CHAPTER 2: Young, Dumb and Broke

CHAPTER 2


ZABBY's POV

Mabilis kong hinatak si Gabby paupo sa pwestong malapit sa'min. Takang-taka naman siyang napatingin sa'kin pero di ko siya pinansin.

Napatitig na lang ako sa taong nakita ko, a-ang daddy ko. Oo, ang daddy ko na may iba ng pamilya. Iniwan niya kami ni mommy no'ng 2 years old pa lang ako at do'n niya ginawa ang mga responsibilidad niya sa bago niyang pamilya.

Masakit 'yon para sa'kin. How could he left us for the other woman? Hindi niya ba kami mahal? I couldn't ask my mom kasi masasaktan at iiyak lang siya pag ginawa ko 'yon.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni daddy para iwanan kami at hindi ko alam kung bakit hindi siya pinigilan ni mommy.

Nangungulila rin ako sa pagmamahal ng isang ama kaya siguro takot akong isipin na iiwanan ako ni Lloyd.

T-tuwing family day sa school namin, hindi ako masaya dahil hindi kami kumpleto. Kapag nakikita ko ang mga kaklase kong kumpleto at masaya, naiinggit ako. Oo, masama ang mainggit pero di ko maiwasang maramdaman 'yon.

Naiisip ko na ang malas ko pero pilit kong iwinawala sa isip ko 'yon. Tinuturuan ako ni mommy na maging masaya sa kung anong meron ako.

Ngayon, nakita ko na naman siya. He looks fine, parang masayang-masaya siya sa buhay niya ngayon. Hindi man lang niya naisip na may iniwan siya at kami 'yon.

The first man I love the most hurts me so bad. He broke my heart pero kahit gano'n ay di nag-iba ang tingin ko sa mga lalake. Hindi ako 'yong tipong idadamay ang iba dahil lang sa iniwan ako and that's the reason why I let Adrian Lloyd to enter in my life.

He's my boyfriend and I called him by his second name. He made me feel those feelings of being cared and being loved na hindi ko naramdaman sa daddy ko.

Nakita kong may inabot na pera ang dad ko kay Mang Teddy. Siguro'y pinick-up niya lang 'yong in-order niyang pagkain. How I wish na para sa'min 'yon pero that would be so impossible.

*sighed*

"Uy Zabby, okay ka lang ba?" tanong ni Gab.

"A-ah, Oo naman" sagot ko at pilit na ngumiti.

Di na rin siya umimik at nag cellphone na lang. Ibinalik ko ang tingin sa pwesto nila Mang Teddy, nakita kong paalis na ang daddy ko. Ni minsan ay hindi man lang niya kami kinamusta o kahit ako man lang, hays.

May luhang namuo sa mga mata ko kaya agad akong tumingala para pigilan ito. Ayokong magtaka si Gabby, paniguradong kukulitin niya lang akong sabihin sa kanya ang dahilan no'n.

"A-aray" rinig kong reklamo ni Gab kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh? Problema mo?" casual kong tanong sa kanya.

"Tinatanong mo pa talaga. Kasalanan mo 'to eh, sumakit ang tiyan ko dahil do'n sa pinakain mo sa'kin!"

"Uy, grabe ka naman. Ba't ka nagagalit d'yan eh nilibre naman kita kanina" sagot ko pa.

"Tse! Ikaw na muna ang maghintay sa pagkain natin at magbabanyo lang ako, kaloka ka" sabi niya't kumaripas papuntang banyo.

Napatawa na lang ako ng mahina sa inasta niya. Tumitingin-tingin na lang ako sa paligid habang hinihintay ang pagkain namin.

Medyo marami ang customers ngayon kaya alam kong matatagalan pa sila sa pag serve. Kinuha ko na lang 'yong ballpen at kapirasong papel sa gilid at nagsulat.

What makes this place special is 'yong mga sulat na idinidikit sa dingding nitong restaurant. Mga sulat 'yon ng mga customers, mga memories na pwedeng-pwede mong balikan.

Ang cool diba?

Pagkatapos kong magsulat ay agad ko naman itong pinadikit sa may dingding at pinicturan pagkatapos ay nag selfie na rin.

Nakailang shots pa ako at agad din naman itong tiningnan pero sa di inaasahan ay may nakita akong pamilyar na pigura na nakuhanan ng camera ko.

Zinoom ko pa at siniguradong tama ang nakita ko at di nga ako nagkakamali. Pasimple akong tumingin sa likuran ko at nagulat pa ako no'ng nakitang nandito nga si Lloyd, a-ang boyfriend ko.

(0_0)

N-nandito nga siya!

Kung gano'n, totoo ang lahat ng sinabi ni Mang Teddy. P-pero ang sabi niya sa'kin ay nakarating na sila ro'n sa Cebu tapos ngayon ay nandito siya?

K-kung gano'n, n-nagsinungaling siya sa'kin? P-pero bakit? Hindi naman ako magagalit kung sinabi niya lang sa'kin, diba? Pero pinili niyang magsinungaling.

S-sino naman kaya ang hinihintay niya? Niloloko niya ba ako? M-may iba na ba siya? P-pinagpalit na kaya niya ako?

Agad na kumirot ang puso ko sa mga naiisip ko. P-parang di ko kakayanin kung sakaling magkatotoo ang mga 'yon.

Naiwan na ako dati at ayokong maiwan na naman ako ulit.

"B-bakit nagawa mong magsinungaling sa'kin?" bulong ko.

Gusto ko siyang lapitan at komprontahin kaso natatakot ako. K-kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

Lumipas ang ilang sandali, bigla na lamang siyang tumayo kaya agad akong lumingon sa ibang direksyon at kunwari ay binabasa ang menu.

Sheeeeet! Ganito pala ang feeling kapag nagiging spy ka. Nakakakaba, p-parang lalabas ang puso ko.

Muli kong sinulyapan ang pwesto niya at nanlaki talaga ang mga mata ko sa nakita.

W-watdahek?!

(0_0)

A-ang boyfriend ko, m-may kahalikang ibang babae!

Tama ba 'tong nakikita ko?!

Gulat na gulat pa rin ako, parang di nag sink-in sa utak ko ang lahat. Nakatalikod ang babae sa pwesto ko pero kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan niya and for sure, m-maganda siya.

Talong-talo ako.

How could he do this to me? W-wala naman kaming naging problema ah. Is this a sign na iiwan na niya ako? No, hindi pwede.

Kinuha ko agad ang bag ko at inilagay ang cellphone ko sa loob pagkatapos ay mabilis na nagpunta sa kinaroroonan nila.

Ang kapal nila!

"Hi, can I join?"

"E-eya?" gulat na gulat na tanong ng boyfriend ko.

"Yes, ba't parang gulat na gulat ka? Hindi naman ako multo at mas lalong hindi ako nangangain ng taong mukhang hindi naman tao" ngiting-ngiti kong sagot at pinasadahan ng tingin silang dalawa.

"A-ah no! I wasn't expecting you to be here. Uh, a-anong ginagawa mo dito?"

Tsk, kinakabahan ba siya? Manloloko nga naman, kinakabahan kapag nabubuking.

"Yeah right. I'm not expecting you to be here too, malapit lang pala ang Cebu rito noh?" sagot ko pa, nakangiti pa rin pero deep inside ay naggagalaiti na ako.

"Lloyd? Who is she?"

(0_0)

D-did she just call him Lloyd? Akala ko ba ako lang ang tumatawag no'n sa kanya? Mga walangya talaga!

"I'm Elizabeth, his 'ex-girlfriend'. Nice to meet you, you looked so beautiful and sexy" sagot ko na lang, wala atang balak sagutin ng mokong na 'to eh.

"Thanks, you too"

Tsk, ahas ka! Ahas.

"You're welcome. Anyway, I have to go. Dadalawin ko pa kasi 'yong maganda at sexy na kaibigan ko ro'n sa zoo, isa kasi siyang AHAS" sarcastic kong sabi. Napakunot naman ng noo si girl, feels like naiisip niyang siya ang tinutukoy ko, b*tch.

"E-eya---------------"

"Ow by the way, you're now my ex-boyfriend so don't bother to talk to me again, ciao"

Alam kong nage-gets na niyang nakipaghiwalay na ako sa kanya. Umalis na rin ako sa lugar na 'yon at di na lumingon pa. Kapag nagtagal ako, b-baka maiyak lang ako.

A-ang sakit pala.

Ang sakit pa rin pala.

H-hindi ko lubos maisip na magagawa niya akong lokohin ng ganito. Sana sinabi na lang niyang ayaw na niya sa'kin kesa pabigla-bigla ko siyang nakikitang may kaharutang iba.

Nangako siya sa'king hindi niya ako lolokohin pero di niya 'yon tinupad. Ha, promises are really meant to broken. Bakit ba masyado akong nagtitiwala? Kasi akala ko, hindi niya 'yon sisirain.

Nagkamali ako.

Nagkamali ako sa pagkilala sa kanya. For me, he's almost perfect, an ideal man p-pero nadismaya ako. Siya na sana eh, siya na sana 'yong nai-imagine kong makakasama ko habang-buhay pero hanggang imagination na lang pala 'yon.

Lahat ng pangarap kong kasama siya ay napaka-impossibleng matupad pa. Naglaho ang lahat ng parang bula...biglaan, h-hindi ko 'yon napaghandaan.

Ni minsan, hindi pumasok sa isip ko na magagawa niya akong lokohin. Masyadong mataas ang tingin ko sa kanya kaya nakakapanghinayang lang.

Hanggang 'bakit' na lang ako dahil hindi ko rin naman malalaman ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Masakit, sobra. Parang pinipiga ang puso ko lalo na kapag naaalala ko ang mga masasaya naming alaala.

Sayang...sinayang niya ang lahat. Sinayang niya ang tiwalang binigay ko pati na ang pagmamahal ko sa kanya.

Akala ko pa naman, iba siya pero nagbabalat-kayo lang din pala ang damuhong 'yon. Nakakainis siya! Di porke't maganda at sexy ang ahas na 'yon ay ipagpapalit na niya ako huhu.

Tadhana ko na yata ang maiwan ng mga lalakeng minamahal ko. Kaya pala si Gabby na lang ang nagtyaga sa'kin dahil di naman siya tunay na lalake.

Sana naging bakla na lang din ang walangyang Lloyd na 'yon, baka mag-stay pa siya sa'kin.

Saan na ako pupunta ngayon? Naiwan ko pa tuloy si Gabby ro'n sa resto tapos di ko pa nakain 'yong inorder namin, tsk.

Gutom pa naman ako kasi di ako nakakain ng almusal. Napakamalas talaga ng araw na 'to, di ko alam kung sinong sisisihin ko, ays!

P-pero kasalanan ko rin ata ang lahat. Kung di ako nag-aya na kumain kami, baka di ko pa makita si daddy at di ko pa makita ang kaharutang ginagawa ng boyfrie------ex-boyfriend ko, ays.

Malas talaga ako kahit kailan, wala naman akong balat sa pwet pero grabe talaga 'yong nangyayari sa'kin, nakakainis!

"Hoy miss, tumabi ka nga!"

Agad akong napatabi dahil sa lalakeng pawisan, mukhang nagjo-jogging ata. Grabe naman siya, kitang heartbroken 'yong tao eh.

*sighed*

Ayoko pang umuwi ng bahay dahil baka mag-alala lang si mommy pag nakita niya akong ganito katamlay. Ewan ko ba, ayaw namang tumulo ang mga luha ko kahit na sobrang sakit no'ng nasaksihan ko.

Ganito talaga ako.

Kapag nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan ni Lloyd, hindi ako umiiyak pero kapag tungkol kay daddy ang usapan, do'n pa lalabas ang mga luha ko.

Hindi ko nga alam kung bakit gano'n eh. Ang sabi pa nga ng iba, siguro'y di daw talaga ako in love kay Lloyd. Impossible naman 'yon, napapasaya pa nga niya ako saka lagi ko siyang naiisip.

Siya ang unang naging boyfriend ko at ramdam kong mahal ko siya saka nasasaktan din naman ako kapag nag-aaway kami pero di ako naiiyak.

"G-gusto kong umiyak" wala sa sarili kong bulong.

Naramdaman kong bahagyang lumakas ang hangin at ilang sandali lang ay nagsipatakan ang mga butil ng ulan.

Umuulan ngayon, sumasabay sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. Imbis na sumilong ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad, perfect timing 'to para mag drama.

Inisip ko lahat ng hirap at sakit na dinanas sa buong buhay ko. Simula no'ng nasaksihan ko ang pag-aaway nina mommy at daddy hanggang sa naganap na hiwalayan.

Dahil sa naisip, agad kong naramdaman ang mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko. Parang katulad lang din kay mommy ang naranasan ko, p-pareho kaming ipinagpalit.

Pareho naming hindi alam kung saan kami nagkulang, k-kung anong nagawa naming mali para saktan kami ng mga taong mahal namin.

Naaawa ako sa mommy ko at naaawa rin ako sa sarili ko. Do we deserve this kind of pain? L-lahat ba talaga ng kasiyahan, kapalit ay kalungkutan? Bakit hindi na lang laging masaya?

Sino bang walangyang nag-imbento ng kalungkutan na 'yan? Nakakainis siya ha.

Hays, nakakagaan pala talaga ang pag-iyak. Sana kasabay ng pagdaloy ng mga luha ko ay ang pagkawala ng sakit at lungkot na nararamdaman ko.


____________________________________
GABBY's POV

Ilang minuto rin akong nakaupo dito sa cubicle. Grabe! Ang sakit ng tyan ko, parang mailalabas ko na ata pati large at small intestine ko.

Walang'ya talaga ang bruhang 'yon eh.

Pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob ay inayos ko na rin ang sarili ko, hagardo versoza ang lola niyo ngayon. Pawis na pawis kasi ako eh, parang galing sa labanan ganern.

Okay sana kung ibang labanan 'yon pero ito? I kennaaaaat. Nakakahiya sa ibang pumapasok dito, syempre maririnig nila ang pagputok ng aking bulkan, duh.

Ang babaeng 'yon, talagang sobra-sobra ang kalokohan. Kulang na lang pakainin ka ng tae kapag gumanti eh.

Makabalik na nga lang do'n.

My stomach felt so empty, ilabas ba naman lahat ng laman. Kaloka, wrong timing din kasi nandito kami sa resto.

Paano ko malulunok ang mga pagkain kung galing ako sa matinding pagsubok? Ay di bale na, bawal umarte kung ayaw mong mamatay sa gutom.

Hindi pa ako nakarating sa pwesto namin no'ng napansin kong walang bruhang nakaupo ro'n. Aba'y nasaan na ang mujer? Iniwan na ata si akez!

"Hoy Erwin Heussaf! Nakita mo ba si Zabby?" tanong ko sa aking lovey dovey na anakshii ni Mang Tedz hihi.

"Ah umalis na eh, mga 10 minutes na"

(0_0)

Huwaaaaat?!

"Whaaaaat?! Bakit daw?"

"Hindi ko alam eh, basta nagmamadali 'yong umalis kanina. Sige, may ihahatid pa kasi ako eh"

Eh?

"Aay teka, ang pagkain namin?"

"Isusunod ko na pagkatapos nito" sagot niya sabay alis.

Nakakapagtataka naman. Bigla na lang siyang umalis ng hindi man lang nagpaalam sa'kin? Nasaan naman kaya nagpunta ang bruhildang 'yon?

Bumalik na lang ako sa pwesto namin at sinubukang tawagan si Zabby pero ang gaga, cannot be reach daw. Gaano ba siya kataas para di ko maabot? Ayy jusko! Mababaliw ako babaeng 'yon.

Bakit kaya siya umalis? Baka may emergency? Ebarg, di man lang ako ininform, ayt.

"Gabby?"

(0_0)

"Adrian? Ba't ka nandito? Diba you're in Cebu?" gulat kong tanong.

Parang multo naman ang hombreng ito, sumusulpot bigla eh, naku buti na lang wala akong sakit sa puso.

"Yeah pero bumalik ako rito to fetch someone. Nakita ako ni Eya at nagalit siya sa'kin. She even called me her ex-boyfriend" sagot niya, parang stress ang beauty.

"Who's that someone ba? Let me guess, mujer ano?"

"*sigh* Yeah, she's Rynchiel"

Aba'y kaya naman pala nagalit ang Lucresia dahil may snakeu naman palang umepal, di ko siya masisisi.

"Rynchiel? Naku, malamang nagselos 'yon. Sino ba namang hindi magagalit eh nagsinungaling ka sa kanya" pa ismid ko namang sagot.

Kalerke! Tinawag pa talaga siyang ex-boyfriend ni Zabby, sayang at wala ako sa oras na 'yon, iche-cheer ko pa sana siya, pfffft.

"I don't have the chance to explain everything to her, umalis siya eh"

"Eh ano bang gusto mong gawin niya? Tutungangers lang while looking at you and your someone huh?"

Jusko, ka-stress!

"No, I mean she don't have to be jealous because there's nothing to be jealous of"

Ay teka?

Ano raw 'yon?

Ba't ba ako ini-english ng gwapitong 'to? Am I America? No, I'm Philippines!

"Excuse me Sire but sorry not sorry, my bleeding is nose" reklamo sabay hawak sa ilong ko, naaamoy ko pa 'yong eeeewwwy!

"Hays! Why am I talking to you? I'm just wasting my time, I have to find her" inis niyang sabi sabay alis.

Abaaaa! Nag-init ang tenga ko do'n ah, siya pa naiinis ha.

"Tae nimo dong! Ayko'g ingles-inglesa, ibugsok tika ron!" sigaw ko pa sa kanya.

Shutang hombreng 'yon ah. Ramdam na ramdam ko pa ang pagpilantik este pagpintig ng pulso ko sa inasta niya eh, kainis naman.

Nagwa-warla na tuloy 'yong mga alaga kong dragon sa tiyan, hmmmp.

"Erwin Heussaf! Pagkain kooooo"

Best way para mawala ang inis, kumain ka na lang kasi gutom lang 'yan. Kung pwede lang, kainin ko pa ang hombreng 'yon eh.

____________________________________
ZABBY's POV

Wala sa sarili akong naglalakad, naglalakbay sa kung saan ang utak ko. Iniisip ko kung bakit niya nagawa sa'kin 'yon, naging mabuti naman ako sa kanya.

Siguro, nagsawa na siya sa'kin.

Gano'n na lang ba 'yon? Oo, ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Ang swerte naman niya kung siya ang makipaghiwalay diba?

P-pero nanahimik ako dati pero dumating siya at ginulo ang buhay ko, pinaramdam ang kasiyahan pero agad din namang binawi.

At ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Akala ko, siya na ang swerte ko pero hindi pala.

Siguro nga, pare-pareho lang ang mga lalake. Madali silang magsawa, h-hindi nila iniisip ang mga mararamdaman ng mga babae.

"H-hinding-hindi na talaga ako magmamahal ulit *sobs* A-ayoko na talaga"

"Lolokohin lang nila ako huhu"

"Adrian Lloyd, walangya ka! Pinagkatiwalaan kita tapos lolokohin mo lang ako? Kapal mo *sobs*"

"At ikaw naman Zabby, ang mal---------"

(0_0)

"Aaaaaaaaaaaahhhhhh!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top