CHAPTER 27: Dark Possession
CHAPTER 27
•GABBY's POV•
"Hoy bruha, hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong ko sa bruhildang Liezannise. Pupuntahan pa kasi namin si Zabby sa kanila para personal na ibigay ang invitation para sa kasal namin.
I really never dreamt of being the groom pero sabi nga ni Kuya Kim, ang buhay ay weather-weather lang kaya pumayag na rin ako. Pwede pa rin naman akong maging bakla kahit may asawa akong babae na pwede kong maging karibal sa mga hombreng masusungkit hihi.
Tatanungin ko pa nga 'tong babaitang 'to kung papayag siyang ako na ang magsuot sa bridal gown niya at siya na lang sa tuxedo tutal siya naman itong deads na deads sa akin.
"Girl, ano? Baka lamunin ka na ng mga damit mo r'yan ha," tawag ko ulit. Nagbibihis pa siya dahil galing siyang book signing.
"Oo na, sandali lang. Excited ka bang makita ang kagandahan ko?" sigaw niya sa loob na ikinangiwi ko.
Ansabe ng bruha?
Hindi ko talaga inakala na babae ang nasa likod ng author na pinakahinangaan ko. Akala ko talaga lalake o 'di kaya baklush din, hindi pala. Ang bruhang Liezannise pala! 'Di man lang nagsabi para nakapag-autograph naman ako.
Mabuti na lang at fiancée ko siya ngayon, iinggitin ko sila bwahahahaha.
"O, mabuti naman at lumabas ka na. Akala ko nilamon ka na ng mga damit mo 'e," pagsusungit ko pagkalabas niya. Floral dress lang sinuot niya pero ang tagal.
Ngumuso lang siya at umangkla sa braso ko. Napairap naman ako dahil sa mukha niya. Kahit maganda siya, mukha pa rin siyang pato kapag ngumunguso.
Ano kayang facial wash nito? Makahingi nga minsan.
Wala na kaming sinayang na oras at agad na ring sumakay sa kotse ko. Dumaan pa kami sa isang bakeshop para bumili ng paboritong cake ni Zabby. Offering ko lang sa kanya kasi minsan na lang akong nakakapunta sa kanila dahil sa Liezannise na 'to.
Huling dalaw ko sa kanya no'ng binalita kong pumayag ako sa kasal. 'Yon din ang araw na may binigay siya sa akin. Dahil kasama ko si Liezannise no'n, sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa magic-magic chuchu.
Tinakot ko pa nga siya na kapag sasabihin niya sa iba ang tungkol do'n, mag-ra-run away bride ako—este groom pala.
Natakot naman ang bruhilda kaya tumahimik HAHAHA.
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa bahay ng prenny ko. Tahimik ang buong paligid dahil na rin sa nangyari sa mommy niya. Kami-kami lang ang nakakaalam na wala na ito.
Hays, kawawa talaga ang bff ko.
Pumasok na rin kami. Unang bumungad sa'min ang sala. May nakalagay pang snacks at sa tingin ko'y kagabi pa kinain.
"Zabby-girl?" tawag ko.
"Zabby!"
Nakailang tawag na ako pero wala pa ring sumasagot. Hindi ko naman siya matawagan kaya nga nagpunta kami rito 'e. Nasaan kaya siya? Baka tulog pa?
"Nasaan kaya siya? Baka nasa kwarto niya?" wika ng kasama ko.
Dumiretso kami sa itaas. Nadaanan pa namin ang kwarto ni titabells hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Zabby. Ilang beses ko 'yong kinatok pero walang nagbukas.
Seryoso?
Pero napaatras ako nang bigla itong nagbukas ng kusa. Spooky ang dating 'a. Anong trip ng babaitang 'yon?
"Waaaaaaaaaaah!" Napasigaw kaming dalawa ni Zanny dahil sa biglaang pagsulpot ng lalakeng nakaitim. By his looks, masasabi mo talagang hindi siya normal.
Takot na takot kaming magkahawak dahil baka kung ano pang gagawin ng lokong 'to sa'min. Napahawak ako sa pendant ng kwentas ko. Ang sabi ni Zabby ay proteksyon ko iyon para hindi ako magamit ni Dark.
Pero may pangamba sa puso ko. Si Liezannise —wala siyang ganito.
"Sumama kayo sa'kin," malamig na sambit ng lalake. Malalim ang boses niya at parang hinugot mula sa libingan.
"Hep! Hep! Hooraaaay! D'yan ka lang, 'wag kang lalapit. I have this 'o, 'di mo kami madadala," sabi ko habang pinapatago sa likuran ko si Zanny. Ipinapakita ko pa sa impaktong 'to ang batong nakasabit sa leeg ko.
"Tumahimik ka kung ayaw mong ipalunok ko sa'yo 'yan," aniya. Galit ka kuya? 'To naman, 'di mabiro 'e. Saka anong ipalunok? Darna ba ako?
"G-Gabby, sumama na tayo huhu natatakot ako," bulong sa'kin ni Zanny.
Natatakot ka pa sa lagay na 'yan ha? Sa sobrang takot, gusto mo ng sumama. Gano'n?
"Sasama kayo o papatayin ko kayo ngayon?" Nanlaki ang mga mata namin sa tinuran niya, "Sasama na nga 'e."
Hindi ko alam kung anong silbi ng batong 'to pero parang wala namang epekto. May dark magic ang lalakeng 'to dahil na rin sa black smoke na nanggaling sa kanya no'ng bigla siyang sumulpot sa harap namin kanina pero 'di man lang siya napano.
Gwaping sana si kuya kaso kampon naman siya ni Dark, sayang.
Gamit ang kapangyarihan niya, nakarating kami sa isang liblib na lugar pero may isang gusaling sa tingin ko'y abandonado na. Dinala niya kami ro'n at nagulantang sa isang napakalakas na putok ng baril.
Napakapit ng mahigpit sa'kin si Zanny kasabay ng paglunok ko. Natatakot na rin ako sa posibleng mangyari sa'min. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Nasaan si Zabby? Bakit may lalake sa bahay nila? At ubod pa ng kagwapuhan—este sama pala.
Sino kaya 'yong binaril? Baka ibon?
"Lakad kung ayaw niyong kaladkarin ko," sabi na naman ni kuyang kampon. Galit ba 'to sa mundo?
Dahan-dahan kaming naglakad papasok sa building. Madilim pero kere namang makita ang paligid. Amoy panis na paksiw pa ang hangin! Ang cheap naman ng lugar nila, eeeer.
Ilang beses pa niya kaming pinagalitan dahil ang bagal-bagal daw naming kumilos. Hello? 'Di naman niya sinabing nagmamadali pala siya saka kasalanan ba naming inilihi kami sa pagong? Sapakin ko 'to 'e, charot—may baril nga pala siya hihi.
Nakarating kami sa pinakamataas na palapag. Jusko! Hindi ata uso sa kanila ang elevator o 'di kaya escalator.
May napansin kaming mga pigura pero medyo malayo sa'min kaya 'di ko masyadong maaninag kung sino sila dahil na rin sa kadilimang bumabalot sa buong lugar.
"G-Gabby! K-kung mamamatay tayo ngayon, s-sana tuloy pa rin ang kasal natin ha?" Nagulat ako hindi dahil sa biglaang pagkublit sa akin ni Liezannise kundi dahil sa sinabi niyang makabasag-bungo.
Jusko dzai! Mamamatay na nga't lahat-lahat, kasal pa rin iniisip.
"Tumahimik ka nga, binibigyan mo sila ng suggestion 'e," tugon ko.
Paano kung hindi pala nila kami papatayin? Tapos biglang narinig nila ang sinabi ng babaitang 'to kaya magkaroon sila ng ideya na patayin kami. Nakuuu, sisisihin ko talaga 'to.
Iniwan pa kami ni kuyang kampon sa gilid pero may iba pang nagbantay sa'min. May hawak silang mga baril. Akala mo talaga mga pulis pero mga loko palang may galis, amp.
Nilapitan ni kuyang kampon iyong isa pang lalake sa malayo at parang may sinabi tapos napapatingin sa'min.
Abaaaa, chi-ni-chismis ata kami nito 'a.
"Gabby..."
"Gabby,"
"Gabby!"
"Ano ba? Ang ingay mo girl ha. Gusto mo bang ma-tsugi tayo rito?" bulong ko sa kanya.
"Hindi, m-may nakita kasi ako," aniya saka ipinakita ang isang bagay.
Nagulat ako. May kung anong kaba akong naramdaman nang makita ko ang kwentas na katulad ng sa akin. Kilalang-kilala ko kung kanino 'to.
"Z-Zabby?"
"Zabby!"
"ZABBYYYYYY!"
Sigaw ako nang sigaw. Hinahawakan na ako ng mga lalakeng nagbantay sa'min dahil nagwawala na talaga ako. Paano 'pag siya pala 'yong binaril? No, hindi pwede.
Nanginginig na rin ang mga kalamnan ko. Hindi ko kayang mawala ang prenny ko! Ever since, siya na 'yong nakakasama ko sa lahat.
"Aaaaaaaaaaah!"
Nagulantang ako sa lakas ng sigaw ni Liezannise. Hawak-hawak niya pa rin ang kwentas pero marahas siyang hinihila ng mga lalake.
Loko 'to 'a, ako lang dapat hahawak d'yan 'e. Baka fiancée ko 'yan.
"Bitawan niyo siya! May germs kayo kaya pwede ba? Let us go. Sino ba kayo? I-de-demanda ko talaga kayo, mga bruho!" sigaw ko.
Seryoso ako n'yan, hindi ako nagbibiro.
"Sila na ba ang mga kaibigan niya?" rinig kong tanong ni kuyang mastermind. Gurang na siya kaya nagmumukha na siyang Tito ko. Sa tanong niya pa lang, alam kong nandito ang kaibigan ko.
"Anong ginawa niyo sa kaibigan ko? Kapag 'yon nalagasan ng buhok, kakalbuhin ko talaga kayo isa-isa," pagbabanta ko.
Tinawanan lang niya ako at parang aliw na aliw na nakatingin sa akin. Hoy, 'di ko kailangan ng sugar daddy at baka magka-diabetes ako, amp.
"Sa sobrang ingay mo, baka bala na ang papasok sa bibig mo," ngisi niyang sabi na ikinaigting ng panga ko. Bakit kailangan pa ng baril kung may kapangyarihan na siya? Teka—meron nga ba?
"Gabby! Aaaaaaah tulooooong!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sigaw ni Liezannise. Hila-hila siya ng iba pang mga lalake kaya napasigaw na rin ako. Saan nila dadalhin ang bruha? Aaaargh! Patay ako kapag may nangyaring masama sa kanya!
"Ano ba? Ano bang kailangan niyo sa'min?!"
"Simple lang. Gusto kong makita niya kung paano ko kayo papatayin," aniya. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil do'n. P-papatayin nga talaga nila kami! Waaaaaaah.
Inilibot ko ang paningin para malaman kung sinong 'niya' ang tinutukoy niya and there, I saw Zabby. Kilala ko rin ang taong yakap-yakap niya. S-si Tito! Ang daddy niya. Kinakabahan ako. Na-i-kwento na niya sa akin ang minsang paggamit ni Dark sa kanya at natatakot akong maulit na naman 'yon lalo na't nasa kay Liezannise ang bato.
Nagpumiglas ako. "Dahil sa ginawa mong 'to, ginising mo lang ang demonyo. You, bastard!" sigaw ko pa. He gave me a solid punch. Nakakita pa ako ng limang stars at parang umikot bigla ang eyeballs ko.
Ang sakit no'n ah!
"Matagal na siyang gising! Hoy babae, ano? Hindi mo ba papanoorin ang mga kaibigan mo? Hindi mo ba sila i-we-welcome?" tawag-pansin niya sa bff ko pero hindi siya nito nilingon. Deadma ka lang sir, try harder next time.
Jusko. Mamamatay na nga ako, nagawa ko pang magbiro. Well, maganda nga 'yon para masaya naman ang ending ko, ayt.
Pero kapag namatay ako, paano na si Liezannise? Sure akong susunod sa akin 'yon sa kabilang buhay dahil sa kasal. Saan kaya siya dinala ng mga bastardong 'yon? Sana naman hindi nila papatayin ang lokang 'yon dahil for sure, mumultuhin ako no'n dahil pa rin sa kasal.
Mukha no'n, puro kasal 'e.
"Ugh! Ano ba?!" angal ko. Sinuntok na naman niya kasi ako pero ngayon sa tiyan na. 'Pag 'yong organs ko sa loob ay nasira, babasagin ko mukha nito 'e.
"Ano?! Magalit ka! Magmakaawa ka! Pinatay ko na ang daddy mo at ako rin ang bumangga sa mommy mo! HAHAHAHA."
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinambit niya. Nakita ko rin kung paano natigilan ang prenny ko. Kahit nakatalikod, alam kong galit na galit siya.
'Zabby, don't let your emotions rule over your whole being.'
Control yourself, please.
"Kung sinabi mo lang sana ng maaga, siguro buhay pa ang daddy ko." Goosebumps. Nanindig ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. P-parang nag-iba na siya. Is it Dark? Or someone else?
"So what? Papatayin ko pa rin naman siya," ngising sambit ni kuyang mastermind. Do'n na napaharap si Zabby at nanigas ako sa kinatatayuan dahil sa awra niya. Maging ang mga may hawak sa akin ay nanginginig at nabitawan na ako.
"Sa tingin mo, hahayaan ko? HAHAHAHAHA you just awakened me, moron. And now, your body and soul belongs to me."
"AAAAAAAAAAAAH!"
Laglag-panga akong nakatingin sa itim na usok na lumalamon kay kuyang mastermind. Inunti-unti siya at parang pinupunit ang katawan. Tawang-tawa naman si Zabby—siya pa rin ba 'yan?
Halakhak niya ang namayani sa buong lugar. Ilang sandali lang ay unti-unti ring gumagalaw sila Tita at Tito na animo'y zombie na napapanuod ko sa TV. I mean—basta! Nabuhay sila ulit p-pero itim na ang mga mata.
"AAAAAAAAAHHH!"
"TULOOOOONG!"
"TAKBO! AAAAAAH!"
Samu't-saring mga sigawan ang maririnig sa buong lugar. Ang kanina'y masasamang lalake ay takot na takot na nagsitakbuhan pero dahil sa dark magic ni Zabby, nahuhuli pa rin sila at ginagawang kaanib.
Napaupo ako sa semento at napapikit. Hindi ko kayang makitang naging ganito ang kaibigan ko. Ayokong maging katulad niya. Ayokong ma-kontrol ng iba. Ayoko.
Napapasama siya dahil sa emosyon niya. Galit at pagkamuhi ang nangingibabaw sa kanya kaya nagiging masama siya. The death of her parents triggered her—at si Harry.
Hindi ko nakita si Harry. Sigurado akong umaasa ang kaibigan ko na darating siya. Pero hindi siya sumipot. Kaya siguro nagawang itapon ni Zabby ang kwentas dahil do'n.
Nawala ang ingay.
Hindi ko alam kung paano pero wala na akong naririnig. Wala ng sigawan. Pero natatakot pa rin akong magmulat dahil baka nand'yan lang siya, nakatingin sa akin. Parang horror ang dating pero natatakot talaga ako.
Wala akong kapangyarihan. Wala akong laban. Wala akong magagawa para pigilan siya. Hindi ko siya mapapaamo. Wala akong kakayahan para gawin 'yon.
S-sana may makatulong sa kanya. Sana may magliligtas sa kanya. Sana may mag-aahon sa kanya mula sa kadilimang kinasasadlakan niya ngayon.
Si Harry. Hindi ko alam kung siya 'yong makakatulong gayong isa naman siya sa nagtulak sa kaibigan kong mapasama ng tuluyan.
Kailan kaya matatahimik at sasaya si Zabby? Alam kong 'yon ang pangarap niya.
Nagmulat na rin ako't inilibot ang paningin sa buong paligid saka tumayo. Mag-isa na lang akong nandito. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta.
Dali-dali akong bumaba. Hinanap ko sa kahit saang sulok si Liezannise. Tinatawag ko siya pero walang sumasagot. Naiiyak na rin ako sa kaba. Paano na lang kung may nangyaring masama sa kanya? Kasalanan ko pa kapag nagkataon.
"Liezannise? Nasaan ka?"
"Liezannise!"
"Lumabas ka na."
"Wala na sila!"
"Zanny?"
Halos malibot ko na ang buong building pero wala akong nakitang Liezannise sa paligid. Naramdaman kong uminit ang bandang dibdib ko. Pagtingin ko, ang kwentas pala. Umiilaw ito at medyo mainit.
Bakit kaya?
Nandito kaya si Liezannise?
"ZANNY?!"
"NASAAN KA?"
Sa kalagitnaan ng pagsigaw ko, may narinig akong umiiyak. Lumalakas ang bawat pagpintig ng puso ko. Bukod sa madilim ang paligid, tanging ang iyak lang ang naririnig ko. Naaalala ko na naman ang pinapanuod naming horror movie dati.
"Z-Zanny?"
"Liezannise!" sigaw ko nang sa wakas ay nakita ko siya. Umiiyak siya sa may gilid ng isang drum habang yakap-yakap ang tuhod niya. Kumirot ang puso ko. Naaawa ako sa kanya.
"Hush, tahan na Zanny. Wala na sila. Hindi ka na nila sasaktan. Wala ng mananakit sa'yo," pang-aalo ko sa kanya. Nabigla naman ako sa biglaang pagyakap niya. Ramdam ko pa ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Niyakap ko rin siya pabalik at inalo.
"GABBY!"
Napalingon ako sa kung sinumang tumawag sa'kin. Nang makita kong ang royalties 'yon ay tinapunan ko sila ng masamang tingin.
"Dumating pa kayo," sabi ko.
"S-sorry, are we late?" bakas ang pag-aalalang tanong ni Draco—Dalfon I mean.
"Ano sa tingin niyo? Ano Harry? Can you afford to see her kill those innocent people? Kayo ang nagtulak sa kanya para maging masama! Kung hindi kayo dumating sa mundo namin, 'e 'di sana tahimik ang buhay niya!" bulyaw ko sa kanya.
"Don't blame him. It's Dark and not my brother," sabat ni Gale. Magkapatid nga sila.
"Wala akong pakialam. Hinintay niya kayo pero hindi kayo dumating—lalo ka na," dagdag ko pa.
"Alam mo, Harry? Kapag tuluyang mawala ang kaibigan ko nang dahil sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad."
He looked at me and said, "I'll promise to bring her back."
"Promises are meant to be broken, Harry."
"Then give mine an exemption," aniya saka tinalikuran kami. Sinundan naman siya ng iba at tuluyan nang nawala sa paningin ko.
Sana lang matupad niya ang pangako niya dahil pinanghahawakan ko 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top