CHAPTER 8: Identity Revealed
CHAPTER 8
•Dalfon's POV•
Hindi ko inasahang gano'ng balita ang dala ng ibang royalties. Nakakagulat dahil sa ganitong edad namin ay makakaranas kami ng isang napakahirap na pagsubok.
How could we stop ourselves from falling in love? Pwede ba 'yon? My parents used to tell me about love at sabi nila'y mahirap 'yon pigilan.
Sana nga hindi mangyari ang gano'ng bagay dahil ayokong masira ang pinaghirapan ng mga magulang namin.
But...
H-hindi ko magagawang umiwas sa maaaring dahilan no'n dahil nangako ako kay Adrian na ako na ang bahala kay Eli. I can't leave her lalo na pagkatapos ng gagawin namin.
I know she'll feel empty pag mabura na ang mga alaala niya and for sure, I'll be guilty on taking away her happiness but on the other side, I'll be happy dahil mawawala na rin ang iniwang sakit ni Adrian sa kanya.
"Dalfon... Dalfon pala ang pangalan mo. Nakausap mo na ba ang tutulong sa'kin?" untag sa'kin ni Adrian.
Oo nga pala.
"Kakausapin ko pa lang" sagot ko.
Kanina lang natapos ang usapan namin tungkol sa ipinapasabi ng mga magulang namin pero di ko pa sila ulit nakausap tungkol sa multong kasama ko.
"Everyone, can I have your attention please?" tawag ko sa kanila, sabay naman silang napalingon sa'kin.
"Diba sinabi ko kanina na may kasama ako ngayon? Alam niyong limitado lang din ang panahon niya kaya kailangan ko na siyang tulungan. Aeria? I need your help" diretsahang sabi ko habang nakatingin sa pinsan ko.
Her lips formed into 'o' dahil sa gulat. Ngayon lang kasi ako nanghingi ng tulong sa kanya.
"A-ano 'yon? Saka ba't ako?" tanong niya.
"Ikaw lang 'yong may kakayahang makapagbura ng alaala kaya ikaw ang kailangan ko ngayon" sagot ko at seryoso siyang tiningnan.
Napaayos naman siya ng upo at napalunok pero kalaunan ay tinaasan ako ng kilay. Told yah, mahirap talaga siyang pakiusapan, hays.
"Dalfon, alam kong pinsan kita pero sorry ha? Ayokong gawin ang gusto mo"
Sabi ko na nga ba't tatanggi siya. Naiintindihan ko naman kung bakit at 'yon ay dahil malaki ang epekto nito sa kanya. Kapag may binura siyang alaala, sa kanya 'yon mapupunta.
Gets niyo?
Basta.
What I mean is lahat ng hindi maalala ni Eli ay siya 'yong makakaalala, maaapektuhan siya dahil do'n.
"Pero Aeria-----------"
"Ayoko nga sabi. Alam mo naman kung anong mangyayari kapag ginawa ko 'yon diba?"
Oo, alam ko nga. Hindi pa niya masyadong nama-master ang ability niyang 'yon kaya nahihirapan din siya.
Tulad no'ng nangyari sa isang estudyante ng Academy, nakita nitong aksidenteng napatay ng kaibigan niya ang isa pa niyang kaibigan, nangyari iyon dahil sa pag-eensayo.
Parang na-trauma 'yong babae at halos mabaliw na kaya nanghingi ng tulong ang iba pa niyang kaibigan sa pinsan ko na kung maaari ay burahin niya ang pangyayaring 'yon sa isip ng babae. Dahil sa isa siyang prinsesa at maaawain din ay tinulungan nga niya ito pero di niya alam na sa kanya pala mapupunta ang alaala ng babae.
Tuwing gabi, napapanaginipan niya ang pangyayaring 'yon kaya sobra siyang nahirapan. Mabuti na lang at nagawa ng ama niyang burahin 'yon sa isip niya. Simula no'n, hindi na niya ginamit pa ang abilidad na 'yon.
"Aeria, j-just this time. I'll promise na hindi na ako uulit" pagmamakaawa ko.
Nakatingin lang ang ibang royalties sa'min habang nakikinig. Sana naman pumayag na siya diba para matapos na kami.
Malapit ng gumabi, good timing sana para gawin ang pagbura sa alaala ni Eli.
"Rai, n-nangako ka na naman" sabat ni Era.
*sighed*
Tama siya. Sinabi ko dati na hinding-hindi ako mangangako pero ngayon ay kinain ko lang ang mga sinasabi ko.
"P-pasensya na"
Tama si ama, ang isang tao ay nangangako para mapanatag ang loob ng pinapangakuan. Ang nasa isip ko kasi dati na kapag nangako ako ay baka di ko 'yon matupad.
Nangako ako ngayon para mapanatag si Aeria at para pumayag na siya.
"Insan, wag mo ng pilitin ang kapatid ko. Humiling ka na lang ng iba, wag lang 'yon" sabat ni Zephyr.
Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. Ano ng gagawin ko?
"Sige, hindi na kita pipilitin" pagsuko ko at akmang aalis na pero napatigil ako no'ng nagsalita siya.
"Give me at least one reason para pumayag ako"
Nabuhayan naman ako ng loob dahil do'n kaya wala na akong sinayang na oras. Agad akong gumawa ng isang clone para masaniban ni Adrian na kamukhang-kamukha niya, parang buhay pa rin siya ngayon.
Napatingin ako kay Storm at sumenyas sa kanya. Wala naman siyang imik na tumayo at sinimulan ang pag absorb sa kapangyarihang taglay ng clone pagkatapos ay agad ding sumanib si Adrian.
"Wow! You're so handsome naman pala. What's your name ba?" biglang imik ni Faerisha habang kinikilatis ang clone.
"Ganyan pala mga tipo mo?" pasuyang sabat ni Eroshi kaya pinandidilatan siya nito. Ang daming mga aso't pusa pero dumadagdag pa sila, amp.
"Hoy multo! Baka may balak kang magsalita" tawag ni Gale habang ngumunguya ng chichirya.
Napansin ko namang napakapit si Era sa kanya at takot na takot pa ring nakatingin kay Adrian, pfffft.
"M-maraming salamat sa inyong lahat. Grabe, nakakamangha naman. T-totoo pala talagang may mahika, a-ang galing" manghang-mangha niyang sambit.
"Hoy pare! Pwede bang magpakilala ka muna? May mga kapangyarihan kami pero hindi kami manghuhula" si Lance naman 'yong nagsalita.
"A-ah hehe sorry. Ako nga pala si Adrian...Adrian Lloyd Falcon" pagpapakilala niya.
"Ano bang gusto mo? At bakit?" tanong ni Aeria. Hinayaan ko lang silang mag-usap para di na masyadong magtagal. 'Yong iba naman ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.
"Eya is my girlfriend, Elizabeth Yvonne Andromeda ang full name niya. N-namatay ako sa tabi niya at sobrang hirap sa'kin ang iwanan siya. Alam kong sobra siyang nasaktan at di ko kayang makita siyang gano'n"
"K-kakayanin kong mawala sa buhay at sa puso't isip niya basta mawala lang ang sakit na idinulot ko sa kanya k-kaya tulungan mo ako. Matatahimik lang ako kapag maayos na siya" pakiusap niya sa pinsan ko.
Hindi siya makikitaan ng emosyon dahil clone lang naman ang pinasukan niya pero kahit gano'n, ramdam ko pa rin ang sakit sa bawat salita na binitawan niya.
"Huhu it's so sakit naman, I'm so naiiyak na talaga huhu" umiiyak na sambit ni Faerisha habang nakatingin kay Adrian.
"Ang pangit mong umiyak" malamig na tugon ni Eroshi at naglakad palabas. Sinundan naman siya ni Faerisha at sinigawan.
Ang dalawang 'to talaga.
"Tutulungan na kita"
Dahil sa sinabi ng pinsan ko, napangiti ako. Mabuti naman at napapayag na namin siya, ayos!
"T-talaga?"
"Oo pero sa isang kondisyon"
May kondisyon? Ano naman 'yon?
"Anong kondisyon?" tanong ni Adrian.
"Gusto kong bawiin ng pinsan ko ang ipinangako niya sa'yo" sagot niya na ikinagulat ko.
Ano? Bakit ko naman gagawin 'yon? Ba't ko pa babawiin kung magagawa ko naman ang pangako ko?
"Aeria, hindi pwede 'yon" pag-angal ko pa.
"Dalfon, pag hindi ka pumayag, tapos na ang usapan at wala kayong matatanggap na kahit na anong tulong mula sa'kin" sabi naman niya.
Hays!
"Sang-ayon ako sa kondisyon na 'yon, Dalfon. Kapag nabura na ang alaala ng babaeng 'yon, babalik na sa normal ang buhay niya at hindi ka na niya kakailanganin pa" sabat ni Gale.
"Tama si Gale, Rai. Pabor din 'yon sa'tin dahil mapapalayo kayo sa mortal na babae" dagdag pa ni Era.
"Pero------------"
"Pumapayag na akong bawiin niya 'yon" pagputol ni Adrian sa sasabihin ko.
Wala na akong magagawa kundi pumayag na rin sa gusto nila. Alam kong para sa ikabubuti ng lahat din naman 'yon.
"Sige" sabot ko na lang.
"Kung gano'n, tara na. Gabi na kaya malamang tulog na ang babaeng 'yon. Madaling burahin ang alaala kapag tulog ang isang tao pero bago 'yon ay kailangan ko munang kausapin ang mga taong malapit sa kanya" ang sabi ni Aeria na ikinatango namin.
Wag kang mag-alala Eli, paggising mo ay hindi mo na mararamdaman ang sakit na dulot ng lalakeng minamahal mo.
____________________________________
•GABBY's POV•
"Tita, tulog na po ba si Zabby?" tanong ko kay tita.
Nandito na ako sa aking munting kaharian kanina pa pero tinawagan ko lang si titabells para i-check ang kalagayan ni Zabby. Kawawa naman ang prenny ko, na deads kasi ang boyfie.
Nagi-guilty din ako kasi nainis at nasigawan ko pa ang hombreng 'yon eh pero di ko naman knows na may sakit siya.
"Kanina pa siya tulog, mukhang pagod na pagod ang anak ko" malungkot nitong sagot.
"Don't worry po tita, hindi ko po siya pababayaan" sabi ko na lang para kahit papano eh gumaan naman ang pakiramdam niya, parang ambigat kasi eh.
Ilang sandali lang ay pinatay ko na rin ang tawag at akmang magpapahinga na no'ng may biglang kumatok.
Aluuuuuh?
Who's this Pokémon naman kaya? Dis-oras ng gabi eh may pakatok-katok pang nalalamann
T-teka--------b-baka aswang iteeey? Harujusko! Wag naman sana.
Di pa ako ready! Ayoko pang mawalan ng atay huhu.
Palakas nang palakas ang katok kaya nagtigidig na itong puso ko. Nyeta naman, wag po! Sino ba 'to? Sana naman tao at hindi maligno.
Napagdesisyunan ko na lang na buksan ang pinto pero bago 'yon ay kinuha ko muna ang Holy water mula sa altar ko. Oo, beki si akez pero maka-Diyos pa rin ako noh.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan habang nakapikit sabay buhos ng Holy water. Waaaaah! Kung sino ka mang demonyo ka, lumayas ka sa pamamahay ko.
"Owemji! You're so bad naman. Ganito pala you mag-welcome ng visitors?"
Eh?
Visitors?
(0_0)
Gulat akong napatingin sa mga taong kaharap ko ngayon at pinasadahan sila ng tingin. Dumako ang paningin ko sa iba pa at napanganga.
Ohlala! May ulam na nakahain. Ang ga-gwapo! Mukhang ako ata ang magiging aswang nito, raaaaawr! Ang dami namang grasya hihi.
N-nalaglag ata ang panty ko, uwu~.
"Pakitikom ng langaw, baka pasukan ng bibig"
Imbis na itikom ko ang bibig ko, mas lalo pa akong napanganga dahil sa sinabi ng hombreng masingkit.
Hindi ko alam kung baliktad ba ang utak niya o 'yong utak niya eh may ubo, charot.
"Hello? Hindi ba kami welcome?" tanong ng isang mujer na may kakaibang buhok.
Ayy wow, taray ng hair ni ghOrl ah. Saan kaya niya 'yan pinaayos? Gusto ko din ganyan eh.
"Insan, hindi mo man lang sinabi sa'min na pipi pala itong kaklase mo"
A-ano?
Me? Bingi? Excuse me, mayaman ako sa cotton buds kaya di ako bingi, amp.
"Hindi ako bingi!" masungit kong sabat.
"Ay, you're not bingi pa pala sa lagay na 'yan? He said 'pipi', not 'bingi'"
Ayy hala, as in? Totoo? Ew, nakakahiya ka naman self. Pipi pala ang sinabi, ayyt.
"Tse! Why are you here ba? Sino ba you people?" panggagaya ko sa conyong babaita habang nakatingin sa kanya. Tinaasan pa niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya.
Duh, hindi lang siya ang may kilay noh. Mas naka-on fleck pa nga itong akin eh kaya sorry siya, di ito papatalo.
"Gabby, pwede ka ba naming makausap?" tanong ni Dracula mahlabz.
Haleeeer! Kanina pa nga kami nag-uusap dito diba? Kung bingi ako, aba'y ano siya? Bulag lang? ChOur, bagay pala kami kung gano'n, alelelele.
"Oo naman, pasok kayo dito sa labas" panti-trip ko pa at kung nakakamatay ang mga tingin nila, malamang kanina pa ako pinaglamayan.
Ang sama kasing makatingin eh.
"Joke lang hihi. Pasok kayo...sa loob syempre" peke kong sabi.
Pumasok naman silang lahat pero di ko nakita si Harry Roque---este Sandoval pala hihi wag niyong seryosohin 'yon ah, kaya kayo nasasaktan eh.
"Ano bang atin ha? Gabing-gabi na pero nandito kayo. Ano? Aswang lang ang peg?" tanong ko habang sinusulyapan ang iba na palakad-lakad sa bahay ko.
Wow ha! Ginawang pasyalan ang beautiful house ko. Taray ng galawan, ibang klase. Di na nahiya, charot.
"Nagpunta kami dito dahil kay Eli" sagot ni Dracula na ipinagtaka ko.
Ano namang meron sa prenny ko? Dito ba ang bahay niya? Di naman ah. Wait----don't tell me balak din nilang mamasyal sa bahay nila Zabby?
Abaaaaa! Hindi ba nila alam kung nasaan ang Rizal Park at dito sila napadpad? Taga-ibang planeta ata ang mga ito ey.
"Oh? Anong ibig mong sabihin?"
Bakit kaya alam nila ang address ko? Halaaaa! D-di kaya stalker ko itong si Dracula? Omooooo, ang haba naman ng hair ko ahihi.
"Tutulungan namin siya" sabat no'ng isang mujer na may berdeng hikaw. Wow ghOrl, totoong bato ba 'yan? Yayamanin ah.
Ma-holdap nga 'to minsan, chOur joke lang.
Pero wait lang ha? Anong tutulungan? Sino ba sila? Wait----di ko nga pala knows, owemji.
"Wait----hindi naman sa nag-iinarte ako pero wow ha? I can't believe I'm talking to strangers" pigil ko.
Ugh! Kairita.
"Ayy sorry, di ka kasi nagtanong" sabat naman no'ng isa na ikinaismid ko.
Crazy ba you? Di ko naman knows na ako pa pala ang may kasalanan saka helloooo? Tinanong ko kaya sila kanina pero di nila ako sinagot, duh.
"Everyone, kindly introduce yourself please?" tawag sa kanila ni Dracula mahlabz.
"Hey you! I'm Faerisha Elianne Flamour nga pala and----not so nice meeting you" pagpapakilala ng conyong bruha habang sinusulyapan ang Holy water.
Nabasa ko nga pala siya kanina pero natuyo din naman agad. Medyo maarte ang babaitang 'to pero may sense of fashion like me.
"Yow pare! Ako naman si Zephyr Kai Walter"
"Wow pare! Ang astig naman" sarcastic kong sabi habang nakataas ang kilay.
Bruho ba siya? Di ba niya napansin ang pagka-mujer ko? Abaaaa! Lapain ko kaya 'to?
"Eroshi Lowell Craig" malamig na sabi no'ng matahimik.
Ang cold naman, galing ba 'tong North Pole?
"Ako naman si Era Fleur Craig, kapatid niya" nakangiting pakilala ni yayamanin girl.
"Lance Aither Smith here!" si singkit naman.
Ang kyuuuuuut! Kapag nakangiti, di mo malaman kung nakapikit ba siya o wala lang talaga siyang mata, chOur hihi.
"I'm Aerianna Aella Walter, Zephyr's sister"
"You knew me already but my real name is Dalfon Rai Light"
(0_0)
Hala as in? Ang sexy naman ng pangalan nito uwu~ bagay talaga kami-----este bagay sa kanya.
"Azalea Gale Caspian Frost ang pangalan ko, you're Gabby right?"
Napatango naman ako sa kanya. She looks familiar, nagkita na ba kami dati? Maganda siya, isa kaya siya sa mga inagawan ko ng boyfriend? Hmmm baka nga.
Saka grabe! Ang taas ng pangalan niya ah, pinakyaw lang ang peg? Sosyal ah.
"Ang ganda ng mga names niyo ah kahit na medyo may pagka-weird hehe" sabi ko.
"Yours is mas weird kaya. Nice sana ang Gabriel Ashone Bartolome but you're beks lang, so sayang" maarteng sabat ni Faerisha na ang sarap igisa, amp.
"Whatever, I'm not talking to you conyo ghOrl" pairap na sabi ko.
Iniinis ba ako ng bruhildang 'to? Warla ata ang nais, abaaaaa.
"Okay, that's enough. We need to talk about Eli" pigil ni Dracula mahlabz sa'min.
Oo nga pala.
Ano ba kasing kailangan nila kay Zabby? Saka Dracula ha, may palayaw ka na sa prenny ko pero sa'kin eh wala. Hmmmm ang unfair naman, nakakatampo.
Suyuin mo nga ako! Charot.
"Yah right. You said earlier na tutulungan niyo ang prenny ko di ba? Bakit? Kaya niyo bang buhayin ang tigi na?" tanong ko.
"Hindi pero kaya naming pumatay ng buhay, gusto mo maging sample?"
(0_0)
H-huwaaaaaat?
I can't believe she said those words! Waaaaaah nakakatakot huhu. P-parang umurong ang dila ko na halos malunok ko na, t-tama ba 'yong narinig ko?
Nyetang mujer na 'to, parang hired killer kung makapagsalita. Humirit lang naman ako pero kung makasagot eh parang sanay pumatay, owemji.
"HAHAHA joke lang. Akala ko, pwede kang biruin, pfffft" natatawa niyang sagot.
W-wuuuut?
"A-ano?"
Pwede ko ba siyang sabunutan? Anong joke? Nakakatawa ba 'yon? Parang atakehin na ako't lahat-lahat tapos joke lang? Eh kung jokjokin ko kaya 'yong fes niya? Haaaays, kalerke ka ghOrl.
"Gale, hindi ata nakakatawa ang joke mo, pfffft"
"Oo nga HAHAHA"
"Naku Caspi, pag-aralan mo muna kung paano magjoke para bumenta naman HAHAHA"
"Heh! Tumigil ka Zipper kung ayaw mong i-zipper ko 'yang bibig mo" napapahiyang saway ni Gale sa mga kasama niya.
"Hey guys! Are you not tapos there? I'm so gutom na kasi eh" sabat no'ng isa.
Oo nga. Kanina ko pa nga hinihintay kung anong sasabihin nila kaso ang daming bibig dito eh. Hindi ko malaman kung sino papakinggan ko, duh.
"Okay. As what I've said earlier, we're going to----------"
"Heeeeeeeep!" pigil ko sa sasabihin ni Dracula mahlabz.
Jusko naman. Ano bang tingin nila sa Pilipinas? America? Or somewhere in the map? ChOur.
"Anyare ba, Ashong?" tanong ni Zephyr.
Ayy ansabe ng mokong? Anong Ashong? Aba'y gusto ata nito ma zipper talaga ey.
"Duh~ pwede bang Tagalog na lang? Para naman magka-intiendes tayo dito, mga tsura niyo" sagot ko.
Baka mag-umaga na lang, di pa kami tapos eh.
"Okay fine. May humingi sa'min ng pabor na tulungan daw namin si Eli na bumalik sa dati"
Huh?
As in? Ang bait naman ng taong 'yon kung gano'n pero sino naman kaya siya? Baka hombre? Aba'y may grasya ba ulit?
"Sino naman?" tanong ko.
"Si Adrian, ang namatay niyang nobyo"
(0_0)
Wuuuuuut?! Bingi ba ako? Tama ba narinig ko? Sino daw?
"T-teka----alam niyo, h-hindi magandang biro 'yan. Oks lang ako do'n sa joke ni Gale kanina pero ito? Nakuu, wag naman kayong ganyan" kinakabahan kong alma.
Harujusko.
Sa lahat ba naman ng babanggitin eh 'yong tsugi pa huhu. Sana joke lang 'to ulit, I kennaaaaaat!
B-baka binalikan ako ng taong 'yon? Nasigawan ko 'yon eh. Waaaaah! Patawarin nawa ako.
"We're not kidding" sabi ni Eroshi.
Langyang Eroshi na 'to oh, dumagdag pa sa lamig ng gabi at sa takot na nararamdaman ko. Ano ba?! Wag ngayon, gabing-gabi eh.
"Alam niyo? Antok lang 'yan kaya sige na, u-umalis na kayo at matulog" sabi ko at sinisenyasan silang umalis.
"Oh sige. Let's go guys! Para naman he and Adrian can talk to each other" biglang sabi ni Faerisha sabay tayo.
"Waaaaah walangya kang bruha ka! Anong sinabi mo ha?" gulat at takot kong sigaw sa kanya sabay hampas sana kaso mas nagulat ako no'ng bigla na lang siyang nawala sa kinauupuan niya.
(0_0)
S-sheeeeeet!
Anong nangyari? A-anong nangyari?!
P-paanong-----------
"Haynaku! You're gonna make hampas me pa talaga ha. Mabuti na lang I'm so fast, hmmmp"
Napanganga na lang ako sa sobrang gulat sa nasaksihan ko. Para akong mabaliw kakaisip kung paano nangyari 'yon. T-teka-----na-engkanto ata ako.
"Faerisha! Bakit mo ginawa 'yon?" rinig kong tanong ni Lance. Kahit sila eh nagulat din, wait----a-ano ba talaga sila?
Lintik na. B-baka witches ang mga ito huhu. Hindi pa rin ako makagalaw, 'y-yong puso ko eh parang pinipiga na sa sobrang takot.
B-baka mamatay ako ng maaga kapag di sila nag-explain sa'kin o di kaya baka mabaliw pa ako! NooooooooO.
"Siya kasi eh, you saw that naman diba?"
"Hays! Paano na 'yan?"
"Eh di burahin na lang ni Aella ang ala-ala niya"
B-burahin?
Anong burahin?
Owemji, I must be dreaming! Antok lang 'to, s-sana huhu.
"I can't do that. May Eli pa kaya di pwede"
"Eh di si Gale! Marunong din 'yan eh"
"Pass muna ako. I can't use that ability, remember?"
"Oo nga pala"
"Elianne kasi, tsk"
"Heh! Shut up sushi"
A-anong ibig nilang sabihin? Burahin? P-paano naman? H-hindi kaya ibabangga nila ako para magka-amnesia ako? O di kaya pupukpukin ng martilyo sa ulo? Huhu ang brutal naman, wag poooooo.
"A-anong gagawin niyo?" takot kong tanong.
Matalim akong tiningnan nila Faerisha, Lance at Zephyr na para bang kakatayin na ako. A-anong binabalak nila? P-papatayin ba nila ako k-kasi may nalaman akong kakaiba sa kanila?
Owemji help me!
Paatras ako nang paatras at no'ng wala na akong maatrasan ay agad akong pumikit. Sheeeeet! Is this my ending? Bakit ganito? Huhu ang pangit namaaaaan.
"Hey, stop it. We need to hurry, may kailangan pa tayong gawin" rinig kong pigil ni Aeria.
"B-but------------"
"We have no choice. Kailangan na talaga nating sabihin sa kanya ang totoo" dagdag pa ni Dracula.
"A-ano? P-pero Rai, paano pag malaman ng iba ang katauhan natin?"
"Akong bahala d'yan" sabat ni Gale na nagpamulat sa'kin.
Jusko. Mas natatakot pa talaga ako sa babaitang 'to kesa sa mga adik do'n sa kanto eh. Ang angas kasi ng datingan saka parang anytime eh makikipagwarlahan.
Naloloka ang beauty ko!
"S-sino ba talaga kayo?" kinakabahan kong tanong, nanginginig pa ang ang tuhod ko.
Ano ba talaga sila?
Bakit nangyari 'to sa'kin?
Pinaparusahan na ba ako? Waaaah nakakatakot na parusa naman 'to kung gano'n huhu.
"Gabby, may ipapakita ako sa'yo pero wag kang magugulat ha? Kapag nagulat ka, patay ka"
(0_0)
Sheeeeet! Sino bang hindi magugulat sa bruhang 'to? Ha? 'Yong mga sinasabi eh parang death threats na! Baka sa gulat at takot ako mamatay at hindi sa ano pa man.
Pinagti-tripan ba nila ako?
"A-ano 'yon?" tanong ko.
Lumayo naman siya sa'kin at sinenyasan ang mga kasama niya. Lahat sila ay nakatayo sa harap ko at parang may gagawing hindi ko ma-absorb.
Ang braincells ko, b-baka sasabog na.
"Gabby, tingnan mo!"
(0_0)
"W-what the packing tape!" gulat kong sambit habang napapanganga dahil sa nakikita ko ngayon.
A-ang mga bruho at bruha, n-nagtatransform! N-nag-iba ang suot nila, a-ang bongga ng outfit. P-parang nasa m-magical world na napapanuod ko sa TV!
Napabagsak ako sa sahig no'ng may lumalabas na kung ano-ano sa kamay nila. 'Y-yong iba ay lumulutang na sa hangin at sa tingin ko eh natangay na din pati kaluluwa ko.
Ow my gulay!
"P-paanong....b-bakit k-kayo...a-anong....p-paano n-niyo n-nagagawa 'y-yan?" nauutal kong tanong habang nakatingin pa rin sa kanilang lahat.
Nasaan na ba ang kaluluwa ko? Nahimatay pa ata? Waaaaah mababaliw ako! Tulooooong.
"Ashong, ito na ang totoo naming pagkatao. We have powers" sabi ni Zephyr habang nagpapalabas ng parang mini-tornado, m-maliit lang kasi.
S-self, p-pwede bang mahimatay ka na lang? Bakit ba hindi ka nahihimatay?!
"We're immortals and we're here for our missions. You have no choice but to believe us"
"Actually, we don't have any problema sana but your friend suddenly make sulpot kaya here we are, revealing our identity"
"I've seen and talked to Adrian, isa sa mga ability ko 'yon. He asked me for a favor at 'yon ay ang burahin ang ala-ala ni Eli no'ng magkasama sila" sabi pa ni Dracula.
T-teka lang...ba't parang hindi ko kayang ipasok sa utak ko ang lahat ng 'to?
Nananaginip lang ba ako?
"You're not actually dreaming, Gabby" sambit ni Era na ikinakunot ng noo ko.
N-nababasa niya ba ang nasa isip ko?!
"Yup! Pero ngayon lang kasi hindi ka nagsasalita eh, pfffft"
(0_0)
A-as in?
Kung gano'n, totoo nga sila? I mean, totoong may mga magic chuchu sila? Pwede din kaya ako magkaroon ng gano'n?
Ay leche.
Nababaliw na ako!
"Era, just make him calm so that we can go home earlier" malamig na sabi ni Eroshi at nagpalabas ng libro?
Hanggang ngayon eh nagugulat pa rin ako. Ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat, wow ang arte naman ng brain ko.
"Oo nga naman, masyado na tayong nagtatagal dito eh" sabat naman ni Lance habang nakasulyap sa'kin. Usto mo'ko?
Saka sorry naman noh? Kasalanan ko ba kung nagulat ako? Hindi ko naman alam na nag-e-exist pala 'yong magic thingy na 'yan sa panahon ko.
"Here, kainin mo 'to para kumalma ka naman" sabi ni Era sabay bigay ng-------teka? Ano 'to? Candy? Anong tingin niya sa'kin? Batang ngumangawa? Saka eeeer, b-baka may lason 'to.
"Oh ano? Baka gusto mong subuan pa kita?" biglang sabat ni Zephyr kaya napasubo agad ako, ansama din kasi ng tingin.
Nubayan, tinatakot ako eh hays.
Pero wow ha, parang may kung anong humagod sa kaloob-looban ko. A-ang sarap sa pakiramdam...h-hindi kaya drugs 'yong binigay ni Era sa'kin?
Watda?!
"Oh ano? Naka-get over ka na ba sa show namin?" tanong ni Faerisha.
Show pala 'yon?
Tumango na lang ako para matapos na kaming lahat. Gusto ko ng mag beauty rest eh, naloloka ako sa kanila.
"Mabuti naman. Gale? May sasabihin ka ba sa kanya?" tanong ni Dracula kay Gale.
Medyo hindi na ako nakaramdam ng takot kay Gale, dahil siguro 'yon sa gamot na binigay ni Era. Effective pala 'yon, nagtayo na lang sana siya ng botika diba?
"Gabby! Ngayong alam mo na ang identity namin, siguro kailangan nating mag-usap ng masinsinan" nakangisi niyang sambit.
Ang babaitang 'to, parang kriminal talaga sa paningin ko eh. Hindi kaya killer 'to dati?
"A-ano naman 'yon?" tanong ko.
"Hindi dapat malaman ng ibang tao ang tungkol sa nasaksihan mo ngayon dahil for sure, maghi-hysterical lang sila and worse, baka akalain nila eh baliw ka"
Malamang!
Eh sa hindi naman uso sa'min 'yong magic-magic na 'yan dahil wala namang makaka-prove na totoo 'yon pero ngayon, alam kong totoo nga, hays.
Buti naman at hindi sumabog ang braincells ko.
"Eh paano naman kung sasabihin ko sa iba? Ha?" tanong ko pa.
May inilabas naman siyang puting liwanag. Namamangha pa rin ako at nagugulat pero di na masyado, ano naman kayang palabas 'to?
"Wag mo ng subukan dahil kapag sinabi mo 'yon sa iba, magiging ganito ang mukha mo" nakangisi niyang sabi sabay kumpas ng kamay.
(0_0)
Nakita ko ang larawan ng isang taong hindi ko alam kung tao ba talaga. Nyeta! Ang pangit huhu. K-kulubot ang mukha at parang binagsakan ng langit at lupa.
Eh?
"S-seryoso ka ba?" kinakabahan kong tanong.
"Oo kaya mag-isip ka"
Ays!
Isang hamon ito para sa katulad kong tsismosa. B-baka aksidente kong masabi kay Zabby ang tungkol do'n....Arrrrrgh! Ayokong maging bayag huhu sa lahat ba naman ng parusahan eh 'yong mukha ko pa?
Sana mapigilan ko ang sarili ko, s-sana.
Waaaaaaaaaaah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top