CHAPTER 23: The Dark Lady
CHAPTER 23
•AERIN's POV•
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Lagi kong naiisip ang mga anak ko. Kung ano na ang kalagayan nila at kung nagawa na ba nila ang kanilang mga misyon para makauwi na sila rito sa Lux.
Nitong mga nakaraang gabi, iba ang pakiramdam ko sa paligid. Para bang may kakaiba...'di ko matukoy kung ano.
Balisa ako no'ng biglang may yumakap sa akin—si Glaciero.
"You should sleep, wife. Pupunta tayo sa school bukas" aniya.
Sinagot ko siyang matutulog na ako at 'di naman siya umimik pa. Tama siya. Kailangan naming pumunta sa Academy bukas para makita kung nag-i-improve ba ang mga estudyante.
Kailangan na rin naming sabihin sa kanila ang totoo kahit na kinakabahan ako sa pwede nilang maging reaksyon. Kailangan nilang maghanda para sa paparating na digmaan. Hindi ko 'yon kakayanin kung wala ang tulong nila.
Sa kalagitnaan ng katahimikan, narinig kong nag-iingay si Eggy. Ilang gabi na rin siyang ganyan tuwing ganitong oras. Hindi ko alam kung anong problema niya.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama at pinuntahan ang kinaroroonan niya. Simula no'ng naging mag-asawa kami ni Glaciero, hindi na siya pumapasok sa katawan ko.
"Eggy? Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya. Malikot siya at parang 'di mapakali.
"Master! May masama po akong nararamdaman" nababahala niyang sagot. Hindi na siya tulad ng dati na dalawa lang ang ngipin, ngayo'y kumpleto na.
"Ano 'yon? May sakit ka ba?" tanong ko at agad ding napatigil no'ng naalala ko na hindi nga pala siya nagkakasakit.
"Master, hindi po lingid sa inyo na nagsimula na ang sinabi ng Urakulo. Naramdaman ko pong narito siya"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nanindig ang balahibo kasabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.
Anong sinasabi niya?
"Sino?"
"Hindi ko po alam kung sino pero ramdam kong malakas siya at hindi po siya isang Luxier" sagot niya. Napalunok ako. Ayokong isipin na tama ang hinala ko. Paano na lang kung may nakapasok na alagad ni Dark dito sa mundo namin?
Walang imposible sa kanya!
"Eggy, pwede mo ba akong samahan kung saan banda sa Lux mo naramdaman ang malakas na enerhiya?"
Tumango siya. Bago umalis ay gumawa ako ng sariling clone at pinatabi kay Glaciero. Naabot ko na ang pinakamataas na antas ng cloning kaya hindi na niya malalaman ang kaibahan ng totoong ako at sa peke.
Sumakay ako sa likod ni Eggy, agad naman siyang lumipad palabas ng palasyo. Naka-invisible kaming dalawa kaya hindi kami napapansin at nakikita ng mga kawal. Ayokong malaman nilang lumabas ako.
Tuloy lang ang paglipad ni Eggy at 'di nagtagal ay naramdaman ko na rin ang enerhiyang sinasabi niya.
Dark magic.
Tama nga ang hinala ko!
P-pero sino ang pangahas na pumasok sa mundong 'to? Wala pang nababanggit sa akin ang mga anak ko na may alagad na si Dark.
Palihim kaming bumaba. Pinalibutan ko ng kakaibang shield si Eggy at ang sarili ko para walang sinumang makakaramdam sa enerhiya namin.
Nasa isang gubat kami. Halos hindi na makikita ang buong paligid dahil sa makapal na 'fog' na narito. Nakiramdam ako sa paligid, may naririnig akong kaluskos dahil na rin sa malakas na hanging dumuduyan sa mga sanga ng puno.
"'Wag po! Pakawalan mo 'ko!"
Napalingon ako sa bandang kaliwa. Wala akong maaninag dahil sa 'fog' kaya ginamit ko ang air element para alisin 'yon. Do'n ko nakita ang isang nakatalikod na babae at ang isa pang nakaluhod sa harap niya.
"Pasensya ka na pero kailangan kong gawin 'to" sambit ng babae't walang-awang pinatay ang kaharap. Napamaang ako. Bakit niya pinatay ang babaeng 'yon?
Ang sama niya!
"Alam kong narito ka. Hindi kita kilala kaya kung gusto mong magpakilala, okay lang. Pero kung hindi, okay lang din"
Ginawa niyang abo ang babaeng pinatay niya pagkatapos ay humarap sa akin. Do'n ko nakita ang itsura niya. Maamo ang mukha niya pero iba ang kamandag ng kamay niya—she can kill without any emotion.
"You can see me?" gulat kong tanong nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin.
"I can"
I scoffed.
"Paano? I mean—"
"Hindi ko rin alam" putol niya sa sasabihin ko. Nakikita niya ako kahit naka-invisible pa!
"Sino ka? Ngayon lang kita nakita. Bakit ka narito? Bakit mo siya pinatay?" sunod-sunod kong tanong. Base sa suot ng babae kanina, estudyante siya ng Lux.
"Hindi ko rin alam kung bakit ako narito at mas lalong hindi ko alam kung bakit ko siya pinatay. Feeling ko, kailangan kong pumatay" sagot niya na ikinagulat ko. Anong ibig niyang sabihin?
"Ano?! Baliw ka ba?" galit kong sambit.
"Siguro. Narinig kong ito ang Lux, kaya naisip kong taga-rito ang mga prinsesa at prinsipeng nakilala ko"
Napakuyom ako. Kilala niya ang mga anak namin? Sino siya? Akong kaugnayan niya sa mga royalties? Siya ba ang babaeng iniibig ng anak ko?!
"Base sa suot mo, isa kang reyna. Ito lang ang masasabi ko, hindi ako taga-rito" sagot niya't agad na naglaho.
Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Hindi ako sigurado kung siya ang babae na naging dahilan ng lahat. Dark magic ang gamit niya! Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano siya nakapasok dito gayong matibay naman ang barrier na ginawa ni Aqua.
"Siguro'y nasa panaginip siya" sabi ni Caeli nang ikinwento ko sa kanya kinabukasan ang nangyari.
Nasa Academy na kami pero hindi pa nag-umpisa ang announcement dahil na rin sa pagkawala ng tatlong estudyante. Oo, tatlo na ang nawala at wala man lang silang ideya na patay na pala ang mga ito.
Alam kong ang babaeng 'yon pa rin ang pumatay sa dalawa pa tulad ng ginawa niyang pagpatay sa babae kagabi. Alam kong hindi niya ginusto 'yon—si Dark ang may kontrol sa kanya.
"'Yon din ang iniisip ko. Nababahala pa rin ako dahil kahit panaginip lang niya 'yon, totoong pangyayari naman 'yon sa'tin" sabi ko naman.
Maaaring maulit ang pangyayaring 'yon lalo na't iba ang may kontrol ng panaginip niya. Kailangang maipaalam na ito sa lahat para makapaghanda na rin.
"Good morning everyone! Today, our beloved Kings and Queens are here to announce something very important. May I call on Queen Aerin to please give us the announcement?" rinig kong sabi ng former HM namin. Tumayo ako't agad na nagpunta sa harap kung saan nakatayo ang microphone.
"Good morning once again, everyone. Meron akong mahalagang sasabihin sa inyo. Alam kong magugulat kayo pero sana'y maintindihan niyo kung bakit ngayon pa namin ito nasabi" panimula ko. Kinakabahan.
"Ang mundong ito ay hindi na ligtas pa"
Sari-saring reaksyon ang maririnig mula sa mga estudyante. Maging ang mga guro at training masters ay nagulat lalo na 'yong mga representative ng bawat baryo.
May ibang nagalit dahil sa late na anunsyo. Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang mga salitang binibitawan nila.
Hays.
"Pasensya na ngunit hindi na natin ito maiiwasan. Patuloy na isinasagawa ng mga royalties ang misyon na pwedeng makatulong sa parating na digmaan kaya sana'y gawin niyo rin ang parte niyo—you have to be ready" dagdag ko pa.
May nagtaas ng kamay at itinanong ang tungkol sa mga nawawalang estudyante. Sinabi ko sa kanila ang totoo na patay na ang mga ito. Tulad kanina, iba't-ibang reaksyon ang namayani sa buong Quadrangle.
Sinabi ko na rin sa kanila na isang mortal ang may gawa no'n na ginawang instrumento ni Dark para makapanghasik ng kasamaan sa mundo. Maraming haka-haka ang iba pero hindi ko na 'yon pinansin.
Pero...
May isa akong hindi sinabi sa kanila at 'yon ay ang paraan kung paano matatalo si Dark. Ayokong may magtangka sa buhay ng anak ko, hindi ko 'yon kakayanin.
Ginagawa ko lang ito hindi para makipagtulungan kay Dark kundi para maprotektahan ang anak ko.
Kahit sinong magulang, hindi gugustuhing ilagay ang anak sa kamay ng kapahamakan at kamatayan.
May isa pa akong paraan na naisip—ang babaeng mortal. Pwedeng siya ang isakripisyo para mailigtas ang lahat. Ang kailangan kong gawin ay kumbinsihin siyang gawin ang isang bagay na sa tingin ko'y mahirap niyang maisagawa.
Pero kailangan kong subukan. Kailangang may gawin ako. Kailangang matulak ko siya sa panahong kailangan niyang gawin ang gusto kong mangyari—nang wala siyang ibang choice kundi gawin 'yon.
And that will start today.
____________________________________
•ZABBY's POV•
"Padaan!"
Nagmamadali akong tumakbo papasok sa lugar na sinabi ni Gabby sa akin no'ng tumawag siya. Halos liparin ko na ang hagdanan para lang makarating ako agad sa kinaroroonan nila.
Wala na ring tigil ang pag-iyak ko. Lagi na lang talaga akong pinapaiyak ng mundo.
Tumawag si Gabby sa'kin ilang oras ang lumipas pagkatapos naming mag-usap ni Daddy. Na-aksidente raw ang mommy kaya halos mabaliw ako kakaisip kung okay lang ba siya o ano.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag malala ang natamo niya sa aksidenteng 'yon. Ayaw niya sana akong payagan na umalis pero nagpumilit ako. Kasalanan ko ang lahat.
Hindi nagtagal ay nakarating ako sa room 209, nasa labas si Gabby at may kinakausap sa cellphone. No'ng nakita niya ako ay agad niya rin namang ibinaba.
"Zabby-girl!"
"Gabby? Anong nangyari kay mommy? Asan siya?"
"Nasa loob pa siya at inaasikaso pa ng doctor. Maya-maya lang ay lalabas na rin 'yon" sagot niya. Napansin kong lumamlam ang mga mata niya na animo'y may hindi magandang ipahiwatig.
Nakakabingi ang tibok ng puso ko. Napaupo ako at sinapo ang mukha. Nanginginig ang tuhod ko, ayokong isipin na malala ang nangyari sa mommy.
"Gabby, n-nakita mo ba si mommy no'ng dinala siya dito?" tanong ko pa. Tumabi siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi e. Tinawagan lang din ako at ibinalitang dinala dito ang mommy mo, h-hindi ka daw kasi makontak no'n" sagot niya.
'Kasalanan ko 'to'
Hindi na lang sana ako umalis.
Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto. Lumabas mula ro'n ang isang hindi katangkarang lalake na nakasuot ng puti at sa tingin ko'y siya ang doctor ng mommy.
"Sinong pamilya ng pasyente?" tanong niya kaya sumagot ako. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin pero nilakasan ko ang loob ko.
"Ano pong lagay ng mommy ko?"
"Nagawa naming isalba ang mommy mo at nasa kanya na lang kung gigising ba siya o hindi. Malala ang pagkabagok ng ulo niya kaya nagdulot iyon ng pinsala sa kanyang utak. Mahina na ang katawan niya pero may chance pa namang magising siya kung kanyang gugustuhin. Sa ngayon ay hindi na muna ninyo pwedeng pasukin ang kwarto niya. Kailangan pa namin siyang obserbahan..."
Para akong nabingi sa sinabi ng doctor. Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi hanggang sa umalis na siya.
Napaupo ako at do'n umiyak nang umiyak. Hindi ko kayang mawala ang mommy ko sa'kin. Siya na lang ang meron ako at hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala siya.
Ayokong isipin na siya ang sinasabi ni Wenchie na mawawala sa'kin. Hindi ko 'yon matatanggap.
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko para parusahan ako ng ganito. Hindi ba ako pwedeng maging masaya?
"Zabby, m-may isa ka pang dapat malaman" rinig kong sambit ni Gabby sa kalagitnaan ng paghikbi ko. Pinahid ko ang mga luha ko't hinarap siya. Malungkot pa rin ang mga mata niya at may awa sa mga ito.
"Ano 'yon?"
"Ang kumare ng mommy mo'y patay na"
Nagulat ako sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ang dating kasa-kasama ni mommy kung saan siya pumupunta ay ngayo'y patay na. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa lahat ng nangyari.
"B-bakit? S-siya ba ang kasama ni mommy no'ng naaksidente siya?!" tanong ko. Tumango siya na ikinapikit ko. Malapit din sa'kin ang kumare niya kaya masakit din sa akin ang sinapit nito.
Bakit ang lupit ng mundo sa akin?
Lumipas ang ilang oras. Magang-maga na ang mga mata ko pero hindi ko pa nakikita si mommy. Ang sabi ng nurse ay aabisuhan lang nila ako kapag pwede na siyang dalawin at pasukin sa loob.
I really want to see her.
Nagpaalam na si Gabby sa'kin. May kailangan pa raw siyang asikasuhin at naghihintay na raw sa labas ng hospital si Liezannise. Hindi ko maiwasang matakot kapag may umaalis na malapit sa akin. Parang anytime ay kukunin na sila sa'kin.
Ilang sandali ay nakaramdam ako ng pagkaihi. Hinanap ko ang CR ng hospital at natagpuan ko rin naman agad 'yon sa tulong ng mga nurse na palakad-lakad sa buong lugar.
Pagkatapos kong umihi ay nagulat ako. Pagkalabas ko pa lang kasi ay muntik ko ng mabangga ang isang babae. Pamilyar siya sa'kin kahit na medyo may edad na siya.
Saan ko nga ba siya nakita?
"Excuse me, dadaan po ako" sabi ko. Tiningnan niya ako. Mata sa mata. Kinikilabutan ako sa pagtitig niya kaya payuko akong lumihis ng daan.
"May sasabihin ako sa'yo" sambit niya kaya napatigil ako. Sigurado akong ako ang kinakausap niya dahil kami lang naman ang nandito pero hindi ko siya nilingon. Nanatili lamang akong nakatayo habang nakatalikod sa kanya.
"Alam ko ang mga pinagdadaanan mo at may solusyon ako para ro'n. Isa lang ang dapat mong gawin...wakasan mo na ang sarili mong buhay" dagdag niya na ikinagulat ko.
"Baliw ka ba?!" baling ko sa kanya. Oo, matanda pa siya sa'kin pero hindi ko maiwasang maging rude sa kanya. Sino bang baliw ang magsasabi ng gano'n? Siya lang.
Imbis na pigilan niya ang kung sinuman na magpapakamatay, mas gusto niya pa tuloy na wakasan ko ang buhay ko. May galit ba 'to sa'kin?
"Sa pagkakaalam ko, ikaw ang mas baliw sa ating dalawa, Zabby" sagot niya. Wow, ako pa ang mas baliw ha saka paano niya nalaman ang pangalan ko?!
"Kilala mo 'ko?"
"Hindi na mahalaga 'yon. Zabby, ang lahat ng pagdadaanan ng mga mahal mo sa buhay ay kasalanan mo kaya sinasabi ko sa'yong wakasan mo ang sarili mong buhay para matigil na ang paghihirap nila"
Napamaang ako. Ano bang sinasabi niya? Ni hindi ko siya kilala tapos ganyan pa siya magsalita laban sa'kin?
"Baliw ka na talaga" sambit ko't iniwan siya.
Hindi dapat ako nakinig sa kanya. Walang kwenta rin naman ang pinagsasabi ng babaeng 'yon. Hindi siya dapat nandito, sa mental siya nararapat. Isa pa, hindi ko siya kilala.
Napailing na lang ako sa kabaliwan na narinig ko, tsk.
Pagkarating ko sa room ni mommy, naabutan ko si Gale na nakaupo sa labas. Bakit kaya siya nandito? Saka paano niya nalaman kung saang hospital kami naroon?
Napapikit ako. May kapangyarihan nga pala sila, hays.
"Anong ginagawa mo dito?" untag ko sa kanya.
Napatingin siya sa'kin. Pinasadahan niya ako ng tingin at pailing-iling na tumayo. Ano kayang sadya niya? Teka—'di ba may kapangyarihan sila? Kaya nila kayang pagalingin ang mommy ko?
"Sinabi ko na sa'yong layuan mo ang kapatid ko pero hindi ka nakinig. Kapag nagpatuloy ka, hindi lang 'yan ang mararanasan mo" seryoso niyang sinabi.
Muli na namang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"M-may kinalaman ka ba sa nangyari sa mommy ko?" tanong ko pero tinawanan niya lang ako.
"Zabby, wala akong kinalaman sa lahat pero ikaw, isang malaking OO. Kasalanan mo ang lahat ng 'yon kaya mag-isip kang mabuti. Ang punyal na ibinigay ko sa'yo, gamitin mo kung kinakailangan"
Agad akong natigilan. Bakit parang gustong-gusto nilang patayin ko ang sarili ko? Bakit ako ang sinisisi nila? Tama, kasalanan ko nga pala ang nangyari.
Kasalanan ko.
Pagkaalis ni Gale ay do'n ko pa naalala ang punyal na binigay niya. Nasa bahay 'yon at tinago ko pa. Nanginginig ang mga kamay ko at parang nawalan ng lakas.
K-kapag ba pinatay ko ang sarili ko, magigising si mommy? Kapag ba winasakan ko ang buhay ko, maililigtas ko pa kung sino 'yong mahalagang tao na mawawala sa'kin?
Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung kakayanin ko lalo na't alam kong magluluksa ng husto ang mommy ko kapag nalaman niyang winakasan ko ang buhay na ibinigay niya sa akin.
At...
Ayoko rin siyang iwan p-pero ayoko rin siyang pahirapan. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi nila na kapag wala na ako, magiging maayos na ang lahat.
Paano na lang kapag hindi?
Pero bakit ako?
Ang sabi ni Gale ay it's between me and Harry, ibig sabihin ay nasa aming dalawa ang dapat na mamatay. Pero bakit gusto nilang ako lang? Ako lang ba dapat ang patayin?
Naikuyom ko ang kamao ko. May kung ano akong naramdaman at hindi ko alam kung galit 'yon. They're being selfish. Makasarili sila. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Hindi totoong kapakanan ng mga mahal ko sa buhay ang iniisip nila.
Napatawa ako ng mahina. Ang galing nilang magpanggap! Ayaw nilang si Harry ang mamatay, gusto nilang ako 'yon kaya nila ako pilit na kinukumbinsi. Ayaw nilang masira ang mundo nila kaya gusto nilang patayin ko ang sarili ko!
I knew it.
Ang babaeng 'yon sa CR, siya 'yong babae sa panaginip ko kung saan may pinatay ako! Plano nila akong patayin gamit ang sarili kong mga kamay para hindi sila masisisi. Gagamitin lang nila ako para matalo ang kalaban nila.
Pwes, hindi ko sila hahayaang magtagumpay!
"Pinilit niyo akong gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi ko naisip na gawin" galit kong sambit kasabay ng paglabas ng isang itim na usok mula sa mga kamay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top