CHAPTER 25: The Other Way ft. The Mark
CHAPTER 25
•ZABBY's POV•
Simula no'ng aminan namin ni Harry, lagi na kaming magkasama pati na ang mga kaibigan niya. Sobrang sweet niya sa'kin na para bang sinusulit ang bawat pagkakataon.
Hindi niya ako hinahayaang mag-isa. Naipapakita na rin niya sa mga kaibigan niya ang iba niyang sides at masaya ako para sa kanya.
Nagising na rin si mom. Ilang oras pagkatapos naming magdrama ni Harry ay gumalaw siya't nagmulat. Sobrang saya ang nararamdaman ko no'n pero agad ding napawi ang mga ngiti sa labi nang bigla siyang nagalit sa akin.
Pero naiintindihan ko naman siya. Alam kong alam niyang wala na ang kumare niya. Masama pa siguro ang pakiramdam niya kaya siya nagalit no'n saka dahil na rin siguro sa pagtulog niya ng matagal.
Speaking of pagtulog...
Hindi ko na muling nakita ang mundong napuntahan ko no'ng panahong nananaginip ako. Hindi ko na muling nakaharap si Lei at si Dark.
Pero may kakaibang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung normal lang 'to pero iba 'e.
Sobrang pagod ang nararamdaman ko kapag gumigising ako. Kaya nga laging nakaantabay sa akin si Era para gamutin ako tulad ngayon.
Ginagamot niya ako. Pero hindi tulad dati, may pagkabahala sa mukha niya ngayon.
"B-bakit?" tanong ko. Nakahawak sa kamay ko si Harry habang nasa paligid lang ang iba pa.
"Hindi ko alam kung nakamit ko na ang pinakamataas na antas ng ability ko at siguro'y regalo rin ito sa akin," panimula ni Era.
May kung anong kaba akong naramdaman. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Harry. Ano kayang nangyayari?
"M-may nakikita ako,"
"Ano ba 'yong nakita mo?" tanong ni Draco. Napag-alaman kong Dalfon ang totoong pangalan niya.
"Marami kang napatay na mga inosente, Zabby. No'ng hinawakan kita para gamutin, nakita ko ang pagpunta mo sa mundo namin. Nakita ko lahat," dagdag niya.
Napayuko ako. Naaalala ko ang panaginip na 'yon pero ang mga sumunod na panaginip ay hindi na. Hindi ko na maalala.
"Pinuntahan mo si Dark sa gubat. Nakipagkita at nakipagkasundo ka sa kanya. Kaya pala,"
"Kaya pala ano?" tanong ni Gale. Nananatili lang akong tahimik. Ayokong depensahan ang sarili ko dahil totoo naman ang sinabi niya.
"Kaya pala pinaparusahan ngayon si Lei. Kontrolado na siya ni Dark kaya maraming napatay sa Lux. Mabuti na lang at nagawa ng paraan ni Tita Aqua ang nangyari,"
Napag-alaman kong may abilidad na gumawa ng matibay na shield o barrier ang Tita Aqua nila. Nilagyan niya ng gano'n si Lei para hindi na makapatay.
I felt bad for her. Kasalanan ko ang nangyari sa kanya.
"Sobra kang napagod kahit na natutulog ka lang naman. 'Yon ay dahil ginagamit ni Dark ang katawan mo para gawing masama ang mga tao dito kaya nga sobrang gulo na ng mundo niyo ngayon," dagdag ni Era na naging dahilan para manlumo ako.
Tama siya.
Sobrang gulo na ng mundo ngayon. Kumakalat na ang mga taong pumapatay ng kapwa. Sobrang dami na ng balitang ang laman ay puro patayan, nakawan, rape at kung ano-ano pa man.
Idagdag pa ang Covid19 na nangyari lang nitong mga nakaraan. Isa iyong virus na nakakamatay. Maraming namatay at meron din namang mga gumagaling.
"Ang virus ay ginawa ng taong nabahiran ng kasamaan ni Dark. Mabuti na lang at nagawa naming pagalingin ang ibang biktima pero ang iba'y namatay pa rin," sabi pa niya.
"Tama siya. May mga namatay pa rin at sila ang ginagamit ni Dark para maging bago niyang alagad katulad ng ina mo," sabat ni Gale na ikinagulat ko.
"Anong sabi mo?"
Napatayo ako at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Tama ba ang narinig ko? Binanggit niya ba ang mommy ko?
Wala akong nakuhang sagot. Tahimik lang silang lahat na nakatingin sa'kin. Parang pinagkaisahang 'wag sabihin sa akin ang alam nila.
Naguguluhan ako. Maging si Harry ay natahimik din. Anong meron?
"Ano bang sinasa-"
"Your mommy is patay na!" sambit ni Faerisha. Napasinghap ako at tinawanan siya.
Kalokohan.
"Ano bang patay ang sinasabi mo? Hindi siya namatay! Nagising siya at nakalabas na nga ng hospital. Nasa bahay na nga siya 'di ba? Tapos ngayon sasabihin niyong patay na siya? Sinong niloloko niyo?" pagtatalak ko.
"Eli, we're telling you the truth,"
"Pati ba naman ikaw, Draco? Ano? Pinagkakaisahan niyo na naman ba ako? Ganito niyo ba kagustong patayin ako?" tugon ko.
Akala ko ba, okay na kami? Bakit parang bumalik na naman sa dati? Pinigil ko na nga ang sarili ko. Itinigil ko na ang balak kong makipaglaro sa kanila dahil akala ko okay na kami.
"Yvonne, believe them," sabi ni Harry at hinawakan ako. Binawi ko ang kamay ko at mataman siyang tiningnan.
"So, pati ikaw? Akala ko ba magkakampi tayo? Akala ko ba mahal mo 'ko? Bakit mo sila hinahayaang ganituhin ako? Ha?" sunod-sunod kong tanong.
"Zabby, pakinggan mo na mu-,"
"Tumahimik ka!" pagpigil ko kay Zephyr.
Ayoko silang pakinggan. Pakiramdam ko puro kasinungalingan lang ang sasabihin nila. Gulong-gulo na ang utak ko. Ayoko na!
"Nakipagkasundo ka kay Dark kapalit ng muling paggising ng mommy mo. Tumutupad siya sa pangako niya dahil lumalakas siya dahil do'n pero hindi siya kampanteng gagawin mo ang gusto niya. Sa pamamagitan ng mommy mo, malaya niyang magamit ang katawan mo nang hindi mo nalalaman. That explains kung bakit sobrang pagod ang nararamdaman mo kapag gumigising ka at nakakalimutan mo ang mga panaginip mo," sabi ni Gale.
Kahit tinatakpan ko ang mga tenga ko, malinaw ko pa ring naririnig ang mga sinasabi niya.
"Naaalala mo ba 'yong nagalit siya sa'yo pagkagising niya? 'Yon ay dahil nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ni Dark. Patay na siya at ginamit lamang ni Dark," dagdag niya. Hindi ko kayang tanggapin ang mga sinabi niya. Napapaiyak na lang ako dahil sa sobrang gulo ng puso't isip ko.
"Totoo ang sinabi niya, Eli. Naramdaman namin ang awra niya na katulad ng sa'yo. Alam naming nasa kontrol ka rin ni Dark no'ng nakaraan kaya pasimple na kaming gumawa ng paraan,"
"Katulad ni Lei, nilagyan din ni Aeria ng barrier ang mommy mo kaya nanatili lamang siyang nasa bahay niyo ngayon,"
Napatingin ako kay Aeria pero tahimik lang din siya. Kaya pala bigla na lang naging tahimik si mommy at parang tulala palagi. P-pero-
"Imposibleng patay na siya," umiiyak kong bulong. Hindi ko lang talaga matanggap ang mga sinabi nila. Nakita ko siyang nagising-sinong mag-aakalang patay na siya?
"Napigilan mo ang sarili mong gawin ang ipinapagawa sa'yo ni Dark kaya nga siya na mismo ang gumawa gamit ang katawan mo. Nagigising ka dahil kay Gale, she helped you. Pero dahil kumakapit ka pa rin sa mommy mo, nagagamit ka pa rin ni Dark," dagdag ni Era.
Tinulungan nila ako?
"Zabby, alam mong mahilig akong magbiro at mangulit pero...bumitaw ka na. Bitawan mo na siya," sabat ni Zephyr at tinapik ang balikat ko pagkatapos ay umalis na.
"She's not your mom anymore. Just do the right thing," malamig na sambit ni Eroshi at umalis din na sinundan naman ni Faerisha.
"A-anong gusto niyong gawin ko? Mommy ko siya kaya mahirap sa aking tanggapin na patay na siya-na wala na siya. Pero kung totoo man ang sinabi niyo, hayaan niyo muna siyang manatili sa mundong 'to. G-gusto ko pa siyang makasama," sabi ko.
"Hindi pwede! Hindi pa ba malinaw sa'yo ang lahat, Zabby? Patay na siya! Wala na siya! Ang magagawa mo na lang para matahimik siya ay makipagtulungan sa'min na talunin ang Dark na 'yon!" bulyaw sa akin ni Aeria. Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya na parang galit. Pansin ko pa ang malalim na paghinga niya.
"Anong gagawin ko?! Papatayin ko ang sarili ko para matapos na ang lahat? 'Yon ba ang gusto niyo?" sigaw ko. Hinawakan ako ni Harry at pinapakalma. Sinabi niyang magiging okay lang daw ang lahat. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya.
"Hindi. Dati ginusto kong mawala ka-patayin ka. Pero ngayon, hindi na. Gumawa ang ama ni Lance ng isang kakaibang sandata para lamang kay Dark," sagot ni Gale at tiningnan ako.
M-may iba pang paraan?
"Nasa aming ina ang buong kapangyarihan ng iba pang mga gods and goddesses pati na ang huli nilang mga buhay na namana rin namin. Ibinigay ni ina ang kalahati ng kapangyarihan niya sa sandatang 'yon at ang kalahati pa'y mula sa aming dalawa ni Storm," dagdag niya.
Napatingin din ako kay Harry. Ngumiti lang siya at pinisil ang kamay kong hawak niya. K-kung gano'n, nakunan ng ilang bahagi ang kapangyarihan niya? Bakit nila ginawa 'yon?
"I don't wanna lose you," bulong niya sa'kin. Mabilis ang tibok ng puso ko. Para bang nagustuhan ang sinabi niya.
"Tama si Gale. May isa pang paraan ang naisip ng mga Hari't at Reyna na agad namang ginawa ni ama. Pero dahil hindi pa ito nasubukan, hindi kami sigurado kung gagana-pero sana nga ay magtagumpay tayo," sabat ni Lance na kanina pa tahimik.
"Paano kapag hindi?"
"Let's not think of that first. Hindi natin malalaman hangga't wala pa tayo sa panahong 'yon" sagot ni Harry sa tanong ko.
'Di nagtagal, kumalma na rin ako. Pumayag na rin sila na hayaan na muna si mom with the help of Aeria. I still can't accept the fact na patay na ang mommy ko. Siya ang kasama ko ever since kaya masakit sa akin ang nangyari.
Iniwan na rin niya ako.
"Are you okay?" untag sa akin ni Harry. Actually, nasa bahay nila ako ngayon-sa Veranda nila.
"Medyo,"
Iniisip ko pa rin 'yong napag-usapan namin kanina. Napagdesisyunan kong makipagtulungan sa kanila. Knowing na tinulungan nila akong maka-recover mula sa pagod at sa kay mommy, na-realise kong hindi naman sila masama.
They already accepted the fact na hindi na nila maiiwasan ang mangyayari in the future at sinabing wala naman akong kasalanan. Sa kanila nagmula si Dark at biktima lang daw ako.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Wala na rin ang galit sa puso ko. Pero nandito pa rin ang sakit at lungkot sa sinapit ni mom.
"I have something to give," aniya.
May inilabas siyang dalawang bato. Parang mga diyamante at kumikinang pa. 'Yan ba ang ibibigay niya sa akin? Para saan?
"Take this. This is not an ordinary stone. It's a stone barrier. Dark can't get in and use you if you have this. This will be your protection," aniya saka binigay ang isang bato.
Napangiti ako. Kahit hindi ko alam kung saan niya galing ang batong 'to, may saya pa rin sa puso ko. He really knows how to find ways.
"You can give this to your friend, too," dagdag niya at ibinigay ang isa pang bato. Naalala ko si Gabby. Malapit din siya sa akin. Ayoko ring mawala siya sa akin. Aside kay mom, siya lang din ang meron ako-siya na lang ang natira.
"Salamat," sabi ko.
He just smiled.
"Nakuha ko 'yan sa kahon ni Zephyr. The stones are his mission. That could help us in protecting the people. There are four of them that represents the East, West, North and South. Mortals should be protected or else, Dark might use them all,"
Napabuntong-hininga ako. There are some of them na tuluyan ng nakuha ni Dark.
"Pero binigay mo ang dalawa sa akin. 'E 'di kulang na 'yon?" tanong ko.
"Your friend knows our real identity. He can manage to protect the east part," he smiled at tiningnan ang green stone na para kay Gabby. The red one is mine.
Nagkwentuhan lang din kami ni Harry. So far, naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko. Nag-kwento siya tungkol sa family niya. Her mother was the 'Chosen Heiress', the first savior of their world. His father was an ice mage -no, he's a King. Gale is his twin sister pero pinutol daw nito ang ugnayan nila to help him sa panahon ng parating na digmaan. He understands Gale.
I understand his mother too. No'ng panahong nagkita kami sa CR kung saan na-realise ko ang maling bagay, naramdaman ko ang pagiging ina and at the same time, ang pagiging savior niya. She will do everything whatever it takes just to save her world-kahit na magmukha pa siyang masama sa paningin ko.
I wanna say sorry to her as well as to Lei. Dinamay ko siya sa gulong meron ako, hays.
"Hey! Stop sighing. We can do it, trust yourself -trust us-trust me," aniya saka inipit ang buhok ko sa tenga ko.
I smiled. He's too sweet. Nakakatakot na baka isang araw, bigla na lang mawala ang lahat. Ays! I'm being negative again.
Sa kalagitnaan ng moment namin ni Harry ay may narinig kaming nag-uusap. It's Gale and Lance na para bang ang seryoso nila pero may kunting awkwardness sa pagitan.
Malapit lang sila sa amin pero hindi nila kami napansin.
"Azi, why do you kept on rejecting me? I told you, even before we came here that I love you-I fell for you. Are my efforts not enough? Tell me kung anong gusto mong gawin ko just to prove that I really love you?" nagsusumamong pag-amin ni Lance.
"Lance, this is not the right time for you to confess. Nakikita mo naman siguro na may panganib tayong haharapin 'di ba?" sagot naman ni Gale.
Napatingin ako kay Harry. He just shrugged. Hinawakan niya ang kamay ko at pareho naming pinanuod ang dalawa na nagsasagutan.
"When is the right time then? I'm afraid I won't gonna make it. Kaya nga sinabi ko na sa'yo para kapag hindi man ako nakaligtas, hindi ako magsisisi,"
"Then, magsimula ka ng magsisi ngayon. I-I don't love you Lance, I'm sorry,"
Ouch!
Kahit hindi naman ako si Lance pero ramdam ko ang sakit dahil sa binitawang salita ni Gale. Sobrang straight forward kasi ng pagkasabi na para bang sure na sure na hindi niya talaga ito mahal.
"You were like that before when we were in the playground," bulong ni Harry. Naalala ko na naman ang katangahang ginawa ko no'n.
Napayuko ako.
Pinapaalala pa talaga, ays.
"May iba ba? You love someone else, do you?"
"Yes. I love someone else, Lance. Someone else,"
Ouch again.
"S-sino? Si Zephyr ba?" tanong niya sakto namang nakita ko si Zephyr na palapit. Sinalubong siya ni Gale at hinawakan sa braso, nagulat naman ito.
"Tama ka, siya nga,"
Naguguluhan namang napatingin si Zephyr sa kanilang dalawa at no'ng nakatunog ay sumimangot at tumalikod. Napabitaw naman si Gale at sumunod. Kawawang Lance.
The rejected man looks so sad. Parang nawalan ng lakas dahil agad siyang napaupo sa isang upuan malapit sa kinaroroonan. Ilang sandali lang ay dinaluhan siya ni Aeria na kanina pa pala nakatingin sa kaniya.
"May dalawang klase ng tao kapag umiibig o nagmamahal," rinig kong sabi ng katabi ko-mukhang malalim ang hugot.
"The first one has the courage to confess and got accepted or rejected. The other one remained silent for he or she is afraid of rejection," he added.
Napatango ako. Tama naman kasi siya. Sino bang hindi natatakot sa rejection? Hiya at sakit ang makukuha mo kaya nakakawala rin ng tiwala sa sarili ang gano'n.
"So, sino sa kanila ang first person?" tanong ko, referring to the people we're facing.
"First person was Lance. Aeria and Zephyr were the second," sagot niya na ikinagulat ko.
Napag-alaman kong matagal na ring may gusto si Aeria kay Lance pero si Gale ang gusto nito. Si Zephyr naman ay matagal ng may gusto kay Gale na siyang first kiss nito. Aksidente raw ang pangyayaring 'yon dahil sa pakikipagtulakan nila.
Napatawa pa ako ng mahina dahil sa naisip ko. Naisip ko kasi na may pagka-madaldal si Harry at pati love life ng iba ay nasabi niya sa akin.
Sinabi pa niyang first person daw siya at swerte dahil tinanggap ko siya. Medyo mahangin ang dating niya sa part na 'yon na ikinatawa namin pareho.
Nabigla naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko't hinalikan. Parang may kuryenteng naiwan sa kamay ko mula sa mga labi niya.
Pinagsalikop niya ang mga ito at tiningnan ako. Nakakalunod ang maladagat niyang mga mata at halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Mangha akong napatingin sa mga kamay namin especially sa nagliliwanag naming pala-pulsuhan. Hawak-hawak ang kamay niya, itinaas ko iyon at pinagmasdan.
Unti-unting gumuhit do'n ang isang hugis. Hindi siya masakit. Pagkatigil ng liwanag ay itinapat niya ang braso ko sa kanya at do'n ko nakita ang hugis puso. Nasa kanya ang kahati at sa akin naman ang isa pang kahati.
Parang broken heart sa'kin at kapag itinapat sa kanya ay mabubuo ito. Naluluha ko siyang tiningnan dahil sa saya.
"H-harry,"
"This mark is the symbol of our love. Without you, my life and my heart won't be complete. I love you, my other part," sambit niya't hinalikan ako sa labi pagkatapos ay sa noo ko.
"Thank you, Ha-,"
"Shhhhh, no need to thank me. I should be the one who'll say that. Thank you for existing," putol niya sa sasabihin ko. I just smiled and hugged him.
"If I'll be given a chance to be reborn, I want to be a mortal so that we can be together without being forbidden,"
And I think, his words together with this mark were already engraved in my heart...
Forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top