CHAPTER 28: Opened War
CHAPTER 28
•GALE's POV•
Kinakabahan ako.
The war is officially starting.
"I can't locate her," sambit ni Lance. Mas lalo kaming nag-alala dahil marami na ang mga taong naging masama.
"Siguro'y nadaanan na niya ang lugar na 'to. By the looks of these people, they're already possessed by a dark magic," sabi ni Era.
We all nodded at nagpatuloy sa paghahanap kay Zabby. Hinanap ko si Storm pero hindi ko siya makita. Nasaan na naman kaya nagpunta ang lalakeng 'yon? We need to keep an eye on him kasi baka pati siya ay gamitin ni Dark.
"S-sorry guys, kasalanan ko 'to. Kung hindi sana ako naging mahina, hindi sana makakapasok ang dark magic sa bahay nila," puno ng pagsisising sambit ni Aeria.
"Don't blame yourself. Wala ni isa sa'tin ang may alam na gano'n ang mangyayari."
Hindi kami agad nakapunta kanina sa kinaroroonan nila Zabby dahil sa isang pangyayari. Nagising na lang kasi kaming lahat dahil sa malakas na sigaw ni Aeria.
Namimilipit siya sa sakit at hindi namin alam kung paano siya tutulungan. Hindi naman kasi namin alam kung ano ang nangyayari sa kanya.
Tumagal ng ilang oras ang pagsigaw niya. May mga itim na likidong lumalabas sa katawan niya at lahat kami ay talagang naguguluhan. Tinawag pa namin si Ms. Hailey para gamutin siya dahil kahit si Era ay walang ideya sa nangyari.
Nag-explain naman si Ms. Hailey. Sinabi niyang sinubukan daw ni Dark na kontrahin ang kapangyarihan niyang bumabalot sa mommy ni Zabby. At dahil natalo siya, gano'n ang nangyari sa kanya. Mabuti na lang daw at naagapan pa siya.
Tumagal pa kami dahil bumawi pa ng lakas si Aeria. Do'n naman ibinalita ni Storm na may kumuha kay Zabby at sa mommy nito pero huli na nang dumating kami.
"I knew where she is!" Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang sigaw ni Storm. He's approaching us at sa tingin ko'y may nakalaban ng dark mages.
"She's over there," dagdag niya. Napatingin kaming lahat sa itinuro niya. Isang napakataas na tore iyon pero wala kaming nakitang kahit na sinong naroon.
"Saan?" kunot-noo kong tanong.
"There! She's looking at us."
Nagkatinginan kaming lahat at naguguluhang tiningnan ulit ang tore. We literally saw nothing! Wala kaming nakitang Zabby at isa lamang 'yong toreng walang laman.
"We saw nothing but here, I just made these right now. Suotin niyo 'to. She's invisible pero dahil dito, makikita natin siya," sabi ni Lance at isa-isa kaming binigyan ng eye glass.
Pagkasuot namin nito ay automatic na kumapit ito sa'min at naging mask. Sumakto naman ang kulay nito sa kanya-kanya naming suot na battle outfits.
"Owemji! She's really there. Ang bad na talaga niya."
Tama nga si Lance. We saw her standing at the top at nakangising nakatingin sa ibaba. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Kahit ang dark magic niya ay naka-invisible at ngayo'y palapit na sa mga taong nasa ibaba.
Sh*t!
"Kailangan nating maghiwalay. Zephyr, use the stones and put it on the right place! Dalfon, assist him. Kailangang pagtibayin niyo ang barrier. Don't let that dark magic touch those humans," sabi ko sa dalawa. Dalfon has the ability to make barriers too but unlike him, limited lang ang kay Aeria dahil supporting ability niya lang ito.
"Faerisha, you can ride the Phoenix para kunin ang atensyon ni Zabby. Lance, please help her." They just nodded and went off.
"Aeria, try to blow the wind upward habang hindi pa natatapos ni Zephyr at Dalfon ang task nila."
"Era, use your element to protect those people. Kung maaari ay gumawa ka ng earth ball at itago mo sila sa loob. Eroshi, you can help your sister," utos ko naman sa kanila.
"Storm! Where are you going?!" tanong ko sa kapatid ko nang akma siyang aalis.
"I need to help too. I'll go to her and try to stop her," aniya.
"NO! You can't stop her. Kapag lumapit ka sa kanya, mas lalo lang siyang lalakas. Have you forgotten? Nasa iyo ang kalahati ni Dark!" bulyaw ko sa kanya.
"So, what do you want me to do? Just sit here and watch? I can manage myself, trust me!"
"Ano ba, Ice?! Stop being so hardheaded. Kailangan nating magplano ng mabuti. We can't take the risk lalo na't nasa iyo ang kalahati niya. Makinig ka naman!"
Halos maiyak na ako sa katigasan ng ulo niya. Alam ko naman na gusto niyang tumulong. Ako rin naman 'e. Pero hindi kami mananalo kung magpadalos-dalos kami.
"I'm sor—"
Hindi na natapos pa ni Storm ang sasabihin niya nang biglang may nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong lugar na ikinapikit namin. Nang mawala na'y agad kaming nagmulat.
"Ina! Ama!" sabay naming sigaw.
Kumabog nang mabilis ang puso ko. Kitang-kita ko kung paanong nasira ang mga palasyo dahil sa tuloy-tuloy na pagsabog. Kitang-kita namin ang mundong kinalakhan namin.
Ang liwanag ang dahilan kung bakit nakikita namin sila. Parang magkaugnay ang mundo ng mga mortal sa mundo namin at ang liwanag ang siyang nag-uugnay nito.
Para siyang isang malaking screen kung saan napapanood ko silang lahat.
Chaos.
Bloods.
Dead luxiers.
Destroyed castles.
Lahat ng 'yan ang makikita sa mundo namin. Wtf! Pati pala sa Lux ay may mga dark mages na!
"Do you still want me to stay here and do nothing? Can't you see them? They're suffering because of me! That's why I need to help them!" untag sa akin ni Storm. Nilingon ko ulit ang mga magulang ko. Nakikipaglaban sila sa abot ng makakaya nila.
"J-just...do the right thing, mag-iingat ka. Just don't get too close to her. Alalahanin mong pwede kang maging kalaban kapag lumapit ka sa kanya," sambit ko. Niyakap ko siya at hinayaan na ring umalis.
Mabilis akong nagteleport palapit kay Aeria. Napansin ko kasing nahihirapan siya sa pinagawa ko sa kanya.
"Masyadong malakas ang pwersa ni Dark dahil tatlo na ang nasa itaas! Ang mga magulang ni Zabby ay naroon na," sabi niya.
Ikinumpas ko ang kamay at pinalakas pa ang hangin pataas. Nasulyapan ko nga ang dalawa pang kasama nito. Hindi na alam ni Zabby ang ginagawa niya ngayon at pwede siyang mawala kapag may papatay sa kanya.
Ang punyal.
Ang punyal na ibinigay ko sa kanya. Nasaan na kaya 'yon? Kailangan namin 'yon kung sakaling hindi gagana ang paraan na ginawa nila Lance.
"Bakit ba hindi ko pa nakikita ang barrier? May problema ba?" tanong ko sa kabila ng pagpigil ko sa pwersang itim.
"H-hindi ko alam."
'Zephyr! Anong nangyari?' tanong ko gamit ang isip ko.
'Wala sa akin ang dalawang bato! Wala na sa lalagyan kaya hindi pa nakukumpleto ang barrier. Hindi ko alam kung nasaan 'yon,' sagot niya.
'ANO?! Hanapin niyo. Kailangan natin 'yon.'
"Nasaan ba ang mga 'yon? Aeria, alam mo ba kung sino ang pumunta sa white room?" tanong ko sa kasama ko.
"Teka—ba't ka umiiyak? Aeria, this is not the time for you to be weak! May laban pa tayo!"
"G-Gale, hindi mo 'ko masisisi. Ikaw ba, kapag nakita mo ang mga magulang mo na nahihirapan, hindi ka ba iiyak? Hindi ka ba manghihina?"
Nilingon ko ulit ang visible naming mundo. Sirang-sira na ito. Nakapanghihina ang bawat makikita mo sa loob. Gustuhin ko man silang tulungan doon pero 'di ko magawa. Wala akong magagawa.
"Oo, naiiintindihan kita. Pero sa tingin mo ba hindi sila lalong mahihirapan kapag nakita nilang pinanghihinaan ka ng loob? Sa'yo sila kumukuha ng lakas kaya 'wag mo silang biguin. Tulungan mo 'ko," sagot ko.
Sabay naming pinalakas ang pwersa namin at bumwelta. Nagawa naming ibalik pansamantala sa itaas ang dark magic at agad na naglagay ng temporary barrier.
"Ako ng bahala rito, Gale. Kaya ko na sila," aniya saka hinarap ang bagong saltang dark mages. Lumulutang din sila tulad namin pero alam naming mortal sila na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Dark.
I nodded.
Pinuntahan ko rin agad sila Zephyr at Dalfon. Gulong-gulo silang dalawa at natataranta na sa pagkawala ng dalawang mahahalagang bato.
"Nakita niyo na ba?" salubong ko.
"Hindi pa. We don't have any idea kung sino ang kumuha," sagot ni Dalfon habang pilit na hinuhuli ang mga bad spirits na gumugulo sa'min.
"Aaaargh! Sino ba kasi ang pumasok sa white room? Wait—maybe I could ask Fairin to find it," sambit ko at tinawag ang fairy ko. I instructed her about the stones at umalis din naman siya agad.
I helped them create the second layer of the barrier but these are all temporaries. Kailangan pa rin namin ang mga bato to stabilize everything. Nang masulyapan ko sila Era ay nag-alala ako.
Sobrang dami ng mga tao! Natataranta ang iba sa mga nakikita nila ngayon. Others were already asleep dahil na rin sa ability ni Eroshi. Era added some sleeping medicine to the air that makes them lost their memories. Pero hindi nila kayang patulugin lahat dahil sa dami nila.
'Yong iba ay nasa kontrol na ni Dark kaya marami ring namamatay na mga tao. Chaos. One word is enough to describe everything.
"Wait for Fairin. When she comes, dalian niyo ang paglagay. Zephyr, ask help from Storm. We need to froze the barrier. I have something to do over there," sabi ko't bumaba sa lupa. Hinarap ko ang ibang mga dark mages. I made some poisonous plants to poison them but the reality hits me—hindi nga pala 'yon tatalab sa kanila dahil kahit malason ay nagagamit pa rin sila.
Hays!
Pinaulanan ko sila ng mga air spikes at ginamit ang beans for bombing. But again, bumabalik pa rin sila at hindi nawawala. Para silang zombie! They're not a real dark mages after all kaya hindi sila nawawala after getting hit by our magic.
Damn it!
"Gale, I think we just have to hide those people na hindi kabilang sa dark mages. Wala ring silbi kung lalabanan natin ang mga 'yan. Hangga't hindi namamatay si Dark, hindi rin sila mawawala," ika ni Era.
Tama siya. This is useless! Masasayang lang ang lakas namin kapag nilalabanan namin ang mga walangyang 'to.
We have our own shield—sa katawan namin. No'ng naabot namin ang pinakamataas na antas ng training, nakuha namin ito.
We made a strong earth ball. It was surrounded by some roots at may espasyo rin sa loob na maaaring pagtaguan ng mga tao. But of course, hindi lang isa ang ginawa namin. Mahirap na. Baka pasabugin bigla ni Dark ang ginawa namin, ubos silang lahat 'pag nagkataon.
Farisha knows how to make illusions kaya tinawag ko siya. Kung titingnan ngayon, ang mga earth balls ay naging malalaking bato na pinalibutan ng tubig. It was just an illusion made by her.
Tiningnan ko ulit ang mundo namin. Lahat sila lumalaban pero hindi tulad ng nakalaban namin, namamatay ang kalaban nila. That made me crease my forehead. Bakit gano'n?
Pinagmasdan ko kung paano nila natatalo at napapatay ang mga dark mages. Nakita ko pa kung paano sinunog ni ina ang mga kalaban niya. I smiled. She's really strong and powerful.
I'm so proud that she's my mother.
Ikinumpas ko ang kamay ko. Lumalakas ang hangin kasabay ng pagtangay ng ilang mga dark mages. Ilang sandali lang ay lumalaki nang lumalaki ang tornado na ginawa ko. Nang maramdaman ko ang bigat ay buong pwersa ko itong itinapon sa may liwanag na nag-uugnay sa dalawang mundo.
"Woaaaaaah!" manghang sambit ni Faerisha.
I smiled.
Parang may sariling buhay ang liwanag. Kinain nito ang lahat ng dark mages na natangay ng tornado ko. I called Aeria at pinakita sa kanya ang technique ko and she did the same way.
"HINDIIIIIIII!"
Napatakip kami ng tenga dahil sa lakas ng sigaw ni Zabby —or should I say, Dark. Alam kong galit na siya. Hindi niya inasahang may paraan kami para matalo ang mga galamay niya.
Later did we know, inaatake na niya kami. We don't have any choice but to fight kesa naman kami ang patayin niya. Lumipad kami paitaas para salubungin siya. Hindi siya pwedeng makababa lalo na't nandito ang mga tao.
Pagkarating sa itaas ay hinarap namin siya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa amin. Parang gusto na niya kaming durugin. I signaled Zephyr and Dalfon. I called Lance too! Nasa kanya ang instrumentong gagamitin laban kay Dark aside do'n sa punyal na siyang misyon ko.
"Do you really think you can kill me just by your stupid invention? HAHAHAHAHA," pagtawa niya.
"Let us try it, then," sagot ko. Hindi ko alam kung nasaan si Storm. Hindi ko siya nakita mula pa kanina.
"Go on," ngisi niyang sabi. Nakakainis ang itsura niya. Kahit mukha ni Zabby ang nakikita ko, hindi ko pa rin maiwasang mainis. Para bang hinahamon niya kami.
"Zephyr, are the stones already set?"
"Yes. Hawak pala iyon ng mga kaibigan ni Zabby. They're at the designated parts of this world," sagot niya. Napakunot ang noo ko. How come napunta iyon sa mga kaibigan ng babaeng ito?
"Sino ang nagbigay sa kanila ng bagay na 'yon?"
"I saw Storm, kinuha niya ang stones sa white room," sabat ni Faerisha.
"WHAT?! BA'T NGAYON MO LANG SINABI?" bulyaw ko sa kanya. She just pouted. Aaaargh! Bakit ba sila ganito?
"AAAAAAAAAAHHHHHH!"
"ERAAAAAA!"
Oh sh*t!
"WHAT THE—"
Nagulantang kaming lahat sa malakas na sigaw ni Era. She was swallowed by a black hole kaya gulat na gulat kami.
"WAAAAAAAAH!"
"FAERISHA!"
"ZEPHYYYYYYR!" malakas kong sigaw. Even him has been swallowed by that hole. Sh*t! What the hell is happening?
"YOU! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!" galit na galit kong sigaw pero tumawa lang siya nang tumawa.
"HAHAHAHA that's it. Magalit ka pa, mahal na prinsesa. Ang galit mo ang isa sa magpapalakas sa akin. Tingnan mo! Kawawa naman sila."
Napalingon ako sa mga luxiers na nagkahandusay sa lupa. Halos hindi pa rin nababawasan ang mga kalaban. Nasaan ka na ba Storm? Ano bang ginagawa mo?
"Lance, handa na ba?" tanong ko gamit ang isip. Sinagot niya ako ng 'Oo' at sa isang senyas ko lang ay mabilis niyang ipinupulupot iyon kay Zabby—aka Dark.
Napapasigaw siya sa sakit. Umiilaw ang gapos at kusa itong humihigpit. Sa bawat pagsigaw niya ay ang pagyanig ng lupa. Natatakot ako para sa mga tao at para sa mga kapwa ko luxiers pati na sa mga magulang namin.
"What did you do?"
Napalingon ako sa bagong dating na si Storm. Akmang sasagutin ko na siya nang makita ko ang hawak-hawak niya—ang punyal. Nasa kanya ang bagay na 'yon. P-paano napunta 'yan sa kanya?
"S-Storm."
"You gave this to her, right?"
"S-Storm..."
"Did you?!"
"Storm, kaila—."
"DID YOU?!"
"OO! OO, BINIGAY KO! Storm, dati ko pa binigay sa kanya 'yan bago pa madiskubre ang isa pang paraan. P-pero hindi na natin kailangan 'yan ngayon k-kasi ayan 'o, matatalo na natin siya," umiiyak kong sabi. Nabigla ako sa pagsigaw niya kaya napaiyak ako. Akala ko maging masaya siya dahil gumagana ang ginawa namin.
"Hindi ka pa rin nakuntento. You tried everything just to stop us but I never expected you—giving this to her! What do you want her to do? Kill me or herself? Huh?!" galit na galit niyang sabi.
"H-hindi, Storm. Ginawa ko lang 'yon to help you pero dati lang 'yon! You see? We can stop her now, we can stop Dark now."
Iyak lang ako nang iyak not until nakarinig kami ng malakas na pagsabog. Lahat kami napalingon sa pinagmulan no'n at agad akong napaluhod nang makita ko ang wasak na wasak naming mundo.
"Inaaaaa! Amaaaaa!" sigaw ko. Maging ang ibang royalties ay sumisigaw na rin habang umiiyak. Nakita ko pa ang magkayakap na mga magulang ni Faerisha at Era. Nang maalalang hinigop sila ng black hole ay tuluyan na akong bumigay.
"Look at them, Storm. Look at them! Tingnan mo ang mundo mo. Ayaw kitang sisihin pero tingnan mo ang nangyari dahil sa pagiging makasarili mo. How could you turn your back to the world that nurtures you? How?!" puno ng hinanakit kong sabi.
Ngunit pagkaharap ko sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko. Nakayakap na siya sa akin at hinahaplos ang buhok ko. Ramdam ko ang pagkirot ng tiyan ko kasabay ng pagtulo ng mainit na likido mula sa mga mata ko.
"S-Storm."
"Akin na ang katawan ng kapatid mo," rinig kong sambit ng isang boses.
Kasabay ng pagkawala niya at ni Zabby ay ang pagbagsak ko. Hawak-hawak ang tiyan ay bumabalik sa alaala ko ang mga araw kung saan masaya kaming magkasama. Parang bumalik ako sa panahong 'yon.
Napangiti ako.
Ang saya namin.
"Gale!"
"Gale!
"Azi!"
"AZI!"
"ANAK!"
Napahugot ako ng malalim na hininga nang marinig ko ang sigaw nilang lahat. Nangibabaw pa ang boses ni ina. Do'n ko pa naramdaman ang pagsakit ng sugat ko—sinaksak niya ako gamit ang punyal na ngayo'y nakatusok pa sa akin. Pero mas masakit ang puso ko—sobra.
Nasulyapan ko pa ang wasak kong mundo bago ako nilamon ang kadiliman.
'Storm, l-labanan mo ang kasamaan bago pa...mahuli ang lahat.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top