CHAPTER 6: Behind Everything
CHAPTER 6
•ZABBY's POV•
Nandito na ako sa park na madalas naming puntahan ni Lloyd. Dito kami namamasyal kapag may oras kami sa isa't-isa.
Actually hindi pa tapos ang klase namin. Nagpaalam lang ako mismo sa Head ng school at no'ng nalaman nila ang dahilan, pumayag na rin sila.
Syempre, anak si Lloyd ng may-ari nitong school kaya basta tungkol sa kanya, wala na silang magagawa kundi ang pumayag.
Bakit kaya ngayon niya kami gustong magkita? Importante ba talaga ang sasabihin niya?
Nasaan kaya siya? Siguro nando'n siya sa favorite spot namin. Agad akong pumunta do'n at naabutan ko nga siyang nakaupong mag-isa.
Bakit parang balot na balot siya? Eh tanghaling tapat naman. Anong klaseng trip 'yan?
"Ehem!" rinig kong tikhim niya.
"Adrian?" tawag-pansin ko kaya napalingon siya. Napansin ko ang kakaibang awra niya ngayon, parang may bahid ng lungkot at sakit .
Lumapit naman ako at umupo malapit sa kanya. Kapag naiisip ko ang nakita ko do'n sa resto, di ko maiwasang di masaktan.
"E-eya, nandito ka na pala. *sighed* madalas nila akong tinatawag ng 'Adrian' pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag ikaw ang tumawag sa'kin ng gano'n" malungkot niyang sabi.
Pinilit ko ang sarili kong maging matatag sa harap niya ngayon. Ayokong makita niyang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.
Kung maaari ay ayokong umiyak, pagod na ako do'n.
"B-bakit mo ba ako gustong makausap?" tanong ko.
"Gusto ko lang...magpaliwanag sa'yo. G-gusto kong sabihin sa'yo ang lahat, a-ang totoo"
Ang totoo? Anong totoo? Na niloko niya ako at may iba na siya?
Aaaargh! Ano ba naman 'yan, wag kang iiyak Zabby! Wag, maawa ka sa sarili mo huhu.
"Anong totoo? Adrian, nagsinungaling ka na sa'kin kaya hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa lahat ng sasabihin mo" matigas kong sabi.
Nakita kong napayuko siya at bumuntong-hininga kaya umiwas ako ng tingin. Kahit anong gawin kong pagtago sa totoo kong nararamdaman, nahihirapan pa din ako.
"B-bakit Adrian ka na nang Adrian sa'kin ngayon?" tanong niya at hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero may nababakas akong sakit sa mga mata niya.
"Wala. A-ayoko ng tawagin kang Lloyd dahil...d-dahil nasasaktan ako" pag-amin ko.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero sana hayaan mo akong makapagpaliwanag sa'yo"
Hindi na ako umimik pa at nakinig na lang. Wala na ding saysay kung aayaw pa ako, nandito na ako eh.
"Totoo ang reunion at totoong nakarating na ako do'n sa Cebu pero bumalik ako dito sa'tin dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa isang importanteng tao" panimula niya.
S-sino naman kaya 'yon? Hindi kaya 'yon 'yong babaeng nakita kong kasama niya sa resto?
Sanaol importanteng tao, hays.
"E-eya, m-may sakit ako" sabi niya na talagang ikinagulat ko.
Anong sabi niya? Nagbibiro ba siya? Ha, anong palabas na naman ba 'to?
"Kung magbibiro ka, pwede 'yong nakakatawa naman?" inis kong sabi. Grabe! 'Yon pa talaga ang naisip niya. Anong kalokohan 'yon?
"A-alam kong hindi ka maniniwala pero sasabihin ko pa rin sa'yo na totoong maysakit ako. Congenital heart disease, bata pa lang ako no'ng nalaman ko 'yan. H-hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol do'n dahil ayokong mag-alala ka sa'kin, ayokong kaawaan mo'ko"
Hindi ako makagalaw ni hindi ako makapagsalita sa nalaman ko. H-hindi ko alam kung maniniwala ako dahil hindi ko naman nahahalatang may sakit siya!
"Lagi kaming...n-nag-aaway ng papa dahil ayokong magpagamot. Alam mong takot ako sa Hospital, h-hindi dahil sa multo kundi dahil do'n ko mismong nakita ang p-pagkamatay ng mama. K-kapag nakakakita ako ng Hospital, naaalala ko siya"
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang mga sinasabi niya. P-paanong may gano'n pala siya tapos hindi ko man lang nalalaman? Anong klase akong girlfriend?
Naalala ko dati no'ng na-hospital ang kaibigan ko. Nag-away pa kami no'n dahil ayaw niyang sumama sa'kin. H-hindi ko alam na ito pala ang rason niya.
"Kapag pinipilit ako ng papa na magpa-Hospital, k-kumukuha ako ng kutsilyo para takutin siya na magpapakamatay ako kapag dinala niya ako sa lugar na 'yon kaya nagkaroon ako ng personal doctor. Di baleng mamatay ako, wag lang sa Hospital"
Naiiyak ako dahil sa lahat ng nalaman ko. Paano niya naitatago ang lahat ng 'to sa'kin? Masyado ko pala siyang nasaktan.
"B-bakit mo nasasabi 'yan? *sobs* bakit hindi ka nagpagamot?" umiiyak kong tanong sa kanya.
Pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy pa rin sa pagku-kwento. Lahat ng pinagmulan ng away namin ay sinabi niya.
A-ang tanga ko *sobs* d-di ko man lang siya tinanong kung ano ba talagang dahilan no'n.
"Naalala mo ba no'ng nagalit ka sa'kin kasi di ako sumama sa field trip natin? Nag-away kami ng papa dahil ayaw niya akong pasamahin. Nagalit din ako sa kanya hanggang sa inatake ako ng sakit ko. P-pasenya na kung...ang dami kong pagkukulang sa'yo" dagdag pa niya habang pinapahid ang mga luha ko.
A-ang sakit, sobra. Parang di ako makahinga dahil sa pag-iyak.
"Hanggang sa grumabe ang sakit ko. First anniversary natin no'n kasabay ng appointment ko sa personal doctor. Alam kong magtatampo ka kapag di ako sumipot sa celebration natin kaya kahit gabi na ay pinuntahan kita. Masayang-masaya ako kapag nakikita kita at nakakasama"
'P-patawarin mo'ko, wala akong kwenta. Hindi ko man lang inalam ang kalagayan mo *sobs*'
"N-nalaman kong 18 years lang ang itatagal ko pero dahil sa mga gamot na mula pa sa ibang bansa, nadagdagan pa ng ilang taon ang buhay ko. Ayokong nakaratay ako at mas lalong ayokong magpa-opera. Mas gugustuhin ko pang i-enjoy na lang ang natitira kong panahon than to take the risk kahit alam kong maliit lang ang chance na maka-survive ako"
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. A-anong ibig niyang sabihin? Anong natitirang panahon? No, h-hindi pwedeng mangyari ang nasa isip ko, h-hindi pwede!
Please, tell me he'll live longer.
Please.
"Eya, that woman you saw in the resto is my personal doctor. She's 40+ old pero mukha pa rin siyang bata. Siya 'yong tumawag sa'kin when I was in Cebu telling me that she have the result. No'ng narinig ko ang malungkot niyang boses, I know na hindi maganda ang sasabihin niya"
A-ano? 'Yon ang personal doctor niya? P-pero....
"N-nakita ko kayong dalawang naghahalikan, diba? Is that a part of your plan? Plinano mo 'yon para hindi na ako mahirapan pa? Ha?" umiiyak kong tanong.
Bakit hindi niya na lang sinabi sa'kin ang lahat dati pa? Bakit ngayon pa? *sobs* mas masakit eh! Sobrang sakit.
"I saw you with Gabby, may binili kayo sa bookstore no'ng papunta ako sa meeting place namin ng personal doctor ko. Alam kong pupunta kayo sa resto kaya sinadya kong do'n kami. We're not actually kissing, lahat ng nakita mo ay palabas lang"
Ano?! K-kung gano'n nagkamali ako? Maling akala na naman ang pinaniwalaan ko?
"Adrian, so----------"
"Ssssssh. It's okay, naiintindihan ko. Things goes well as planned, nagalit ka sa'kin. Akala ko ayos na eh p-pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko, h-hindi ko kayang makita na kinamumuhian mo'ko. Mahal kita, mahal na mahal. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito at sa'yo ko lang naramdaman ang kakaibang saya. Dahil sa'yo, naging makabuluhan ang buhay ko. Kung mawawala man ako, gusto kong makasama pa kita bago mangyari 'yon"
(0_0)
A-anong ibig niyang sabihin?
"M-mahal din kita, Adrian. I'm sorry kung nasaktan kita *sobs* I'm sorry kung wala akong kwentang girlfriend, s-sorry kung tamang hinala ako *sobs* sorry kung hindi ko inalam ang mga dahilan mo. P-please, w-wag mo'kong iwan *sobs* please" pagmamakaawa ko sa kanya.
"H-hindi na ako magtatagal"
Dahil sa sinabi niya ay napahagulgol na lang ako ng iyak. May mga napapatingin sa'ming mga dumadaan pero wala akong pakialam.
"Bawiin mo ang sinabi mo *sobs* m-mas matatanggap ko pang mambabae ka at maghanap ng iba kesa sabihin mo sa'king mamamatay ka na! Bawiin mo ang sinabi mo Adrian, b-bawiin mo *sobs* huhu" umiiyak kong sabi, nagmamakaawa at umaasang binibiro niya lang ako pero umiling siya na ikinaiyak ko pa lalo.
Ayokong tanggapin, a-ayoko.
"I'm dying, 'yon ang totoo. Masakit man para sa'yo at sa'kin pero gusto kitang makasama sa huling sandali ng buhay ko, 'yon na lang ang huli kong hiling sa'yo. Pag nawala ako, g-gusto kong maghanap ka ng iba na magmamahal sa'yo para matahimik naman ang kaluluwa ko"
Nakakainis siya! Bakit nasasabi niya ang lahat ng 'to? Gusto niya ba talaga akong saktan? Ang daya naman.
"Ang daya mo naman. Iiwan mo na nga lang ako, panghabang-buhay pa" mapait kong sambit at niyakap siya.
Hindi pa ako handang mawala ang lalakeng mahal ko pero tutuparin ko ang huling hiling niya. 'Yon na lang ang magagawa ko para kanya, sana masaya siyang makasama ako.
"Patawad" sambit niya at hinalikan ang noo ko.
____________________________________
•THIRD PERSON's POV•
Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Zabby habang nakayakap sa lalakeng mahal niya. Hindi niya akalaing may sakit ito at iiwan na siya kaya sobra siyang nasaktan.
Panay naman ang kwento ni Adrian tungkol sa mga masasayang alaala nilang dalawa. Kumalas siya sa pagkakayakap at may ngiti sa labing tinitigan ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.
Ayaw pa niya sanang iwan ito ngunit wala na siyang magagawa pa. Siguro'y mas mabuting bumuo na lang sila ng mga masasayang alaala hanggang sa huli niyang hininga.
Gusto niyang umalis sa mundo ng walang pagsisisi at may kasiyahan sa puso, iyon ang kanyang hiling.
Hays, bakit kaya kung sino pa 'yong totoo kung magmahal ay siya pa 'yong labis na nasasaktan? Bakit kaya kung sino pa 'yong mababait ay siya pang unang kinukuha?
Ang unfair talaga ng buhay.
"A-anong gusto mong una nating gawin?" tanong ni Zabby sa nobyo.
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit, parang ayaw na siyang pakawalan pa.
"Gusto kong maranasan ang lahat ng hindi ko pa naranasan no'ng bata pa ako. Punta tayong Arcade!" masiglang sabi ni Adrian.
Tumango lang si Zabby at pinahid ang luhang kanina pa tumutulo. Hangga't maaari ay ipaparamdam niya sa nobyo ang kasiyahan na gusto nito.
Agad silang umalis sa lugar na 'yon at iniwan ang mga malulungkot nilang moments. Ngayon ay gusto nilang magsaya, silang dalawa.
Pagkarating nila sa Arcade ay agad silang nagbayad at naglaro. Lahat ng klaseng laro na nando'n ay sinubukan nila. Wala silang pakialam kung magmukha silang bata sa paningin ng ibang mga tao. Basta ang alam nila, masaya sila sa ginagawa nila ngayon.
"Waaaaah! Ang daya naman" reklamo ni Zabby no'ng natalo siya pero tinawanan lang siya ng kasama.
"Sige, pagbibigyan kita kaya galingan mo" ngiting-ngiting sabi ni Adrian.
Masayang-masaya ang dalawa, para silang bumalik sa pagkabata sa oras na ito. Ilang laro pa ang nilaro nila at no'ng nakaramdam ng pagod ay agad ding nagpahinga.
"Napagod ka ba?" alalang tanong ni Zabby sa nobyo, naisip na naman kasi nito ang tungkol sa sakit.
"H-hindi, uminom naman ako ng gamot kanina eh" sagot naman ni Adrian sabay hawak sa kamay nito.
"Halika, picture tayo!" aya nito.
Mabilis namang lumapit si Adrian at nag-pose. Iba't-ibang klaseng pose ang ginagawa nila at sabay ding nagtatawanan kapag may picture silang nakakatawa.
Maaliwalas ang mukha ngayon ni Adrian, mababakas mo talagang masaya siyang kasama ang mahal niya.
"Teka, kumain ka na ba? Halika, kakain tayo. Gusto kong kainin 'yong mga pagkaing hindi ko pa nakain dati HAHAHA ang dami kasing bawal eh" aya naman niya kay Zabby.
"Oh sige, tara! Saan mo gusto?"
Maghawak-kamay naman silang umalis ng Arcade at pumunta sa isang sikat na kainan sa lugar nila. Maraming klase ng pagkain ang sini-serve do'n at talagang takam na takam siyang tikman ang mga pagkaing hindi niya nakain dati.
Kawawa naman siya.
Pero kung nagsasaya ang dalawa, may nag-alala naman sa kabilang banda. Kanina pa kasi nila hinihintay ang kaibigan na ang sabi eh babasahin lang sandali ang sulat na natanggap.
"Nasaan na ba ang kaibigan mo?" tanong ng isang lalake, Draco ang pangalang ginamit niya pero pag sa mundo nila ay tinatawag siyang Dalfon.
"Hindi ko nga knows eh. Ang sabi eh babasahin lang ang letter of appreciation kaso baka naligaw na't di nakabalik" sagot naman ni Gabby, ang kaibigan ni Zabby.
Kahit siya'y di alam kung saan nagpunta ang kaibigan. Nagtatanong na siya sa ibang mga ka-eskwela pero wala namang nakapagsabi kung nasaan ito.
"Eh kung tawagan mo kaya?" suhestiyon ni Draco na ikinatango ni Gabby pero agad ding napakamot ng ulo no'ng napagtantong kaka-expire nga lang pala niya.
"Wala akong load eh hehe"
"Nag cellphone ka pa" biglang sabat ng isa pang lalake, Harry naman ang gamit niyang pangalan pero sa mundo nila ay Tyson ang tawag sa kanya.
Napaismid na lang si Gabby dahil sa sinabi ng kasama. Gwapo sana ito kaso iba kung magsalita, nakaka-turn off pa nga.
"Oo nga. Ano pang silbi ng cellphone mo kung wala ka namang load?" gatong naman ni Draco.
Napairap na lang ang binabae dahil sa dalawang ito, para kasing pinagtutulungan siya.
"Tse! Pwede naman 'tong pang selfie. Buti pa nga akez may cellphone, eh kayo ba? Wala ata eh" paismid nitong turan na ikinalingon ni Harry.
Sasagot pa sana siya no'ng biglang dumating si Liezannise dala ang balita tungkol sa nawawalang kaibigan.
"Liezannise!" salubong ni Draco.
Nag-iba naman ang mood ni Gabby no'ng makita ang babaeng patay na patay sa kanya. Kahit ilang beses na niya itong pinagtabuyan ay ayaw pa rin siyang tantanan.
"Nagpunta ako sa guardhouse at nalaman kong lumabas nga do'n si Zabby. Pinakita ni manong sa'kin ang letter of approval niya, pinayagan siyang lumabas ng Head dahil magkikita daw sila ni Adrian" pagbabalita nito.
Napakunot naman ng noo ang tatlo. Ang dalawang lalake ay hindi kilala kung sino si Adrian samantalang nagtataka naman si Gabby dahil alam niyang hiwalay na nga ang dalawa.
Hindi kaya may comeback na nangyari? 'Yan ang nasa isip niya at napailing na lang, naisip niya kasi na may pagka-marupok ang kaibigan niya.
"Who's Adrian?" tanong ni Draco.
"Siya 'yong matagal ng boyfriend ni Zabby" sagot naman niya.
"They'll separate their ways soon" biglang sabat na naman ni Harry.
Gulat naman nilang tiningnan ang lalake. Di sila makapaniwalang nasasabi niyang maghihiwalay din ang dalawa eh hindi niya naman ito kilala ng lubusan.
Napansin niya naman ang kakaibang tingin ng mga kasama kaya...
"What? May mali ba sa sinabi ko? Forever doesn't exist, even this world has an end" sabi nito at umalis na.
"Grabe! Nakakain ata ng ampalaya ang kaibigan mo. Sabihin mo nga, bitter ba siya?" tanong ni Gabby.
"Oo bitter siya, wala kasi siyang girlfriend" sagot ni Draco habang nakatingin sa dinaanan ng kaibigan.
"Ay talaga? Pakisabi sa kanya na willing akong maging girlfriend niya" kinikilig na sabi ni Gab, siniko naman siya ni Liezannise.
"Gabby, hindi 'yon magkakagusto sa'yo kaya sa'kin ka na lang" nahihiyang sabi niya, umarte namang nasusuka ang binabaeng napupusuan niya.
"Ew! Kaderder ka naman ghOrl" nadidiri niyang sambit. Hindi man lang napansin ng dalawa na iniwan na rin sila ni Draco.
Busy sila sa bangayan kaya umalis na lang siya. May aasikasuhin pa siyang misyon kaya kailangan na niyang umuwi sa tinutuluyan nilang bahay.
____________________________________
•ZABBY's POV•
Nandito kami ngayon sa tabi ng dagat. Gusto ni Adrian na panuorin ang paglubog ng araw kasama ako.
Ito ang unang beses na ginawa namin 'to at sana hindi pa ito ang huli. Ayoko pa siyang mawala, sana naman pagbigyan pa ako ni God.
"Eya? Ano 'yong hindi mo malilimutang alaala nating dalawa?" tanong niya sa'kin habang nakasandal ako sa balikat niya.
Napaisip naman ako dahil do'n. Maraming mga pangyayari na hindi ko makakalimutan, lahat ng mga masasayang alaala ay nakabaon sa puso't isip ko.
"Marami pero siguro 'yong unang beses na nagkakilala tayo. Simula kasi no'n, hindi mo na ako tinatantanan eh. Hindi ko din makakalimutan 'yong napagalitan ka ng ama mo dahil tinakbo mo ang hallway ng ilang beses habang sinisigaw ang pangalan ko" sagot ko pa at natatawang binabalikan ang araw na 'yon.
Makulit si Adrian dati at lagi niya akong pinapatawa kaya siguro hindi ko napansin na may dinadala siyang problema.
*sighed*
I feel guilty dahil do'n. Nasa huli talaga ang pagsisisi at kahit anong gawin mo, you can't bring back the time to make things right.
"Ako? Hindi ko makakalimutan kung gaano kita kamahal. Kahit sa kabilang buhay, mamahalin pa rin kita" sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Napatigil ako at nag-init na naman ang mata ko, n-naiiyak ako.
"A-adrian...." tawag ko at di ko na napigilang mapahikbi.
Ang sakit... Bakit ganito? Bakit kailangang mangyari 'to sa'min?
"Ssssshh, don't cry. Hayaan mong ilabas ko lahat ng gusto kong sabihin bago ako magpaalam sa'yo, okay?"
Tumango ako habang tahimik na umiiyak at itinuon ang tingin sa papalubog na araw.
Magpapaalam....isang salitang sobrang sakit pakinggan.
"Eya, meeting you is the best moment of my life. Alam mo bang iniisip ko na ang future mo ng hindi ako kasama? Alam ko na kasing hindi ko na maaabutan 'yon" may bahid ng lungkot niyang sabi, naramdaman ko pa ang paggalaw ng kamay niya.
"Sinusulit ko ang bawat araw na kasama kita dahil baka isa sa mga araw na 'yon ang huling araw ko pero mabuti na lang at umabot pa tayo sa ganito"
Ang sakit na ng mata ko pero tuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko, parang hindi na mauubos.
"Alam mo? Araw-araw kong tinitingnan ang larawan mo, kabisado ko na ang mukha mo kahit ang maliliit mong nunal ay alam ko *chuckles* mami-miss kita, lahat ng tungkol sa'yo" pagpapatuloy niya.
H-hindi ko na kaya, ang sakit-sakit na *sobs*. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag nawala siya huhu.
"Masaya pa rin ako kasi hindi nasayang ang buhay ko no'ng nakilala kita. May sakit man ako sa puso pero nagawa ka nitong mahalin kaya I can say na I don't have a weak heart, it's strong because of you" sabi pa niya.
Tanging iyak lang ang maisasagot ko sa lahat ng mga sinabi niya. B-bakit parang namamaalam na siya sa'kin? May bukas pa naman eh *sobs*.
"Tingnan mo ang araw. Lumulubog....umaalis pero bumabalik at alam kong hindi ako magiging katulad ng araw dahil aalis lang ako pero hindi na babalik pa" sambit niya habang nakatingin sa araw na ilang minuto na lang ay mawawala na.
"A-adrian"
Halos hindi na ako makakakita dahil sa mga luha ko. Humarap siya sa'kin at pinahid ang mga luha ko. Nakangiti niyang iniipit sa tenga ko ang mga buhok na nililipad ng hangin.
"Pagkatapos nito, wag ka ng umiyak dahil hindi ko na magagawang pahirin pa ang mga luha mo" sabi niya at hinahaplos ang mukha ko.
H-hindi ko alam kung magagawa ko ang gusto niya.
'Marahil hindi nga ikaw ang tadhana ko~
Magiging bahagi ka na lang ng alaala ko~
Alam kong hindi gano'n kadali ang lahat~
Pero salamat sa pagmamahal mo~
Patawad sa mga pagkukulang ko~
Pero hindi ko maipapangakong ito ang huling patak ng luha ko.
"I love you so much Eya. Ikaw ang unang babaeng minahal ko at para sa'yo pa rin ang huling tibok ng puso ko" sambit niya at hinalikan ako kasabay ng tuluyang paglubog ng araw.
Pagkatapos niya akong halikan ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Napapikit na lang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Wala akong masabi dahil nanginginig ang kalamnan ko, p-para akong namanhid.
Tuloy pa rin ang pag-iyak ko hanggang sa naramdaman ko na ang pagbigat niya. H-hindi na siya gumagalaw at hindi ko na maramdaman ang paghinga niya maging ang pagtibok ng puso niya.
"A-adrian?" pagtawag ko pero di na siya sumasagot.
W-wala na siya.
Wala na ang taong nagmamahal sa'kin.
Iniwan na niya ako ng tuluyan.
At hindi tulad ng lumubog na araw, h-hindi na siya babalik pa *sobs*
"Mahal din kita Adrian, sana bantayan mo pa rin ako" bulong ko habang nakayakap pa rin sa walang buhay niyang katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top