CHAPTER 20: Not Normal

CHAPTER 20

ZABBY's POV• 
 

Umagang kayganda pero kaypangit ng mukhang bungad ni Gabby. Hindi ko alam kung bakit nandito ang baklang 'to sa bahay ng ganito kaaga. Mukhang pinagsakluban ng lupa't impyerno sa sobrang pagkabusangot.

"Anyare sa mukha mo? Parang sinabugan ng dinamita sa sobrang sira eh" untag ko sa kanya. Tulala ang peg, parang binangungot ng limang gabi.
 
"Naka-arrange marriage ako" sambit niya.

Wow ano 'to? Pang-wattpad? 

"Oh? Tulog pa, panaginip lang 'yan" sabi ko na lang at nagpulbo. Tapos na akong maligo, kanina lang.
 
"Totoo ang sinasabi ko" seryoso niyang sabi, mukhang problemado.

"Oh tapos? Anong ginawa mo ro'n?" sakay ko sa trip niya. Naaadik na ata 'to kakapanuod ng telenovela.
 
"Z-zabby, I'm sorry"

Jusko. Ano bang nakain ng baklang 'to? Ang seryoso kasi saka parang binigyan ng sanlibong problema, haggard na haggard.

"Bakit? Ano bang kasalanan mo? Nagnakaw ka sa wallet ko?" joke ko pa pero seryoso pa rin siya. Hala, mukhang may tama nga ang loko.

"M-may sasabihin ako sa'yo" kinakabahan niyang sabi.

"Na ano? Na hindi ka bakla gano'n?" bwelta ko na ikinagulat niya. Don't tell me totoo dahil kung gano'n, sisipain ko talaga siya palabas ng bahay. Tae! Ang dami na niyang nakikita sa'kin.

"Hindi noh! Ano ka ba? Baliw ka talaga!" bulyaw niya. Ako pa talaga ang baliw ha.

"Eh ano? Na gusto mo 'ko?" pang-iinis ko. Umarte naman siyang parang nasusuka, sus ang arte.
 
"Yuck! Nakakadiri ka talagang babaita ka!" sigaw niya.

"EH BA'T KA NANINIGAW!?" sigaw ko ring tanong.

Anong akala niya? Siya lang marunong?

"EH NAKAKAINIS KA KASI! MAGSO-SORRY NA NGA 'YONG TAO EH!" 

"IKAW NA NGA MAGSO-SORRY, IKAW BA GALIT? SAKA TAO KA PALA?!"

"GAGA KA! HINDI NAMAN AKO GALIT!"

"EH BA'T KA SUMISIGAW?!"

"SUMISIGAW KA RIN NAMAN EH!"

"TUMAHIMIK NA KAYOOOOOO!"

"IKA--------Mom!"
 
Napatigil ako sa pagsigaw no'ng nakita ko si mommy na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Mukha na akong tarsier sa laki ng mata dahil sa gulat at gano'n din naman si Gabby pero mas malaki sa kanya hehehe.

"Ano bang nangyayari at nagsisigawan kayo riyan? Dinig na dinig sa kabilang baranggay ang mga boses ninyo" seryosong tanong niya.

"M-mom, sorry po pero wala naman po 'yon, nag-aasaran lang po kami hehe" paghingi ko ng tawad. 
 
"Elizabeth, baka kung saan hahantong ang asaran ha? Ayokong nag-aaway kayo"

"Opo mommy"

"May sasabihin ang kaibigan mo, pakinggan mo muna siya okay?"

"Yes mom"

After that, umalis na rin siya. Tiningnan ko si Gabby, bumalik na naman sa pagkabusangot ang itsura niya.
 
"Ano ba kasing nangyari, bakla?"

"Nagsinungaling ako sa'yo. Hindi talaga ako tanggap ng parents ko. Ayaw nilang tanggapin na bakla ang anak nila dahil only child nga ako"  sagot niya habang nakayuko.
 
As in? Kaya pala minsan ko lang siyang makita na katawagan ang parents niya. Grabe naman sila huhu.

"Oh? Anong problema ro'n? Ayaw nila no'n, may lalake na tapos babae pa silang anak. Oh ano? Bakit ka nga pala nila pinapunta ro'n?" tanong ko pa.

"Kinamusta lang ako ni Dad"

Eh?

Kinamusta lang? Required ba talagang pumunta ro'n kapag kinamusta? Sanaol.

"Kinausap niya rin ako. Zabby, nagdesisyon sila nang hindi man lang hiningi ang permiso ko!" bagsak-balikat niyang dagdag. Ngayon ko lang nakitang ganito si Gabby, parang miserable. 

"A-ano ba 'yon?"

"Since then, alam nilang iba ako. I thought tanggap nila ako pero nagawa nila akong ipagkasundo sa anak ng kaibigan nila huhuhu" umiiyak niyang sagot.

"ANO?!" gulat kong tanong.

"And you know what's worst? That Liezannise is my fiancée! Waaaaah huhu I kennaaaaat. I'm so hurt, this is so unbelievable. Ayoko ng mabuhay, bakit siya pa? Bakit hindi na lang si Dracula mahlabz? huhu"

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi naman siguro ako nabingi diba? D-did I just hear Liezannise's name? Si Liezannise ang fiancée niya?

Owemji!

Looks like destiny's really true!

"HAHAHAHAHAHAHAH" pagtawa ko na ikinatigil niya sa pagngawa. Sheeeeeet, nakakaloka HAHAHA karma na ba ito? Pffffft.
 
"Tinatawa-tawa mo r'yan bruha?" taka niyang tanong habang pinupusan 'yong uhog niya.

"Sabi sa'yo kayo ang itinadhana eh!" panunukso ko pa.

"Yuck!" parang masusuka niyang sambit.

"Gaga! Ang swerte mo kaya. Mabait si Liezannise saka maganda pa tapos matalino" dagdag ko na ikinangiwi niya.

Ang arte.
 
"Girl, sana inisip mo rin ang kalagayan ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga ka-rainbow ko? Uwaaaaaah" pagngawa niya ulit.

"Sus! 'Wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao dahil hindi sila ang nagpapakain sa'yo noh" sabi ko sa kanya.

Sa mga tsismosa r'yan, please lang. 'Wag niyo ng pakialaman ang buhay ng iba dahil may sarili naman kayong buhay na dapat niyong pagtuunan ng pansin.

You have your own life to be cared of kaya kami ng bahala sa'min, okay?!

"Pero..." 

"Anong pero?"

Mukhang may mamumuong love team sa barko koooo, sana hindi lulubog HAHAHA.

"May nalaman kasi si akez na ano..." pambibitin niya.

"Ano 'yon?" excited kong tanong.
 
"Hindi ba may naganap na book signing kahapon? Actually pumunta ako" nakanguso niyang dagdag.

Wow.

"Pakipot ka! May pasabi-sabi ka pang hindi ka pupunta tapos pumunta pa rin pala, naku ha"

Akala ko pa naman busy talaga siya, hmmmp.

"Eh kasi ang bruhang Liezannise ang nagsabi kaya sinabi ko 'yon. Knows mo naman na fan na fan ako ni @gaylicious kaya hindi ako pwedeng absent do'n" pagpapaliwanag niya na ikinatango ko.

"Oh? Anong nalaman mo? Ang taas-taas naman kasi ng intro mo eh" sabi ko...inirapan naman niya ako.

"Tse! Nalaman ko lang naman na si @gaylicious at ang bruhang Liezannise ay iisa! Waaaaah ang malas-malas talaga ng buhay ko huhu"

(0_0)

Huwaaaaaat?! 

Gulat na gulat akong nakatingin kay Gabby na ngayo'y parang batang iniwan ng ina dahil sa itsura.

Woah! All this time, si Liezannise pala ang favorite author niya. Kaya pala may pirma na ang librong binigay niya kasi nga siya 'yon. Eh di kilig na kilig ang bruhilda kapag nagkakandarapa itong si Gabby para makabili lang ng libro niya? HAHAHA.

"Wow naman bakla, super lucky mo kaya!"

"Anong lucky? Ang hate na hate kong bruha ay siya rin palang favorite kong author! Malamang tinawanan na ako ng babaitang 'yon huhu" 

"HAHAHAHAHA"

Tinawanan ko na rin siya kahit hindi naman ako bruha. Akalain mo 'yon? Iba talaga si tadhana maglaro, best player in the world.

Walang-tigil sa kakangawa ang bakla. Lagi siyang nagre-reklamo na kesyo bakit daw gano'n kalupit ang tadhana sa kanya at kung bakit sa lahat ng tao ay si Liezannise pa. 

Alam ko kung gaano kamahal ni Gabby ang parents niya kaya kahit labag sa loob niya ang gusto ng mga ito ay sinusunod niya pa rin.

Bago siya umuwi sa kanila'y sinabi pa niya sa'king handa na ang lahat pati na ang engagement nilang dalawa. Sinabi rin daw ng parents niya na mami-meet niya ang babae kapag pumunta siya ng SM para sa book signing event nito.

So, aside sa inimbita siya ni Liezannise ay 'yon din ang sabi ng parents niya sa kanya kaya siya pumunta ro'n at do'n nga niya nakilala ang tunay na katauhan sa likod ng paborito niyang manunulat. 

Haaaaay, ang ganda siguro ng love story na naisulat ni Liezannise tungkol sa kanilang dalawa. Kaya pala @gaylicious ang username niya dahil bakla ang taong mahal niya.

Mapapasanaol ka na lang talaga hihi.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok at dahil sa kadramahan ni Gabby, nakalimutan ko na tuloy ang nangyari kahapon sa pagitan namin ni Storm.
 
Ewan ko ba...ang saya-saya ko kahapon at hindi ko na maipaliwanag ang iba ko pang nararamdaman.

Bakit kaya gano'n si Harry? Ang dami niya kasing sides. Minsan seryoso at tahimik, minsan naman ay madaldal saka makulit, tapos may pagka-pilosopo rin.

Nasaan kaya ang mga magulang niya? Ni hindi ko nga alam kung saan siya nakatira—I mean, saan siya ngayon naglalagi kasi 'di ba galing siyang HongKong? Magkasama rin kaya sila ni Draco? Baka nga.

"Anak, kakain na!" sigaw ni mommy mula sa ibaba.

Pagkababa ko'y naabutan ko nga siyang naghahain. Tinulungan ko na rin siya at pagkatapos ay umupo na't kumain.

"Sino nga pala iyong naghatid sa'yo kagabi?" tanong ni mommy sa akin.

Nakita niya pala 'yon?

"Ah kaklase ko po" sagot ko.

"Bakit hindi mo pa siya pinapasok?"

"M-may gagawin pa raw po siya eh hehe"

"Gano'n ba? Mukhang mabait naman ang batang 'yon pero 'wag kang pakampante ha? Iba na ang panahon ngayon" aniya.

Ngumiti lang ako't nagpatuloy sa pagkain. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Laganap na sa mundo ang karahasan like sexual harassment kaya kahit kaibigan mo pa 'yan, mag-ingat ka pa rin.

Walang masama sa pag-iingat, mas masama iyong pilit mong itinatatak sa utak mo na wala sa'yo ang problema. Matuto rin tayong rumespeto sa sarili para respetuhin din tayo ng ibang tao.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko siyang iligpit ang pinagkainan namin. 'Di nagtagal ay nagpaalam siyang mamalengke lang. Sasama sana ako kaso tinanggihan niya ako, kasama naman daw niya ang kumare niya kaya wala na akong nagawa.

"Ingat po kayo, mom" paalala ko sa kanya.

"Oo, ikaw rin anak. Tawagan mo lang ako kung aalis ka ng bahay para matawagan ko ang pinsan mo" sagot niya.

"Opo"

Ang pinsan ko ang pinapabantay sa bahay kapag kami ni mommy ang wala. Maraming gamit si mommy na pwedeng manakaw kaya hindi pwedeng maiwanang walang tao.

Pagkaalis nila'y pumasok na rin ako. Dumiretso ako sa kwarto at tinawagan si Gabby—baka pwede siyang ayain na gumala.
 
"Zabby-girl!" bungad niya pagkasagot niya sa tawag.

"Gabby, ano? Gala tayo? Sabado naman eh..." aya ko.

"Ay naku girl, sorry ha? May pupuntahan pa kasi ako eh. Gusto akong ma-meet ng parents ni bruhang Liezannise kaya wala akong choice kundi sumipot" sagot niya at base sa imagination ko, nakabusangot na naman 'to.

"Ay gano'n ba? Sayang naman. Oh sige, regards na lang ako kay Liezannise ha? Best wishes bakla! HAHAHAHA" pagtawa ko't pinatayan siya ng tawag. For sure inis na inis na 'yon ngayon.

Napahiga na lang ako sa kama ko't nag-i-imagine ng kung ano-ano. Ano na bang gagawin ko? Ang pangit naman kung gagala ako sa mall nang mag-isa.

Hindi ko mai-enjoy 'yon!

~Cause I, I, I'm in the stars tonight,

So watch me bring the fire and set the night alight

Huh?

Sino naman kaya 'tong tumatawag? Unknown caller at hindi pamilyar sa'kin ang number niya.

Kinakabahan ako. Paano na lang kung katulad 'to sa mga napanood kong movies? Tatawag sa'yo ang unknown caller tapos sasabihin niyang nasa labas siya ng bahay mo, waaaaah!

B-baka serial killer 'to, owemji!

Hindi ko sinagot ang tawag. Mag-isa pa naman ako ngayon huhu.  Nakailang missed calls na siya pero hindi pa rin siya tumitigil. Teka—paano pala kung si Liezannise 'to? O 'di kaya ang pinsan ko? 

Paano 'pag naging paranoid lang ako? Hays.

"Hello?" pagsagot ko. 

"What took you so long?" tanong nito. Hindi ko siya mabosesan pero pamilyar ang boses niya.

"Sino 'to?"

"Your boyfriend"

(0_0)  

B-boyfriend?

'I'm her boyfriend and yes, we have a date but I'm not a bad guy hmmm?'

'Boyfriend. No deep meanings but if you want it to have one, why not?'

"HARRY?!" bulalas ko. 

Teka—hindi ko naman siya boyprend ah.
 
"You really treats me as your boyfriend huh...good" he then chuckled.

Watda?!

Inaasar niya ba ako?

"H-hindi ah"

I could feel my cheeks burning red. Huhu enebe! Pinag-ti-tripan yata ako nito eh.

"Saan mo pala nakuha ang number ko?" tanong ko.

Wala naman akong naalala na may binigay akong number sa kanya.

"I'm your boyfriend and I know how to find ways" sagot niya. 

"Tse! Tigil-tigilan mo nga ako sa boyfriend-boyfriend na 'yan" pagsusungit ko pa at parang tangang napakagat-labi.

Eeer.

"Okay okay, fine...let's date" natatawa niyang sagot.

"Ano?!"

Date raw.

"I mean—gala tayo" pagtama niya.

Date pa rin ba 'yong gala? Teka—papayag ba ako? Pag hindi, baka mamatay ako sa sobrang boring dito sa bahay.

"Sige, magbibihis lang ako" sabi ko.

"Hmmm okay...I'm here outside, gonna wait you here." Napatayo ako sa sinabi niya. Outside? As in sa labas ng bahay namin?

"Sa bahay namin?" pagklaro ko.

"Yeah"

Agad kong pinatay ang tawag at dali-daling nagbihis. Bakit siya nando'n agad sa labas? Excited lang? Grabe mag-aya ang mokong na 'yon ah, nasa labas agad.

Simpleng white T-shirt lang ang sinuot ko partnered with blue jeans at flat sandals. Pulbo at liptint lang sapat na at kunting pabango. It's better to be simple and the right person will appreciate you for being one.

Lumabas na rin ako habang dala-dala ang pouch ko pati na ang cellphone. Nag-text na rin ako kay mommy na aalis ako ng bahay.

"You looked good" puri ni Harry sa'kin. Sinabi ko bang right person kanina? Mukhang gano'n siya eh hihi.

"Thank you, ikaw rin"

Bus lang ang sinakyan namin. Ewan ko kung saan kami pupunta pero bahala na siya ro'n, may tiwala naman ako sa kanya.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa isang mall na madalas din naming puntahan ni Gabby. No'ng tiningnan ko si Storm ay napakamot siya ng ulo.

"I'm sorry if I brought you here...I've searched for a place where most of the wome-------"

"Ah no! It's okay, gusto ko rin naman dito eh hehe" pagputol ko sa sasabihin niya.

Knowing that he searched for a place na pwede naming puntahan, enough na 'yon para malaman kong gusto niya talagang gumala kasama ako.

Pumasok na rin kami sa mall at tamang pili lang ng mga pwedeng bilhin but since hindi ko naman napaghandaan 'to, wala akong masyadong nabili.
  
No'ng nakita ko ang isang shop na may mga panindang merch at iba't-ibang accessories na may kinalaman sa mga favorite mong mga artists or idols, agad ko siyang hinila papunta ro'n.

"You like it?" tanong niya habang nakatingin sa cute na cute na mga gamit. Tumango ako pagkatapos ay pumili na.

Nagha-hart na 'yong mga mata ko habang nakatingin sa mga stuff toys! May tinytan pa tapos BT21, mylaaaaaabs.

Kaso pagtingin ko sa mga presyo, nanlumo ako...

"Ay bakit ang lupit niyo sa'kin? Mamumulubi ako sa inyo eh" bulong ko habang nakahawak sa mga napili ko. 

'Yong tipong nasa kamay mo na pero wala kang ibang magawa kundi bitawan na lang kasi 'di mo afford.

Nag-iipon ako para sa isang ticket! Gustong-gusto ko ng makapunta ng concert eh, hays.

Sana lahat mayaman, charot.

"Take it all, I'll pay" biglang sambit ni Harry na ikinagulat ko.

"N-naku, hindi na. Tiningnan ko lang naman 'to pero sa susunod pa ako bibili" awkward kong sabi. Kahit gaano ko kagustong iuwi 'tong mga hawak ko, marunong naman akong mahiya.

Pero...hindi siya nakinig sa akin at talagang binili niya ang mga 'yon para sa'kin. Wala na akong nagawa kundi ang magparty-party sa loob ko, waaaah ang saya lang. Sanaol may taga-libre hihi. 
 
Lumabas ako sa shop nang may ngiti sa labi pero napatigil ako no'ng nakita ko si Draco at mukhang may hinahanap.

"Draco!" tawag ko at napalingon naman siya.

"Oh, you're here. Sinong kasama mo?" tanong niya habang papalapit pero no'ng nakita niya si Harry na palabas ng shop ay napatango siya.

"Why are you here?" tanong ni Harry sa kanya. Nilapitan naman niya ito at may ibinulong. Bakit kailangan pang ibulong? Hindi ko ba pwedeng malaman? Grabe naman.

"Got it. Take care of Yvonne, I'll be back" sambit nito't nagmadaling umalis, ni hindi nga ako nilingon.

"Anyare? Bakit siya umalis?" taka kong tanong kay Draco.

"May hiningi lang akong pabor. Halika na't ihahatid na kita sa inyo" sagot niya.

Seryoso? Uuwi na kami? Ang bilis naman.

"Pwede mamaya na? May—"

"Hindi pwede. Tara na, baka kung ano pang mangya—"

"Teka—bakit ka ba nagmamadali?"

"M-may gagawin pa kasi ako...Oo, tama—may gagawin pa ako" sabi niya.

"Eh 'di iwanan mo na la—"
 
"Oh sh*t!" pagmumura niya dahil sa gulat. Kahit ako'y gano'n din ang reaksyon no'ng nakita ko ang mga taong nagsitakbuhan at nagsisigawan.

"Teka—anong nangyari?!" kinakabahan kong tanong.

"Stop asking! Kailangan na nating makaalis dito" bulyaw niya. Kahit hindi ko siya maintindihan ay mabilis naman akong sumunod sa kanya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos madapa na ako dahil sa panginginig ng tuhod ko. Ang hirap makadaan lalo na't kung saan-saan tumatakbo ang mga tao sa loob nitong mall. 

"ARAY!" sigaw ko no'ng nabangga ako ng isang malaking tao. Tumilapon pa nga ang mga dala ko at napaupo sa semento. Nadadaganan na nila ako dahil sa pagkataranta na hindi ko alam ang dahilan.

Ano bang nangyayari?!

Puro sigawan ang maririnig sa buong lugar. Hindi ako makatayo dahil kapag sinusubukan ko'y matutumba lang ulit ako.

"Draco!" tawag ko sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin siya pero hindi ko siya mahagilap. Sobrang kinabahan ako at naluluha na dahil sa takot.

Hindi ko alam kung anong nangyayari hanggang sa nakarinig ako ng putukan kaya napasigaw ako.

"Aaaaaaah!"

Kahit nahihirapan, tumayo ako't tumakbo na rin pero mukhang mali ang tinakbuhan ko dahil nabangga ko ang isang taong may hawak na baril. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at halos 'di na makagalaw, takot na takot ako!

M-may dala siyang baril pati na ang mga kasama niyang papalapit na rin sa pwesto namin.

"Eli!" rinig kong sigaw ni Draco at do'n nakita ko siyang gulat na nakatingin sa akin. 

"Draco! T-tulungan mo 'ko!" sigaw ko rin at akmang tatakbo sa kanya no'ng hinigit ng lalake ang buhok ko.

"Aaaaaah! Bitiwan mo 'ko!" pagpupumiglas ko pero napatigil ako no'ng itinutok niya sa'kin ang baril niya. 

Tuluyan na akong napaiyak dahil sa kaba, parang 'di ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko.

"D-Draco" sambit ko. 

"Huwag kayong lalapit kung ayaw niyong madisgrasya ang babaeng 'to!" sigaw ng lalakeng demonyo.
 
"Let go of her!" galit na sigaw ni Draco at akmang lalapit. Naramdaman kong idiniin ng lalake ang baril sa tagiliran ko kaya umiling ako no'ng umiling para patigilin siya.

A-ayoko pang mamatay!

"Come on boy, lapit pa para makita mo ang hinahanap mo HAHAHAHA" pagtawa nito.

"Let go of her or else I will let you taste hell!"

"Boy, 'wag mo 'kong English-in saka 'wag mo 'kong matakot-takot dahil walang epek sa akin 'yan" sambit ng lalake at hinila ang buhok ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Parang matatanggal ang anit ko sa lakas ng paghila niya.

"Sh*t! Eli, I'll save you! Don't worry, you'll be okay" alala niyang sabi sa'kin.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot. Naiisip ko na baka biglang kalabitin ng lalakeng 'to ang gatilyo ng baril na maaaring ikamatay ko.

Napansin kong may kung anong sinasambit si Draco dahil na rin sa galaw ng bibig niya. 'Di nagtagal ay parang natataranta na rin ang may hawak sa'kin.

"Anong nangyari? Bakit kusang gumagalaw ang kamay ko!" bulalas niya na ikinagulat ko. Anong nangyari?

Nakita kong unti-unti niyang itinaas ang kamay niyang may hawak sa baril at itinutok sa ulo niya. Unti-unti ring lumuwag ang kapit niya sa'kin kaya nakawala ako.

"'Wag niyo siya hayaang makawala!" sigaw niya at pilit na pinipigilan ang kamay niya. Tatakbo na sana ako no'ng nahuli ako ng kasamahan niya, aaaaah!

"Let go of her! Gusto mo bang mamatay sa sarili mong mga kamay ha?!" galit na turan ni Draco at itinaas ang kamay. Nagulat ako sa nasaksihan. May kung anong liwanag ang lumabas sa kamay niya at parang kinokontrol ang lalake kanina.

Watda!?

S-siya ang may gawa no'n?!

Dahil sa takot ng iba pang mga lalake ay dali-dali nilang ibinaba ang baril at itinaas kamay bilang pagsuko. Wala ng nakahawak sa'kin pero 'di ko magawang humakbang.

Hindi ko alam kung panaginip 'to pero isa lang ang alam ko, h-hindi normal na tao si Draco! 

At sa 'di kalayuan ay nasulyapan ko pa ang biglang pagsulpot ng mga kaibigan niya pati na si...

"HARRY?!"

Before I could take a step, everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top