ago...
"Ina...kumain na po kayo. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo 'e.”
“Hindi na ako natatakot. Ang dami ng nangyari sa buhay ko kaya hindi na ako maaapektuhan pa. Manhid na ako. Namanhid na ang puso ko.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Ever since nawala ang kapatid ko ay palagi na siyang ganiyan. Wala siyang kinakausap na iba maliban sa akin. Dahil kahawig ko si Storm ay parang buhay pa rin siya sa paningin ng ina ko. Masakit dahil alam kong hindi ako ang nakikita niya—kundi ang kapatid ko.
“I-Ina, may sasabihin ako sa inyo,” untag ko. Napalingon siya sa akin. Malamig ang bawat tinging ipinukol niya sa akin. Hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala ni Storm.
“N-Nagpunta ako sa puno ng Magicae...nakausap ko ang diwatang nagbabantay roon at nakiu—”
“Anong ipinunta mo sa lugar na iyon?” putol niya sa sasabihin ko. Walang emosyon ang mga salitang lumalabas sa bibig niya pero isinawalang-bahala ko lang iyon.
“N-Nakiusap akong buhayin si Storm pero—”
“Ano bang naisip mo? Alam mong hindi na pwede iyon! Nababaliw ka na ba?” galit niyang bulyaw na ikinagulat ko. Parang tinusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko sa reaksiyon niya. Hanggang kailan ba ako masasaktan? Kailan pa ba ako mamanhid?
“Oo, siguro nga baliw na ako. Baliw na ako! Baliw ako dahil pumayag ako sa sinabi ng diwatang iyon. Baliw na ako dahil pumayag akong mawala sa mundong ito at mabuhay muli sa mundo ng mga tao. Baliw ako dahil tutuparin ko ang hiling ng kapatid ko—na siyang pinakamamahal niyo higit pa sa akin,” umiiyak kong sagot. Tuloy-tuloy lang ang pagdaloy ng mga luhang puno ng sakit at hinagpis. Ayokong isipin na hindi niya ako mahal dahil alam kong ina ko siya—siguro naman ay importante pa rin ako sa kaniya 'di ba?
“A-Anak, patawad. Patawarin mo ako kung 'yan ang naiparamdam ko sa iyo ngayon pero mahal kita—mahal na mahal ko kayong mga anak ko. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Huwag mo akong iwan, anak ko.” Hinawakan niya ang kamay ko at nagsusumamo. Nakikita ko na naman siya sa ganitong sitwasyon.
Nakausap ko ang diwatang nagbabantay sa puno ng Magicae. Sinabi niya sa aking may hiniling si Storm bago siya namatay. Gusto raw nitong maging mortal kapag mabigyan ito ng pagkakataong mabuhay muli. Gusto nitong maging masaya—alam ko. At alam ko rin na iyon ang gusto ng aming ina. She loves my twin brother so much. She would let me die and be reincarnated as long as she will be able to see her son again—even in the other world.
And I'm willing to grant my brother's wish as long as I can make him and my mother happy. What is life if it's full of agony and pain?
“Ina...Mahal na mahal ko po kayo at ito lang ang magagawa ko para sa kapatid ko at sa inyo. Makikita niyo na siya ulit. Masisilayan niyo na ulit ang tawa't ngiti niya. Magiging masaya siya sa pagkakataong iyon, Ina. Hayaan niyo akong ibigay iyon sa kaniya,” sabi ko sa kaniya. I also missed my brother so much —I missed everything about him. Siya iyong kasangga ko sa lahat dati. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maranasan ulit iyon 'di ba? I wanna be happy too.
***
“Iiwan mo na ako.”
It's not a question, I know. Mahirap din naman sa akin ang gagawin ko pero ito lang ang tanging paraan para maging masaya ang pamilya ko.
“Zephyr, kailangan ko 'tong gawin.”
“Paano naman ako, Caspi? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman ko kapag nawala ka?” puno ng lungkot na sabi niya. Naging manliligaw ko si Zephyr nang makauwi kami rito sa Lux. Naging masaya ako sa piling niya at alam kong mahal ko siya pero hindi sapat ang kasiyahang iyon lalo na't nakikita kong pilay na ang pundasyon ng pamilya namin.
“Makakahanap ka rin ng makapagpapasaya sa'yo. Hindi lang ako ang babaeng makikilala mo—marami pa r'yan. Hangad kong maging masaya ka, Zephyr.”
“Pero ikaw ang kasiyahan ko, Caspi. Bakit mo ilalayo sa akin 'yon? Kapag wala ka'y kulang na ako. Ano na lang ang gagawin ko gayong nasanay akong nandito ka sa tabi ko?” he cried. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Gusto ko ring umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka iyon pa ang dahilan para umatras ako.
“Pwes masanay ka nang wala ako. Gusto mo akong maging masaya 'di ba? Hayaan mo na ako. Hindi naman ako mawawala 'e. Mabubuhay pa rin ako sa ibang mundo. Makikita mo pa rin ako.”
“Kung gano'n, hintayin mo ako ro'n. Mahihintay mo naman siguro ako 'di ba? Kaya mo naman siguro 'yon.” Napangiti naman ako nang sa wakas ay pumayag siya. Kahit lagi kaming nagbabangayan dati ay marunong din naman siyang umintindi. Kahit lagi kaming nagsisigawan ay alam ko namang mahal niya ako.
“Hihintayin kita dahil darating ka. Alam kong hindi mo 'ko papaasahin. Makilala mo naman siguro ako 'di ba?” nakangiti kong sambit. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Hinaplos niya ang mukha ko at parang minimemorya ang bawat parte nito.
“Ikaw lang ang mahal ko kaya alam kong makilala kita. Kilalang-kilala ka ng puso ko, Caspi. Mahal na mahal kita kahit sa pangalawang buhay mo.” he said and sealed his promise with a passionate kiss.
Ilang araw din ang lumipas bago isinagawa ang ritwal. Kailangang sugatan ang palapulsuhan ko para sa puno ng Magicae. Ito ang tree of life sa Lux. Ang katawan ni Storm ay nakalagay sa isang higaang puno ng mga bulaklak, hindi ito nawawala. Kapag natapos ang ritwal ay siya namang paglaho ng bangkay niya at magiging 'dust', mapupunta naman ito sa puno pagkatapos ay mahahalo sa dugo ko. Ito ang paraan ng reincarnation dito sa amin. Ito ang unang beses na nagsagawa ng ritwal pagkatapos ng unang digmaan dito sa Lux.
Nagawa ko pang tingnan at ngitian ang lahat ng Luxiers pati na ang pamilya ko bago ako tuluyang maglaho. Buhay pa rin ang isip ko—patuloy itong naglakbay. Ilang sandali'y hindi ko na alam ang nangyari. Nagising na lang akong nasa isang Hospital. Pamilyar ang lugar sa akin dahil hindi ito ang unang beses na nakapunta ako rito.
“Gwen Monteverdi ang pangalan niya.”
Doon nagsimula ang pangalawa kong buhay. Mahal ako ng bago kong mga magulang pero walang makahihigit sa pagmamahal ng una kong pamilya. No'ng dumating ang panahon na marunong na akong magsalita ay sinabi ko sa kanila ang totoo pero hindi sila naniniwala sa akin—hindi ko na rin sila pinilit pa. Nandito ako para sa panibagong buhay ko. Kailangan kong mamuhay bilang tao—bilang mortal.
Hindi nagtagal ay nakilala ko si Raven pero no'ng una ay hindi ko agad nalaman na siya si Storm. Sa pangalawang pagkakataon ay nakilala ko siya at kasama na niya ang babaeng pinakamamahal niya—si Zabby na si Yvienna na ngayon.
Sa wakas ay matutupad na rin ang mga pangarap ng kapatid ko. Magiging masaya na rin siya sa piling ng mahal niya. Maipagpapatuloy na rin nila ang naudlot nilang pagmamahalan. Masaya akong masaya siya.
Sa kabila ng pinagdaanan nilang dalawa'y nanatili pa rin silang matatag. Tama nga ang sinabi nila na 'Ang taong matatag ay siyang nagtatagumpay' at sila ang patunay no'n.
Nasaktan man at nadapa ng ilang beses ay natuto silang bumangon at lumaban. Pinagpatuloy nila ang kanilang nasimulan at sa bandang huli ay hindi sila nagsisisi sapagkat ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. Walang sayang sa taong marunong tumanggap ng pagkatalo. Walang sayang sa taong alam nilang ginawa nila ang kanilang makakaya.
Matalo ka man sa laban mo ngayon, laging isipin na may susunod pang pagkakataon. Hindi pa huli ang lahat. Pwede ka pang magsimulang muli. May pagkakataon ka pang ayusin ang sarili mo—ang buhay mo.
Bawat segundo, minuto, at oras ay mahalaga. Huwag mo itong sayangin. Gawin mo ang bagay na gusto mong gawin pero laging isipin na may mga bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli kaya matuto kang iwasan iyon. Piliin mong maging masaya kasi deserve mo iyon.
Minsan, maitatanong mo na lang kung bakit ang hirap maging masaya. Iyon ay dahil mas pinili mong maging malungkot at miserable. Happiness is a choice. Be happy and live your life the way you wanted to become.
What makes your life complete is when you found the happiness you've been longing for.
***THE END***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top