CHAPTER 5: The Truth
CHAPTER 5
•ZABBY's POV•
"Class, please be reminded that tomorrow you'll have to present a poem with 4 stanzas. You can make it in a free verse form or anything that you like, it's up to you. Please be creative in making your poem, the topic should be catchy and relatable" sabi ni ma'am habang inaayos ang mga gamit niya.
Natapos din sa wakas ang klase namin pero may iniwan na naman siyang gawain. Relatable? Ano naman kaya ang gagawin kong topic? Hmmm, kung about kaya sa mga manloloko? O di kaya sa mga sinungaling?
Wow, perfect idea.
"Miss? Are we going to present it in front of the class?" tanong ng isa naming kaklase.
"Yes, of course. Do you have any questions?"
"None Miss!"
"Okay class dismissed. Take now your recess, good bye class" pagpapaalam nito at lumabas na.
Pagkalabas ni ma'am ay sari-saring ingay naman ang maririnig mula sa mga kaklase ko. Nagrereklamo sila dahil sa may bago na namang kailangang gawin at bukas pa talaga.
"Grabe, araw-araw ata tayo may activity sa kanya"
"Oo nga eh"
"Wala tayong choice kundi gawin 'yon, ayaw niyo naman siguro sa palakol na grades diba?"
"Syempre. Sino ba may gusto ng palakol?"
Napapailing na lang ako sa kanila. Kahit anong pagrereklamo nila, wala pa rin silang choice kundi ang gawin ang activity HAHAHA.
Napansin kong tahimik lang ang dalawa kong katabi. Hindi sila tumatayo sa kinauupuan nila kahit na tapos na naman ang klase.
Hindi ba sila kakain?
"Zabby-ghOrl, tara na? Tom Jones na ako eh" tawag sa'kin ni Gabby.
Kahit kailan talaga hindi nito makakalimutan ang salitang libre eh. Siguro ang laki na ng savings nito kasi di naman siya gumagastos.
"Hindi ba dapat ikaw ang manlibre sa'kin? Di ko naman nakain 'yong pagkain na inorder natin do'n sa resto ah" sabi ko pa, umaasa na sana hindi ko siya malibre hihi.
"Abaaaa! Kasalanan mo 'yon, nang-iwan ka eh" paninisi niya.
Hmmmmp, sabi ko nga eh.
Hindi na lang ako umalma pa at kinuha ang bag ko. Hinanap ko ang wallet ko sa loob pero nailabas ko na lang ang lahat ng gamit ko ay wala akong nakitang wallet.
"Hala, nasaan na 'yon?" bulong ko habang naghahanap.
"Anyare ghOrl?"
"'Yong wallet ko, wala dito sa bag ko" alala kong sagot. Paktay! Nando'n pa naman lahat ng cards ko, nakuuuu.
"Ha? Baka naman naiwan mo sa bahay niyo"
Pilit ko naman inalala kung naiwan ko nga ba pero no'ng naalala kong sumakay ako ng taxi at nakapagbayad pa ay sigurado akong nadala ko 'yon.
"Hindi ah, nagbayad pa nga ako sa taxi eh. W-wait, halaaaa! B-baka nailaglag ko no'ng may nakabangga ako kanina! Owemji"
Do'n ko pa naalala na nahulog nga pala lahat ng gamit ko dahil sa pagkakabanggan namin ng kung sino. Aaaaargh! Hindi ko pa naman alam kung ano ang itsura niya kasi di ko naman siya nilingon kanina.
Sheeeeeeet! I need to find my wallet huhu.
"Ito ba 'yong hinahanap mo?"
Napalingon ako kay Draco at sa hawak niya. T-teka, wallet ko 'yan ah! Paano napunta sa kanya 'yan?
"B-bakit nasa iyo 'yan?" gulat kong tanong.
"I found it. Sa susunod kasi tingnan mo 'yong dinadaanan mo para di ka makabangga. Baka sa susunod, hindi na mga gamit mo ang titilapon kundi ikaw na" nakangiti niyang sabi na ikakurap ko.
Nakakainis ang ngiti niya ah saka hanudaw? Anong ibig niyang sabihin? Masyado ba akong maliit sa tingin niya para isipin niyang ako na ang titilapon? Saka teka lang ha, pamilyar talaga sa'kin ang ganyang pananalita eh.
P-parang katulad na katulad do'n sa misteryosong lalake na nagligtas sa'kin no'ng muntik na akong masagasaan! S-siya kaya 'yon?
"Oh tulala ka naman? Baka matunaw ako sa lagkit ng pagtitig mo" ngayo'y nakangisi naman siya.
"H-hindi ah! Ang kapal mo naman. Akin na nga 'yang wallet ko!" pagde-deny ko at pilit na inaabot ang wallet kaso ang mokong, sinasadya niyang itaas.
Eh di ikaw na matangkad, grrrrr.
"Akin na 'yan sabi!"
"Abutin mo muna"
"Ano ba? Ibigay mo na nga 'yan sa'kin"
Nyemas! Naiinis na ako ha. Baka matadyakan ko na 'to eh.
"Ayy naku"
(0_0)
Nagulat naman ako no'ng biglang kinuha ni Harry sa kamay ni Draco ang wallet ko. Napatingin ulit ko kay Draco pero nakangiti pa rin siya at parang aliw na aliw.
Jusko, nalipasan ata 'to ng gutom kaya ganyan kung makaasta.
"Take this but since siya naman 'yong nakapulot sa wallet mo at ako naman 'yong kumuha nito sa kamay niya. Siguro it's better for you to treat us too, right?"
Napanganga na lang ako sa suggestion ni Harry at di makapaniwalang tiningnan siya. Grabe, naisip niya talaga 'yon?
Ibang klase.
"Ha! Wala ba kayong pera para pambili ng pagkain niyo? Grabe, nag-aral kayo dito pero kahit pambili ng pagkain eh wala kayo? Jusko, nahirapan na nga ako dahil sa baklang 'to pero dumadagdag pa kayo sa palalamunin ko. Ano ako? Ina niyo?" pagtatalak ko pa pero wala man lang akong nakitang reaksyon sa mga mukha nilang dalawa.
Eh? May nasabi ba akong masama?
"You really talked too much, do you? Bilib ako sa kaibigan mo dahil nakaya ka niyang tiisin. We'll go ahead, sumunod na lang kayo"
(0_0)
Watda?
Ganyan din 'yong sinabi ng savior ko no'ng araw na 'yon. Naguguluhan ako kasi pareho silang kahina-hinala. P-pero impossible namang isa sa kanila 'yon dahil hindi naman nila ka-boses ang lalakeng 'yon.
Hays! Napa-praning lang ata ako.
"Uy Zabby-ghOrl, kitams? Kahit sila eh bilib na bilib sa'kin" proud na sambit ni Gab.
"Bilib lang, hindi bilib na bilib" paismid kong sagot at sumunod na din do'n sa dalawang tumangay sa wallet ko.
Ang lakas din ng loob nilang dalhin ang sarili kong wallet, hindi naman sa kanila 'yon.
"Uy wait for me naman uy!" sigaw ni Gabby.
Naabutan niya rin naman ako kaya sabay na kaming pumunta sa cafeteria kaso bigla kaming hinarangan ni Liezannise kaya ramdam kong naiinis na naman ang baklita.
"Hi Gabby! Hi Zabby!" bati niya sa'min. Mukhang natural na masiyahin itong si Liezannise kasi lagi siyang nakangiti at talagang gustong-gusto niya ang kaibigan ko.
Grabe! Love is blind nga talaga siguro noh?
"Hello Liezannise! Tapos ka na bang kumain?" tanong ko.
"Hindi pa nga eh, hinihintay ko kasi kayo"
Napakunot naman ako ng noo sa sagot niya. Ba't naman niya kami hinihintay? May kailangan ba siya?
"Bakit?"
"Gusto ko kasi sana na sabay na tayong kumain hehe" ngiting-ngiti niyang sagot.
W-woah! Ang swerte naman. Mukhang may sasagip sa gagastusin ko ngayong araw ah HAHAHA.
"Sig---------------"
"Sorry ka na lang ghOrl, hindi ka pwedeng sumabay. May dalawa na kaming kasama kaya may partner na ako and besides, ayokong magkaroon ng third wheel" maarteng sabat ni Gabby.
Aba'y bantos na bata, pinutol pa ang sasabihin ko. Nakuuuu, grasya na naging bato pa. Napayuko naman si Liezannise kaya naawa ako sa kanya. Pinandidilatan ko ng mata ang bakla para tumahimik na.
"G-gano'n ba? Sayang naman" malungkot nitong sabi.
Ayyt, ang harsh naman ng Gabby na 'to. Di ba siya naaawa sa babaeng 'to? Halos gawin na ang lahat para lang sa kanya tapos....hays!
"Naku, wag kang maniwala sa kanya. Sumabay ka sa'min, akong bahala sa'yo" nakangiti kong aya sa kanya kaya lumiwanag naman ang mukha niya't napangiti.
Wala ng nagawa ang bakla kundi ang tumahimik na lang dahil kung hindi, hindi ko siya ililibre kahit kailan, pffffft.
"Oh ano? Tara na" aya ko ulit pero di pa kami nakailang hakbang no'ng may humarang na naman sa'min.
Ano bang meron?
"Ano ba? Harang kayo nang harang. Hindi niyo ba kami papakainin ha? Hays kalowka" iritang sabi ni bakla, high blood ata.
"Kung gusto mong kumain, kumain ka do'n. Hindi naman ikaw ang hinarang ko, assuming ka" malditang sagot ng isang babae. HAHAHA nakakatawa ang reaksyon ni Gabby, gulat na gulat siya eh. Nakahanap siya ng katapat.
"Ano ba 'yon?" tanong ko.
"Heto, may nagpapabigay para sa'yo" sagot niya sabay bigay sa isang nakatuping papel.
Huh?
Ano naman 'to? Ba't may paganito?
"Ah sino naman ang nagbigay nito?" taka kong tanong.
"Wala siyang sinabi. Sige, alis na ako"
Hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya dahil agad din naman siyang umalis. Sino naman kaya ang nagbigay nito?
"Uy ano 'yan? Uso pa ba 'yan?"
"Baka galing sa secret admirer mo 'yan"
"Loka! Secret admirer ka d'yan, wala ng sulat² ngayon noh"
Hindi ko sila pinansin. Nakapokus lang ang isip ko kung sino ang nagpapabigay nito. Bakit sa sulat pa? Wala ba siyang selpon? O di kaya Facebook?
"Hoy Zabby-ghOrl, mamaya mo na 'yan basahin at nagugutom na talaga akez"
Napalingon ako kay Gabby pero tiningnan ko ulit ang nakatuping papel at may nabasa akong nakasulat na 'read it ASAP' sa harap. Whew! May pa ASAP pa talaga ha.
"Mauna na lang kayo do'n Gab, mukha kasing importante 'to eh kaya mauna na kayo. Wag kayong mag-alala, susunod ako saka nando'n naman sa dalawa 'yong wallet ko eh" sabi ko naman.
"Oh sige, bilisan mo ha"
"Oo"
Inismiran pa ni Gabby si Liezannise bago rumampa papasok ng cafeteria. Napailing na lang ako sa kaartehan ng baklang 'yon, mabuti na lang at mahaba ang pasensya ni Liezannise.
Sana ganyan din 'yong klase ng lalake na magmamahal sa'kin.
Hays! Mabasa na nga lang 'tong sulat na 'to.
'read it ASAP'
'Eya, please meet me at the park where we used to stay. I have something to tell you, please come here right now. I'll wait for you, this is really important'
'Yon ang nabasa ko sa sulat. Walang nakalagay kung kanino galing pero alam ko na kung sino siya, s-si Lloyd. Siya lang kasi 'yong tumatawag sa'kin ng Eya since then.
Kinakabahan ako. Ano naman kaya 'yong importanteng sasabihin niya sa'kin? May kinalaman ba 'to do'n sa nangyari sa resto? P-pupunta ba ako?
Paano pag maging mahina na naman ako? P-paano pag masaktan na naman ako? Pero g-gusto ko ring malaman ang sasabihin niya, a-ang mga dahilan niya para malinawan naman ako.
Sigurado akong nando'n na siya sa park na sinasabi niya sa sulat. Kailangan ko siyang puntahan para magkaroon naman kami ng closure diba? Kahit papaano eh naging bahagi naman siya ng buhay ko.
*sighed*
Sana sabihin niya sa'kin ang lahat at wag na siyang magsinungaling bago ko pa tuluyang isara ang puso't isip ko para sa kanya.
____________________________________
•AERIN's POV•
Hawak-hawak ang kamay ng asawa ko, hinanda ko ang sarili kong malaman kung ano ba talaga ang pag-uusapan namin.
Kahit kinakabahan ay pinilit ko ang sarili kong wag paghinaan ng loob. Kahit 'yong mga makukulit kong kasama ay natahimik din dahil sa narinig mula sa Lux King.
"Alam nating lahat na nakakulong lamang ang diyos ng kadiliman na si Dark. Ang sabi ng ating 'Chosen Heiress' ay wala na rin ang iba pang mga diyos at diyosa dahil sa pagbalik ng buhay niya at nagdulot iyon ng panibagong responsibilidad at mga alituntunin"
Tama ang Lux King. Simula no'ng nawala ang mga gods and goddesses, nagbago na ang mga patakaran na may kinalaman sa kanila. Nawalan na ito ng bisa at ang panibago ay hindi na maaaring baguhin pa.
Kahit ako ay walang magagawa do'n.
"Nais kong ang ating Urakulo na lamang ang magsabi kung ano ang kanyang nakita sa hinaharap. Siya'y narito ngayon upang sagutin lahat ng inyong katanungan" sabi ng amang Hari kasabay ng paglabas ng isang matandang lalake na may mahabang balbas.
Kakaiba ang suot niya. Parang pinaglumaan na ng panahon, siguro Lolo pa 'to ng mga Lolo ko? Ayyt.
"Kumusta? Isang karangalan para sa akin ang makaharap kayong lahat sa isang mahalagang usapin. Nawa'y makatulong ito sa inyong paghahanda" malumanay niyang bati.
"Ano po ba 'yong nakikita niyong mangyari?" tanong ni Rain.
"Oo nga po. Saka ano po ba 'yong bagong patakaran?" si Yesha naman 'yong nagtanong.
Kahit ako'y di ko alam 'yon. Wala naman kasing sinabi sa'kin ang mga gods and goddesses tungkol do'n, bigla-bigla na lang silang nawawala eh.
"Isinakripisyo mo ang buhay mo para sa kapayapaan ng lahat, naikulong mo ang diyos ng kadiliman at kailanman ay hindi na sana siya makakalabas pa ngunit nang magpasya ang mga diyos at diyosa ng mga elementong ibalik ang buhay mo, nagkaroon na naman ng susi upang mabuksan at makalabas ang diyos na si Dark" mahabang salaysay ng matanda.
Di ko maiwasang mangamba dahil parang kasalanan ko ang mangyayari sa hinaharap. Kung hindi sana ako nabuhay pang muli, hindi sana ganito ang mangyayari.
Hays! Bakit ba kasi ang sama-sama ng demonyong Dark na 'yon? Di na lang siya manatili sa lungga niya.
"P-patawarin niyo akong lahat, k-kasalanan ko ang mangyayari" paghingi ko ng tawad.
"Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo. Desisyon iyon ng mga gods and goddesses at alam kong naniniwala silang malalagpasan natin ang pagsubok na darating" alalang sambit ni ina.
"Oo nga naman Aerin, wala kang kasalanan" sabat ni Eris.
"Wife, don't blame yourself, okay? We're thankful that your alive, I am thankful"
Dahil sa mga sinasabi nila, nabuhayan ako ng loob. Mabuti na lang at nandito sa tabi ko ang mga taong mahal ko at nagmamahal sa'kin. Hindi ako nag-iisa, kakayanin namin ang lahat.
"May nakita ako sa aking bolang crystal. Dalawang hugis puso pero magkaiba sila ng kulay. Ang dalawang pusong iyon ay naging isa at sa gitna'y may nakaukit na susing kulay itim. Sa tingin ko'y ito ang susing magbubukas sa pinagkulungan mo/niyo sa diyos ng kadiliman na si Dark. Ito'y isang hindi magandang pangitain" pagpapatuloy ng Urakulo.
P-puso? Ibig sabihin pag-ibig ang susing 'yon? P-pero sino naman ang nagtataglay ng susing 'yon? Kailangan ko siyang pigilan.
"Anong ibig niyo pong sabihin?" tanong naman ni Caeli.
"Nag-iba na ang kapalaran at kaugnayan ng mundo natin sa mundo ng mga tao. Sa kabuuan, ito'y isang pinagbawal na pag-ibig sa pagitan ng Luxier at isang mortal"
(0_0)
I-isa sa mga anak namin ang iibig sa isang mortal? Ipinagbawal na pag-ibig...a-ang hirap mangialam sa buhay pag-ibig ng aming mga anak.
For sure, magagalit at kamumuhian nila kami kapag pinigilan namin sila!
Dahil sa narinig, samu't-saring ingay at reklamo ang maririnig mula sa mga kasama ko. Pag-ibig ay katumbas din ng kasiyahan at kapag pinigilan namin ang mga anak namin na magmahal, ano na lang ang mararamdaman nila sa'min?
A-ayokong magalit ang anak ko sa'kin p-pero ayoko ring masira at mawasak ang mundong pinaghirapan naming lahat.
*sighed*
Ano na ang gagawin ko?
"Kung gano'n, ipagbabawal kong gawin ng mga royalties ang anumang misyon na may kinalaman sa mundo ng mga mortal" pahayag ko.
"Hindi mo maaaring gawin 'yon, anak. Ang misyon sa mundo ng mga mortal ay talagang bahagi na ng Lux, ito ang patakaran ng Academy at hinding-hindi iyon maaaring baguhin ng kahit na sino" pagtutol ni ama.
Bakit sila ganito? Bakit hindi pwede? Bakit ayaw nila akong payagan? Para na rin 'yon sa kabutihan ng lahat.
"B-bakit hindi? Mas importante pa ba ang paggawa ng mga misyon kesa sa mundong ito? Ako ang 'Chosen Heiress' at ang susunod na reyna ng Lux, maaari naman po siguro 'yon, diba?" dagdag ko pa.
"Aerin, isa sa mga misyon na ginagawa nila ay ang pagkuha sa mga nilalang na may mga kapangyarihan" sagot ni Red.
"Oo nga Ae. May mga namamatay ding Luxiers kaya kapag itinigil ang mga misyon, sino pa ang susunod na mamumuhay dito? Sino pa ang susunod na magiging estudyante ng Academy?" sabat ni RV.
Napabuntong-hininga na lang ako. Tama sila, h-hindi nga pwedeng ipagbawal dahil nariyan pa rin ang Puno ng Magicae. Kapag taglagas, kinakailangang kunin ang mga taong malalapatan nito at dalhin sa mundong bagay sa kanila.
"Isa pa anak, ibinigay ng mga diyos at diyosa ang kapangyarihan nila para mailigtas mo ang buong Lux hindi upang baguhin ang anumang patakaran" dagdag ni ina na ikinayuko ko na lang.
Wala na ba talaga akong magagawa?
"P-pasensya na po kayo"
Hays! Ang hirap ng ganito.
"Wala na po ba kaming magagawa para mapigilan pa ito?" tanong ni Eris.
Bumuntong-hininga ang Urakulo hudyat na wala na kaming magagawa pa kundi ang maghanda.
"Ito ang kapalaran at hindi na ito mababago pa. Ang magagawa niyo lang ay ang ihanda ang inyong mga sarili sa maaaring mangyari. Maaari niyong pigilan ang prinsipeng 'yon pero nasa kanya pa rin ang desisyon. Ito ang kanyang kapalaran at ang kapalarang iyon ay kapalaran na rin ng buong Lux" sagot niya.
*sighed*
Natatakot ako para sa mga anak namin. Bata pa sila para makaranas ng ganito, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hindi niyo po ba alam kung sino sa kanila 'yon?"
"Pasensya na ngunit hindi ko talaga alam"
Final na talaga. Wala na kaming magagawa kundi ang maghanda at paalalahanan ang mga anak namin na kung maaari ay pigilan nila ang sarili nilang mahulog sa isang mortal.
"Impossibleng ang anak ko ang Luxier na 'yon dahil bata pa lang ang anak ko'y alam ko na kung sino ang gusto niya at hindi iyon isang mortal"
"Sa'kin ay hindi ko alam"
Gano'n din sa'kin. Walang nasasabi ang anak ko tungkol sa gusto niya at wala rin naman akong naitatanong sa kanya.
Siguro naman makikinig siya sa'kin kapag sinabi kong ilayo niya ang sarili niya sa mga mortal.
'Hindi naman siguro magmamahal ang anak ko ng isang mortal'
Sana nga hindi.
"Then, If we can't do anything para mapigilan pa 'yon, how could we defeat that goddamn god of darkness?" mariing tanong ni Glaciero.
Tama. Kailangang matalo namin si Dark kung di talaga maiwasan ang mangyayari.
"Kailangang may mamatay sa kanilang dalawa"
(0_0)
A-ano?!
Tama ba ang narinig ko?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top