CHAPTER 4: The Transferees
CHAPTER 4
•ZABBY's POV•
"Indzae Zabby! Ano? Nasaan ka na? Dalian mo ghOrl, parating na si Sir" rinig kong sabi ni Gabby sa kabilang linya.
"Heh! Kabababa ko lang sa taxi noh. Alam mo, kasalanan mo 'to eh. Akala ko dadaanan mo ako rito sa bahay kaya naghintay ako! Kung di ka pa tumawag, malamang absent na ako ngayon" bulyaw ko sa kanya.
Nasanay kasi ako na sabay kaming pumapasok sa school kaya hinintay ko siya kanina kaso ang bruha, nauna pa sa'kin. Ano siya? Excited much? Uber.
"Wow, kasalanan ko pa talaga ha"
Hays! Male-late pa tuloy ako.
"Oo, kasalanan mo talaga" paninisi ko naman.
Marami akong dinalang libro dahil akala ko talaga eh sabay kami. Hays! Mga maling akala nga naman.
"Sorry naman Zabby ghOrl, ano? Hindi ko naman alam na instant driver mo pala ako" sarcastic niyang sagot.
Pinatay ko na lang ang tawag at nagmamadaling naglakad. Late na talaga ako huhu, paktay talaga ako nito kay Sir.
Sa pagmamadali, hindi ko napansing may humaharang sa dinadaanan ko kaya nagkabanggaan kami, nahulog pa lahat ng dala ko.
Kainis naman!
"Ano ba 'yan? Nakakainis naman, bakit mo ba ako binangga? Kitang nagmamadali 'yong tao eh" inis kong sabi habang pinupulot ang mga gamit ko, ni hindi ko na natapunan ng tingin kung sino ang bumangga sa'kin.
Parang tataas ang level ng dugo ko sa sobrang inis. Kung kailan pa ako nagmamadali, saka pa mangyayari sa'kin 'to. Aaaaargh! Ang malas talaga, hays.
Pagkatapos kong pulutin 'yong mga gamit ko ay agad na rin akong kumaripas ng takbo papasok sa gate. Langya! For sure, nag-uumpisa na ang klase. Wala na kasing estudyante ang naglalakad sa hallway, nyeta nakakahiya huhu.
"Manong, ID ko oh" sabi ko habang itinaas ang ID ko pagkatapos ay mabilis na naglakad papasok.
Sa di kalayuan, sa kabilang room, nando'n ang professor ko at parang may kausap. Good thing, chismoso siya kaya may time pa ako para makapasok agad.
"Hi Zabby-ghOrl, buti naman at narito ka na. Muntikan na 'yon ah" ngising salubong sa'kin ni bakla pagkapasok ko.
"Alam mo? Matatadyakan kita kapag di ka tumigil sa kakangisi mo d'yan" pagbabanta ko sabay lapag sa mga gamit ko sa kabilang upuan.
"'To naman, ang high blood. Nakaka-deads pa naman 'yon" bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Talagang made-deads ka sa'kin kapag di ka tumahimik" sabi ko na lang at naupo na. Hays, makakahinga na rin ng maluwag.
"Sorry naman. Mabuti nga di ka na-late eh, hmmmp"
"Yeah right. Buti na lang tsismoso siya kaya nakaabot pa ako" pfffft.
"Sinong tsismoso?"
(0_0)
Patay na!
"A-ah wala po Sir. S-si Bartolome po 'y-yong tsismoso hihi" kinakabahan kong sagot sabay peke ng ngiti.
Eeeer, aatakehin ata ako.
"Gaga ka talaga Zabby" bulong ni Gabby kaya pasimple ko siyang nginisian. Gantihan lang 'to, ganern.
"Mr. Bartolome, warning!" masungit na sabi ni Sir. Pfffft nakakatawa naman 'yong MR hihi.
"Sorry po, Sir. Si Andromeda ka----------"
Abaaaa! Gusto pa ata akong ilaglag nito.
"Bartolome, I said warning ha. Next time, palalabasin na kita" banta ni Sir na ikinatahimik ni Gabby. Ayt, nako-konsensya tuloy ako *pout*.
"Good morning class!"
"Good morning, Sir"
"Take your seat"
Umupo na rin ako at kinuha ang notebook at papel pati na 'yong ballpen ko. Napansin kong nag-iba ang mood ni Gabby kaya nadagdagan ang guilt ko. Hays, bakit ba ganito ako?
'Gabby, sorry na. Ililibre na lang kita mamaya sa cafeteria'
Sinulatan ko siya sa papel at pasimpleng inabot sa kanya, naramdaman ko namang kinuha niya 'yon. Nasa likuran ko kasi siya dahil na rin sa seating arrangement ni Sir.
"Miss Villarico? Can you close your book? I'm here already" tawag niya sa kaklase namin na nagbabasa ng Harry Potter na libro.
"Ayy Opo, sorry Sir" paghingi nito ng tawad. Hindi na rin siya binalingan pa ni Sir at may kung anong tinitingnang papel.
"Class, you have your new classmate today. Mr? Please come in and introduce yourself"
Uh? May transferee? Ba't naman siya nag transfer eh hindi naman 'to ang first day or month ng klase.
Baka na kick-out sa dati niyang school? Or baka lumipat ng tirahan? Ayy.
Lahat kami nag-aabang sa kung sinong MR na new classmate namin. May isang matipunong lalake ang pumasok na parang kaedad lang namin, nakasuot siya ng leather jacket at talagang ang cool niya lang.
Napanganga pa ang iba dahil sa kanya. Well, nayayabangan ako sa dating niya.
"Wow, may gwapings na hombre! Baka siya na ang para sa'kin, owemji" kinikilig na sambit ni Gabby kaya napalingon ako sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin at pinakita ang sulat ko sabay thumbs up.
Hays, lagi ko na ata siyang nalilibre.
"Mister? Can you introduce yourself?" tanong ulit ni Sir.
"Ah yeah. Hi, I'm....I'm uhmm... I'm sorry, uhhmm... My name is, I mean you can call me...you can call me..."
Huh? Ano bang klaseng intro 'yan? Kinakabahan ba siya? Kung saan-saan siya napapatingin habang nauutal sa pagsasalita. Don't tell me nakalimutan niya name niya?
Whew! Mukhang puro pa-cool lang ang alam nito ah, pffft.
"H-harry! Y-yeah, I'm Harry... Harry Sandoval" kagat-labi niyang sabi.
Nang-aakit ba siya? Eeeew, ang sagwa naman.
"Harry? Like real-life Harry Potter?" manghang-manghang tanong ni Villarico.
Jusko naman. Pati ba naman dito, Harry Potter pa rin inaatupad? Nababaliw na ba ang babaeng 'to? Anong real-life Harry Potter? Pang fiction lang 'yon uy.
No wonder, lahat ng ex niya eh Harry ang pangalan. Teka, b-baka maging ex niya rin 'tong transferee. Haluuuuh HAHAHA mukhang may mabibiktima ang bruhilda, pfffft.
"Mr Sandoval, please find a seat" untag ni Sir. Tumango lang din siya at nagsimulang maghanap ng mauupuan. Lumihis naman ako ng tingin at nagkunwaring walang pakialam para di niya mapansing may bakante mala-------------
"Is your bag also a student here?" rinig kong tanong ng isang mokong.
Hindi ko siya nilingon at nagsimulang magsulat ng kung ano-ano sa papel ko. Nakikita ko ang sapatos niya kaya alam kong ako ang kausap niya.
Grrrrr, bakit ba siya rito pumunta? Ang dami namang bakante, hays.
"Estudyante rin ba ang bag mo dito?" tanong niya ulit pero this time, Tagalog na.
Teka nga, ano bang akala niya sa'kin? Hindi marunong umintindi ng English? Abaaaaa, wag ako ha. Padabog ko namang kinuha ang bag ko sa upuan at inilagay sa kabila. Oo na, ako na walang katabi pero dahil nandito siya, malamang meron na.
Umupo naman siya do'n kaya di ko na lang siya pinansin. Baka akalain nito FC ako, wag na noh.
"Hi Harry!" bati sa kanya ni Gabby, kumerengkeng na naman ang bakla, pffft.
"......"
Pero dini-deadma lang siya nitong katabi ko kaya di na rin nangulit si Gab. Baka bingi 'to? Di man lang binati ang friend ko, wow ha.
"Okay class, I know you've studied our lessons yesterday so we will have a quiz today. Ms Andromeda and Mr Bartolome? Are you aware?" tanong ni Sir.
"Yes Sir" sabay naming sagot ni Gab.
Kahit suspended kami, updated pa rin kami sa mga nangyayari dito sa school like kung may quiz ba or projects. Of course, ayoko namang bumaba ang grades ko kasi from the very start until now, I'm a consistent first honor student.
"Very good. Now get one half sheet of paper, lengthwise please"
*tok! tok! tok!*
Huh?
Lahat kami napatigil at napalingon sa pinto dahil sa narinig naming mga katok. Baka nandito ang principal para sa observation? Baka nga.
Kumuha na lang ako ng one half lengthwise na papel at nagsulat ng pangalan. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa papel ng katabi ko. Infairness ha, maganda ang penmanship niya. Parang hindi sulat-kamay ng lalake, siguro babae 'to no'ng past life niya.
Ay takte! Ano ba 'tong iniisip ko?
"Okay class, listen up. We have another transferee from Hongkong, please come in"
(0_0)?
Huh? Transferee na naman? Galing Hongkong pa nga! Well, di na nakakapagtataka 'yon. This school is one of the most prestigious schools here in our country kaya maraming gustong mag-aral dito.
Pumasok naman ang isang lalake na sa tingin ko ay ka-edad lang din namin. He has a strong awra, cool din pero unlike sa katabi ko, nakangiti siya.
"Hi, I'm Draco Sebastian! Nice to meet you guys" casual niyang pagpapakilala.
Draco? T-teka---------
"Owemji! Draco Sebastian? Parang si Draco Malfoy lang, uwu"
Sabi ko na nga ba eh. Baka magkakilala pa ang dalawang transferee na 'to ah.
"Mr Sebastian, please take your seat"
Unlike kanina, hindi ako lumihis ng tingin. Baka mapansin na naman ako eh, ayy teka----ang assuming ko naman pag gano'n noh.
Wag naman sana rito....
"Hi, can you take your bag?"
Harujusko. Bakit ba dito sila sa'kin tumatabi? Like hello, may iba pa namang bakante noh.
"Paano pag ayoko?"
Do'n ka na lang kasi sa iba, huhu. Ayoko kasing ilagay ang bag ko sa likuran ko, mapipisa kasi eh.
"Then, I'll do it"
(0_0)
Watda?
Napanganga na lang ako sa ginawa niya. Di ako makapaniwalang kinuha niya ang bag ko at inilagay sa sahig like what? Sa sahig niya inilagay!
"Hoy, anong ginagawa mo?" gulat kong tanong.
"Ayaw mo kasing kunin kaya ako na ang gumawa. Be thankful dahil hindi ka na naabala pang kunin 'yan" nakangiti niyang sabi.
Ano raw?
Be thankful? As in? Ako pa ang magpapasalamat? Ha, he's unbelievable! T-teka, ba't parang pamilyar ang ugali niya? Kilala ko ba siya? Hays, ibang klase.
"Ha! Salamat ha?" sarcastic kong sagot.
"You're welcome, maliit na bagay"
Pwede magmura? Ang yabang din niya! Waaaaah napapagitnaan ako ng mga walang modo huhu heeeeelp.
Di nagtagal, sinimulan na rin ni Sir ang quiz. Wala talaga siyang patawad dahil kahit 'yong nga transferees ay kasali pa rin. Paano na lang kapag ma zero ang dalawang 'to? Nakakahiya naman pag nangyari 'yon, pffft.
Pero napapansin ko na kalmado lang sila like parang hindi sila nahihirapan sa quiz na 'to samantalang 'yong iba kong kaklase eh nagiging giraffe na sobrang taas ng mga leeg.
Impressive huh.
Tingnan natin kung anong scores ang makukuha nila mamaya, hmmmm.
"Are you copying my answers?"
(0_0)
Huh? Ano daw 'yon?
"Anong sabi mo?" gulat kong tanong sa katabi kong Harry na wala namang salamin sa mata.
"Are you copying my answers?"
Aba'y inulit pa nga! Teka, may naalala ako sa kanya ah p-pero impossible 'yon dahil hindi naman sila magkaboses. Saka ako? Copying his answers? No way.
"Hoy Mister! FYI ha, tapos na ako. Ba't ko naman kokopyahin ang answers mo eh kaya ko namang i-perfect 'to? Assuming ka rin eh noh" pagsusungit ko pa.
Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko ngayon. Hays, naiinis kasi ako kanina tapos dumagdag pa sila.
"Ang init naman ng ulo mo, siguro hindi ka naligo kanina" sabat ni Draco kaya napapikit na lang ako sa inis.
"Naligo ako kanina kaya tumahimik ka" sabi ko pa.
Sabat nang sabat, di na lang mag concentrate sa pagsagot d'yan, hays.
"Hindi naman ikaw ang kausap ko, pfffft" pigil-tawa niyang sagot.
Dahil sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko sa sobrang hiya. Aaaargh! Hindi pala ako ang kinausap niya? Waaaah ayoko na!
*arm raised*
"Yes, Ms Andromeda?"
Mababaliw ako dito kapag di ako makaalis sa pwestong 'to huhu.
"Sir, c-can I change my seat?" tanong ko. I really want to escape from these two mokongs! Maloloka akooooooO.
"Ms Andromeda, just finish the quiz and you can finally go out"
Napanguso na lang ako sa sagot ni Sir. Alam ko na ang ganitong set-up eh. Sasabihin niyang 'you can finally go out' pero wala na, absent ka na pala at 'yong papel mo ay diretso basurahan na.
Terror na professor 'to, sarap kalbuhin. Ayy, kalbo na nga pala siya, my bad.
*chuckles*
Ilang minuto ang lumipas, biglang nagsalita si Sir kaya natataranta na ang ilan.
"Okay class, pass your paper forward"
Ipinasa na rin namin ang mga papel. Si Sir lang ang nagche-check no'n dahil wala daw siyang tiwala sa'min. Oo, 'yon mismo ang sinabi niya kaya dapat mag-aral ka talaga ng lessons para hindi ka kabado.
"Ise-send ko na lang mamaya sa GC ang mga scores niyo. Ms Andromeda, please do add those transferees sa GC para ma update sila sa subject natin. Class dismissed"
Napabuntong-hininga na lang ako sa huling bilin ni Sir sa'kin. Ang dami naman namin pero ako pa ang napili niyang mag add sa dalawang 'to.
Paano ko naman sila ia-add kung hindi kami friends? Hays, nakaka-stress naman ang araw na 'to.
"Hoy kayong dalawa, ia-add ko kayo sa GC natin kaya sabihin niyo sa'kin kung anong Facebook names niyo" tawag-pansin ko sa kanila.
"What is Facebook?" tanong ni Draco na ikinagulat ko.
Saang planeta ba 'to galing at hindi alam 'yong Facebook? Kahit nga ata 5 years old na bata eh alam kung ano 'yon.
"Hindi mo knows iyon?" sabat ni bakla. Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na tumango. Haleeeer, sabog lang? Anong palabas 'yon?
Napansin kong pumikit si Draco at ilang segundo lang ay agad ding sumigaw na talagang ikinalundag ng kaluluwa ko. Nyemas! Nababaliw na ba siya?
"I knew it. Okay, gonna tell you our Facebook names tomorrow. Is that okay?"
Tumango lang ako at naupo na ulit. May isang subject pa bago ang recess, ang tagal matapos ng araw.
"Uy Dracula, magkakakilala ba kayong dalawa?" FC na tanong ni Gabby. Nagpipigil pa ako ng tawa dahil sa tawag niya kay Draco, pfffft.
"Anong Dracula? Draco kasi 'yon. Anyway, kilala ko siya dahil magkapitbahay kami do'n sa Hongkong" sagot nito.
Hindi na ako magtataka do'n dahil halata naman. Pangalan pa lang, halatang-halata na.
"Hi Harry Potter! May eyeglasses ako, heto kunin mo at isuot para kumpletong-kumpleto ka na" biglang lapit ni Villarico at iniabot ang salamin sa mata kay Harry.
Taka naman niyang tiningnan ito at napadako ang tingin sa librong hawak ng babae. Kitang-kita talaga sa cover ang itsura ni Harry Potter at ang pangalan nito.
"Pasensya na, hindi ako nagsusuot ng ganyan. Maayos ang mata ko kaya hindi ko 'yan kailangan. Itago mo na lang bilang regalo ko sa'yo" sagot nito.
"Waaaaah talaga? Salamat sa regalo mo Harry! Uwu, thank you talaga" kinikilig na sambit ni Villarico at bumalik na sa upuan niya.
Napapailing na lang ako sa kabaliwan ng babaeng 'yon. Sa kanya naman 'yong salamin pero kung makapagpasalamat siya, akala mo talaga eh galing kay Harry.
Pareho silang baliw.
Sana dumating na ang ikalawang professor para hindi ako mahawa sa kanilang lahat.
____________________________________
•DALFON's POV (Draco)•
Nandito kami sa mortal world. They sent us here for our missions at kami lang ang nakakaalam ng mga sarili naming misyon.
Sabay kaming pumunta dito at sa Hongkong kami unang nakatapak kaso may napanuod kaming balita tungkol sa Pilipinas kaya agad kaming nagpunta.
Actually, naghiwa-hiwalay kami ng landas para mapadali ang pagsagawa ng mga misyon. Ang misyon ko ay ang humuli ng labin-dalawang masasamang espiritu na malayang gumagala dito sa mundo ng mga tao.
May nahuli na ako kahapong isa at naipadala ko na rin sa lugar ng mga masasamang espiritu o ang tinatawag naming 'Land of Evil Spirits'.
Ang sabi sa amin ng Head of Missions, mapanganib ang gano'ng klaseng espiritu dahil maaari nilang angkinin ang katawan ng iba at maghasik ng lagim. Nandito kami para tulungan ang mga tao na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan nila.
Lagi kong nababasa sa mga libro na ang paaralan ang siyang madalas na tinitirhan ng mga multo o mga espiritu kaya nga nag enroll ako sa eskwelahang ito. Di ko naman inasahan na dito rin nagpunta si Storm, ang isa pang prinsipe.
Hindi ko alam kung ano ang misyon niya dahil hindi naman kami pwedeng mangialam sa isa't-isa.
Kung nandito siya, malamang nandito din ang misyon niya.
Kailangang may malaman pa akong mga kwento tungkol sa paaralang ito at siguro maaari kong tanungin ang mainiting si Eli at ang kaibigan niyang Gabby ang pangalan.
We knew a lot about mortal world dahil pinag-aaralan din namin 'yon. Isa pa, dito galing ang Tita Aerin at ang Tita Yesha kaya may mga nai-kwento din sila sa'min.
Kaso...
Hindi ko alam ang tungkol do'n sa tinatawag nilang Facebook. Mabuti na lang at isa sa mga abilities ko ang makakalap ng impormasyon kahit isang salita lang ang iisipin ko tulad kanina.
Muntik pa akong mapahiya kila Eli.
Actually, hindi ito ang unang beses na nakita ko siya. Una ko siyang nakita no'ng lumabas siya sa isang kainan at kanina naman no'ng nabangga niya ako.
Oo, ako ang nabangga niya.
---------------Flashback----------------------
Nakarating na ako sa isang sikat na paaralan pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. I'm confused kasi sarado ang gate at parang walang tao.
This place is like a closed area, tahimik pero isinisigaw nito ang pagkadisente ng paaralan, a prestigious school indeed.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa no'ng nakita ko ang isang pamilyar na babae. She's wearing a uniform at mukhang nagmamadali. I was about to approach her pero nagkabanggaan pa kami.
"Ano ba 'yan? Nakakainis naman, bakit mo ba ako binangga? Kitang nagmamadali 'yong tao eh" inis niyang sabi at agad na pinulot ang mga gamit niya.
Hindi agad ako naka-react at napatulala na lang. She's blaming me eh siya naman 'yong nakabangga sa'kin. Dahil do'n, napangiti na lang ako. Kakaiba siya, ang init ng ulo niya eh.
Hindi na ako nakahingi pa ng tawad dahil sa pagmamadali niya, ni hindi nga ako nilingon.
*chuckles*
"She's different"
Napansin kong kusang bumukas ang gate at do'n ko nakita na nasa loob pala ang guard. Whew, nice school. Pupunta na sana ako do'n no'ng napansin ko ang isang bagay.
"What's this?" taka kong tanong sa sarili at pinulot ito. Do'n ko napagtanto na wallet niya pala 'yon.
"Uh? 1 thousand peso bill lang ang laman nito pero ang dami namang cards"
May card siya ng Palawan Express, BDO, ATM at marami pang iba. Ba't ang dami niyang ganito? Para saan ba 'to?
Elizabeth Yvonne Andromeda pala ang full name niya. Ang ganda ng pangalan, bagay sa kanya.
Isasauli ko na lang mamaya. Sa ngayon, kailangan kong mag enroll.
-------------End of Flashback-------------
Nakakatuwa siya at ang cute niyang magalit HAHAHA may naalala ako sa kanya eh.
Sana maging kaibigan ko siya para mapadali ang misyon ko at para makauwi na ako sa mundo namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top